M agkababata sina Renan at Chris. Naging magkaklase sila noong fourth year high school. Pareho silang kinse anyos. Dito nag-umpisa ang kanilang kuwento.
Taong 2005 ang taon ng kapayapaan. Ang bansang Israel at ang mga Palestino ay pumayag sa isang ceasefire at ang mga liderato nito ay nagdeklara ng “truce” at marami ang umasa na ito na ang tulay sa tuloy-tuloy na pagkakamit ng kapayapaan sa lugar na iyon. Si Prinsipe Charles ng Inglatera, sa kauna-unahang pagkakataon, ay inanunsiyo ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng matagal niyang katipang si Camilla Parker Bowles. Ang YouTube ay unang inilunsad sa Amerika. Si Cardinal Joseph Ratzinger ay nahalal na bagong papa sa Roma. Naabsuwelto si Michael Jackson sa kaso ng panggagahasa sa isang tinedyer. Pero ang 2005 ay taon din ng sakuna at trahedya. Nanalasa ang bagyong Katrina sa lalawigan ng Louisiana hanggang Florida na kumitil sa humigit-kumulang na dalawang libong katao at nanira ng bilyon-bilyong dolyar na danyos sa mga ari-arian. Sa Pilipinas, pitong katao ang nasawi at mahigit isang daan at limampu ang sugatan sa sunod-sunod na pagbomba ng mga hinihinalang miyembro ng Al-Qaeda sa mga lungsod ng Makati, Davao at General Santos.
Sa unti-unting pamumukadkad ng mundo ni Renan, nakahanap siya ng isang kaibigan kay Chris. Mahirap ang maging isang tinedyer na walang kaibigan. Solo siyang anak nina Atty. Ballesteros at ang kanyang maybahay na si Medy. Lumaki siyang takot sa kanyang ama at malayo sa kanyang ina kaya naman ang mga libro ang una niyang naging mga kaibigan. Naging katuwang sa kanyang paglaki ang pagbasa sa mga mundong ginagalawan ng mga tauhan sa panitikan. Hindi siya nagkaroon ng kaibigan sa elementarya. Kung hindi dahil sa mga istoryang binasa, hindi niya siguro malalampasan ang malungkot na buhay ng isang bata. At ngayong tinedyer na siya, lalo siyang nahirapang makahanap ng kaibigan. Maraming tanong sa isip na minsan ang tanging kasagutan ay ang pagkakaroon lang ng makakausap at makakasama. Naging malapit na magkaibigan sina Renan at Chris noong nagkasama sila sa Boy Scouts Sacred Heart College chapter. Nabanggit sa klase ng kanilang guro sa History na siyang scoutmaster din ng nasabing chapter na kapag sumali sila ay exempted sa ROTC subject. Dahil hindi paborito ni Renan ang magmartsa at magbilad sa parade grounds sa kainitan ng araw, naisip niyang sumali.
Isang hapong makulimlim, pumasok si Renan sa isang kuwarto sa likod ng kantina. Doon gaganapin ang unang meeting para sa mga bagong recruit na Boy Scout. Umupo siya sa gawing likuran. Hindi siya napansin ng mga naroroon at wala rin siyang kakilala. Mayamaya, umakyat sa platform si Mr. Sangalang, ang kanyang guro sa History.
“I know why you are all here, dear recruits,” maliwanag na esplika ni Mr. Sangalang. “You want to be exempted from the ROTC training. But being a Boy Scout is not all about getting exempted. It requires a lot of training and hard work. Are you all set for this?”
Malakas na “yes” ang narinig sa mga bagong recruit na naroon. Huling dumating si Chris. Tumabi ito kay Renan sa bandang likuran.
“Kanina pa ba nag-umpisa? Na-late ako kasi galing pa ako sa practice ng basketball tryouts.”
“Kaka-start pa lang,” matipid na sagot ni Renan.
Mula noon, naging matalik na silang magkaibigan. Nadiskubre ni Renan na pareho pala silang mahilig sa musika kahit magkaiba sila ng taste. Paborito niya sina Gwen Stefani, ang Pussycat Dolls, at ang bandang Garbage. Si Chris naman ay gustong gusto ang mga kanta nina Jason Mraz at James Blunt. Mahilig din silang manood ng sine. Naiyak si Renan sa Brokeback Mountain at Memoirs of a Geisha , mga pelikulang hindi sineryoso ni Chris.
