N APABUNTONG-HININGA si Summer nang ma-realize na nakailang palit na siya ng damit para lang sa pagpunta sa Banong’s. Tinanong niya si Banong kung anong oras magandang magpunta sa restaurant, kung saan hindi siya makakaistorbo. Ang sabi nito, any time daw niya gusto. Hinding-hindi raw siya makakaistorbo. Pero ang oras daw na hindi masyadong matao, pagkatapos ng lunch.
Sa huli, nakuntento na siya sa pantalong maong at cotton blouse. May baon siyang damit, tulad ng nakasanayan. Dinala na rin niya ang chef’s uniform, sakali lang na kailanganin. Hindi niya alam kung may uniform ang mga tagaluto ni Banong. Ayaw niyang mag-standout. Wala rin siyang balak na pumapel. As far as she was concerned, she was the student, not the teacher. Nakaka-excite din pala ang maging estudyante uli, kahit matagal nang siya ang nagtuturo sa mga chef at cook, kahit sa mga estudyanteng nagpa-practicum sa kanyang mga kusina.
Lumakad na si Summer. Ang sabi ni Banong, susunduin daw siya nito, pero tumanggi siya. Ayaw niyang makaistorbo sa ganoong paraan. O siguro, bigla siyang naalarma. Ewan, may mga sandaling bigla na lang siyang magiging aware na aware sa kung ano ang nangyayari at hindi niya nagugustuhan na nagiging ka-close siya.
May isang bahagi pa rin ng isip niya ang nag-aalangang bumuo ng bagong relasyon sa mga tao. Kahit kay Mang Eli, medyo ilag siya kahit mabait ang matanda. Pagod ba siya emotionally o takot? Hindi rin niya alam. Somehow, Banong managed to make her do this. Ang lumabas uli; ang maging involved sa isang bagay na tulad ng kompetisyon. Ang hiling lang niya sa lalaki, sana hindi na makarating sa iba ang kanyang pagtulong. Ayaw niyang magkaroon ng kahit na anong balita tungkol sa kanya. Hindi niya alam kung interesado pa ang mga tao sa kanya, pero mas maganda na ang umiwas. Paano kung makaapekto pa negatively ang pangalan niya sa mga bata? Alam naman ni Summer na masyado siyang naapektuhan sa mga nangyari, pero hindi niya magawang bawasan ang pagiging cautious.
Nang makarating sa Banong’s, pumarada siya sa tagiliran ng restaurant, malapit sa iniisip niyang service entrance. Mayamaya, bumaba na siya at tumuloy sa restaurant. May isang beki siyang nakita, kausap ang isang lalaki. Parehong naka-T-shirt na kulay-pink ang mga ito. Iyon siguro ang uniporme sa kainan.
“Good afternoon,” bati ni Summer.
“Ay!” Humawak sa magkabilang pisngi ang beki . “Chef Summer! Totoo nga! Naku, fan na fan mo ako! Lahat ng YouTube mo, napanood ko. Tawang-tawa ako kay Kuya Banong no’ng sabihing hindi ka raw nakilala agad! Engot lang? Ay, ang ganda-ganda mo pala sa personal. Ang kinis-kinis mo pala!”
Nailang si Summer, kahit natutuwa. Hindi siya sanay sa ganoong papuri. Hindi siya artista! May ilang ulit niyang narinig na mas maganda raw siya sa personal, pero hindi niya pinagtuunan ng pansin dahil pakiramdam niya, binobola lang siya. How can she be prettier when she had almost no makeup on? Sanay siyang walang makeup dahil malaking abala iyon sa trabaho. Sa kusina rin, bihira siyang magmukhang presentable, sa pananaw niya. She was always cooking. Hindi siya katulad ng ibang chef na nasa opisina at ipinagkakatiwala sa mga cook ang trabaho. She was a hands-on chef.
“Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Tonette, Chef. Ito naman si Caloy.”
“Chef,” bati ni Caloy, ngiting-ngiti at namumula ang mukha.
“Nagba-blush siya, Chef,” sabi ni Tonette. “Pareho kaming fan mo, Chef—”
“Summer na lang.”
“Ay, hindi, Chef. Nakakahiya. Kusinera ako dito. Kababata ko at kinakapatid si Kuya Banong. Tuloy, tuloy.” Pinapasok na siya ni Tonette sa kusina. Malaki iyon, higit na malaki kaysa sa inaasahan ni Summer. Tradisyunal sa mga kainang tulad ng Banong’s ang mga gamit sa pagluluto. Natuwa siyang makita ang linis ng kusina. Sa isang panig, nandoon ang mga ulingan kung saan nakasalang ang malalaking kaldero.
