noveltoon logo noveltoon
Kadenang Bahaghari

Chapter 15

Ch. 15 / 27 Feb 09, 2022

Paborito ni Dr. Edward Billings na ang kape niya ay mainit at black. Mula nang magbukas ang Starbucks sa North Las Vegas ilang taon na ang nakararaan, alam niyang magiging regular customer na siya dito. Hindi na niya kailangang bumili ng bago at palitan ang kanyang coffee maker na bumigay na at namaalam kahit lumakas ang kanyang konsumo sa pag-inom ng kape sa pagdaan ng araw. Ang isang doktor na gaya niya na ipinanganak para lumutas ng gabundok na problema sa mga pasyenteng samu’t-sari ang dalang mga suliranin, mga kompanyang medikal na kailangang mag-deliver ng supplies sa tamang oras at ang regular na pagsasaayos ng pagpapatakbo ng isang klinika, ay kailangan laging may isang tasa ng kape sa tabi. Kaya nang magbukas ang isang Starbucks outlet sa tabi ng klinika nila, isang mainit na Hulyo dalawang taon na ang nakararaan, itinuring niya iyong hulog ng langit sa kanya.

Hindi siya taga-Las Vegas. Ipinanganak at lumaki siya sa O’Fallon, Illinois, isang maliit na bayang malapit sa border ng Missouri. Sa maraming pagkakataon, mas naramdaman niyang isang residente ng Missouri kaysa Illinois. Mas maraming pagkakataon na nalibot niya ang St. Louis kaysa Chicago o Springfield na mga pamosong siyudad ng Illinois. Sa St. Louis, bata pa lang ay nakapasyal na siya sa Gateway kung saan ginugunita ng isang malaki at pamosong arko ang Lewis at Clark ekspedisyon sa kanluran. Ito ang sinasabing hudyat sa kasaysayan ng Amerika ng ginawang paglalakbay para madiskubre ang buhay sa kanluraning bahagi ng bansa. Naisip niya na balang-araw, mahahalughog din niya ang buhay sa labas ng lalawigang iyon, hindi sa pagiging explorer kundi bilang isang tao ng siyensiya.

Nag-aral siya ng medisina sa University of Missouri at sa pagdaan ng araw ay tumulak papuntang California para maging dalubhasa sa larangan ng dermatology at cosmetic surgery. Naging matagumpay naman siya sa napiling karera at naging kilalang doktor sa Los Angeles. Nagkaroon siya ng maraming kliyente sa Hollywood, karamihan dito ay mga laos na artista at matatandang matrona na ginawang personal na debosyon ang maging imortal. Sa paglipas ng panahon, napagod na rin siya sa banidosang kalakaran sa Hollywood kaya nang magkaroon ng pagkakataon na magdesisyon ang kanyang partner na doktor na si Dr. Greg Atkinson na magtayo ng isang klinika sa Las Vegas, sumama na siya. Ang klinikang kanilang itinayo ay malapit sa Las Vegas Strip. Dito, ang kalakaran ay hindi kasing tagumpay ng West Hollywood pero mas tahimik at mas kaunti ang kinasusuotang mga problema. At ngayon nga, limang taon na ang nakararaan, hindi pa rin humihinto si Ed sa pagpapalawig ng kanyang propesyon. Kung sana ay may mahanap ako na lugar na makapagbibigay sa akin ng mainit na kape, ituturing ko na itong isang paraiso, busal ni Ed sa sarili. Kaya ang pagkakalunsad ng Starbucks sa kabilang kanto ay mistulang orakulo ng Delphi na patuloy na naghahatid sa kanya ng mabuting balita.

Tumunog ang kanyang cell phone. Nagmamadaling sinagot iyon ni Ed habang hinahalo ang kanyang order.

“Hello.”

“Where are you, Ed?” malakas na tanong ang narinig niya sa kabilang linya. Nakalimutan niyang i-off ang speaker kaya mistula itong mikropono sa isang kapulungan. Mabuti na lamang at hindi gaanong marami ang mga customers sa Starbucks nang mga oras na `yon.