“Pambabae naman `yang mga pelikulang gusto mo, Renan,” mabilis na komento ni Chris. “Dapat mga Final Destination at The Fast and the Furious ang pinanonood mo. Panlalaki ang mga `to.”
“Puro naman mga takutan at sagasaan ang mga kuwentong `yan. Walang artistic value,” depensa naman ni Renan.
“Kesa naman sa mga gusto mo na puro geisha at kabaklaan.”
“Hoy, bago naging pelikula ang mga `yan, nobela muna sila. Sinulat sila ng mga magagaling na writers na nabasa ko na. Mga movies na gusto mo, pulp!”
“Ano’ng pulp?”
“`Di mo alam `yon. Magbasa ka nga para malaman mo.”
“Grabe, iniinsulto mo na ako, ah!”
Hindi na kikibo si Renan pero bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Magtatawanan at magkikilitian sila. Kahit magkasalungat ang mga interes nila, nagkakasundo sila.
Minsan, nagkaroon ng skills development camp ang Boy Scouts ng Sacred Heart College sa Sapang-Bato bilang paghahanda sa nalalapit na National Boy Scout Jamboree na gaganapin sa Camarines Sur sa Pebrero. Dito, nag-usap na mag-ensayo ang patrol nina Renan at Chris. Ang patrol leader nilang si Menandro ang nagsagawa ng kanilang training.
“Patrol members, dahil ni-require ang ating patrol sa knot-tying at lashing demonstrations ng Angeles City chapter, dapat tayong mag-practice ng tama at mabilis na pagbuhol at pagtali,” malakas na sigaw ni Menandro sa mga kasama. Ramdam na ramdam niya ang pagiging pinuno ng patrol. “Ricky, `kaw ang bahala sa overhand knot. Pinakamadali `to kaya dapat, magawa mo nang `di lalampas sa three seconds. `Kaw, Chris, ang figure of eight. Si Oliver ang square knot. Si Larry ang shawshank knot at si Miguel ang bowline knot. `Yong mga `di natawag, ilalagay ko sa lashing. Pati ako, kasama doon.”
Tahimik na nakaupo sa isang sulok si Renan, katabi si Chris.
“`Kaw, cactus.” Tinuro ni Menandro si Renan. “I-demonstrate mo nga sa amin kung pa’no gawin ang square lashing gamit ang mga lubid na `to at mga kahoy doon.”
Atubiling tumayo mula sa pagkakaupo si Renan at lumapit sa patrol leader.
“Ba’t cactus ang tawag mo sa kanya, pare?” tanong ng isang kapatrol nila.
“Eh kasi, ‘di nagsasalita. Si Chris lang ang palaging kausap. Parang mag-asawa na sila,” buong pagmamalaking lahad ni Menandro. Nagtawanan ang buong patrol. Hindi kumibo si Chris pero kitang tumigas ang kanyang pisngi sa narinig. “O, cactus, pakitaan mo nga kami ng `yong galing sa pagtali.”
Hindi ininda ni Renan ang ang mga pasaring ng kanilang lider. Tinumpok niya ang mga kahoy at sinimulang itali. Bago pa man niya naibuhol ang tali, nagkalas-kalas na ang mga kahoy. Muling nagtawanan ang mga kasama niya. Nakadalawang ulit siya ng pagtali bago niya nagawang ipagdikit ang mga kahoy. Nang matapos siya, lumapit si Menandro para hawakan ang gawa niya. Bahagyang inusog-usog nito ang mga kahoy at naglaglagan ang mga ito sa lupa.
“Girl ka ba, cactus? Ba’t ang lamya mong magtali? Tingnan mo’ng ginawa mo, mas malakas pang magbuhol sa `yo ang baby.”
Lalong bumunghalit ng tawa ang mga miyembro ng patrol. Malutong at malakas ang kanilang mga halakhak. Naramdaman ni Renan na uminit ang kanyang mga tainga sa hiya at lait na narinig mula sa kanilang patrol leader.
“`Di marunong magbuhol ang baby.”
Sinipat ni Renan kung saan nanggaling ang nagsabi nito at nahuli niyang si Chris `yon na nasa tabi niya.
