noveltoon logo noveltoon
Kadenang Bahaghari

Chapter 12

Ch. 12 / 27 Feb 09, 2022

Hindi nagkibuan sina Renan at Chris noong araw ng acquaintance party. Ngunit alam nila pareho na gabundok ang preparasyon at gagawin kaya hindi maiiwasang mag-usap sila, lalo na dahil hawak nila ang dalawang pinakamataas na posisyon sa CASoc. Umaasa ang mga opisyales at mga miyembro ng organisasyon sa kanila. At propesyonal naman sila. Bagaman napansin ng ilang mga kasamahan ang kanilang pagiging tahimik sa isa’t isa, inisip na lang ng karamihan na stressed lang sila siguro. Ipinagkibit-balikat na lang nila ito at naghanap ng iba pang gagawin.

Gaya nang inaasahan, maaga pa ay naroroon na si Renan kasama ang ilang miyembro. Wala pa si Chris at ang sabi ay mga alas singko pa ito makakarating dahil may naging problema daw sa suot niya. Halos magliyab ang cell phone ni Renan sa kakatawag at kaka-follow up ng lahat ng kakailanganin para sa party. Ang pamunuan ng Century Resort Hotel, ang sound system, ang floral shop na magde-deliver ng mga bulaklak, ang give-aways, ang mga souvenir program, ang laptop, ang mga gagamiting musika, ang mga waiter at usher, ang mga tatao sa reception desk, ang mga nakatoka sa door prizes, ang mga sponsor, ang mga bisitang guro pati ang mga dating miyembro at alumni ng CASoc. Huminga nang malalim si Renan. Kaya niya ito. Kaya niya ito kahit wala si Chris. Sinilip niya ang bintana at namataan ang bahagyang pag-ulan. Nakisabay pa ang pesteng ulan na ito. Kahapon naman na walang programa ay tirik ang araw. Walang ulang dumating. Ngayon na mayroong pagtitipong ganito ay saka pa makikigulo ang panahon. Bakit ba wala pa si Chris, tanong niya sa sarili.

Nasa backstage si Renan nang humahangos na dumating si Chris, bitbit ang naka-plastic na barong sa kanang braso. “Sorry, guys, late ako. Bumigay kasi `tong barong ko kaya inayos muna ni `Nay.” Natuwa ang mga miyembro nang dumating na siya. Lihim ding napanatag ang loob ni Renan nang makita siya. Alam niyang ito ang kapangyarihan ni Chris. k aya niyang patakbuhin at paganahin ang lahat ayon sa gusto niya at nararapat. May leadership quality. Hindi katulad niya na nangangarag agad at madaling ma-pressure.

Tiningnan ni Renan ang oras. Alas sais. Isang oras na lang at mag-uumpisa na ang programa. Magdadatingan na ang mga tao. Labag man sa kalooban ni Renan, kinausap niya si Chris.

“`Asa’n na ang emcee natin, Chris? Kelangang maibigay ko na sa kanya ang script na `to at para masanay ko na rin siya.”

“Darating na. Relaks ka lang d’yan. Tinawagan ko na. Papunta na siya dito.”

“Sigurado ka, ha? Ayokong mag-impromptu at hindi ko gustong mag-emcee ngayon.”

“Oo sabi, eh. Ikaw na muna’ng bahala dito sa mga corsage at lei. Mamaya, magpatulong ka kina Ronnie na buhatin ang mesang `to. Do’n dapat ito sa reception para sa mga darating na bisita. Pupuntahan ko muna ang reception area. Baka may kulang pa sila do’n.” Naglakad nang mabilis si Chris sa kahabaan ng bulwagan. Naiwang nakatingin sa kanya si Renan. Binalingan niya ang tumpok ng mga bulaklak na nakapatong sa mesa. Inisa-isa niya ito at nilagyan ng mga pangalan ng mga kumpirmadong dadalo sa party.

