Ang San Francisco Pride ang pinakamalaki at pinakamatagumpay na pista o pagdiriwang ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender sa buong mundo. Mistulang marangyang piging ito na pinupuntahan ng mga miyembro ng LGBT at mga indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng Amerika. Laksa-laksang bisita rin mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ang dumadalaw para saksihan ang selebrasyon na naging simbolo ng tagumpay ng mga sinasabing ikatlong uri sa kasaysayan ng mundo. Tradisyonal itong ginaganap tuwing huling weekend ng Hunyo bilang paalala sa Stonewall riots. Marami sa mga pinuno ang gustong ilipat ito sa ikaapat na araw ng Hulyo, ang pambansang araw ng kasarinlan ng mga Amerikano, pero hanggang ngayon ay hindi pa naitatakda ang petsa ng paglilipat. Ang pistang ito ay proyekto ng San Francisco Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Pride Celebration Committee, isang non-profit na organization na naglalayong ipagdiwang ang kasarinlan ng mga ikatlong nilalang ng Diyos. Sinasabing ang rebolusyonaryong si Harvey Milk, ang unang lantad na bakla na tumakbo sa isang pangunahing posisyon sa gobyerno, ang nagsagawa ng unang gay parade sa San Francisco noong dekada sitenta. Magmula noon, taunan na itong ipinagdiriwang.
Nagsisimula ang parada sa kahabaan ng Market Street ng umaga at nagtatagal ito ng apat hanggang limang oras. Ang kulminasyon ay natatapos sa Civic Center sa mismong harap ng city hall. Makulay, pabulosa at punong-puno ng kasiyahan ang bawat kalahok na karosa na sumasali sa parada. Pati ang mga tao ay iba-iba rin ang mga kasuotan, hawak-hawak ang banderang bahaghari na sumasagisag sa kanilang kulay at anyo. Ang ilan ay hubad at walang saplot, ano man ang uri at hugis ng kanilang mga katawan. Marami ang mga pumupunta rito para ipagdiwang ang kanilang totoong sarili, malugod na tanggapin man sila ng ibang tao o hindi. Ang malaking bahagi ng parada ay binubuo din ng mga magulang, pamilya at kaibigan ng LGBT community, na nagsasabing tanggap namin kung sino ang aming anak, kapatid at kaibigan.
Maaga pa ay naroroon na sa kanto ng Market Street sina Ed at Reneé. Hindi sila gaanong nakatulog nang gabing iyon dahil hatinggabi na silang nakarating sa San Francisco galing Las Vegas. Inayos ni Reneé ang kanyang schedule sa trabaho para makakuha ng ilang araw na bakasyon. Si Ed naman ay kailangang ibilin kay Greg at sa kasamang mga doktor sa klinika ang appointments ng mga pasyente habang wala siya. Tahimik na biro ang narinig niya mula kay Greg tungkol sa biyahe nilang ito ni Reneé pero minabuti ni Ed na huwag na lang pansinin ang mga buska ni Greg. “I’ll deal with you and your banters when I get back,” barang sagot ni Ed sa katoto habang nagmamadaling makauwi para makapag-impake ng ilang damit.
Kagabi, nag-check-in silang dalawa ni Reneé sa isang hotel. Ang kuwarto ay may dalawang single bed. Bagaman hindi sila gaanong nag-usap, pakiramdam ni Ed ay pareho silang gising nang gabing iyon. Marahil dahil pareho silang natutuwa sa magiging pagdiriwang kinabukasan. Marahil dahil ngayon pa lang sila nagkasama sa iisang silid nang magdamag.
Pinilit iwaglit ni Ed ang mga naiisip niya. Hindi interesado si Reneé sa kanya. Hindi siya ang priority nito. Malinaw na ipinahiwatig na sa kanya iyon. Sa dami ng mga problema ni Reneé na kailangan munang hanapan ng solusyon, hindi siya dapat makialam sa buhay nito. Sa ngayon, makontento ka munang maging isang mabuting kaibigan sa kanya, bulong niya sa sarili. Ito ang gusto niyang iresolba sa sarili. Pero kahit pumikit pa siya ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Batid niyang hindi rin nakatulog si Reneé sa kabilang kama dahil hindi niya naririnig ang hilik nito. Maya’t maya, nakakarinig siya ng kaluskos. Sinikap niyang umidlip kahit ilang saglit lang.
