noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 18

Ch. 19 / 72 Feb 05, 2022

Anong nakain ni Adam at in-offer niya na sa kanya ako tumuloy? Ako ba? Parang hindi naman.

Katulad ng sinabi ko, sigurado akong wala silang pag-iinteresan sa mga gamit ko. Medyo magulo ang kwarto, pero yung mga gamit ko, yung mga damit ko, andun pa rin. Hindi pinag-interesan. Si Ate Gem nga yata ang target. Ang daming nakuha sa kanya eh. Kinuha ko yung mahahalaga lang tapos nagpunta na kami sa condo ni Adam.

"Sigurado ka ba na okay lang na tumuloy muna ako dito?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman."

"Baka makaabala ako sa'yo? Paano ang mga babae mo?"

"Okay lang yun," sagot niya.

Aba! At may mga babae nga?!

"Hindi naman siguro magseselos sina May at Hanna", bulong niya.

Napalingon ako.

"Anong sabi mo?"

"Wala," sagot niya tapos ngumiti siya ng nakakaasar.

Hindi naman ito ang first time na matutulog ako sa condo ni Adam pero iba ang pakiramdam ko eh. Live in ba ‘to?

Ay hindi! Naku, hindi ako pwedeng magtagal sa condo ni Adam.

"Nakakapagod!" sabi niya at umupo siya sa couch.

"Napagod ka? Eh ang gagaan naman ng gamit ko?"

Nakatayo ako sa harapan niya.

"Oo nga pala. Paano nga naman pala ako mapapagod eh wala naman tayong ginawa, diba?"

Hinila niya ako kaya napa-upo rin ako sa couch.

Sa couch, hindi sa lap niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Papalapit na ang mukha niya sa akin.

"Ah, ako Adam, pagod ako. Na-i-stress pa nga ako eh. Ikaw kaya ang nakawan?!" sigaw ko sa mukha niya na sobrang lapit na sa mukha ko.

"Nanakawan daw? Eh para ngang walang nakuha sayo eh. Mukhang lugi pa nga sa kaba yung mga magnanakaw sayo eh."

"Ang yabang mo! Palibhasa mayaman ka kasi! Palibahasa madaming mananakaw sayo! Umalis ka nga dyan!" at itinulak ko siya mula sa harapan ko.

Pagkatapos kong magshower, humiga na ako sa kama. Syempre wala ng arte-arte. Magkatabi kaming dalawa.

Tulog na nga ata siya nang humiga ako eh.

"Adam?" mahina kong tawag.

No response. Tulog na nga ata.

Hanggang kelan kaya kami ganito ni Adam? Minsan nakakamiss din yung alam mong may taong nagmamahal sayo. Yung totoong aalagaan ka. Nakakamiss na ring magbitiw ng salitang "I Love You". Pero paano nga kung sa kanya ko lang gustong bitiwan ang mga salitang yun?

Sino kaya ang laman ng puso ni Adam? Meron kaya? Ako pa rin kaya o yung babaeng pinopormahan niya dati? O baka ibang babae na naman? Sobra na nga ba ang pagpapakatanga ko? Dapat ko na bang itigil ang kahibangan na ito?

Masaya nga ako sa ganito pero parang mas lalo yata akong lulubog sa nararamdaman ko para sa kanya. May pag-asa pa nga ba kaming dalawa or he’s just bored with his life kaya siya pumapayag sa ganitong set-up?

Natigil ang pag-iisip ko kasi bigla niya akong niyakap.

Oo, gusto kong makulong sa mga bisig niya pero hindi sa ganitong paraan. Ano pa ba ang dapat kong gawin para mahalin niya ulit ako?

Tiningnan ko siya.

Bakit kasi ikaw pa Adam? Bakit ikaw pa?

***

Nauna mang makatulog sa akin si Adam kagabi, ako pa rin ang unang nagising sa aming dalawa. Bilang ganti sa pagkupkop niya sa akin kagabi, ipinagluto ko siya ng breakfast.

Misis na misis ang dating ko. Oha?!

*Ding dong*

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong plato nang marinig kong may nag-doorbell. Papalapit na ako sa pinto para buksan ito nang magsalita si Adam. Gising na pala siya.

"Ako na."

Habang papalapit si Adam sa pinto, hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Sino ang bibista kay Adam ng ganito kaaga?

Isang napakagandang babae ang tumambad sa akin sa may pinto. Totoo ba ang mga dyosa? Kasi kung totoo, malamang isa siya sa kanila.

Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata ni Adam nang makita niya ang babae.

Siya ba ang flavor of the month ni Adam ngayon? She's so perfect. From head to toe, wala akong makitang mali sa kanya. Ang galing naman talagang pumili ni Adam oh! Eh kung itong babaeng ito ang karibal ko sa puso ni Adam, ano pang laban ko?