Isang buwan na ang lumipas nang maganap ang makasaysayang San Francisco Pride 2016. Isang buwang dumaan na hindi malilimutan ni Ed. Nagkalapit at nagkahulihan sila ng loob ni Reneé. Nakilala niya ito nang lubusan. Ngunit may mga pagkakataong nakikita niya na malalim pa rin ang iniisip nito at parang wala sa sarili. Hindi na niya pinilit alamin ang lahat ng bumabagabag sa isip nito. Sapat nang maramdaman niyang espesyal siya sa puso nito kahit hindi siya sigurado at walang katiyakan ang lahat. Ibinuhos niya ang sarili sa trabaho. Nagpapasalamat siya at naging maganda ang takbo ng klinika. Dumami ang kanilang pasyente. Maraming gawaing dapat tapusin. Hinuha niya na ang trabaho ay kaloob ng Diyos. Kapag naninimdim ang tao at parang hindi niya makayanan ang mga pasanin sa buhay, may trabahong puwedeng pagtuunan at balingan. Gaya niya na nasa balag ng alanganin ang lahat. Hindi niya alam kung nasaan siya sa puso ni Reneé. Hindi niya alam kung kailan niya uli makakapiling ang mga anak. Hindi niya alam ang kinabukasan ng kanyang trabaho. Pero maigi na ito, isip niya. Kaysa naman magmukmok sa isang sulok at isipin ang lahat ng masama at hindi maganda sa buhay.
Nakatanggap siya ng paanyaya sa isang malawakang kumbensiyon ng mga cosmetic surgeon na gaganapin sa Maynila sa darating na Setyembre. Isa itong pandaigdigang pagpupulong ng mga doktor mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Naatasan siyang bumuo ng isang panel tungkol sa best practices sa pagtatayo at pagtatatag ng isang klinika sa cosmetic surgery. Ibinigay niya ang pangalan ni Greg pero ibinalik din sa kanya ang responsibilidad. “You’re better at presentations and you have very good social skills. I’ll just stay here and continue running the clinic,” suhestiyon ni Greg. Nabanggit ito ni Ed kay Reneé nang minsang nagkita sila.
“I’m going to Manila to attend a week-long convention on the latest trends and developments in cosmetic surgery. Maybe you can join me. This might be a good time for you to see your parents,” masiglang paanyaya ni Ed kay Reneé.
“No, I’m not ready to meet them yet,” mabilis na sagot ni Reneé.
“But no time’s a good time, dear. You have to make it.”
Irita si Reneé at sinagot niya nang pabalang si Ed. “I said, I’m not ready. This is my problem, not yours.”
“Hey, I was just making a suggestion. I was not trying to…”
“Then don’t!”
“Why are you so edgy today?”
“I am not! I just want to think my own thoughts and decide on my own, without you hovering around me all the time.” Hinalukipkip ni Reneé ang dalawang braso at tumingin sa malayo.
“You know that I wouldn’t do that to you. I’ve learned my lesson in the past. I just think it might be a good idea for us to be together. Again. You know, I’ve never recovered from the good time we had in San Francisco.”
“I-I‘m sorry, Ed. I didn’t mean to piss you off. I just have a lot of things in my head lately.”
“Like what? Are you finally decided when to start with the treatment?”
“Well, there’s that. But I’m still undecided. God, why can’t I just decide? I fear I’ve been undecided all my life.”
“What’s bothering you?”
Tiningnan ni Reneé nang matagal si Ed. Akmang may sasabihin pero pinigil ang sarili. Huminga siya nang malalim. “I haven’t told you everything, Ed.”
“Are you telling me now?” Kumislot ang kalamnan ni Ed. Sa isang iglap, naramdaman niyang ang sasabihin ni Reneé ay hindi niya magugustuhan. Malalim na tiningnan niya ang kausap, nagbabaka-sakaling makita ang mga himaton sa kanyang mukha.
“Look, Ed, you’re a very nice guy. I feel safe when I’m with you. I really do. You’re exactly the guy I want to be with.”
“But?” Balong malalim ang kinatatayuan ni Ed sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung pagmamasdan ang kariktan nito o magpapatihulog siya.
“There’s no but, Ed,” mahinang sagot ni Reneé. “Why can’t you just accept it?”
“Because I know you’re not telling me everything, Reneé. And it constantly bothers you. It shows. In the pauses in our conversations. In the way you look at me and then you turn your gaze to something else. Look, I told you I’m a patient man. And I am. But you have to tell me if there’s something waiting for me at the end of the line. I don’t wanna waste your time. And mine,” malakas na sambit ni Ed. Hindi niya akalaing masasabi ang mga nasabi niya.
Mabilis siyang pinutol ni Reneé. “It’s not that. You know, that’s not true. I love you, Ed. There, I finally said it. It’s just that…”
“That you still have so many things to attend to, to do first? Is that it?”
“Yeah.”
“But I told you that I’ll wait with you, didn’t I?”
“Yes, but it’s not that.”
“Then what the hell is, Reneé?”
“Okay, okay, I will tell you.” Kumuha ng sigarilyo si Reneé mula sa lukot na kahon na nasa loob ng bag at sinindihan ito. Hinithit nang malalim at pinaulan ang masaganang usok sa direksiyon ng kausap. Ikinumpas nito ang kamay para mawala ang usok. Huminga ito nang malalim. “You remember the friend I had in the Philippines that I was telling you about?”