“I am here. Just sipping my coffee. I’ll be right there.”

Pinatay niya ang cell phone. Alam na niya ang ibig sabihin nito—May naghihintay na pasyente sa klinika. Siguradong nangangailangan na naman ito ng tulong. Ng kanyang tulong. Matagal na niyang alam ang ibig sabihin nito. Nang manumpa siya ng Hippocratic Oath nang makatapos ng m edisina, inilaan na niya ang kanyang sarili sa pagtugon sa tawag ng bawat pasyente. Maraming mga tumuligsa sa kanyang napiling propesyon, mga kaibigang doktor na mas pinili ang ibang espesyalidad. Maski ang kanyang mga magulang na ang akala ay pagiging isang siruhano ang kanyang hilig. Isang siruhano rin ang pagiging dermatologist at cosmetic surgeon, katwiran niya. Taon ang ibinilang bago tuluyang natanggap ng mga magulang ang kanyang napiling propesyon. Hindi rin siya sigurado kung natanggap na talaga nila iyon. Pareho lang naman ang ginagawa nilang lahat na maninistis. Pare-pareho silang makabuluhan. Kahit sinasabi ng marami na ang pagiging banidosa ng tao ang siyang ugat kaya siya kumikita ay hindi pa rin mapapasubalian ang importansiya at kahulugan ng kanyang trabaho. Ano’ng masama sa pagbabanat ng mga linya o pagbabawas ng pilegis sa mukha, o ang pagtatanggal ng ilang litid sa ilong para tumangos ito? May pinagkaiba ba ito sa propesyon ng ibang mas kinikilalang siruhano? Ang isang maninistis ay nagtatanggal ng tumor sa atay o bato ng isang pasyente. Ako ay nagtatanggal ng kulugo at hindi kanais-nais na nunal sa mukha ng pasyente. Habang nag-i-isis ng glaucoma ang isang espesyalista sa mata para maalis ito sa cornea ng isang pasyente, tinutunaw ko naman ang taba sa bilbil niya. Pare-pareho lang ang aming trabaho. Para matulungan ang pasyente sa kinakaharap niyang problema sa kalusugan, ito man ay may kinalaman sa kanyang puso o sa kanyang suso. Walang nakalalamang. Walang nadedehado.

Madali niyang kinuha ang tasa na kalahati na lang ang lamang kape at humayo na palabas ng pinto.

Ang klinika nila ay may kalakihan kompara sa ordinaryong klinika ng skin care sa Las Vegas at doble ang laki sa naging puwesto nila sa West Hollywood na mistulang bahay ng kalapati sa liit at sa dami. Napapalamutian ang buong klinika ng kulay puti: ang malaking sopa sa gitna, ang mga dingding, pati na rin ang mga paso ng mga maliliit na halaman na namumulaklak tuwing summer. Pangalan ng apat na doktor ang malinis na nakaukit sa pintong babasagin sa harapan—Greg Atkinson, Edward Billings, Dean Harry Hulley, Vittorio Da Costa, Cosmetic Surgeons. Isang puting counter sa bukana ng pintuan ang makikita na nagsisilbing tarangkahan para sa mga pasyenteng nagnanais makamit ang pangako ng bukal ng kabataan. Nakasalansan ang isang makapal na bunton ng mga records logbook sa isang istante na pininturahan ding puti. Ang mga business permit at sertipiko ay masinsing naka-frame sa isang bahagi ng dingding na gawa sa pulang laryo at terra cotta na tahasang nagpapakita ng kaugnayan at kadalubhasaan ng apat na espesyalista sa larangan ng cosmetic surgery, plastic surgery at dermatology.

Malakas na binuksan ni Ed ang pintong salamin na nagpatunog sa isang kampanilyang repeke na nakasabit sa bukana. Nagulat si Rosita, ang Puerto Ricanang sekretarya na masusing nag-aayos ng mga papeles sa counter.

“Where’s Greg?” tanong ni Ed, habol-habol ang hininga.