Kinabukasan, maaga pa’y naghanda na silang dalawa para makarating sa venue ng parada. Alam nilang kung matatagalan pa ay hindi na sila makakakuha ng magandang puwesto para panoorin ito. Nakakita sila ng magandang lugar sa kanto ng Market Street at nagpasya si Ed na doon na lang muna sila manatili dahil may ilang upuan sa paligid na pwedeng gamitin sakaling mangawit sila nang kakatayo sa panonood.
“Are you hungry? I’m crossing the street to buy hot dogs in the kiosk that says Rainbow Food,” paanyaya ni Reneé sa kanya. Nakasuot ito ng mahabang puting trench coat na bahagyang ikinukubli ang dilaw na T-shirt na may markang protestang We’re here, we’re queer, get used to it! Suot din nito ang itim na leggings na hapit sa kanyang payat na mga binti at safari na boots.
“Get me a cheesedog and a cup of coffee. Thanks, honey,” mabilis na tugon ni Ed. Kininditan lang siya nito habang patawid ng kalsada. Tiningnan niya ang paligid. Dumarami na ang mga tao roon. May dalawang drag queen ang dumaan sa harap niya. Nababalutan ang buong katawan ng mga puting balahibo. Tatlong lalaki naman sa kabilang kalye na walang saplot pang-itaas ang masugid na naghihintay sa pasamano. Nakasuot ng shades ang mga ito at halatang idinidispley ang kanilang katawan sa mga miron at manonood. Napangiti si Ed sa mga nakita. Naisip niyang malayo na nga ang narating ng pagiging bakla sa panahon ngayon. Ibang-iba sa naging buhay niya noon. Wala siyang matandaan na baklang naging kaibigan niya sa O’Fallon. Maging sa medical school sa Missouri. Kung meron man, hindi niya alam. Sa pangkalahatan, alam niyang liberal ang Amerika sa mga usaping demokrasya, gaya ng paglaladlad ng mga bakla kung sino sila pero sa lugar kung saan siya galing, kumbensiyonal at tradisyonal pa rin ang kamalayan ng mga tao. Hindi katulad dito. Hindi katulad ngayon. Masuwerte pa rin ako na naabutan ko ang panahong ito, naisip niya. Masuwerte pa rin ako na nakakilala ako nang gaya ni Reneé.
May biglang tumapik sa likod niya. Nagulat siya nang makitang nandoon si Violeta, ang Mehikanang showgirl na naging bahagi din ng kanyang nakaraan ng ilang panahon.
“Ola, Eduardo. Como esta?” Pinupog niya ng halik ang magkabilang pisngi ni Ed. Berde ang suot na gown nito at mataas ang bitas sa gawing tagiliran kaya halos kita na ang buto sa baywang.
“Hi, Violet. I didn’t know you’d be here. Who are you with?”
“I have mis amigos and they went ahead the Fisherman’s Wharf o’ready. What’re ya doin’ here, baby?”
“You know, I’m always here. Every year.”
“Si, I remember. Even tho I had shows back in Vegas, you’d still be here. You alone?”
“No, I’m with someone.”
“Ooh, finally. Where is she? Can I meet her?”
Hindi napansin ng dalawa ang paglapit ni Reneé, dala-dala ang pagkain at kape. Bahagyang nahiya ito kaya marahang tinabig ang braso ni Ed.
“This is Reneé. Reneé, this is Violet.” Kaswal ang pagpapakilala ni Ed sa bawat isa pero nakaramdam siya ng kaunting asiwa.
“So you’re the current. I’m the former,” masiglang bati ni Violet.
“Oh, no,” balikwas na sagot ni Reneé. “We’re not… w-we’re not a couple.”