Tumigil ang ilang miyembro sa pagtawa.
“Ano’ng sabi mo?” ulit ni Menandro sa nagsalita.
“Sabi ko, `di marunong magbuhol ang baby. `Wag mong ikompara si Renan sa sanggol.” Tumayo si Chris at hinarap si Menandro. Ngayon lang napansin ni Renan na mas mataas pala si Chris kaysa sa lider nila.
“Papalpak tayo sa demonstration kung ganyan magbuhol ang asawa mo.”
Gumitgit ang mga ngipin ni Chris sa itaas at ibaba ng kanyang bibig. “P’wes, turuan mo s’ya nang maayos. `Wag kang mang-insulto. Lider ka pa naman. `Kaw ang unang-unang bumubunganga d’yan. `Yan ang totoong ugali ng babae.”
“`Tado `to ah!” Tinulak ni Menandro si Chris nang buong lakas kaya nasalya ito sa pasamano. Bumangon ito at gumanti. Sinuntok si Menandro sa panga. Nagkarambulan. Nataranta ang mga miyembro ng patrol kaya mabilis nilang inabisuhan ang kanilang scout master sa namumuong gulo sa labas ng kanilang tent.
“I don’t want to have another fight of this kind in this camp, do you hear me?” giit ni Mr. Sangalang habang pumulandit ang laway nito mula sa kanyang bibig. “You guys are Boy Scouts. You should learn the value of kinship, camaraderie and brotherhood. Kapag may nagbuntalan pa sa inyo, pauuwiin ko kayo at `di na kayo makakabalik dito.” Dinampot ni Mr. Sangalang ang kanyang sumbrero at tumayo sa harap. “I’m warning all of you!” Taimtim na pinanlisikan niya ng mata ang mga miyembro bago ito umalis.
Sa loob ng tent, akmang pupunasan ni Renan ng bimpo ang mga pasa sa mukha ni Chris pero iniwasan siya nito.
“Ano’ng ginagawa mo?” buwisit na tanong ni Chris.
“Pupunasan ko lang `yong mga sugat mo,” mahinahong paliwanag ni Renan.
“Babakla-bakla ka kasi. Kundi dahil d’yan sa kalambutan mo, `di tayo masasama sa gulo.”
“Hindi ko naman sinabing sagut-sagutin mo si Menandro.”
“Kasalanan ko pa ngayon na me mga pasa ako?”
“Kaya nga nilagyan ko ng yelo ang bimpo na `to para maipatong ko d’yan sa mukha mo.” May halong inis sa boses ni Renan pero pinilit niyang intindihin ang kausap. Gusto rin naman niya ang nararamdaman ngayon. Pakiramdam niya, girlfriend siyang binastos ng mga lalaki at ipinagtanggol ni Chris.
“Akala mo siguro, syota kita na ipinagtanggol ko sa mga `yon, `no?”
Naudlot ang pantasya ni Renan. “Hindi no! Akin na nga `yang mukha mo. Huwag ka nang maarte at `pag `di nalagyan ng yelo `yan, mamamagang parang kamatis `yan.” Lumapit si Renan sa mukha ni Chris at ipinatong ang malamig na basahan. Medyo napaigtad si Chris pero kinalma siya ni Renan.
“Matuto kang lumaban, Renan. `Di sa lahat ng oras, may magtatanggol sa `yo,” usal ni Chris habang nakapikit.
Hindi masyadong narinig ni Renan ang sinabi ni Chris. Abala siya sa pagpunas sa mukha nito. May namuong ngiti sa mga labi niya. Itinuloy niya ang kanyang naunsiyaming pantasya. Na isa siyang nobya na ginagamot ang pasa ng kabiyak. Nobya siya ni Chris.
Sa pagdaan ng mga araw, naging mas palagay ang loob nila sa isa’t isa. Tinuruan ni Renan si Chris sa mga gawaing pang-akademiko, lalo na sa mga takdang-aralin na hindi nito kayang gawin. Minsan, doon na siya natutulog sa bahay nila kapag inaabot sila ng gabi. Kung ang mga assignments ay may kinalaman sa book reports, o pagsulat ng tesis, alam ni Chris na si Renan ang tagasalba niya. Si Chris naman ay malugod na tinanggap ng pamilya ni Renan bilang matalik niyang kaibigan. Tinutulungan naman niya si Renan sa mga projects nila sa eskuwelahan lalo na sa Practical Arts kung saan sila nagtatanim sa garden o nagpupukpok ng mga kahoy para gawing frame o lamesita.
