noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 14

Ch. 15 / 72 Feb 05, 2022

Maaga akong nagising. May exam pa nga pala ako ngayon, nakalimutan ko na kagabi. Ang pag-alis kasi ni Adam at ang mga ginawa namin kagabi ang laman ng utak ko. Pero kahit hindi ako nakapagreview, alam ko kering keri ko ang exam.

Hindi ko na ginising si Adam, dahan-dahan na lang akong bumangon at inayos ko ang sarili ko. Habang sinusuklay ko ang buhok ko, napansin kong gumalaw si Adam mula sa pagkakahiga sa kama. Nagising yata.

Nagmulat ang mga mata niya.

"Good morning," bati niya. I just smiled. "Aalis ka na?" tanong niya.

Tumango lang ako.

"Ah. Pakilock na lang ng pinto pag-alis mo ha?"

Paglingon ko sa kanya, nakangisi siya. Kumunot ang noo ko at isinubsob ang mukha niya sa unan.

Hmp! Bahala siya! Kung inaakala niya na mag-gu-goodbye kiss ako sa kanya, manigas siya! Kung aalis siya, umalis siya! Buong araw akong hindi makikipagkita sa kanya. Siguro kung magkikita man ulit kami, pagbalik na niya mula sa kung saang man bansa yun at hindi ko alam kung kailan yun. Titiisin ko siya!

Nakakainis naman kasi. Kagabi pa siya ganyan. Hindi ko man lang maramdaman na mamimiss niya ako pag-alis niya samantalang ako halos mamatay na dito. Tatawanan lang ako. Ano kaya yun?

Ah. Siguro, madaming magagandang babae sa pupuntahan niya. Australia? Well, malamang nga.

Papalabas na ako ng kwarto at tiningnan ko ulit siya. Kahit gusto ko siyang yakapin sa huling pagkakataon bago siya umalis, hindi ko magawa. Ang hirap naman kasi ng ganito, hindi ko alam kung gusto niya rin ba akong yakapin o hindi. Nakatitig lang siya sa akin. Parang may pinipigil na tawa. Gusto ko na tuloy siyang patayin ng titig ko.

Hinihintay kong alukin niya ako na ihatid niya ako para man lang mas matagal ko pa siyang makasama, pero wala akong narinig mula sa kanya. Baka nga naman mag-iimpake pa siya.

"Bye," ang tanging nasabi ko. Isinara ko ang pinto at lumabas na.

Sa pagkakataong ito, alam kong madami ng magbabago. Mawawala sa buhay ko si Adam na dapat ay noon pa nangyari kung di lang dahil sa set-up namin.

Minsan nga iniisip ko, paano kaya kung walang ganitong set-up? Kung walang benepisyo? Kung pagkatapos naming mag-break noon ay naghiwalay na kami ng landas?

Magiging ibang Arkisha kaya ako? Pero dahil kay Adam, naging matapang ako. Dahil sa kanya, natuto akong maglihim. Magtago. Lalo na ng totoo kong nararamdaman.

Kung wala kaya akong nararamdaman para kay Adam, makakaya ko kayang pumasok sa ganitong sitwasyon?

Sa tingin ko, oo. Pero hindi ganito katagal.

Nang malaman kong may ibang babae noon si Adam, noong kami pa, halos sumabog ang mundo ko. Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya kaya sobra rin akong nasaktan. Alam kong playboy siya noon, pero ipinaramdam niya sa akin dati na ako lang.

Kung nagkaroon sila ng relasyon nung babae niya in the middle of our relationship, hindi ako sigurado. Pero kahit saang anggulo tingnan, niloko niya ako. Girlfriend niya ako noon, but still, nakikipagdate sya sa babaeng yon.

Ilang gabi rin akong umiyak. Bakit ganoon? Hindi naman si Adam ang una kong naging boyfriend, pero sa kanya ko naramdaman ang first super duper heartbreak.

Noong bata pa ako, takot ako sa dilim. Takot ako sa multo, sa engkanto at sa lahat ng nakakatakot. Isa akong duwag pagdating sa dilim. Pero simula nang maghiwalay kami ni Adam, simula nang lokohin niya ako, hindi ko maintindihan pero ngayon, nakakaya ko nang mag-isa sa dilim. Nakakaya ko ngang mag-isang matulog sa boarding house. Minsan nga tinatakot ko pa sina Ella sa mga multo at isa-isa silang kakaripas ng takbo at tatawanan ko lang sila. Lahat ng yan ay dahil sa isang bagay na na-realize ko. Na walang ibang nakakatakot kundi ang mahiwalay kay Adam. Ganun ko siya kamahal.