“In the office, with a patient,” sagot ni Rosita na sa tindi ng gulat ay minabuti nang hindi tingnan ang kausap at ibinaling na lang ang tingin sa pag-aayos ng mga kagamitan sa counter.

“Thanks,” nagmamadaling pumasok si Ed sa loob at wala sa sarili na ipinatong nito ang paper cup ng kapeng hawak niya sa reception table na ikinairita ni Rosita. Nang wala na si Ed sa counter, kinuha nito ang paper cup at padabog na itinapon sa basurahan sa gawing likuran, umiiling-iling.

Prenteng nakaupo sa kanyang silya si Greg habang nakikipag-usap sa taon g nakatalikod nang pumasok si Ed. Tumayo ito at masayang ipinakilala si Ed sa kausap na pasyente. “This is Dr. Edward Billings, one of our specialists and arguably, one of the best in the country in cosmetic surgery. Ed, this is Reneé Balleysterows. Did I get your name right?”

Itinikwas nang marahan ng pasyente ang kanyang buhok at iniabot ang kamay sa ipinakilala habang kausap pa rin si Greg. “You most certainly did. Just a little affectation because you’re white. But call me Reneé.”

“Hi.”

“Hi, Dr. Edward. You don’t mind that I call you Dr. Edward?”

“Oh, no, I don’t. Please. Just don’t call me Billings. It sounds like payment.”

Tumawa silang lahat.

“So, Ed. Reneé and I were just talking about his… her desire, sorry about that, to undergo surgery and I already have given some points and options as to how to go about it. I’m not really a good talker about these things. I’m sure Ed is better at this. Go ahead.” Hindi maalis ni Ed ang tingin sa bagong kausap sa kabilang silya. Sinenyasan siya ni Greg na manguna sa kanilang pag-uusap.

“Oh, sorry. Uhm, how advanced are you?”

Kumunot ang noo ni Reneé. “Advanced, what do you mean?”

“I mean, what steps have you already taken? Is this your first time to see a specialist?”

“No, I’ve been taking some hormonal pills to regulate my voice and for this—” s inalat niya nang marahan ang kanyang dibdib. “I was seeing this doctor in San Francisco when I was still working there but now that I have finally settled here in Vegas, I guess I have to find a new one, don’t I?”

“You’ve come to the right place, Reneé,” maganang sambit ni Greg pero mabilis ding itinikom ang bibig nang hindi siya pinansin ng dalawang kausap.

Kinuha ni Ed ang isang notebook na nakasilid sa loob ng bag sa gilid ng kanyang upuan. “Do you really wanna do this?” Nagsimula siyang magsulat.

“What do you mean ‘do you wanna do this’? I’m here, am I not?” Bahagyang namula ang mukha ni Reneé at hindi sinasadyang napisil ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang leeg.

“I’m saying that one has to be not just physically prepared for this. A lot of things go on in the mental and psychological state of the patient. A lot of our clients who come here feel they’re absolutely determined to do this. And then a few weeks later, things change. They get depressed, or anxious, or conflicted. I just wanna make sure that, initially, we won’t be having this kind of problem.” Nangatuwiran si Ed at nagsalita na parang isang espesyalista na nagbibigay ng lecture hinggil sa cosmetic surgery sa isang de-kalidad na pamantasan. Pero alam niya na isang pasyente lang ngayon ang nakikinig. Sinabi niya ito na may diin pero may puso.

“I am ready. I’ve been wanting to do this since I was a scrawny little boy back in the Philippines,” tarantang banggit ni Reneé.

“Oh, you’re a Filipino. We have quite a number of Filipino patients here. They work here in Vegas as showgirls,” biglaang sambit ni Greg.

Seryosong tiningnan ni Reneé si Greg. Hindi ito ngumiti. “I’m not a showgirl nor a drag queen. I don’t do this for a living. I just wanna do this, period.”

Pakiramdam ni Greg ay nabatukan siya ng makalawang beses. Nagpasya siyang manahimik na lang at hayaan si Ed na mag-esplika sa kanilang kausap.