Minsan isang Sabado, nagkaroon ng mahalagang kumperensiya ang mga abogado sa Region III sa Maynila. Napagpasyahan ni Atty. Ballesteros na isama ang kanyang maybahay. Kinabukasan na ng hapon ang kanilang balik sa Angeles. Dahil naiwang mag-isa si Renan sa bahay, tinawagan niya si Chris para yayaing doon na matulog. Tutulungan niya ito sa pagso-solve ang mga quadratic equations na ginawang takdang-aralin ni Ms. Henson, ang kanilang guro sa Algebra. “Siguradong sa Lunes, magbibigay na naman ito ng recitation at ako na naman ang tatawagin sa white board para mag-solve ng mga mathematical problems,” sumbong ni Chris sa kanya. “Paborito ako n’on palibhasa matandang dalaga.”
Gabi na nang dumating si Chris sa bahay nina Renan. “Ang tagal ng training sa basketball namin,” paalam nito.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Renan.
“Ano ba’ng pagkain n’yo?”
“Nagluto si Mama ng pochero baka daw dumating ka. May fried chicken. Meron ding fruit cake.”
“Sige, initin mo `yong pochero at papapakin ko `yong manok. Ilabas mo na rin `yong cake. Magbibihis lang ako at puro pawis `tong suot ko,” mabilis na pumasok si Chris sa kuwarto ni Renan para magpalit.
Ibinababa ni Renan ang mga plato at kubyertos sa hapag-kainan nang lumabas mula sa kuwarto si Chris. Manipis ang suot nitong kamisetang puti at hapit ang maikling shorts na asul. Napatingin si Renan sa malagong buhok nito sa hita at binti. Mayroon na ring bahagyang buhok na tumutubo sa dibdib nito. Mamasa-masa pa ang may kahabaan nitong buhok at habang pinupunasan niya ng maikling tuwalya, sumisilip ang malagong buhok nito sa kilikili.
“Naligo na ako kasi ang init.”
Hindi pa rin maalis ni Renan ang pagkakatingin kay Chris. Hawak-hawak pa rin nito ang mga kutsara at tinidor.
“Ba’t parang nakakita ka ng multo?”
“Wala.” Napalunok si Renan. Asiwa niyang ibinaba ang mga kubyertos sa mga pinggan.
“Bakit, naseseksihan ka sa akin, `no? Aminin mo.” Itinaas niya ang kaliwang braso at ipinatong sa kanyang ulo habang ang kanang kamay ay itinaas ang kamiseta para ilabas ang pusod na balbon. Bahagyang binaba nito ang garter ng shorts at brief. “Yummy ba `ko?”
“Gago. Yucky `ka mo!”
“Hu, `wari ka pa. Kitang-kita ko naman na tameme ka d’yan.”
“`Di lang ako sanay na makita kang nakahubad.”
“`Di po ako nakahubad. Me suot pa `ko. Bakit, gusto mo `kong makitang talagang hubad?”
Nataranta si Renan. Hindi alam kung ano ang unang gagawin, ang pagsalin ng tubig sa baso mula sa pitsel o ang pagsandok ng kanin sa bandehado. “Ano ba’ng pinagsasabi mo? Kumain ka na nga. Gutom lang `yan.”
Unti-unting tinanggal ni Chris ang suot na kamiseta habang kumakanta ng “Everything I Do, I Do It for You” ni Bryan Adams. Nagsimula siyang umindayog na parang macho dancer.
“Hoy, ano ka ba? Baka dumating sina Daddy,” babala ni Renan.
“Bukas pa sila darating,” walang kibot na sagot ni Chris. Patuloy pa rin siya sa paggiling.
“Baka may kapitbahay na makakita sa `yo.”
“Wala kayong kapitbahay. Nasa States na sila lahat. Tagabantay lang ang nand’yan.”
“Baka makita ka ng tagabantay.”