Narinig niya ang boses ni Chris na umalingawngaw sa bulwagan at nasilayan ang pagluwa sa pinto ni Mr. Sta. Cruz. Nakasuot ito ng kremang barong t agalog na bumagay sa kanyang maputing balat. Naka-gel ang bahagyang kulot nitong buhok at nakaunat ang pagkakasuklay hanggang sa likod. Suot nito ang kulay pilak niyang salamin. Halos hindi makahinga si Renan sa nakita. Parang gusto niyang umiyak. Ganito ba ang totoong pag-ibig? Minahal ko rin naman si Chris noon pero hindi ganito ang naging pakiramdam ko, paalala ni Renan sa sarili. Mabilis nitong kinuha ang may pinakamalaking vanda na corsage at isang aspili sa kahong katabi para puntahan si Mr. Sta. Cruz. Tahimik na lumakad ito papunta sa hinahangaang guro. Malambot na idinantay nito ang kanyang kamay sa balikat niya. “Sir?”

Biglang lumingon si Mr. Sta. Cruz. “Hi!”

“You look handsome tonight. May I?” Hawak-hawak ni Renan ang isang corsage na may vanda at baby’s breath.

“Sure, Renan. You don’t look bad yourself.”

Nanginginig na dinikit ni Renan ang corsage sa dibdib nito gamit ang isang maliit na aspili. Lalong naletse ang pagkabit niya ng corsage nang maramdaman niyang inangat ni Mr. Sta. Cruz ang kanyang dibdib.

“`Musta ka na?”

Nag-uumapaw ang kaligayahan ni Renan. Pigil na pigil ang kilig na gustong kumawala sa kanyang dibdib. “Mabuti naman po, s ir. Maraming paghahandang ginagawa pero ayos lang. I’m really happy that you’re here.”

“I am, too. How are you preparing for your, you know, life after school?”

Naging kaswal na rin si Renan sa pakikipag-usap sa kanyang adviser. “Yeah, right. I’m not even sure if I’ll graduate.”

“But you are, aren’t you? It’s not like you have a back subject deficiency or a failed course.”

“I am not even sure what I want.” n agpalahaw ng buntong-hininga si Renan. “My father wants me to pursue Medicine or Law, you know, the real courses that he said would guarantee me a real profession. Hirap na hirap nga `kong kumbinsihin siya sa kursong ito. Quite frankly, I myself don’t think it’s the right course for me, too. Magulo pa rin ang isip ko.”

“I am sure you’ll find your way, Renan. And once you do, you’ll be just as successful because you’re irritatingly smart and wickedly deep.”

Parang musika ng orkestra ang narinig ni Renan. Wala nang pinakamagandang mangyari sa isang tulad niya ang makarinig ng sinserong puri galing sa hinahangaan at minamahal niyang guro. “What? Galing mo talaga, s ir! You have a way with words. Had I known you earlier, I would’ve been convinced to take up Literature.”

“Naku, walang pera sa propesyon ko. Tingnan mo ang binagsakan ko, pagtuturo.”

“But you are powerful, s ir. You know how to speak and express your ideas with exactness. That’s power.”

“Don’t flatter me, Renan. I’m a teacher. I’m expected to speak well. Sa ‘yo ako namamangha. Estudyante ka pa lang pero ang gagap mo sa lengguwahe ay kahanga-hanga.”

Natawa si Renan, labas ang lahat ng mapuputing ngipin. “Grabe, mapa-Ingles man o mapa-Tagalog, ang galing mo! Marunong ka ring mag-Chinese?”

“Haha. ` k aw ang grabe.” Naramdaman ni Renan na inabot ni Mr. Sta. Cruz ang kamay nito sa kanya. Kinuha niya ito at hinawakan.

Narinig ni Renan ang tawag ni Chris pero hindi pa rin niya tinanggal ang pagkakahawak ni Mr. Sta. Cruz sa kamay niya.

“Renan, `akyat ka muna dito. Mag-sound check muna tayo at darating na ang mga bisita.”

Nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ni Renan ang matagal nang nakabusal sa kanyang bibig. Pinisil niya ang kamay nito. “I love you, sir.” Umakyat na siya sa entablado nang hindi nililingunan si Mr. Sta. Cruz.

Pag-akyat sa entablado ay sinalya siya ni Chris sa likod ng kurtina. Nagpupuyos ito sa galit. “Ano’ng ginagawa mo, Renan?”

“Bakit ba?”

Kumakaskas na ang mga ngipin ni Chris at pigil na pigil na sinermunan ang kaibigan. “Sira ka ba? Nasa gitna kayo ng hall ni Sir at walang takot ang paglalandi mo sa kanya. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao.”

“Ano ngayon sa `yo? Nag-uusap lang kami.”

