noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 22

Ch. 23 / 72 Feb 05, 2022

"Mag-bar na lang kaya tayo?" yaya ni Ella.

Maagang natapos ang klase namin. Nakatambay pa kami sa school. Wala naman kaming pasok sa coffee shop ngayon. Ewan ko nga ba dyan kay Ella. May kaya naman ang pamilya niya, pero mas pinili niyang maging working student. May gusto daw kasi siyang patunayan. Lahat ng gadgets, meron yan. Isang patunay ang iPad na hawak ko ngayon. Bago na naman ‘to, kasi nga yung dati eh nanakaw.

"Ayokong mag-bar. Ingay-ingay," sagot ko.

"Eh syempre, alangang tahimik? Tara na lang kasi. Kesa naman takbo ka nang takbo dyan. Hindi ka ba nahihilo? Ang bilis-bilis oh!"

Naglalaro kasi ako ng Temple Run 2.

"Shhh, wag kang magulo dyan. Pag ako nataya, lagot ka saken. Mata-top score ko na oh."

"Mata-top score? So sinusubukan mong i-beat ang sarili mo?"

Natawa ako. Tama siya. Ako pa rin naman ang leading. Ako lang naman ang naglalaro nito sa iPad niya eh.

"Arkisha, tara na kasi. Kung si Jane ang kasama ko, sigurado papayag yun,"pilit niya.

"Exactly. I'm not Jane," sagot ko.

"Hmp. Nakakainis ka talaga! Matataya ka din dyan!"

Maya-maya, tumahimik siya. Nag-iisip ba? Ewan.

"Adam!" biglang sigaw ni Ella.

Ay! Lintek! Nahulog. Nataya ako. Ang ingay kasi ni Ella eh.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nakatungo pa rin ako at nakafocus sa new game, kahit na alam kong hindi ako makakapag-concentrate. Nararamdaman kong may papalapit sa amin.

Ayokong tumingin. Ayoko.

"Adam! Hindi kita masyadong nakikita ah! Busy?" tanong ni Ella sa kausap niya na sa tantiya ko ay palapit na palapit na.

May kinuha si Ella na notebook sa bag niya. Samantalang ako, ilang beses ng nag new game kasi laging nade-dead.

"Eto yung hiniram kong notes last week. Pasensya ka na ha, natagalan sa pagsoli. Thank you," sabi ni Ella.

"Okay lang," sagot ng lalaking hindi naman pamilyar sa akin ang boses.

Unti-unti kong tiningnan ang lalaki sa harap namin. Paalis na siya.

"Sino yun?" tanong ko kay Ella.

"Si Adam, kaklase ko yun sa isang subject. Eh may hiniram akong notes. O? Bakit? Akala mo si Adam mo ang tinawag ko?"

Umiwas ako ng tingin.

"Hindi ah! And he's not mine," sagot ko. Nag-concentrate na ulit ako sa nilalaro ko.

Nagpaalam si Ella na bibili lang daw siya sandali ng tubig.

Mabilis naman siyang nakabalik. Para ngang may kasama siya eh, kasi parang may nakasunod sa kanya. Hindi ako sigurado.

"Hahaha! Hay naku Adam, ikaw talaga! Hahaha!" tawa nang tawa si Ella.

May kasama nga siya. Akala ko umalis na yung lalaking kausap niya kanina, heto't kabuntot niya. Pero hindi pa din ako nag-aangat ng tingin. Busy pa din ako sa nilalaro ko. Malapit ko na ngang ma-beat ang sarili ko eh.

"Saan mo ba gustong umupo? Sa tabi ko o sa tabi niya?" tanong ni Ella. Kausap pa rin niya ang lalaki.

Teka nga. Bakit sa tabi ko eh hindi ko nga kilala ang Adam na yun eh?

"Okay lang ako," sagot ng lalaki, at dahil doon nataya ako.

His voice. Hindi ako pwedeng magkamali. It’s him. It’s Adam's voice. My Adam?

Nagwawala na naman ang puso ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin and I was right. It’s him. He's looking at me.

Halos isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. Pumayat yata siya?

"Hi!" bati niya sa akin.

"Hi!" sagot ko.

"Do you mind?" pagpapaalam niya sa pagtabi sa akin.

Umipod naman ako para malaya siyang makaupo.

Mas tumitindi na ang kabog ng dibdib ko.

"Ayaw mo talagang mag-bar ha?" tanong ni Ella.

"Ayoko," sagot ko.

"Sige, dyan ka na nga lang sa knight in shining armor mo," sabi ni Ella. Tumayo na siya. Pinanlakihan ko pa siya ng mata. Ang daldal talaga. Then she left.

Ilang segundo ring nanatali kaming tahimik ni Adam.

"Kamusta ka na? Mabuti naabutan kita dito," sabi niya.

I managed to smile pero yung pagkabog ng dibdib ko, hindi pa rin tumitigil.

"Okay lang ako. Wala na kasi kaming klase. Napadaan ka?"

"Pupuntahan talaga kita."

"Bakit?"

"Come with me."

"Saan?"

"Basta."

"Adam."

"Just trust me here, okay?"

Hindi ako sumasagot. Wala akong idea kung saan ako gustong dalhin ni Adam.