“Tulog na `yon.” Lumapit si Chris kay Renan. Kinuha niya ang mga tinidor na hawak nito sa kamay at ipinatong sa mesa. Inabot niya ang kamay at inilapat sa hubad niyang balikat. Ang isang kamay naman nito ay tinulungan niyang igala sa kanyang dibdib, sa utong, pababa sa puson. Ikinadyot nito ang kanyang harapan kay Renan.
Nanlumo si Renan kaya napasandal siya sa mesa. Pero pikon siyang nagsalita. “Tumigil ka nga, Chris! Puro ka biro. Kumain ka na. Kelangang maumpisahan na natin ang pagso-solve ng Algebra at baka mangamote ka na naman kay Ms. Henson sa Lunes. Hubad-hubad ka pa d’yan!” Padabog na pumasok si Renan sa kuwarto, habol-habol ang hininga.
“Joke time lang. `To naman, `syadong seryoso,” katwiran ni Chris habang isinusuot pabalik ang kamiseta.
Mahirap turuan si Chris. Medyo mahina ang pick-up nito pagdating sa mga araling akademiko. Kailangang ulit-ulitin ni Renan ang mga pagsasanay bago niya makuha. Kapag pinapa-solve ni Renan kay Chris mag-isa ang mga equations, kinukunot na lang nito ang kanyang noo at sinasalubong ang dalawang makakapal na kilay. Parang sumasamo sa kanya na tulungan siya. Kapag nawawala si Chris sa paglutas ng mga mathematical problems at nakatutok sa papel, parang may dagok na sumusuntok sa puso ni Renan. Mula nang makita niya itong humahangos papasok sa kuwarto noong unang pulong nila sa Boy Scout, alam niyang may hagod na sa pakiramdam niya ang kaibigan. Alam niyang noon pa lang sa meeting na iyon, minahal na niya si Chris.
“Hirap naman ng problem na `to, Renan. Wala bang mas madali?”
“Lahat ng pinapa-solve ni Ms. Henson sa whiteboard, walang madali. Kaya mo `yan, mag-concentrate ka lang.”
Habang abala si Chris sa pag-compute at naka-squat sa upuan, panakaw na sasalatin ni Renan ang malagong buhok nito sa likod. Ipapatong niya nang marahan ang kanyang hindi mapakaling kamay sa balikat nito at papagpagin ang dumi at alikabok na kunwari ay nasa kamiseta nito. Susubukan niyang ilapit ang kanyang mga labi sa tainga nito at mag-iilusyon siyang sinasabi ang mga katagang: Mahal na mahal kita, Chris.
“Ano’ng ginagawa mo?” balikwas na tanong ni Chris sa kanya.
“Sinisilip ko `yong computation mo sa papel kung tama,” biglang rason ni Renan.
“`Yoko na! Sakit na ng ulo ko.” Isinandal ni Chris ang kanyang likod sa sopa at sinalat ang sentido gamit ang magkabilang palad. Nakabukaka ito at nakaangat ang laylayan ng kamiseta kaya sumusungaw na naman ang malagong buhok nito sa puson. Ang tambok sa maikling shorts nito ang siyang nagpatuyo ng lalamunan ni Renan kaya pumasok siya sa banyo para maligo.
Ano ba itong nararamdaman ko kay Chris? Pagmamahal ba ito o pagnanasa lang? Bakit ginawa ni Chris ang sumayaw kanina sa harap ko nang ganoon? Sini-seduce ba n’ya ako o sinusubukan lang? Alam naman n’yang malambot ako pero parang wala lang sa kanya. Ilang beses na rin niya akong ipinagtanggol at ipinaglaban. Isinasama pa niya ako sa kanila. Minsan nga, doon pa ako natutulog. Pero ngayon ko lang siya nakitang naka-shorts at nakakamiseta. Dati, T-shirt at pajama ang suot niyang pantulog. At hindi ko siya nakitang nagbihis sa harap ko. Bakit itinaon pa niyang ganoon ang suot sa bahay namin? Alam niyang wala akong kasama dito ngayong gabi. Hindi ko na kakayaning itago pa itong nararamdaman ko sa kanya. Sasabihin ko na ba sa kanya ngayong gabi? Paano kung mandiri siya sa akin? Paano kung kaibigan lang pala ang turing niya sa akin? Pero kung hindi ako mangangahas magtapat, paano ko malalaman? Siya na rin ang may sabi na dapat matuto akong lumaban at maging matatag. Si Chris na ang pinakamahalagang nangyari sa buhay ko. Wala akong maipapangako sa kanya kundi ang katotohanan.
