Lumulutang yata ako habang naglalakad. I can't explain how happy I am. Dalawang bagay na lang ang kulang sa amin ni Adam. Commitment and of course the Lword, Love.
Okay naman kami sa ganito, pero minsan naiisip ko rin na iba pa rin yung kapag may karapatan kami sa isa't isa kaso kapag nangyari yun, madami ng consequences. Kayanin kaya namin yun?
Eh teka nga, ano ba ‘tong mga iniisip ko, eh wala naman kaming pinag-uusapang commitment. Nadadala lang siguro ako sa saya na nararamdaman ko ngayon.
"Hindi naman sa nakikialam ako ha, pero akala ko ba iiwasan mo na si Adam?" tanong ni Ate Gem.
"Si Arkisha, iiwasan si Adam? Eh para kayang magnet ang dalawang yan,” singit ni Ella.
"Akala ko ba nahihirapan ka na?" tanong niya ulit.
"Oo. Nahihirapan ako. Nasasaktan. Pero mas mahirap pala kapag wala siya. Sabi niya para raw may kulang kapag wala ako, at ganun din ako sa kanya," sagot ko.
"Good luck.”
"Saan?" tanong ko.
"Sa pagiging masokista mo."
"Kaya ko naman ang sarili ko."
"I heard that before. Bahala ka, basta lagi mong tatandaan, andito lang ako—kami—kapag pinaiyak ka na naman ni Adam, ok?" sabi niya.
Ngumiti ako. "Sabi niya hindi na raw niya ako sasaktan."
"Lahat ng lalaki, yan ang sinasabi."
"So sinabi din sayo ni Harris yun?"
"Ah.. Eh.. Oo."
Tumawa ako. "I see."
***
Nung sinabi ni Adam kahapon na gusto niya akong makasama, akala ko magde-date kami. Asa!
Halos mabingi ako ngayon sa lakas ng tugtog sa buong bahay. Ang daming tao at wala akong ibang kilala kundi sina Adam at yung kaibigan niya na may birthday.
Sa laki ng bahay na ‘to, nagkikita-kita pa kaya ang mga nakatira dito? Iginagala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay at wala akong maipintas. Kasabay nito ang paghahanap ng mga mata ko kay Adam, na nagpalam lang na kukuha ng drinks namin.
Is it just me or talagang kanina pa nakatingin sa akin yung matangkad na lalaki sa dancefloor. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Adam.
"Have we met?"
Nagulat ako nang bigla na lang nasa harapan ko na ang lalaking nasa dancefloor kanina.
"Ano yon?" pasigaw kong tanong. Sinusubukan kong labanan ang lakas ng music.
"Ang sabi ko, nagkita na ba tayo? Mukha ka kasing pamilyar eh," sabi niya at halos ilapit na niya ang mukha niya sa tenga ko para marinig ko.
Narinig ko naman talaga ang una niyang sinabi. Gusto ko lang makasigurado. At talagang tinagalog pa niya. Anong akala nito saken, tanga?
"I don't think so," sagot ko. Akala mo, ikaw lang ang marunong mag-ingles ha?!
"Yeah. Baka nga kamukha mo lang. So kaibigan ka din ni Christian?" tukoy niya sa birthday celebrant.
"Ahm, sort of. He's a friend of my friend."
Tumango-tango lang siya.
"By the way, I'm Brent," at inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko naman iyon. "Arkisha," pakilala ko.
"Arkisha. Beautiful name. It suits you."
Ngumiti siya at lumabas ang dimples niya sa kaliwang pisngi. I smiled back.
"Thanks."
"Napansin ko kanina ka pa nakatayo dito, nasan na yung friend mo?"
"May kinuha lang siya. Pabalik na yun," sagot ko at nahagip ng mata ko si Adam. "There he is. Adam!" tawag ko.
"Adam??" sambit niya. Lumingon siya para tingnan ang tinawag ko.
