"Kung ako sa'yo, bumili ka na lang ng EFFLEN, para mag-landing dyan sa EFFORT mo."
Yan ang gusto kong sabihin kay Gab. Kung maka-effort naman kasi, wagas! Nag-aabang na naman kasi sa labas ng classroom ko. Niyayaya akong makipagdate. Nang tumanggi ako, sabi niya ihahatid na lang daw niya ako pauwi.
Napakasuplada ko ba kung tatanggihan ko pa rin siya? Eh paano kapag nag-aabang pa rin si Adam sa labas ng campus?
Bahala na nga. Tutal, galit-galitan naman ako kay Adam ngayon.
Paglabas namin ng campus, wala na naman si Adam. Nadisappoint ako ng konti, akala ko pa naman, susuyuin ako. Hmf!
Sa coffee shop ako nagpahatid, may duty ako. Tinanong pa ni Gab kung anong oras ang out ko at ihahatid na naman daw niya ako pauwi, sabi ko wag na. Ok na ako. Sobra sobra na kung magpapahatid pa ako. Kapag ganun, kinakailangan na talaga niyang bumili ng efflen.
"Eh bakit ba ayaw mong magpaligaw? Okay naman si Gab ah?" tanong ni Jane habang iniabot sa akin ang order. Itinawag ko naman ang order na ibinigay niya.
Nagkibit-balikat lang ako.
"Hmmm, si Adam?" may himig na pang-aasar niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ah! Paano naman napasok sa usapan ang manlolokong yun?!"
"Manloloko na naman ang tawag mo? Anong nangyari?"
"Eh kasi sabi niya sa akin pupunta raw siyang abroad tapos hindi naman pala!"
Dumating na ang order.
"Eh bakit galit ka pa? Dapat nga masaya ka kasi hindi na siya aalis."
"Eh ka—,” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi umalis na siya at isinerve na yung order.
Naramdaman ko na lang na nagvibrate ang cellphone ko.
Si Adam, nagtext. Himala.
|Bc k? Duty tyo.|
Duty? Anong duty?
Patago kong nireplyan si Adam.
|Nka-duty na aq. My work aq ngayon.|
Pagkalipas ng ilang segundo, nagvibrate ulit ang cellphone ko.
|Duty. U know wat i mean. Narinig ko lng ung term sa isa kong kaibigan? Ntwa ako eh. So after ur work?|
Langya! At ngayon may term-term na siyang nalalaman? Saan ba siya nagpunta? Isang araw lang naman siyang hindi nagpakita sa akin ah? Hindi kaya may alien nang sumapi kay Adam?
Bigla kong naalala, galit-galitan nga pala ako kay Adam ngayon.
|I cant. Sobrang bc. Bck 2 work.|
Reply ko. Tinago ko na sa bulsa ang phone ko. Baka masesante ako ng wala sa oras, mahirap na. Worst, si Adam ang dahilan.
Habang kumukuha ako ng order, natatawa ako. Pero syempre pinipigilan ko, baka mamaya isipin ng mga customer, baliw ako. Pero minsan, nahihirapan akong itago.
Nilapitan tuloy ako ni Jane.
"Kanina ka pa nakangiti. May sapi ka ba?" tanong niya.
"Wala. Magtrabaho ka na lang."
Tinalikuran ko na si Jane. Paglingon ko, naiiling lang siya.
Paano ba naman kasi, hindi na tumigil sa pagba-vibrate ang cellphone ko. Naghahalo na siguro ang text messages at missed calls.
I can imagine Adam's face right now. Ikaw ba naman ang tanggihan?
Pwes, nararapat lang yun sa kanya. Anong akala niya sa akin? Globe? Go lang nang go?!
Magtiis siya. Hindi sa lahat ng oras, masusunod ang gusto niya. Kung pinalaki siya ng mga magulang niya na sunod sa luho, pwes, hindi ako ang magulang niya! Hahaha!
Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil sa pagvibrate ang cellphone ko. Baka masira na ‘to ah? Lintek ka Adam! Papapalitan ko sayo ‘to pag nasira sa kaanuhan mo!
Ganun ba talaga ang mga lalaki? Hindi lang mapagbigyan minsan, akala mo end of the world na? Akala mo wala ng bukas.
Sa wakas. Tumigil din sa pagba-vibrate ang cellphone ko. Sa wakas, nagsawa rin sa pagtawag at pagte-text si Adam. Marunong din naman pala siyang sumuko.
Akala ko nga hanggang mag-out ako, magba-vibrate pa rin ang cellphone ko. Buti natapos din. Magkakasabay na kaming umuwi nina Jane.
Naman! Umuulan pa. Ang hirap pa namang sumakay pag ganito. Napapangiti ulit ako. Sigurado lalong nag-aalboroto si Adam ngayon. Umuulan eh. Syempre malamig. Pero sorry ka Adam, magdusa ka muna.
Nagpalit kaagad ako ng damit pagkadating sa bahay. I checked my cellphone.
Battery empty.