“I’m positive, you will be,” malarit na sagot ni Violet, sabay akbay kay Ed. “This doctor here is, well, muy simpatico. How do you say that in English?”
Alangang napangiti si Ed. Hindi alam ang susunod na gagawin o sasabihin. Mabilis na kinagat nito ang cheese dog na inabot ni Reneé. Nanatiling tahimik si Reneé.
“You’re very lucky girl. He’s very good hombre. Very loyal. Unlike me, haha!” Sa lakas ng tawa ni Violet, ilang dumadaan ang napatingin sa gawi nila. “Sorry, I’m so loud. But do we care?”
“No, we certainly don’t,” seryosong sagot ni Reneé habang masugid na pinagmamasdan si Ed. “I hope you’re not going somewhere. Please join us.”
“Dispensa, amigo, porqu e I have to be with my friends. They’re all over the place right now so I have to find them. We’ll join the parade in the drag queen contingent later. You join us?”
“No, I think we’re good here,” mariing sagot ni Ed. “It’s good to see you, Violet.”
“Is it? Last time we talked, you wouldn’t wanna see me no more.”
“Don’t start.”
“Ooh, I’m so sorry. Don’t wanna make you feel embarassed in front of your la chica. Rene, he’s good lover. Very loyal and muy disente. I know I’ll never find anyone like him. But it’s my loss. Not yours.”
“Violet…”
“But I will also find mine. In time, haha! Have to go now. Hope to see you both very soon. Give mama un beso.” Hinalikan niya sa magkabilang pisngi si Reneé. Hinawakan niya ang pisngi ni Ed at siniil niya ng mahigpit at nag-aalab na halik ang mga labi nito. Pinunasan niya ng kamay ang naiwang marka ng lipstick sa mga labi ni Ed. “Bye, loverboy. Don’t forget your muchacha.” Mabilis na kumendeng ito palayo sa kanila kasama ng ilang personalidad na sasali sa parada.
Tiningnan ni Ed ang ekspresyon sa mukha ni Reneé. Blangko ito. Hinintay niya itong magsalita pero wala siyang narinig mula rito. Nang hindi na makita si Violet sa kapal at dami ng mga taong nasa gitna ng daan, binasag ni Reneé ang katahimikang namagitan sa kanilang dalawa.
“That one’s really something.”
“You mean Violet? Yeah, she’s special.”
“How did you meet?”
“Well, when I transferred to Las Vegas with Greg and built the clinic, I didn’t know what to do with my life. I had what you call a crisis. You know, after a very lucrative job in Hollywood as a cosmetic surgeon, I couldn’t figure out what to do in Vegas. So, I started watching these shows in clubs to pass the time. Violet was a performer in one of them. And that’s how it started.”
“You’re not exactly the type who’d fall for someone like Violet, are you?”
“So, what, are you judging me now?”
“No, no, of course not. I’m just a bit surprised.”
“Violet is funny and very affectionate. She’s a firecracker. She always makes me laugh and she’s taught me many things I thought I’d never learn. And she came into my life at a time I had questions about who I was and what I wanted to do with my life.” Hinawi ni Ed ang mga hibla ng buhok na nilipad ng hangin patungo sa kanyang pisngi. Pinagmasdan ni Reneé ang matingkad na bughaw na mga mata ni Ed habang nakatingin ito sa kalayuan.
“So what happened to both of you?”
“Violet wasn’t all virtues. She’s a big problem, too. She wasn’t faithful. It took me time to realize she was fooling around with almost all her co-performers. Even with the director and the manager of the club. And this was during the time she was with me. I was so mad then. I told her that I couldn’t stand promiscuity.”
“I’m sure there are two versions of the story. What were her issues against you?”
“That I was a control freak. That I was always suspicious. That she couldn’t breathe in our relationship. That I always regard her as a problem that I cannot solve.” Kinuha ni Ed ang napkin para punasan ang natirang keso sa sulok ng bibig ni Reneé. “Now, you understand why I wanted to be patient with you. I don’t wanna be like who I was with Violet.”