“Your former teacher?”
“No, my best friend.”
“Oh, yeah. What about him?”
“Well, I’ve been in constant communication with him. He’s not doing very well there.”
Ipinatong ni Ed ang kanyang baba sa kamay, matamang nakikinig sa kausap.
“He’s hooked on drugs. Been in and out of rehabilitation centers there. I guess life treated him badly. He’s never recovered, you know.”
“Do you still love him? Is this what you’re telling me?”
“Hell, no! He’s a thing of my past. I already told you that.”
“Then why are you bringing him up? Why’s he so much of a concern to you now?”
“I wanna help him, Ed. He’s my best friend. He’s not improved his lot there. I heard the newly elected president of my country is biased against people hooked on drugs.”
Kumunot ang noo ni Ed. “So, what are you telling me?”
Naghintay muna ng ilang segundo si Reneé bago niya pinakawalan ang mga gustong sabihin. “I wanna marry him and bring him over here in the States.”
Nagulantang si Ed sa narinig. Hindi niya alam ang sasabihin. “What? Are you serious?”
“It’s the only help I can think of to save him. After the scandal and I left, he’s never recovered. I want him to have a clean, fresh start here. He’ll never get a chance if he’d stay longer in the Philippines.”
“But… what about… us?”
“I’ll just marry him so I can bring him here. Here, guys can get married. Once he’s settled, I’ll eventually file for divorce. If we’re still together by then… if you still like me…”
“You are unbelievable, Reneé. Have you heard yourself lately? This idea is unthinkable. What did he say?” Kumuha rin ng sigarilyo mula sa kahon si Ed at sinindihan ito.
“I haven’t told Chris yet,” matipid na sagot ni Reneé.
“You mean, you haven’t brought up this idea of yours to him yet?”
“Uh-uh.” Pinatay ni Reneé ang natitirang upos ng sigarilyo sa ashtray.
“What makes you think that he’d approve this?”
“Oh, he would. He would. He doesn’t have much choice, does he? I’ll make sure that he will.”
Napasandal si Ed sa kanyang inuupuan. Hindi niya malaman o maintindihan ang takbo ng isip ni Reneé. Tumungo sya at nag-isip. Nasiguro niya na walang plano si Reneé para sa kanilang dalawa. Na ang mundong ginagalawan at itinatakbo nito ay ang kanyang nakaraan sa Pilipinas. Ang mga taong umiikot sa kanyang gunita ay mga tauhan ng kanyang buhay noong hindi pa sila magkakilala. Mahirap makipagtunggalian sa mga ito. Wala siyang laban.
Tumayo si Reneé sa kanyang inuupuan at lumapit kay Ed. Kinuha nito ang kamay at marahang hinaplos. “Look, Ed. I know that you won’t understand me now. But you said that I need to get a grip of my past. This is it. I’ll never be at peace with myself if I let Chris go down the drain. He needs me. He needs my help. I cannot simply close my eyes and walk away from this.” Nanatiling tahimik si Ed. Hindi alam ang sasabihin. “I don’t expect you to understand. But I need to do this.”
Matagal silang hindi nag-imikan. Ilang mga tao ang dumaan at napatingin sa kanila. Para silang mga istatwang hindi gumagalaw na nakatingin sa magkasalungat na tanawin. Si Ed, sa bintana na kita ang dami ng mga kotseng nagliliparan sa kalyeng nagbibigay-daan sa freeway. Si Reneé, sa counter ng restaurant kung saan nagpapaligsahan ang mga barista sa kanilang mga talento sa paghalo ng mga inumin. Ilang waiter ang nagtangkang tanggalin ang ilang mga plato at baso sa kanilang mesa pero lahat ay may mga laman pa. Hindi na sila naglakas-loob na gawin ito uli. Hinayaan na lang sila sa kanilang katahimikan.
Binasag ni Ed ang katahimikan matapos ang mistulang isang siglong dumaan sa pagitan nila. Tinanggal niya ang bikig na bumara sa kanyang lalamunan at nagsimulang nagsalita, hindi tinitingnan ang kausap. “Okay, I’m with you, Reneé. I certainly don’t understand what’s going on with you, or if this decision of yours will work. But I love you. And I can wait. But if I can’t any longer, I’ll tell you. I just hope that this Chris is worth all this trouble that you’re putting yourself into. Because if not…”
Hindi na natapos ang sinasabi ni Ed dahil naramdaman niya ang mainit na mga labi ni Reneé na kumukumos sa kanyang bunganga. Ramdam niya na may maiinit na mga matang nakatingin sa kanila sa loob ng restaurant na `yon pero hindi siya natakot o nangamba. Mas mahalaga ang yakap at halik na nararamdaman niya sa taong mahal na kalamukos niya ngayon.
“Thank you, Ed. I love you. I’m now sure that I do. I don’t know if I can go with you to the Philippines. But you attend the conference. I still have to talk to Chris.”
“Okay, honey. You better love me for this, Reneé. I wanna play my cards right. But I’m putting all my aces in to win.”
“And you’re winning, honey. You are.” Niyakap ni Reneé nang mahigpit ang kausap at para silang mga bagong kasal na naghalikan uli sa gitna ng restaurant na iyon, sa maliit na espasyong kinakainan ng mga tunay na lalaki at babaeng gustong matighaw ang kanilang gutom at uhaw, sa pagkain man o sa pagmamahal.