“Nag-uusap? Naghahawakan na kayo ng kamay.”

“`Di ko alam na sobra na pala ang dumi ng utak mo. Will you rinse it?” ganti ni Renan.

Narinig niyang tumawag ang stage manager. “Kuya Chris, wala pa `yong emcee natin. Mag-uumpisa na ba tayo?”

“`Kita mo na, ang dami pang gagawin dito, nakikipaglampungan ka lang do’n,” usig ni Chris.

“`Di ko kasalanan na wala pa ang emcee mo. Sabi mo kanina, padating na siya.”

“Pero ikaw ang presidente ng CASoc. Dapat `kaw ang nag-aasikaso nito.”

“Kuya, mag-uumpisa na ba tayo?”

“Sige. Paki-low volume na ang music at ilawan na ang stage. Ako na lang ang magsasalita.”

Kinabahan si Renan sa tinuran ng kaibigan. Alam niyang maaring magkamali ito sa mga sasabihin dahil hindi siya susunod sa script na kanyang ginawa.

Tumahimik ang kalawakan ng bulwagan. Umilaw ang stage.

Tumayo sa harap si Chris. “Before we start the program, we would like to acknowledge the presence of two of our dear teachers,” nabubulol na sabi nito. “One is a face we all know because we have been under her, and one is a new face, but I am honored to announce that he is our dear, dear adviser. Ladies and gentlemen, Sacred Heart College’s version of Will and Grace, Ms. Grace Gundran and Mr. Wilfredo Sta. Cruz.”

Napakapit sa kurtina si Renan. Hindi niya lubos-maisip ang sinabi ng kaibigan.

Nagulat siya nang dumating ang emcee. “Pasensiya na, Kuya Renan, na-trapik lang ako.”

Sinenyasan niya si Chris na bumaba na sa rostrum at dumating na ang host. Kumaway si Chris. “Except that he’s not really ‘Will’ because as you can see, he’s not gay. He’s really a stud and a real man. A certified heartbreaker. Maybe he’s found his Grace in Ma’am Grace. Right, s ir?” Sigawan sa loob ng entablado.

Napaupo si Renan sa gilid ng entablado. Tulala at hindi makaimik. Nang matapos si Chris at bumaba sa entablado ay buong lakas na hinila ni Renan ang kaibigan papasok sa green room.

Pagkasara ng pinto, sinampal ni Renan sa mukha si Chris na nabigla at hindi maintindihan ang nangyari. “`Di ka talaga titigil, Chris, sa `yong kagaguhan at kabobohan? Ha?”

“`Tado `to, ah! Ba’t mo ako sinampal?”

“Ba’t ka nagsalita nang gano’n? Pinahiya mo si Sir! Tarantado ka!”

Sinaklot ni Chris ang polo ni Renan at bahagyang napunit ito at sinuntok niya ito sa mukha. Pumutok ang ibabang labi nito at sumirit ang dugo.

“Gago ka! Ano’ng masama sa sinabi ko? `Di papatol sa baklang katulad mo si Sir dahil hindi siya bakla. Hindi siya mahahawa sa iyo, `tang-ina mo!” Galit na galit na lumabas ito ng kuwarto at malakas na isinara ang pinto. Dahil may mga bilang pa sa palatuntunan na kailangang gawin nila ni Chris gaya ng pagtatalaga ng mga bagong opisyales sa kani-kanilang tungkulin, inayos ni Renan ang kanyang sarili. Mabilis na naghilamos si Renan at pinunasan ang dumugong labi.

Habang ipiniprisinta ang proyektong ipamamana niya sa mga bagong opisyales, nilinga-linga niya ang buong bulwagan. Hindi niya makita si Mr. Sta. Cruz sa mga manonood. Kinabahan siya na baka umuwi na ito kaya mabilis niyang tinapos ang kanyang presentasyon.

Tumakbo siya nang mabilis at umasang maabutan pa sa labas si Mr. Sta. Cruz. Nakita niya itong naninigarilyo sa isang sulok ng parking lot. Hindi niya alam ang tamang sasabihin. Nilakasan niya ang kanyang loob. “I apologize for what Chris said when he introduced you. Sometimes, Chris is not very tactful.”

“Oh, no offense done, Renan. I’m sure he was just joking for the entertainment of everybody. Walang kaso `yon. Natawa nga `ko.”