“But I’m promiscuous, Ed. You won’t like me either. I’m a nymphomaniac.”
“You’re not.”
“How do you know? You haven’t seen me around good-looking boys.”
“How do I know? Well, for one, you haven’t forgotten your first love. And your great love. And they’re both not even here.”
“Well, that could be a good reason for people to be promiscuous. To forget. Isn’t that what most people do?”
“Yes, maybe. But not you.”
“How sure are you? You hardly know me.”
“I’ve a pretty good sense in knowing people. I know who you are. And I’m confident to say I’m a pretty good counselor to discern which is which.”
“You really are a freak, Ed.”
Sabay silang nagtawanan.
Mayamaya, narinig na nila ang dagundong ng mga tambol at musika mula sa mga naimbitang banda, hudyat na mag-uumpisa na ang parada. Saglit na nawala si Ed para bumili ng beer sa di-kalayuang convenience store. Pagbalik niya, hindi magkamayaw ang buong kahabaan ng Market Street sa dami ng mga taong nanonood para saksihan ang pinakamagarbong parada sa Amerika. Humigit-kumulang dalawang daang parade contingents ang nakilahok dito ngayong taon. Ang unang contingent ay ang Dykes on Bikes, na kinabibilangan ng mga babaeng nakasakay sa motorsiklo. Isang malaking puting tarpaulin ang nakabalandra sa harap nila at nakasulat ang malalaking letra ng San Francisco Pride 2016. Ang ilan sa mga ito ay walang saplot na nagpaandar ng kanilang mga behikulo. Ang iba naman ay naka-jacket at nakasuot ng mga damit na yari sa katad. Ilan sa kanila ay may suot na pantalon at boots kung saan nakasabit ang samu’t saring abubot na gawa sa metal. Mayroon ding mga pulitikong lumahok sa parada para masiguro ang boto ng LGBT community sa susunod na eleksiyon. Nang bumungad na ang iba’t ibang naggagarang float at flatbed truck, sigawan ang mga tao. Malakas at nakabibinging musika ang maririnig mula sa mga ito, dahilan para sumali ang ilang mga tanod sa pagsasayaw sa daan. Ilang mga kasama sa itaas ng float o sa baba at naglalakad sa kalsada ang nakadamit nang sari-sari, ayon sa taros ng imahinasyon ng mga tao. May mga nakadamit-paruparo, mayroong nakadamit-engkanto, at mayroon ding nakadamit-anghel. Nang lumabas ang drag queens, nagpalakpakan ang mga tao. Nagsabog sila ng mga confetti na iba’t iba ang kulay at stardust sa mga magiliw na nanonood sa gilid ng kalye. Bakas sa mukha nila ang kagalakan, bagama’t hindi maaninag ang kanilang totoong hitsura dahil sa kapal ng make-up sa mukha. Ilang placards na nagbubunyi ng kalayaan ang hawak-hawak ng ilang mga lalaking brief lang ang suot, sumisigaw ng Freedom! Love Knows No Gender! You Are Who You Are!
Ramdam ni Reneé ang ingay at sigla ng okasyong iyon. Hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Napahawak siya sa braso ni Ed at niyakap siya nito. Nang makita nila ang pagpasok ng PFLAG o Parents, Families and Friends of Lesbians and Gays na kinabibilangan ng mga pamilya at kaibigan ng mga miyembro ng ikatlong kasarian, namangha si Reneé. Isa ito sa contingents na may pinakamaraming delegado. Daan-daang mga magulang ang nagmamartsa para sa kanilang mga mahal sa buhay at buong pagmamalaking isinisigaw nila na mahal nila ang mga anak nilang bakla’t tomboy. Itinaas nila ang kanilang mga kamay. May mga placard silang hawak at nakasulat ang We Love You! You are Beautiful! You are God’s Gift to Us! Ang ilan sa kanila ay umiiyak at nagpapahid ng luha kaya pati ang mga nanonood ay nakiiyak na rin.
