"Bayaran mo," utos ko kay Adam nang makarating kami. Pinapabayadan ko sa kanya ang pamasahe sa taxi. Nakatitig lang kasi sa akin, balak na yata akong sunggaban.
Nauna akong pumasok sa loob. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Can I be this agressive?
Napapikit ako. Nagulat na lang ako nang marinig kong nagsara ang pinto. Umupo si Adam sa kama. Hindi naman ako sinunggaban. Hmf!
"So, anong ibig sabihin nito?" tanong ni Adam. Nakatayo lang ako sa harapan niya.
Ano nga ba? Tinatanong ko din ang sarili ko. Mapapasubo ata ako ah.
Hindi ako makasagot. Tumayo si Adam, kinuha ang towel at pumasok sa banyo. Narinig kong nagbukas ang shower. Nakatayo pa rin ako. Nag-iisip.
Ano nga bang gagawin ko? Kung paparusahan ko si Adam, paano? Parang kahit naman yata anong gawin ko, pagdating sa bed, never magiging parusa kay Adam yun eh. Siguradong wala siyang choice kundi mag-enjoy.
Bahala na. Andito na kami eh. Ako naman ang humila sa kanya dito.
Nakasandal ako sa pader sa tabi ng pinto ng banyo. Sakto naman na lumabas na si Adam. Parang gusto kong manghina sa nakikita ko. Bakit ba kailangan pa niyang magshower? Mas lalo siyang gumwapo at mas naging hot!
Nakaunderwear lang siya. Hooohh!!
Yung towel, nakasampay sa dalawang balikat niya. Lumapit siya sa akin. Hinawakan ko yung dalawang dulo ng towel na nakapaikot sa leeg niya. Hinila ko yun papalapit sa akin kasabay ng paglapit ng mukha niya sa mukha ko.
Inilapat niya ang noo niya sa noo ko.
I was about to kiss him nang biglang mag-ring ang phone ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Adam. Nakakunot ang noo niya.
Naglakad ako patungo kung saan nandoon ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"Hello... Kasama ko si Adam. ANOO??? O sige, papunta na ako dyan!"
Dali-dali kong pinulot ang mga damit ko at agad na nagbihis.
Napabangon sa kama si Adam. "What are you doing? What the hell is happening? Sino bang kausap mo?"
Hindi ko alam kung curious ba siya o badtrip dahil napatigil ang ginagawa ko kanina.
"I have to go," ang tanging nasabi ko lang habang isinusuot ang bra ko. Malungkot na malungkot ang boses ko.
Hinawakan niya ako sa braso. "Sandali nga, ano ba kasing nangyayari? Anong problema?"
"Tumawag si Ate Gem. May nangyaring nakawan sa boarding house," garalgal ang boses ko.
Naningkit ang mata niya. "What??!"
Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis ko. Lintek na yan, nananakawan na pala kami kung anu-ano pa ang ginagawa ko.
"Sasamahan kita," sabi ni Adam at nagmadali siyang nagbihis.
Nagpatawag na lang kami ng taxi. Pagkadating namin sa bahay, madami ng tao sa labas. Yung iba nakikiusyoso lang.
Nilapitan ko kaagad si Ate Gem. Umiiyak siya. Tinanong ko sa kanya kung ano bang mga nangyari.
"Arkisha, pagkauwi ko, hindi nakalock ang pinto. Akala ko nga nasa loob ka na at nakauwi ka na. Alam ko naman na may trabaho sina Jane. Pero pagpasok ko, magulong magulo ang bahay. Kinabahan na ako. Hinanap kita sa loob sa pag-aakalang may nangyari ng masama sayo. Pero hindi kita makita. Pagpasok ko sa kwarto ko, magulo rin. Tapos wala na ang pera ko sa lalagyan nito. Pati ang laptop ko at laptop ni Ella, tinangay," kwento ni Ate Gem.
"Arkisha, ang laptop mo?" nag-aalalang tanong ni Adam na katabi ko.
Nilingon ko siya. "Adam, wala akong laptop," bulong ko.
"Ah, wala ba?" Napakamot na lang siya sa ulo. Dumating naman sina Jane at Ella.
Sari-sari pang gamit at gadgets ang nanakaw. Pera? Wala silang mananakaw sa aking pera. Kung meron man barya lang yon. Kung ako lang ang nanakawan nila, mas maaawa pa ako sa kanila kasi wala talaga silang makukuha. Pero si Ate Gem, ang alam ko may kaya sila. Malaki-laki din daw ang nakuhang cash sa kanya. Sabi niya kasi nag-iipon na sila ni Harris. Naaawa tuloy ako sa kanya. Nakaka-trauma rin kasi.
May sasakyang dumating. Si Tita Patz. Sabi niya, papa-imbestigahan daw niya ang nakawang naganap.
"Mabuti na lang at wala kayo dito nang maganap ang nakawan," sabi ni Tita Patz.
Naisip ko tuloy, kung nandoon kaya kami, manakawan kaya kami? Maglakas loob kaya silang pasukin kami kung nasa loob kaming lahat?
Ibig bang sabihin nito blessing in disguise pa pala ang paghila ko kay Adam sa lugar na yon? Ano ba tong naiisip ko.
"Kung gusto nyong matulog dito ngayong gabi, kayo ang bahala. Pero kung may matutulugan kayong iba, I suggest, doon muna kayo hanggat hindi pa safe," suggest ni Tita.
Tinawagan ni Ate Gem yung boyfriend niya. Siguro doon muna siya.
Kinakabahan ako. Wala akong alam na mapupuntahan. Tama si Tita Patz, mukhang hindi pa nga safe. Pero saan ako pupunta?
"Arkisha, may Ninang ako malapit lang dito, gusto mo bang sumama sa akin?” yaya ni Ella.
May choice pa ba ako? Syempre kapalan na to, sasama na lang ako.
"I'll take care of her," singit ni Adam. Napatingin ako sa kanya. "Sa condo ko na muna siya tutuloy. Salamat sa pag-aalalala," sabi ni Adam.
"Adam.”
"Huwag ng matigas ang ulo. Get your things. Sasama ka sa akin," utos niya