“I thought you’ve gone home, s ir. I will never forgive Chris if you have.”

“You know, Renan. Chris is a big boy. You don’t have to fight his battles.” Parang lumilipad na palaso ang mga salita ni Mr. Sta. Cruz na tumarak sa kanyang puso. Hindi niya kailangang magpanggap sa kanya. Alam nito ang pinagdadaanan niya. Damang-dama niya sa mga nakakatunaw nitong tingin.

“What happened to that?” i tinuro ni Mr. Sta. Cruz ang sugat niya sa labi na bahagyang namaga na.

“It’s nothing, Sir.”

“I don’t think I need to stay. Ma’am Grace is there anyway. Is it okay if I go home now?”

Hindi alam ni Renan ang sasabihin sa kausap. “Okay, Sir, but let me take you home. It’s the least I can do.”

“Renan, you didn’t do anything, okay? And it’s not because of what Chris said that I’m going home. I’m just tired, really tired.” Batid ni Renan na ang mga pangungusap na ito ni Mr. Sta. Cruz ang hudyat ng pagtatapos ng lahat. Lahat ng mga inisip at inilusyon niya noon ay nawala nang parang hanging dumaan. At ang lahat ay dahil kay Chris.

“Please let me take you home. I want to. My car’s just parked over there.”

“What about the party?”

“They can manage. Paghatid ko sa `yo, babalik din ako dito. Ihahatid ko din si Chris sa kanila mamaya.”

Hindi na matandaan ni Renan ang mga sumunod na napag-usapan nila ng kanyang teacher sa loob ng kotse. Ang hindi niya makalimutan ay ang pagbanggit ni Mr. Sta. Cruz kay Chris.

“What’s with you and Chris?”

Hindi nagpahalatang apektado si Renan sa tanong ni Mr. Sta. Cruz. “What do you mean?”

“The real score,” usisa nito.

Marahang ginalaw ni Renan ang kanang kamay paloob sa manibela. Tinatantiya pa ang magiging sagot nito sa nagtanong. “Chris and I are high school friends. We’re very close.”

“Does he know?”

“Know what?”

“That you love him?”

Pakiramdam ni Renan, hubad na hubad siyang kailangang sagutin ang mga nakapanlulumong tanong ni Mr. Sta. Cruz. Para siyang bilanggong nasentensiyahan ng kamatayan at kailangan niyang magmatwid. “S- s ir… how could you… I d-don’t… s-s ir…”

“Oh, come on, Renan. You know what I’m talking about. I knew this the first time I saw you together. Problem is, does he?”

Tiningnan niya nang deretso sa mga mata si Mr. Sta. Cruz. Ipinark ni Renan ang kotse sa isang service lane sa tapat mismo ng Marisol Subdivision. Magkahalong hiya at galit ang naramdaman niya sa kanyang kaloob-looban. Akmang mayroon siyang sasabihin pero wala siyang mapaulang salita.

“I’m sorry, Renan. It’s not my business.” Napatingin si Mr. Sta. Cruz sa bintana. Nang makarating sila sa tinutuluyan ng teacher, nagsalita ito. “Renan, I’m sorry if I have offended you. You shouldn’t…”

“It’s okay, Sir… Willie. May I call you Willie ‘pag tayong dalawa lang?” buong tapang na tanong ni Renan.

“Yes.”

“To answer your question. Yes, I love him. And yes, I already told him.”

“So, are you… lovers?”

Umiling si Renan. Parang balong tumulo ang kanyang mga luha. Hindi na niya maitago ang saloobin. Umiling pa ito lalo. “We’re just… friends.” Pinaandar niya ang sasakyan. “`Bye, Willie.”

Hindi na siya lumingon. Alam niyang wala na siyang mukhang ihaharap kay Mr. Sta. Cruz. Kay Willie. Naisuka na niya ang kanyang pinakatago-tagong lihim. At hindi na niya kailangang malaman pa kung ano ang sasabihin ni Willie. Sapat nang naibuga na niya ang matagal na niyang sekreto. At ngayong nailabas niya, hindi na siya makikipagkita sa kanya. Paspas niyang minaneho ang sasakyan. Nang makabalik siya sa hotel, halos patapos na ang programa. Nagbibigay na si Chris ng huling salita. Hinarap siya ni Ma’am Grace.