Hindi rin napigilan ni Reneé ang sarili. Naupo ito sa isang sulok at humagulhol. Hindi niya maipaliwanag kay Ed ang nararamdaman. Niyakap siya ni Ed nang mahigpit. Hindi sila nagkibuan. Walang nagtanong. Walang sumagot. Nanatili lang silang magkayakap.
Hatinggabi na nang makabalik sila sa hotel. Pagkatapos ng parada, nagyayang uminom si Reneé sa isang bar hindi malayo sa hotel. Tig-isang bote lang daw sila ng beer. Pero ang isa ay naging dalawa. Ang dalawa ay naging apat. Ang apat ay naging walo. Lango na sila pareho nang magdesisyon si Ed na umuwi na sa kanilang tinutuluyan. Karay-karay niya si Reneé na halos matumba na sa daan dahil sa sobrang kalasingan. Sa loob ng kuwarto, inihiga niya ito sa kanyang kama at tinanggal ang trench coat na suot. Inalis rin niya ang boots nito na mahigpit na nakatali sa kanyang magkabilang binti. Nagbihis siya ng damit-pantulog, binuksan ang ilaw sa banyo at nagsipilyo. Pagbalik niya sa kuwarto, nakita niyang nakahiga na si Reneé sa kanyang kama. Nakakalat sa ibaba ng kama ang lahat ng suot nito at tanging ang kumot na lang ang nakabalot sa hubad nitong katawan.
“Come here,” malambing na tawag ni Reneé sa kanya habang itinaas nito ang kamay para yayain siyang sumiping sa kanya.
“You’re drunk, Reneé. You’ve had too much to drink tonight,” pigil na sambit ni Ed.
“Sshh… don’t talk. Please,” tumayo ito para salubungin si Ed.
Tumambad kay Ed ang hubad na katawan ni Reneé. Hinayaan niyang halikan siya nito sa leeg, sa pisngi, sa mga labi. Mainit ang hininga nitong naglakbay sa kanyang mukha at balikat. Maingat nitong tinanggal ang kamisetang suot niya at pinabayaan niyang galugarin ng bibig nito ang kanyang dibdib at parang gutom na sanggol na sinupsop ang kanyang mga utong. Nanghina si Ed sa kanyang pagkakatayo kaya inakay niya si Reneé sa kanyang kama. Doon naglapat nang tuluyan ang kanilang katawan. Gumanti si Ed sa masidhing halik ni Reneé. Nag-aalab at nakakapaso. Bumaba ang ulo ni Reneé at dinilaan nito ang kanyang katawan patungo sa kanyang mabalahibong pusod. Pigil ang hininga ni Ed sa pagpaubaya. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at inayos ang mahabang buhok na bahagyang kumubli sa kanyang maamong mukha. Ibinaba ni Reneé ang kanyang suot na boxer shorts at hinayaan niyang isubo nito ang kanyang matigas na paninindigan. Nawala ang matinding kalasingan ni Ed nang maramdaman niya ang init ng bibig ni Reneé na taas-baba, taas-babang sumusupsop ng kanyang pagkalalaki. Napaigtad siya sa kanyang pagkakahiga. Inangat ni Reneé ang kanyang ulo at tumalikod ito sa kanya. Sinenyasan niya si Ed na puwede niyang pasukan ito at ibinigay ang dalang condom. Sa umpisa, banayad at maingat si Ed sa pagkadyot sa puwit ni Reneé. Pero dahil hindi na niya napigilan ang sarap na nararamdaman sa pag-ulos sa likod ni Reneé, bumilis na nang bumilis ang pagkadyot niya. Nanginginig na dinakma niya ang pagkalalaki ni Renan at buong igting na sinalsal ito. Naghalo ang pawis at laway sa kanilang mga hubad na katawan, habol-habol ang sidhi ng paghinga at matinding pag-asa.
Ilang ulit din silang nagtalik nang gabing iyon at para silang mga pagal na pagong na nakatulog dahil sa matinding pagod, yakap ang isa’t isa.