Matagal na naligo si Renan. Ang banyong iyon ay nagmistulang confessional ng kanyang mga tunay na saloobin. Ang shower ang naging pari sa kanyang pangungumpisal at ang sabon ang mahiwagang rosaryo.
Lumabas siya sa banyo at nakita niyang nakahilata pa rin si Chris sa sopa. Tulog at nakalaylay ang isang hita habang ang isa naman ay nakapatong sa mesa na puno ng mga kuwaderno at libro na gamit nila kanina. Mahina ang hilik nito. Pinagmasdan ni Renan ang kabuuan ni Chris. Maamo ang mukha nito na bumagay sa kanyang morenong balat. May tumutubong bigote sa itaas ng kanyang nakaumbok na bibig. May nunal ito sa kaliwang balikat. Ang sabi ng nanay niya noon ay nakatakda raw mahirapan ang sinumang may nunal sa balikat. Malas daw iyon kasi parang ang kalbaryo daw ni Hesus ang isinasabuhay ng taong may ganoon. Nakalimutan na ni Renan ang iba pang sinabi ng kanyang ina dahil sumentro ang kanyang paningin sa nakabakat sa shorts ni Chris. Kumislot ang nasa loob nito na parang nag-aanyaya. Lumuhod sa gilid si Renan at marahan niyang sinalat ang nakabakat. Matigas at naghuhumindig ito. Hinigpitan niya ang pagpisil. Mahinang ungol ang narinig niya mula sa natutulog na kaibigan. Inilapit niya ang kanyang bibig sa bahagyang nakangangang bibig ni Chris. Hinalikan ito. Marahang inilabas ni Renan ang kanyang dila para basain ang tuyong bukana ng bibig nito. Bumalikwas si Chris. Napaupo sa karpet si Renan. Hindi maipaliwanag ang matinding gulat ng dalawa sa isa’t isa.
“Ano’ng ginagawa mo?” mariing tanong ni Chris. Ito rin ang naalala ni Renan na tanong sa kanya ni Chris noong hawak-hawak niya ang bimpo noon para punasan ang mga sugat niya.
“Mahal kita, Chris. A-alam kong mahal mo rin ako,” nanginginig na sambit ni Renan.
“Gago ka ba? Hindi kita mahal! Lalaki ako!” Galit na galit si Chris at akmang susuntukin si Renan.
“Sige, suntukin mo ako. Wala ka nang pinagkaiba sa mga taong nanukso at nanlait sa ‘kin.”
“Tarantado ka, hinalikan mo ako! `Tang-ina mong bakla ka!” Halos malapnos ang bibig ni Chris sa madiin niyang pagpunas nito ng tuwalya.
“Nandidiri ka na ngayon sa `kin dahil bakla ako? Eh kanina lang, sinasayawan mo pa `ko ng kabastusan mo. Sasayawan mo din ba nang ganoon si Menandro kung alam mong bakla siya?” malakas na giit ni Renan. Hindi siya makapaniwalang masasabi niya ito sa kaibigan.
“Ano’ng gusto mo? Mahalin din kita?”
“Mahal kita, Chris. First day pa lang sa klase, gusto na kita.”
“Gusto mo `ko? `Tang-ina mo! Ang kapal ng mukha mo. Mga bakla ang salot ng mundo! Gago ka, tarantado ka!” Gusto ni Chris na basagin ang mukha ni Renan pero hindi niya magawa kaya sinuntok na lang nito ang pader. Dumugo ang kamao nito. Lalapit sana si Renan para alalayan si Chris pero pinigilan siya nito.
“`Wag kang lalapit sa `kin, `tang-ina mong bakla ka! Nandidiri ako sa ‘yo. Mula ngayon, `wag mo na akong kakausapin kahit kailan, sa campus man o kahit saan. Hindi na tayo magkaibigan.”
Basa na ng magkahalong luha at pawis ang mukha ni Renan. “Mahal kita, Chris.”
“`Tang-ina mo!” Dali-daling kinuha ni Chris ang kanyang mga gamit at tumalilis.