“Nakita mo ba si Mr. Sta. Cruz?” tanong nito.

Nagsinungaling siya. “H-hindi po. Baka umuwi na po, Ma’am.”

“Strange. Nagpaalam lang siya sandali sa `kin na magpapahangin lang sa labas. `Di ko na siya nakita. Oh, well. b aka sumama ang pakiramdam.”

“Baka nga po.”

“Siguradong `di mo siya napansin?”

“Hindi po.”

“O, sige, mauuna na `ko. Kaya n’yo na dito?”

“Yes, m a’am. Kami na’ng bahala dito. We’ll make sure na makakauwi nang maayos ang mga members.”

“Okay, congratulations, iho. It was a nice program. See you tomorrow.” Tinapik ng maestra ang kanyang balikat at humayo na.

Naiwan si Renan at hinintay matapos at mailigpit ang lahat. Nakita niya si Chris na naglalagay ng mga materyales sa isang malaking bag sa likod ng entablado.

“Nawala ka kanina.”

“Hinatid ko si Will… si Mr. Sta. Cruz.”

Umiling-iling si Chris. “`Di ka talaga sumusuko, Renan.”

“Ayoko nang makipag-away sa `yo, Chris. Iligpit mo na ang mga gamit mo at ihahatid na kita sa inyo.”

Sa kotse, tahimik ang dalawa. Si Chris, dahil hindi alam kung paano hihingi ng dispensa sa putok na labi na nakikita niya sa kaibigan ngayon. Si Renan, dahil blangko ang isip at naglalakbay sa kung saang lupalop ang hinagap.

“Pasensiya ka na kanina. Nabigla ako.”

Nagkibit-balikat lang si Renan. Tanda na ayaw niyang pag-usapan ang nangyari.

Bumaba si Chris sa kotse at binuksan ang tarangkahan ng kanilang gate at walang sinabi kay Renan. Wala ring sinabi ang huli. Pinaharurot ni Renan ang sasakyan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nakarating siya sa Fields Avenue at pumasok sa isang bar. Nag-order ng isang beer. At isa pa. At isa pa. Pinag-isipan niya ang mga sinabi ni Willie kanina. Masakit tanggapin pero totoo. Hindi ka puwedeng magsinungaling sa kanya. Alam niya ang kaibuturan ng kalooban ko, reklamo niya. Para akong libro na kaya niyang basahin mula sa unang pahina hanggang huli.

Sa kabilang counter, may isang lalaking nakasuot ng hapit na muscle shirt ang kanina pa tumitingin sa kanya. Itinaas nito ang hawak na bote bilang pagbati. Matipid na ngiti ang isinukli niya. Bakit ba ako nagkakagusto sa mga lalaking may problema? Tanong niya sa sarili. Bakit ba ako nagkakagusto sa mga taong hindi naman ako gusto? Nilagok niya ang natitirang beer sa bote at um-order pa ng isa. Lumapit ang lalaking nasa kabila ng bar.

“Mukhang kelangan mo ng kausap, pare.”

Tiningnan niya ang pigura nito. Namumuti ang mukha sa pulbos. Bumabara sa paghinga niya ang sobrang halimuyak ng pabango. May maliit na hikaw na nakalawit sa kanyang isang tainga.

“No, I’m okay. I’m sorry.” Tinawag ang bartender para hingin ang chit.

“Going home already? May I go with you?”

“Sorry, some other time perhaps.” Ipinatong ni Renan ang tatlong daan sa counter at hindi na hinintay ang chit. Nagmadali itong lumabas.

“Hey, I was trying to be nice. Bitch!” Bumalik ang lalaki sa kanyang kinauupuan at lumagok ng beer.