“Okay,” sabad ni Ed. “Now that we have cleared that out of the way, let me tell you that this’ll take a long and tedious process. Is it okay if we maintain a time frame, a sort of schedule, so we can check if we’re making progress or not? We don’t have to start anything yet. It’s better if we both are sure that we can do this.”

“If you’re thinking about the payment, I wanna tell you that it won’t be a problem. I’ve saved all my earnings for this.”

“No, I wasn’t even thinking about that. I can see that you really wanna do this. I just would like us to kinda coast along so that we wouldn’t stumble along the way. Understand what I’m saying?”

Tumango-tango si Reneé.

“Tell you what, I’m a good counselor, too. I’d like to find out who you are before we begin any kind of treatment. I need a psychological profiling of our patients here. Is that all right with you?”

“I don’t see any harm in that, Dr. Edward. I’m just curious. Do you do that to all your patients here? Psychological profiling?”

“Oh, yes, when they’re new patients. Like any sickness, we have to see the complete diagnosis of the patient before we conduct any kind of treatment.” Binalingan uli ni Ed ang kanyang notebook at padaskol na nagsulat. Mabilis ang kanyang pagsusulat.

“Oh, is this sickness?” Nagsimulang maging seryoso na naman ang mukha ni Reneé. Bakas ang matinding pag-aalinlangan.

Bahagyang naramdaman ni Ed ang sigid ng tanong ni Reneé. “I don’t mean it in the way it sounded. I was talking about any kind of analysis. We have to carefully cross the factors out so we can prescribe the right treatment or medication. I hope I didn’t offend you.”

“You’re sensitive. I wasn’t offended. I’m happy that you’re forthright with me. Thank you for thinking about your patients first. I thought doctors are all for the money.” Napawi ang alinlangan sa mukha ni Reneé. Ngumiti ito nang matiwasay.

“Some doctors are, I believe. But not me. Not the two of us. You have two honest doctors before you now.” Ngumiti rin si Ed.

“No wonder you don’t wanna be addressed Dr. Billings. That’s not who you are.”

“Guilty. Now, you know my secret.” Idiniin ni Ed ang dalawang kamay sa kanyang dibdib at marahang iniyuko ang ulo.

Sabay na nagtawanan ang dalawa. Hindi malaman ni Greg kung ano ang sasabihin o gagawin. Nakisabay na lang siya sa pagtawa.

“Let me give you my card and we’ll talk again.” Inilabas ni Ed ang isang puting card sa kanyang pitaka at inabot ito kay Reneé.

Marahang pinaltik-paltik ni Reneé ang card sa kanyang baba at hindi inalis ang tingin sa kausap na doktor. “I am certain we will.” Kinuha nito ang bag na nakasabit sa upuan at maluwat na lumabas ng opisina, dinig ang taguktok ng kanyang stilleto.

“Boy, isn’t she something?” Sinulyapan ni Greg ang kausap.

Nagkunwaring may hinahanap si Ed sa kanyang briefcase. Bistado niyang isang pasabog itong si Greg at hindi siya tatantanan nito oras na may makita siyang ga-karayom o ga-hiblang interes sa gustong niyang tumbukin. “She’s all right.”

“No, she’s your type, Ed. I know she is.”

“Greg, she’s our new patient. Don’t even try to insinuate this to her or else she might go nuts.”

Humiyaw si Greg at humalakhak. “What’s with this psychological profiling bullshit you just pulled from her? Man, you sounded convincing. I thought you’d be selling car plans or something and she’d immediately buy them.”

“You don’t do that? No wonder we have a lot of crazies in our lot. Most of them are your patients, I presume.”

“Oh, ho ho ho, you mean you’re really serious about that?”

“Look, Greg. When I saw her, I thought she looked like she’s gone through a lot. I just wanna make sure she’s ready for this. Maybe she’s just broken-hearted. Or torn and conflicted. Or maybe she’s just doing this for revenge. Having a sex-change operation is not a walk in the park. It’s fucking serious, man.”

