noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 25

Ch. 26 / 72 Feb 05, 2022

"Brent??! Anong ginagawa mo dito?"

Papalabas na kami ni Jane ng school nang makita ko sa may gate si Brent.

"Sinusundo ka,” sagot niya.

"Huh? Bakit? Paano mo nalaman na dito ako nag-aaral?"

"I did some research."

Naramdaman kong kanina pa ako sinisiko ni Jane. Pagtingin ko sa kanya, ang lapad ng ngiti niya.

"Ah, Brent this is Jane, kaibigan ko. Jane, si Brent", pakilala ko.

"Hi!" inilahad ni Jane ang kamay niya. At siya pa talaga ang naunang maglahad sa kanilang dalawa.

"Hi! Nice to meet you," sagot naman ni Brent. "Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita," alok niya sa akin.

"Actually, Jane and I are on our way sa coffee shop—"

"Cup of Chinos?" tanong niya.

"How did you know?"

"I told you. Nag-research ako. Tara. Ihahatid ko na kayo."

"Girl, pumayag ka na. Gamitin mo na ang charm mo para makatipid tayo,”pasimpleng bulong sa akin ni Jane.

Para makatipid o para makapagpacute siya?

Noong una, ayoko talaga. Nakakahiya kasi, pero mukhang wala siyang balak tumigil sa pangungulet at ang kasama ko naman ay mukha gustong gusto ring tanggapin ang alok niya, kaya pumayag na ako.

Nang makarating kami sa coffe shop, hindi muna siya umalis, umorder muna siya at tumigil sandali. Pero nang may tumawag sa kanya sa cellphone ay nagpaalam na siya.

"Nanliligaw ba yun sayo?" tanong ni Jane.

"Hindi ah. Kakakilala ko pa nga lang dun eh. Bakit?"

"Alam mo, kay Adam pa din ako. Siya pa rin ang gusto ko para sayo."

"Si Adam talaga?"

"Oo, para sa akin si Brent! Hahaha!"

***

"Kaninong kotse yan?" tanong ni Ella. Nakasilip kaming apat sa bintana. May tumigil kasing kotse sa harap ng boarding house.

Pagkalipas ng ilang saglit, bumaba ang isang babae. Yung babaeng sinasabi kong isa sa mga dyosa.

"Ang ganda niya,” komento ni Jane.

"Sosyal,” sabi ni Ella.

"Sopistikada,” sabi ni Ate Gem. Pagkatapos nilang magsalita, lahat sila nakatingin sa akin, hinihintay ang komento ko.

Tiningnan ko rin sila. Naghihintay pa rin.

"Err... Dyosa," sabi ko. Pagkasagot ko, ibinalik na nila ang tingin nila sa babae.

Lumabas naman si Ate Gem para itanong sa babae kung ano ang kailangan nito.

Pinapasok niya ito. Natutulala pa rin ako kasi iniisip ko kung ano ang kailangan niya sa akin.

"Arkisha, ikaw ang hinahanap niya," sabi ni Ate Gem.

"Ah, si Venice, kapatid ni Adam. Venice, mga kaboardmate ko. Sina Ate Gem, Jane at Ella,” pakilala ko.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng tatlo. Nginitian sila ni Venice. Niyaya niya akong kumain sa labas.

"I'm sorry nga pala sa nasabi ko. I just thought..."

"Okay lang. Tapos na yun," nakangiti kong sagot.

Mas maganda talaga siya sa malapitan. At ang kutis niya, mahihiya ang lamok na kagatin siya, sobrang kinis.

"So gaano na kayo katagal ng kapatid ko?"

"Ahm, depende kung saan titingnan."

"Is it true na wala kayong commitment?"

Tumango ako. Mukhang nakapag-usap na sila ni Adam. Hindi na naman ako na-inform, question and answer portion pala itong napasukan ko. Mabait naman siyang tingan, pero pakiramdam ko, bawal akong magkamali sa mga isasagot ko.

Bakit kaya ganun?

"Hindi pa rin talaga nagbabago ang kapatid ko pagdating sa babae. I just hope ikaw lang ang idinedate niya. Tama ba ako?"

Pahirap nang pahirap ang mga tanong ah. Lume-level up.

"I hope so," tipid kong sagot.

"Ikaw? Are you dating other guys?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hell no! Nakita ba niya akong inihatid ni Brent sa coffee shop?

"No. Si A-adam lang."

"Good. You know what, I like you."

She paused.

"For my brother, of course."

Nakabawi ako sa pagkagulat. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"I've never seen him happy like this. I think he really likes you."

Hindi ko yata kayang pigilang magblush. Napansin niya yatang alangan ang ngiti ko.

"Maybe," sabi ko.

"Why? Hindi ka sigurado?"

"Hindi naman kasi siya vocal pagdating sa feelings niya. Actually, kaming dalawa."

Tumawa si Venice.

"I can't believe torpe pala ang kapatid ko? Hahaha."

Kahit yung tawa niya, sosyal pa rin. Ngumiti lang ako.

"So paano, I have to go. I had a great time talking to you. Till next time. Hindi na kita maihahatid ha, pero dito ka muna, he's on his way."

Sino?

Gusto ko pa sanang itanong yon pero nagpaalam na siya ng tuluyan sa akin. Wala akong nagawa kundi hintayin ang tinutukoy niya.

