Lintik na Adam yon! Nilowbat ang cellphone ko. Hindi lang pala basta nilowbatt, empty bat pa talaga at wala akong choice kundi magpabili sa kanya ng bago.
De, joke lang. Wala akong choice kundi magcharge and when I turned it on, tumambad sa akin ang two messages ni Adam.
Take note. Two messages. Lang.
Una, sabi niya, sayang naman daw, akala niya free ako. Ang pangalawa ay katulad ng una. Double sent lang. Kelan pa siya natutong magdouble sent?
Ang mga missed calls ay hindi galing kay Adam. Galing ito sa nanay ko.
Shit! May emergency kaya? Bakit ang daming missed calls ni Mama? I called her back.
"Hello Ma," bungad ko.
"Iha, kanina ka pa namin tinatawagan pero mukhang busy ka, hindi mo kasi sinasagot," sabi ni Mama.
"Ma, bakit po? Ano pong nangyari? Okay lang po ba kayo dyan?" may tinig ng pag-aalala ang boses ko.
"Oo naman. Okay na okay kami dito. May good news ako sayo!"
Nakahinga ako ng maluwag. "Ano po yon?" Napalitan ng galak ang tono ng boses ko.
"Ang kapatid mong si Ian, top 1 sa klase niya!"
Masayang masaya ako sa narinig ko. Si Ian ang nag-iisa kong kapatid. Sampung taon ang tanda ko sa kanya. Labing isa na siya ngayon, grade 6. Hindi rin namin inakala na magkakaroon pa ako ng kapatid pero pagkatapos nga ng sampung taon pagkapanganak sa akin, biniyayaan ulit sina Mama ng isang anghel.
Simula nang mag-aral si Ian, palagi siyang may honor. Kanino pa ba naman magmamana? Eh di syempre sa Ate.
"Mabuti naman po kung ganon. Gusto ko po siyang makausap."
"Naku, nasa labas, inutusan ko kasi," sabi ni Mama.
"Ganon po ba? Pakisabi na lang, may premyo po siya sa akin and keep it up."
Pagkatapos naming magkwentuhan ng konti, nagpaalam na rin sila at sinabing magpahinga na raw ako.
***
"May duty ka ba ngayon?" walang anu-ano'y tanong ni Ella sa akin habang nagsusulat ako sa loob ng classroom.
Duty? Alam din ni Ella yon?!
Oh my!
"Ella??"
"Oh, bakit ganyan ka makatingin? Tinatanong ko lang naman kung may duty ka. Ako kasi, oo."
May duty siya?! May boyfriend ba siya ngayon? Pero sabagay, bakit ako, wala rin naman akong boyfriend pero dumuduty. Hahaha.
"Wala,” sagot ko. "Galit-galitan kasi ako kay Adam eh."
Tumaas ang isang kilay niya. "Ano namang kinalaman ni Adam sa trabaho mo?"
Sh*t! Ibang duty pala yung sinasabi niya. Akala ko naman kasi...
"Ah eh, ano kasi. Magkaaway kasi kami ni Adam kaya baka mag-usap kami. Wala, wala akong trabaho ngayon. Oo tama, kasi may iniutos lang sa akin ngayong araw. May idadaan lang ako dun sa isang branch natin."
Yung huli kong sinabi, totoo yun. Wala akong trabaho kasi may iniutos lang sa akin.
"Ah ganun ba? Kaya pala. So magbabati na kayo ni Adam, ganun?" tanong niya at nakahalumbaba pa sa desk niya.
Ano ba yan? Sa pagsisinungaling ko, humaba tuloy ang usapan tungkol kay Adam.
"Ahm, depende", sagot ko.
"Depende saan?" tanong pa niya.
Wala na akong maisip na palusot. Ang kulit naman kasi ni Ella eh.
"Good afternoon class."
Buti na lang dumating na ang instructor namin. Nakatakas ako sa tanong ni Ella.
***
Cup of Chinos came from the word Cappuccino's. Coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Chinese kasi ang may-ari.
Katulad ng sinabi ko sa trabaho ko, may idadaan nga lang ako sa isang branch ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Medyo madilim na rin. Habang hinihintay ko na tawagin ako ng manager ng branch na yon, umupo muna ako sa isang sulok.
Paikot-ikot lang ang mata ko sa paligid. Masasabi kong mas malaki ang branch na ‘to kesa sa dun sa amin at mukhang mas madaming customers dito. Dagsaan oh.
Infairness, hindi pa ako tinetext ni Adam ngayong araw. Eh teka, bakit ko ba hinihintay ang text niya? Care ko ba!