Langong-lango si Renan kaya alam niyang hindi siya makakauwi ngayong gabi. Gugulpihin siya ng kanyang ama kapag nakita siyang ganito. Ayaw naman niyang balikan si Chris at siguradong huhusgahan na naman siya nito. Bakit ba siya nagkakaganito? Dahil ba nasilip ni Willie ang sekreto niya? Dahil ba sa sinabi ni Chris na wala siyang mapapala kung ipagpapatuloy ang pag-ibig niya kay Willie? Dahil ba nagseselos siya na si Ma’am Grace talaga ang gusto ni Willie? Wala na ba talagang magmamahal sa akin? Hindi naman ako talaga mahal ni Dad. Kailangan lang niyang tugunan ang pangangailangan ko dahil anak niya ako. Obligasyon niya `yon, hindi pagmamahal . Hindi rin siya mahal ni Chris dahil bakla siya. At ngayon, nakita na sana niya ang puwedeng magmahal sa kanya. Pero baka isuka rin siya dahil bakla siya. Bakit lahat ng nagmahal sa akin, nawawala ang pagmamahal? Dahil ba bakla ako? Gumiri-giri ang sasakyan sa kahabaan ng highway. Nang huminto siya, malapit na siya ng bahay ni Willie. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Hindi niya inisip na dito mapapadpad. Siguro, dito siya itinulak ng mga paa niya. Dahan-dahang lumabas ito ng kotse at pinakiramdaman ang kaluskos sa bahay ni Willie. Wala siyang narinig na ingay kahit nakabukas pa ang ilaw sa loob. Marahan siyang kumatok. Wala siyang narinig na kaluskos na sagot. Pasuray-suray siyang bumalik sa kotse.

“Hello?” narinig niya ang pamilyar na boses. Bumalik siya at nakita niyang nakasilip si Willie sa tarangkahan ng gate.

“Please come in, Renan.”

“I’ve nowhere to go, Willie.”

“You can stay here. Let me help you.”

Naramdaman ni Renan ang mainit na braso nito sa kanyang balikat at tagiliran. Inalalayan siyang makapasok sa loob ng bahay. Inihiga siya sa sopa at naramdaman niya na binuksan nito ang kanyang polo. Nawala ito pansamantala kaya bumangon si Renan. Umupo siya sa sopa at nakita ang isang kaha ng sigarilyo sa mesa. Sinindihan ang isang stick at nagpalabas ng usok.

“I didn’t know that you smoke.” Narinig niya ang boses ni Willie at nakitang nakatitig sa kanya.

Pakiramdam ni Renan ay para siyang ibang tao sa bahay na iyon. Pero nahuli din niyang mas siya ito. Hindi ang nakikita lang ng mga tao sa kanya. Ayaw na niyang magpanggap. Wala namang idinulot ito sa kanya. “I don’t. When I saw you tonight, I thought it was cool.”

“You don’t need to try things just because they look cool.”

Ninamnam ni Renan ang huling sinabi ni Willie. “Yes. We are the way we are. No matter what people’ll say.”

“Musta ang acquaintance party? Nasa’n si Chris?”

Bumuga si Renan ng malaking usok. Hindi niya maintindihan ang kausap na kahit silang dalawa lang ang naririto, ang wala pa rin ang kanyang hinahanap. Lahat maliban sa kanya. “Fine. Chris is fine. He’s home. Everything’s fine now. Except me.”

“What’s the matter, Renan? Why did you come here?”

“Why did I? I don’t know.” Naramdaman ni Renan ang hapdi ng kanyang mga mata kaya kinusot niya ito. “You tell me.” Ginulu-gulo din niya ang magulo na niyang buhok.

“`Di ko alam ang takbo ng isip mo.”

Hindi binili ni Renan ang narinig sa kausap. Alam niyang nagpapanggap lang ito. Natuhog niya kanina ang buong kuwento ng buhay niya sa ilang pangungusap lamang. “Alam mo. Teacher ka ng literature. Alam mo lahat kung ano ang nasa isip at puso ng mga tauhan sa kuwentong pinag-aaralan namin. Alam mo rin ang kuwento namin ni Chris kahit walang nagsabi sa ‘yo.”

“Why don’t you tell me what’s bugging you? Ano ba’ng gumugulo sa isip mo?”

Hindi na siya papayag sumakay pa sa tsubibong sasakyan ni Willie. Iikot-ikutin lang niya ito. Deretsahang sagot ang kailangan dito. “Ikaw.”

“Ako?”

