"O? Bakit para kang nakakita ng multo? Hindi mo ba ako papasukin?" tanong ng babae kay Adam.
Nang makabawi sa pagkatulala si Adam ay pinatuloy niya ito. I am so clueless kung sino siya. Mabuti na lang maayos ang suot kong damit.
"What the hell are you doing here?!" galit na tanong ni Adam.
Nakatingin sa akin ang babae. Nakangiti siya.
"Siya ba ang palagi mong kinekwento sa akin?" tanong niya. "I'm Venice, Adam's sister. I'm so glad to finally meet you! Palagi kang kinekwento sa akin ni Adam noon," pakilala niya.
Hindi ko alam kung saan ba ako magugulat. Is it the fact na ang mala-dyosang kaharap ko ngayon ay kapatid pala ni Adam o yung sinabi niya na palagi raw ako kinekwento ni Adam sa kanya?
Nilingon niya si Adam na ngayon ay blanko ang ekspresyon.
"She is so pretty!"
I know. Pero mas maganda siya sa akin. Lahi na nga yata nina Adam ang mga magaganda at gwapo. Tapos dadagdag pa ako! Pwedeng pwede talaga!
"Diba dapat nasa Australia ka ngayon? What brought you here?" tanong ni Adam.
"Airplane," sagot ng kapatid niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sagot ng kapatid niya. Marunong din pala siyang magbiro. Mukhang may katapat na si Adam.
Nagdiretso si Venice sa dining table at nakita ang mga niluto ko.
"Wow! I'm pretty sure ikaw ang nagluto nito. Tamad magluto yang si Adam eh. I miss all of these!"
Sabik na sabik siya sa mga niluto ko.
"I hope you don't mind?" pagpapaalam niya.
"Oh! Oo naman. That's fine. Let's eat?" yaya ko at kumuha pa ako ng extra plate para sa kanya.
Mukha namang nasasarapan sa luto ko si Venice. Ganadong ganado siya sa pagkain eh, samantalang si Adam, nakain na yata niya ang dila niya. Hindi pa ulit nagsasalita eh.
"So you're working now, right?" tanong ni Venice sa akin.
"May part time job ako tuwing gabi sa coffee shop, nag-aaral naman ako sa umaga. Isang taon na lang naman gagraduate na ako," sagot ko.
Bakas sa mukha ni Venice ang pagtataka. Maybe she's just amazed na nag-aaral ako at the same time, nagtatrabaho.
"Oh, I see. Mula kasi nang grumaduate si Adam, hindi na siya nagkwento eh. Marami na nga siguro akong na-miss."
"Arkisha, ihahatid na lang kita sa school mo," sabi ni Adam.
"Arkisha..." narinig kong binanggit ni Venice ang pangalan ko. Mahina ang pagkakasabi niya. Parang may inaalala.
"Wag na Adam," tanggi ko. "Okay lang ako. Sobra-sobra na nga yung pagkupkop mo sa akin ngayong gabi eh."
Tiningnan ko si Venice. Nakatungo lang siya. Eating her food. Mukhang may iniisip.
Kung posible lang ang teleport, sigurado ako sa mga oras na ito ang gusto lang naming tatlo ay maghiwa-hiwalay ng lugar. Alam kong may mali. Alam kong alam din nila na may mali. Wala lang gustong umamin.
***
"Meron akong good news at bad news," sabi ni Ella. Magkasama kami sa school. Katulad ng sinabi ko kay Adam, hindi na ako nagpahatid sa kanya. Ayoko siyang makasama. Kanina nga nung breakfast, gustong gusto ko nang umalis.
"Anong gusto mong unahin ko?" tanong ni Ella.
"Kahit ano. Bahala ka," mahina kong sagot.
Kumunot ang noo ni Ella. "Bakit parang wala ka yatang energy ngayon? Anong nangyayari sayo? Madami bang nanakaw sayo kagabi?"
"Good news. Unahin mo na nga lang ang good news," sagot ko na lang sa kanya. Sa nararamdaman ko ngayon mukhang kailangan ko talagang makarinig ng good news.
"Sige, ang good news, nahuli na ang mga nagnakaw sa atin kaninang umaga. Nakakulong na sila."
"Okay," walang kagana gana kong sagot. "And the bad news is?"
"The bad news is paano na yan? Pwede na ulit tayong matulog sa boarding house, eh di aalis ka na sa condo ni Adam?" malungkot na tanong niya.
Nanlaki ang mata ko. That is not a bad news for me. Mas mabuti nga yon. Nakangiti na ako ngayon.
"Grabe naman to. Late reaction lang teh? Kanina ko pa sinabi ang good news tapos ngayon ka lang ngingiti? Mas adik ka pa ata sa mga magnanakaw eh."
"Eh parehas naman kasing good news ang sinabi mo."
"Huh? Ayaw mo na bang matulog sa condo ni Adam? Bakit? Hindi ka ba niya pinatulog?"
“Ella!"
"Eh bakit nga?"
"Basta."
**
"I didn't know you have a sister," sabi ko kay Adam.
Nandito kami ngayon sa condo niya. Kakagaling ko lang sa school. Hindi ako pumasok sa trabaho. May kailangan akong gawin.