Pikit.
Mulat.
Tama ba itong nakikita ko? Si Adam, andito sa loob ng coffee shop!
Wow ha! Hindi ata ako na-inform na sa ibang branch na pala ng Cup of Chinos nagkakape si Adam, at may bonus pa, may ka-date siya.
Kung pwede ko lang saksakin ng ballpen sa bag ko yung dalawa ngayon, nagawa ko na. Pero syempre hindi pwede, una, wala akong karapatan. Pangalawa, masakit na ang kamay ko hindi pa namamatay yung dalawa sa saksak ng ballpen. Baka nga yung ballpen ko pa ang unang bumigay. At pangatlo, ayokong humimas ng malamig na rehas.
Kaya ba hindi nagte-text si Adam kasi busy siya? Akala ko ba may trabaho na siya? Bakit mukhang iba naman ang tintrabaho niya?
Kahit nanggigil ako sa nakita ko, kalmado pa rin akong tumayo at sumunod sa babaeng tumawag sa akin. Ipinapatawag na raw ako ng manager.
Mabuti na lang hindi ako napansin ni Adam nang tumayo ako at naglakad. Masyado nga ata siyang busy.
Nang matapos kong maiabot ang dapat ibigay, palabas na ako ng coffee shop. Isang plano ang naglaro sa isip ko. Gusto ni Adam ng laro diba? Sige, maglalaro kami.
Sinadya kong dumaan sa table nila. Sakto naman na sa akin paharap si Adam kapag dumaan ako. Nang nasa tapat na nila ako, inilaglag ko ang ballpen kong hawak na dapat ay papatay sa kanilang dalawa.
Winner! Nakuha ko ang atensyon ni Adam. Tinulungan pa nga niya akong pulitin yung "deadly weapon" ko eh at pag-angat niya ng tingin ng iaabot na niya sa akin, nanlaki ang mata niya.
Ngumiti ako at nag "thank you" sa kanya.
Lumabas na ako ng shop pero hindi pa ako umuwi. Nagtago ako sa sulok sa labas at pinanood siya mula doon. Maya-maya pa, tumayo na sila nung babaeng kasama niya. Lumabas na sila.
Sumakay na sa kotse yung babae. Nagulat ako kasi sa driver's seat ito sumakay at kumaway na si Adam. Umalis na yung babae, naiwan si Adam. Wala siyang dalang kotse? Himala. Pero mas okay.
Habang papalapit ako kay Adam, napansin kong palinga-linga siya. Yung tipong may hinahanap.
"Sinong hinahanap mo? Yung ka-date mo?"
Halos mapatalon siya sa gulat at lumingon siya sa likod niya.
"Arkisha?"
"Yes, it’s me!" at ngumiti ako ng pagkalapad-lapad.
"Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko siya sinagot. Nakangiti lang ako sa kanya.
"Taxi!"
Tumigil ang taxi sa tapat namin. Binuksan ko ang pinto. "Sakay," utos ko kay Adam.
"Arkisha, ano ‘to?" tanong pa niya.
"Baka taxi. Sakay na kasi!" sigaw ko sa kanya. Parang robot si Adam, sumakay na nga, tinabihan ko siya sa loob.
Nang tinanong ni Manong Driver kung saan kami, nag-alangan pa akong sagutin siya. Nakakahiya kasi pero narealize ko, siguro naman hindi na ulit kami magkikita ni Manong kaya okay lang. Inisip ko pa nga kung ano nga bang pangalan nun. Nakapunta na naman kami ni Adam dun, kailangan ko lang alalahanin. Nang maalala ko, sinabi ko na kay Manong.
Namula pa nga ata ako nung sinabi ko yun, pero mukha namang normal lang kay Kuya yung narinig niya kasi parang di naman siya nagulat.
Ang sigurado akong nagulat ay ang katabi ko. Tiningnan ko siya. Bigla niya akong inakbayan. Mag-iinarte pa ba ako? Hinayaan ko lang siya. Idinikit pa niya ako sa kanya. Atat lang? Hindi makapaghintay?!
Next thing I know, andito na kami. Sa lugar kung saan kami lang ni Adam ang may alam at kami lang ang laman.
Magulo ba? Basta yung lugar na yung picture ng babae ay nagsesenyas na "ssshhh" o "wag maingay".
Tennis court?
No.
Volleyball court?
Hindi eh.
Supreme court?
Mas lalong hindi.
Basketball court?
Hmmm. Pwede. Pero hindi rin eh. Depende kung makaka-shoot siya. Hihihi.