“Ikaw ang gumugulo sa isip ko, Willie. What you said tonight hit me. You know I never confide to anyone. Not even to Chris. Pero nasabi ko na sa kanya na mahal ko siya. No’ng bago kami grumaduate ng high school.” Hindi na naramdaman ni Renan na kailangan pa niyang mag-edit ng mga sekreto niya sa buhay. Itataya ko na lahat dito. Ngayon. Isusugal ko na lahat. Kahit pa matalo ako sa usapan namin ngayon, sabi niya sa sarili. “Nagalit siya sa `kin. Sabi niya, hindi daw siya pumapatol sa… sa kagaya ko. Kaibigan lang daw ang turing niya sa akin. Nothing more. Kaya nagkahiwalay kami. Nagkita kami sa school no’ng college na pero hindi na kami close. `Tapos, no’ng nag-Third year kami at sumali sa CASoc, naging close uli.” Hinithit ni Renan ang huling baga ng sigarilyo bago niya ito idiniin sa ashtray. “Sabi ko sa kanya, wala na akong feelings kaya you are safe with me. Puwede na ulit tayong maging magkaibigan gaya nang dati. Tinanggap naman niya kaya heto kami. Heto `ko.”

“Pero mahal mo pa rin siya?”

“Akala ko.”

“Akala mo? Hindi pag-aakala ang pagmamahal.”

Nagkaroon ng sapat na lakas ng loob si Renan para pagmasdan si Willie. “Akala ko mahal ko pa rin siya. Inisip ko na dadalhin ko na lang ang pagmamahal na `to hanggang tumanda kami. Hanggang sa mag-asawa siya. Hanggang magkahiwalay kami. Akala ko, magdudusa na lang ako habambuhay dahil sa putang-inang pagmamahal na `to,” Pinipilit kontrolin ni Renan ang kanyang emosyon pero parang talon ito na rumaragasa ang puwersa ng tubig at hindi niya mapigilan. Nabasag ang kanyang boses. “And then, I met you, Willie. And I said to myself, I’m not gonna be sad after all.”

“What do you mean? Are you implying that I am the one who will make you happy?”

“I am happy now, knowing you. I know now that I love you,” matapang na sagot ni Renan.

Nang-uusig ang tinig ni Willie. “Are you out of your mind? You’re my student. I’m your teacher.”

Eto na. Ipinamumukha na niya sa akin na mali ako. Na mali ito. Na mali lahat ang pinaggagagawa ko, sambit ni Renan sa sarili. “I know. But you feel something for me, don’t you? Unlike Chris, you feel something for me. Don’t you?”

“Feeling’s out of the question, Renan. It’s logic. And morals. And what is right.” Naglakad si Willie palayo pero sinundan niya ito.

“And loving is not right?” Pulang-pula ang mga mata ni Renan na naghanap ng kasagutan sa mga mata ni Willie.

“In this case, as teacher and student, yes, it is not right.”

Parang gumuho lahat ng natitirang pagpapahalaga ni Renan sa sarili. “But you love me, too. Tell me you love me, too.”

“How dare you, Renan!” Parang bombang sumabog ang sinabi ni Willie sa kanya.

“You don’t?”

“I …Renan… please! Lasing ka lang, at masama ang loob mo kay Chris.”

“So ano, may idadahilan ka rin sa `kin para `di ako mahalin? Ha, Willie? Gaya ni Chris? Lalaki siya kaya `di niya `ko kayang mahalin? Ikaw naman, teacher, kaya `di mo rin ako magagawang mahalin? Gano’n ba, Willie?” Naramdaman ni Renan na bumaon ang mga kamay nito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanyang mga braso. Tandang-tanda niya na ganito din ang ginawa ni Chris sa kanya noon, apat na taon na ang nakararaan, bago niya hinulog ang bomba na hindi siya kayang mahalin. Ganito rin ang gagawin ni Willie sa akin. Mauulit lang sa kanya ang sinabi at ipanamukha ni Chris sa akin noon.

“Hindi sa gano’n, Renan. Sa mga mata ng tao at sa mata ng Diyos, `di tayo puwede. I need you to understand that.”

Hindi maintindihan ni Renan ang lumabas sa bibig ni Willie. Ang alam lang niya, gusto niyang magkawing ang kanilang mga labi. Siniil niya ito ng halik. Mainit at malalim.

Pero itinulak siya ni Willie palayo sa kanya at nabalandra siya sa pasamano. Noon din, alam niyang gunaw na ang kanyang mundo.

“I don’t want to be rude, Renan, but you have to go.”

“I’m sorry, Willie… Sir,” Tanging `yon lang ang nasabi ni Renan at mabilis siyang tumalilis para angkinin ang kanyang anino at buong pagkatao ng dilim.