"Please?"

Mag-iinarte pa ba ako? Eh miss na miss ko na ang lalaking ‘to. Kaya naman sumama ako.

Habang tinatahak namin ang daan, parang alam ko na kung saan kami pupunta at mas kinakabahan ako. Pamilyar na pamilyar sa akin ang daan na ito. Para bang nakita ko na ang lugar na ito at tama nga ako ng makarating kami.[inc. sentence]

Ganun pa rin ang lugar. Mataas, malamig at punong puno ng mga bulaklak. In other words, romantic pa rin.

Inalalayan ako ni Adam sa pagbaba ng kotse. Gentleman huh? Hawak pa rin niya ang kamay ko habang naglalakad kami.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

"Kakain tayo," sagot niya. Umupo na kami sa isang table.

Kakain? Dito pa? Weird.

Actually, I miss their food. As usual, masarap pa rin. Pagkatapos naming kumain, umupo kami sa isa sa mga benches. Pinanood namin ang sunset. Pero ramdam ko, parang ako naman ang pinapanood niya, kaya nilingon ko siya.

"Bakit?" tanong ko nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"I miss you," sagot niya.

Halos matunaw ang puso ko sa sinabi niya. Ang sarap kasing marinig na namimiss niya ako.

"Nung tumawag ka sa akin para sabihing pauwi ka na sa boarding house mo, gustong gusto kitang sundan at pigilan. Nagulat ako. Out of nowhere bigla mo na lang gustong umalis. Why?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko ine-expect na siya ang mag-uudyok na pag-usapan namin ang bagay na yon.

"Dahil ba sa sinabi ng kapatid ko?"

Umiwas ako ng tingin. Alam naman pala niya.

"Hindi ba sinabi ko sayo, wag ka munang matutulog noon. Kasi gusto kong mag-explain."

I can't believe it. Mag-eexplain siya para sa akin? Wow. That's new.

"Pinuntahan kita sa boarding house mo, pero sabi nung kasama mo tulog ka na raw. Alam ko hindi totoo yun pero hinayaan kita. Tinatawagan kita, pero hindi mo sinasagot."

"Adam, hindi mo naman talaga kailangang mag-explain. Alam mong wala naman tayong relasyon diba?"

"Kung ang tanging paraan lang para kausapin mo ako ay ang explanation ko, gagawin ko and you deserve it."

Tiningnan ko siya.

"It was Scarlett."

Scarlett. Scarlett.

I will never ever forget that name. Parang may tumusok na karayom sa dibdib ko.

"Siya ang tinutukoy ni Venice. Akala niya kasi ikaw yun—"

"Enough. Ayoko ng marinig pa ang sasabihin mo," pigil ko sa kanya.

Siguro nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"I'm sorry. Ayoko na naman talagang banggitin siya pero gusto ko lang maging malinaw."

"I understand. Hindi naman kasalanan ng kapatid mo. Sigurado ako na kapag nakita na niya si S-Scarlett, your sister will realize na malaki ang kaibahan naming dalawa."

"Arkisha..." hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya ito.

Ngumiti ako. "Ano ka ba Adam, totoo naman diba?"

Tumango siya. "Magkaibang magkaiba kayo."

"Yun lang ba ang sasabihin mo?" tanong ko. So si Scarlett kinwento niya sa kapatid niya, at ako hindi? Great! I wanna go home. Tumayo ako.

Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa bewang ko. Nakayakap siya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya.

"Mas pinili kong hindi ka ikwento sa kapatid ko, dahil gusto kong ipakilala ka muna sa kanya pero hindi naging maayos ang first meeting nyong dalawa. She realized na parang may mali. Nag-sorry siya sa akin at gusto niyang mag-sorry sayo."

Pinapakinggan ko lang siya. Mas humihigpit ang yakap niya. Iniharap niya ako sa kanya.

"Arkisha, please wag ka nang magtampo. Hindi ako sanay ng wala ka. I miss you so much."

"Bakit? Wala ka ng playmate?" lakas loob kong tanong.

Hinawakan niya ang mukha ko. "No. Labas ang bagay na yon."

"Wala ka ng inaasar?" nakangiti kong tanong.

"Yes. Basta hindi ko ma-explain. Kapag wala ka, pakiramdam ko kulang ako. Mababaliw na ako sa kakaiisip kung paano ka ba i-aapproach."

Natawa ako. "Ikaw? Nahihirapang i-aaproach ang isang babae? Imposible!"

"Arkisha, iba ka. Sayo nga lang ako ganito, and I don't understand why. Please, stay with me."

"Stay with you? Mabigat yata yon. What do you mean?"

"I cannot promise you na hindi kita masasaktan pero gagawin ko ang lahat para maiwasan yun. Just please be with me. Nahihirapan na ako."

"Wala ng benefits?" hamon kong tanong.

Nagpout siya. Gwapo pa rin!

"Makakaya mo ba?" hinamon niya rin ako.

"Hinahamon mo talaga ako?" tanong ko.

"Nope. Sabi ko nga eh hinding hindi kita hahamunin. You know we can't resist each other, right?"

I smiled. "Yeah."

I felt his lips on mine.

"Bati na tayo ha?"

I kissed him back.