Habang nakaupo, bigla ko na lang naramdaman na may humila ng ponytail ko. Lumingon ako at nakita siya.

"Sabi ko na nga ba ikaw yun eh. Akina nga yan!" Pilit kong kinukuha ang ponytail ko, sa halip, isinuot niya yon sa braso niya.

Inayos ko ang buhok ko.

"Ayos pala ‘to, pwedeng bracelet," sabi niya at makatitig pa siya sa braso niya.

"Para kang bakla, hindi bagay sayo. Hahaha!"

"Anong sabi mo? Ako? Bakla? Baka gusto mong magkasubukan tayong dalawa?"

Pikon.

"Bakla ka! Bading! X-men! Paminta! Hahaha."

"Isa pa, lagot ka saken," banta niya.

"BAK—" Nakatitig siya sa akin. "BAK..kit mo ba kasi kinukuha yan?" tanong ko. Pinipigilan ko ang tawa ko.

"Mas gusto ko kapag walang ipit ang buhok mo. Yung natural lang," sagot niya.

Hmp. Bakla.

"Anong nakakatawa?" tanong niya. Hindi ko na kasi mapigilan ang tawa ko eh.

"Wala. Iniisip ko kasi, paano kaya kung naging bading ka? Hahaha!"

"Sigurado madaming babaeng manghihinayang at iiyak. Isa ka na doon. Pero wag kang mag-alala. Malayo sa katotohanan. Teka, gusto mo bang patunayan ko sayo?"

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hahalikan nya ba ako? Tumitingin na sa amin ang ibang tao sa restaurant kung saan ako iniwan ni Venice.

"Err... Adam. Yung mga tao..."

Inilayo na ni Adam ang mukha niya.

"Bakit mo nga pala kasama ang kapatid ko? Hinarass ka ba niya? Anong ginawa niya sayo?"

"Hindi ah! OA ka. Nagkwentuhan lang kami. Yun lang. Usapang babae, di ka kasali."

***

Inihatid na ako ni Adam sa boarding house ko.

"Shit! Naiwan ko ang susi."

Kanina ko pa kinakalkal ang bag ko pero wala talaga ang susi. Wala pa namang tao sa loob.

"Anong oras ba dadating yung mga kasama mo?" tanong ni Adam.

"Mamaya pa yun."

Naalala ko yung bintana sa banyo.

"O? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Adam ng bigyan ko siya ng may-naiisip-na-ako look.

Sinabi ko sa kanya ang plano ko.

"ANO?? NO WAY! Hindi mo ako mapapaakyat sa bintanang yun! Kaya kayo nananakawan eh. Dapat pinapalitan nyo rin yun." sabi niya.

"Adam, sige na. Sasabog na ang pantog ko! Please?"

"Hayaan mo siyang sumabog! Eh paano kung ulo ko naman ang sumabog kapag naaksidente ako sa gusto mong gawin ko?"

Sa halip na mainis, ngumiti ako. At pagkatapos kong bitawan ang isang salita sa kanya, agad siyang sumunod sa gusto ko.

BAKLA.

Mabilis siyang nakaakyat.

"Adam, okay ka lang dyan?" tanong ko mula sa bintana. Nakapasok na siya sa loob.

"Oo,” sagot niya.

Bumalik na ako sa front door para hintaying buksan niya ito. Pero ilang minuto na ang nakakalipas, hindi pa rin niya binubuksan.

Kumatok ako sa pinto.

"Adam, buksan mo tong pinto!”

Sumagot siya.

"Sino yan??"

"Adam, ano ba? Buksan mo na!"

I knocked again.

"Sino nga kasi yan? Hindi ako basta-basta nagpapasok eh," sagot niya.

Ginagalit talaga ako.

Finally, he opened the door.

"Arkisha? Ikaw pala yan? May kailangan ka? Tuloy ka," sabi niya ng nakangiti.

Itinulak ko siya at nagdiretso ako sa banyo. Pagbalik ko sa sala kung saan ko iniwan si Adam, biglang may tumigil na kotse.

Si Brent. Bumaba siya ng kotse. Sinalubong siya ni Adam.

"Si Arkisha?" tanong niya. Nakaupo lang ako sa sofa. Nakikinig ako sa usapan nila.

"Nasa loob, bakit?" tanong ni Adam.

"Ah, yayayain ko lang sana siyang magdinner."

"Sayang naman", malungkot ang boses ni Adam.

"Bakit?"

"Inihatid ko kasi si Arkisha dito para magpahinga. Masama kasi ang pakiramdam niya. So bad."

WHAT???!!

"Ganun ba? Sige, next time na lang. Pakisabi na lang, dumaan ako."

Narinig ko na umandar na ang sasakyan ni Brent. Pumasok naman si Adam.

"One word Adam. Explain," sabi ko sa kanya.

"I don't have to explain anything. I'm just doing the right thing," sagot niya.

"Pero hindi mo naman kailangang magsinungaling, and besides wala naman siyang ginagawang masama."

"Kilala ko si Brent. Pero kung talagang gusto mo ring makipagdate sa kanya, go ahead, sundan mo siya."

Pagkasabi niya noon, lumabas na siya ng pinto at pinaharurot ang sasakyan niya.

"Adam…"