“So, are you serious about her?”

“Don’t fuck with me, Greg.”

“I know you, Ed. Last time you had a relationship was with that Mexican showgirl, right?” Pilyong kumindat si Greg at ngumiti na parang may malisya. “Yeah, right, I’m positive. She really is your type.”

“Cut the crap, Greg. I’m telling your wife you dated a model at Harrah’s last weekend. And boy, she’s not gonna love it.”

“Hey, hey, I’m cutting the crap, dude. I’m serious. If my wife finds out, I’m gonna kill you. And no one’s gonna love that Filipino ladyboy again.”

Itinapon ni Ed ang mga napilas na pahina sa kanyang notebook sa mesa ng kaibigan at lumabas ng kuwarto. Pumasok siya sa kanyang opisina na may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi.

Dumaan ang ilang araw. Nabuhos ang atensiyon ni Ed sa trabaho at naging abala sa mga detalye ng pagpapatakbo ng klinika at pagsasaayos ng mga gagawin sa mga pasyente. Magandang alternatibo ang pagkakaroon ng trabahong gaya nang sa kanya. Nagiging sagip-buhay ito sa lahat ng mga problemang kinahaharap ng bawat tao. Hindi namalayan ni Ed ang pagdaan ng mga oras. Ng mga araw.

Isang gabing tahimik, nag-ring ang kanyang cell phone.

“Hello?” Nabosesan niya agad ito. Si Reneé.

“Hi, Dr. Edward. Sorry for calling you so late a night. I hope I haven’t interrupted your sleep.” Matimyas ang boses ng nasa kabilang linya.

“Not at all. I’m a night owl. I don’t sleep early.”

“I’ve been thinking these past few days. I think I’m ready.”

“Ready for what?” Tumayo si Ed sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa kusina.

“The psychological profiling. The one you implied that’s important before one decides to have a surgery.”

“Right! Sorry, been busy with the clinic and all.” Pakiramdam ni Ed, hindi naging kumbinsido ang kausap sa naging paliwanag niya.

“I think I’m ready to talk about my past. With you.”

“Do you think this is necessary?”

“Isn’t this what the profiling is all about?”

“Well, partly. But you don’t have to do what you don’t wanna do.”

“I need to. I need to embrace who I am now. And I need to forgive and let go of who I was before. You know, to move on with this operation.”

“This is good. So when do you want us to meet?”

“I don’t wanna mess with your doctorly duties. So is a weekend open to you, say Saturday night?”

May lakad si Ed kapag Sabado ng gabi. Night out nilang mga doktor. Naging tradisyon na nila ito. “Saturday night’s perfect. Is six o’clock at the SoHo fine with you?”

“I didn’t know you go to the SoHo.” Bakas sa boses ni Reneé ang pagkabigla.

“You’re not the only fairy in Vegas,” natatawang bigkas ni Ed.

“SoHo is a little loud and chaotic for me. Can we go somewhere peaceful?”

“Sure, no problem. Name the place.”

“I was thinking Señor Alba’s in Wynn’s is good. It’s quiet and perfect for a date.”

“I know where it is. Good. So, are we on a date?”

“Just kidding.”

Sabay silang tumawa. Tawang may halong kaba.

“Ok, I’ll see you then.”

“Ok, uhh…Ed?”

“Yes?”

“Can I call you Ed?”

“You just did. Of course.”

“I just wanna thank you for being so gentle. And really nice.”

“You’re welcome, Reneé. See you on our date.”

“It’s not a date,” mabilis na kambyo ni Reneé.

Muntik nang matapilok si Ed habang tangan ang cell phone. “Yes, yes, right. I mean see you on the date. Saturday, six o’clock, Señor Alba. God, there’s a lot of sibilants. It’s a damn tongue twister.”

Narinig niyang humalakhak ang kausap. “You’re funny. See you.”

Ibinaba ni Ed ang cell phone at humiga sa kama. Alam niyang hindi siya agad makakatulog nang gabing iyon.