Sabi ko sa sarili ko, ano bang nakakatakot sa multo? Sa aswang? Hindi ka sasaktan ng mga yan. Patay na yan. Ang mananakit sayo ay ang buhay. Mula ng saktan ako ni Adam, doon ko naisip na wala ng iba pang mas nakakatakot doon.

***

Katulad ng sinabi ko, kahit gustuhin mang makipagkita ni Adam ngayong araw, hindi ako papayag. Pero parang nang-aasar lang, ni hindi man lang ako tinetext o tinatawagan ngayong araw. Aba, wala nga yatang balak magpaalam!

Hanggang sa maga-out na ako sa coffee shop, wala pa ring Adam na nagpaparamdam.

Wednesday.

Talagang hindi nagte-text. Ni hindi ko alam kung anong oras ang flight niya. Sabagay, sino nga ba naman ako? Hindi naman niya ako girlfriend, right?

Nakakainis talaga! I-text ko kaya?

Ayoko.

Ang gag*ng yun, nagawa rin akong tiisin.

Siguro naka-fly na yun.

Andito ako ngayon sa classroom. Nakatulala. Lutang!

"Sino na namang iniisip mo? Si Adam?" tanong ni Jane. Tinabihan ako.

Tinapunan ko lang siya ng tingin.

"Arkisha, itanong mo naman kay Adam baka naman may kapatid pa siyang lalaki, ipakilala naman ako," dagdag pa niya.

"Wala na si Adam, umalis na siya. Nasa ibang bansa na," sagot ko naman.

Bigla na lang pumasok sa classroom si Ella.

"Kuh! Pagdating kay Adam, ang damot mo talaga!" sabi ni Ella.

Oo. Pagdating kay Adam, selfish talaga ako. Gusto ko, akin lang siya, pero mukhang imposible.

"Pero wala na talaga siya. Umalis na," depensa ko.

"Ganun ba? Kaya pala malungkot ka,” pag-aalala ni Jane.

Tinabihan kami ni Ella.

"So ibig mong sabihin, hindi si Adam yung gwapong lalaking nakita ko sa labas ng campus?" tanong ni Ella.

Napalingon ako kay Ella. Imposible! Ngayon ang alis niya.

"Sigurado ka ba Ella? Ngayon ang flight ni Adam?"

"Oo, sigurado ako. Si Adam ang nakita ko. Paanong hindi ko siya mapapansin kanina, lahat ng babaeng dumadaan nililingon siya? Halos mabali na nga ang leeg ng mga babaeng yun."

Andon pa kaya siya? Tumayo ako at lumabas ng campus. Pero imposible talaga!

Okay.

Walang imposible. Si Adam nga! Tiningnan ko siya. He's looking at me. Nakangiti ba siya o tumatawa? Nag-eenjoy yata talaga na pinagtitinginan siya ng mga babae.

Unti-unti ko siyang nilapitan.

"Australia pala ha?" sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

Ang gag*ng ‘to, niloloko na naman ako.

Humagalpak na siya ng tawa.

"Anong nakakatawa?! Stop laughing!" sabi ko.

Mas gumagwapo kasi siya kapag tumatawa siya.

"Hindi ka ba masaya na hindi ako umalis?"

"Bakit? Masaya ka ba na lokohin akong aalis ka?!"

I rolled my eyes. Tumatawa pa rin siya.

"Eh ano bang magagawa ko? Binibiro lang naman kita, malay ko bang kakagat ka."

"Ang sabihin mo, nag-eenjoy ka talaga sa ginagawa mo!"

Lintek na yan. May paiyak-iyak pa ako sa kanya nang gabing yon? Nakakahiya. Tapos hindi naman pala talaga siya aalis? Kaya pala nung magkasama kami, parang nagpipigil siya ng tawa.

Hinawakan niya ako sa braso nang paalis na ako.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. Seryoso pa rin ako.

"May klase pa ako."

"Galit ka?"

"Hindi Adam. Tuwang tuwa nga ako! Sobra! Actually, ipapasara ko nga ang daan kasi magpapaparty ako!" I answered sarcastically.

Tinalikuran ko siya at bumalik na sa campus.

"Arkisha!" tawag pa niya.

Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang ngumiti. The fact na hindi aalis si Adam made me happy. Pero hahayaan ko siyang isipin na galit ako. Yes, there's a part of me na naiinis. Pero at least, may dahilan na ako para parusahan siya.

Watch out Adam! It's my turn!