Nakaupo kami sa couch while watching t.v.
"Hindi ko ba nabanggit sayo noon?"
Umiling lang ako.
"My sister likes you."
Gusto kong matuwa, pero ako ba talaga? Kaya hindi ko magawang ngumiti.
Hinawakan niya ang kamay ko. Lumapit siya sa akin. Ang isang kamay niya nakaakbay sakin.
"What's wrong? Kanina ka pa ganyan. May problema ka ba?" tanong niya at hinawakan niya ang mukha ko.
Siguro kung nasa ibang sitwasyon kami, kikiligin ako, pero dahil sa narinig ko kaninang umaga, nasasaktan pa rin ako.
"Wala. Okay lang ako," sagot ko.
That was the biggest lie ever! I AM NOT OKAY! Gustong kong isigaw sa mukha ni Adam na nasasaktan ako! Pero hindi pwede dahil wala akong karapatan.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko and he gave me a soft kiss. Napapikit ako. Itinuloy niya lang ang paghalik sa akin. Gumaganti na ako. Sa bawat halik niya sa akin, somehow napapawi ang nararamdaman kong sakit. Pero hindi naman pwedeng forever kaming naghahalikan diba? Pwede ba?
Unti-unti akong napahiga sa couch habang unti-unti na ring naglalakbay ang mga kamay ni Adam sa loob ng blouse ko.
Bakit kahit anong sakit ang nararamdaman ko ngayon, mahal ko pa rin ang lalaking nasa ibabaw ko ngayon? Pero mukhang nasagot na ang lahat ng tanong ko. Sinagot na kanina ng kapatid niya.
Biglang nag-ring ang cellphone ni Adam.
"Adam, yung cellphone mo nagri-ring," sabi ko.
Patuloy pa rin siya sa paghalik sa katawan ko.
"Adam."
"Hayaan mo na. Magsasawa rin yan sa pagtunog," at ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
Nang matapos mag-ring ang phone niya, ilang segundo lang ay nag-ring ulit ito.
Pinatigil ko siya sa ginagawa niya. Bakas ang pagkairita sa mukha niya.
"Adam, answer your phone."
"That thing is so annoying. I'm just gonna turn it off!" sabi niya.
Kinuha niya ang cellphone niya. Tiningnan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot ito.
"Hello... Okay Dad, I'm on my way."
Dali-dali siyang nagbihis.
"Baka gabi na ako bumalik. May kailangan lang akong gawin," paalam niya at hinalikan niya ako sa labi.
Pagkaalis ni Adam, ginawa ko na ang kanina ko pa dapat ginawa. Inimpake ko na ang mga gamit ko. Nakapagdesisyon na ako. Aalis na ako dito or better yet, aalis na ako sa buhay ni Adam.
Aaminin ko, there's a part of me na umaasa na baka mahal pa rin ako ni Adam. Pero base sa mga pambabae niya at sa mga narinig ko, I guess I was wrong.
Nakakatawang isipin na kailan lang takot na takot akong mawala sa akin si Adam kahit hindi naman siya sa akin. Takot na takot ako na baka magdesisyon siyang itigil na ang pakikipagkita sa akin. Hindi ko akalain, ako pala ang gagawa nun.
Siguro dahil na rin sa ayaw kong malubog sa sakit na nararamdaman ko. Na siguro panahon na para sarili ko naman ang isipin ko, na this time mas kelangan na mahalin ko ang sarili ko.
Nang makasakay ako sa taxi dala-dala ang mga gamit ko pauwi sa boarding house, tinawagan ko si Adam.
"Baka mga past 10 pa ang uwi ko. Mahihintay mo ba ako o matutulog ka na?" bungad niya sa akin. Wala man lang "hello".
"Ini-lock ko na lang ang pinto, dala mo naman ang susi mo diba?" sabi ko. Alam kong dala niya yun.
"Yah, I have my keys. Wag ka munang matulog ha, pagbuksan mo na lang ako mamaya, please?"
Naglalambing ba siya? Gusto kong matawa.
"I can't. Pabalik na ako sa boarding house ngayon. Pwede na naman daw kasi kami ulit na bumalik. Thanks for letting me stay at your place."
"Sandali, hindi naman kita pinapaalis diba?"
"Oo nga, at nagpapasalamat ako dun. Nagpapasalamat ako sa lahat-lahat."
Ilang segundo walang nagsasalita sa pagitan namin. Hindi ako pwedeng umiyak. Ayokong marinig niya ang hikbi ko.
"Arkisha... may problema ba?"
"Wala nga. Adam, naalala mo pa ba kung saan mo ako unang nakita?"
"Oo. Sa coffee shop, right?"
"Oo. Naalala mo pa ba kung bakit ka nandoon?"
"Ano bang mga klaseng tanong yan?" halata ang pagkairita sa boses niya.
"Sagutin mo na lang."
"Ang natatandaan ko lang that was a week pagka-graduate ko. Sandali nga, asan ka na ba?"
"Malapit na ako. Sige Adam, bye."
I ended the call, pero nakatapat pa rin sa tenga ko ang phone ko.
"Ang manhid mo Adam,"bulong ko.