Iniabot sa akin ni Adam ang isa sa hawak niyang drinks. "Here you go."
"Adam?" tawag ni Brent. Tiningnan siya ni Adam.
"Brent?! Whoa! Long time no see!"
"So ikaw pala ang 'friend' ni Arkisha?"
"Guilty," sagot ni Adam at inakbayan ako.
"What took you so long?" tanong ko kay Adam.
"Oo nga naman pare? If I were you, hindi ko hahayaang mag-isa ang babaeng tulad niya. Baka maagaw siya at magkaroon ng new 'friend'," sabi ni Brent.
"Naghanap pa kasi ako ng para sayo, puro kasi alak ang nandon. I know you don't drink," sagot niya sa akin. "And about that Brent, you don't have to worry, kasi hindi ko naman siya iiwan."
Brent just shrugged. "If you say so."
"Where is your girlfriend?" tanong ni Adam.
"Adam, I don't have a girlfriend."
"What's new? You can't stick to one," at tumawa si Adam.
Tumawa rin si Brent. Mga lalaki talaga, nagkakaintindihan at nagkakalabuan pagdating sa babae.
"Look who's talking? Mr. Heartbreaker?" tawa pa rin nang tawa si Brent.
"Not anymore," sagot ni Adam.
Parang gustong tumaas ng isang kilay ko. Yung mataas na mataas. Mataas pa sa Mt. Everest.
"Ako rin. I think I found the one," sabi ni Brent. Is it just my imagination o talagang nakatitig siya sa akin habang nagsasalita which I really find weird.
Hinila ako ni Adam palapit sa kanya.
"Nagkita na ba kayo ng kapatid ko?" tanong ni Brent kay Adam.
Kumunot ang noo ni Adam.
"Nagulat ba kita? She's here. Umuwi na rin siya. Actually, nauna pa nga siyang dumating sa akin sa bansa. Imposibleng hindi ka pa niya pinupuntahan?"
"Hindi eh. Brent, we have to go. May pasok pa bukas si Arkisha eh," paalam ni Adam. Parang may iniiwasan siya.
"Okay. Ngayong nandito na ulit ako, hope we can hang out just like the old times. Isama mo si Arkisha, and I'll bring my sister,” Brent suggested. "What do you think?"
"I don't think so, busy kasi ako as well as Arkisha, diba?" at tumingin sa akin si Adam.
"Cmon dude! Ang KJ mo naman! Arkisha?"
Ngumiti ulit siya sa akin. Tiningnan ko si Adam. I don't know what to say. Ngayon ko lang siya nakilala at mukhang atat na ring umuwi si Adam.
"Busy din ako eh. Malapit na kasi ang finals. Sorry," sagot ko which is true.
"Okay, some other time maybe?"
Nagpaalam na rin kami sa birthday celebrant.
"Artista ba yon? O model?" tanong ko kay Adam habang pauwi kami.
"Sino?"
"Si Brent."
Tumawa siya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?
"Si Brent? Artisa? Model? Of course not! Hahaha. Mas gwapo ako dun, but you never asked me the same question."
Inirapan ko siya. "Sino namang may sabi na mas gwapo ka sa kanya? Nanay mo? Hahaha,"at siya naman ang tinawanan ko.
"I'm hot. He's not," bulong ni Adam.
Mas gwapo naman talaga si Adam at hot. Ako pa ba na naman ang tatanungin nyo? Si Adam nga kasi ang palaging panalo. Ayoko lang palakihin ang ulo niya… sa taas.
He cleared his throat. "Do you like him?"
"No. Why?" sagot ko.
"Nothing."
Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse.
"Magpahinga ka na ha,"sabi ni Adam. Papasok na siya ng kotse.
"Adam, wait. Diba sabi mo whenever I answer your question with another question, you would kiss me?"
"Yes."
"Pwes, ikaw din," pagkasabi ko, tumiyad ako para maabot ng labi ko ang mga labi niya.
Smack lang.
"Goodnight."
Go find that part.