“Interesting,” sabi ni Summer. May sistema ang kusina sa produce. May nakita siyang dalawang pinto na hula niya ay pantry. Sa mismong kusina, may tig-isang sako ng sibuyas at bawang. Ang ibang mga rekadong gulay tulad ng kalamansi, kamatis, iba’t ibang klase ng sili, luya, at iba pa ay maayos na nakasalansan ang mga basket na lalagyanan. Mukhang napakarami talagang customer ng Banong’s base sa stocks ng kainan. The man was feeding an army daily. “Ang dami n’yong pinapakain araw-araw,” komento niya.
“Libo, Chef,” sagot ni Tonette. “Madaling-araw pa lang, busy na kami sa kusina. “Sixty kilos ng baka kami araw-araw, kasama na doon ang laman-loob. Kapag weekend, kulang ang one hundred kilos, sa maniwala ka’t sa hindi, Chef.”
“Naniniwala ako. Tuwing mapapadaan ako dito, punuan. Ngayon ba?” tanong ni Summer.
“Puno pa rin, pero kaya na sa maliit na kusina. Dalawa ang kusina namin dito. Iyong short order, doon sa kabila.”
“Wala kayong dessert?”
“Meron din kaso kaunti lang. Sa counter na `yon, Chef. Hindi na namin kaya dito sa kusina. May tao naman kami do’n, saka madali lang—halo-halo, mais con yelo, minatamis na saging, leche flan. Mga simple lang.”
Summer was amazed. There was no doubt in her mind that Banong was a very rich man. Naupo siya sa isang upuan. Si Tonette ang nagpaliwanag sa kanya at sumasagot sa mga tanong niya. May ilang mga tauhan ang sumisilip-silip, pero wala ni isang nagpa-selfie.
“Binilinan kami ni Kuya Banong, Chef, na walang magpapa-selfie. Hindi ba talaga puwede? Hindi ko ipo-post sa Facebook, promise.”
“Wala namang problema sa akin, Tonette.”
“Ay, sige.” Agad na inilabas ni Tonette ang phone at inutusan si Caloy na kunan sila ng picture. “Ang ganda mo pala sa personal, Chef,” ulit nito.
“Grabe ka naman.”
“Totoo lang ang sinasabi ko. Hindi ko in-expect na ganyan ka kabata.”
“Tuturuan mo akong magluto, ha?” sabi ni Summer.
“Diyos ko.” Madramang humawak sa dibdib si Tonette, nakakagat-labi. “Chef, wala akong mukhang maihaharap sa `yo, sa totoo lang. Ang galing-galing mo, ano pa ba ang maituturo ko sa isang tulad mo?”
“`Wag mong i-underestimate ang sarili mo. Marami ka pang maituturo sa akin.”
“Mas expert si Kuya Banong pagdating sa mga specialty namin. May sariling magic `yon, eh. Alam mo `yon, Chef? Kapag siya ang nagtimpla ng papaitan, may something. Hindi naman pansin ng mga customer kapag ako ang nagtitimpla, pero ako siyempre, nalalasahan ko na iba. Gusto mong i-try ang papaitan namin?”
Tumango na lang si Summer. Kahit natutuwa siya kay Tonette, sa totoo lang, gusto niyang makita si Banong. Nasaan na ba ang lalaki?
“Si Banong?” tanong niya mayamaya nang maisilbi sa kanya ng beki ang isang umuusok na mangkok ng papaitan. Hindi siya masyadong excited sa papaitan dahil na rin sa wala pa siyang natitikmang masarap na luto niyon.
“Nandiyan sa labas, Chef. Papasok din `yon. Nagkataon lang na nandiyan `yong jowa-jowaan niya.” Umismid si Tonette.
So Banong had a girlfriend. Gustong mainis ni Summer sa sarili dahil medyo na-disappoint siya. It was ridiculous. Bakit siya madi-disappoint? Wala siyang karapatang ma-disappoint. Inaasahan ba niyang magiging sila? She was being silly. Nakakilala siya ng isang bagong mukha sa loob ng isang taon, bigla, kung ano-ano na ang kanyang naiisip. Maybe it was a reflection of how empty she was, how sad she was as a person. Baka reflection ng kagustuhan niyang magkaroon ng isang taong nakakaintindi, hindi nanghuhusga. Banong made her feel comfortable. He made her feel like she did not need to explain her side of the story. He made her feel appreciated.
“Bakit parang hindi ka masaya?” tanong niya kay Tonette.
Umasim ang mukha nito. “Okay lang,” sabi nito, pero halatang hindi okay rito ang lahat. Mukha rin namang wala itong gusto kay Banong dahil parang kapatid kung ikuwento.
“Parang hindi okay,” giit ni Summer. She wanted the juice.
“Hindi ko lang feel si Olga, iyong jowa-jowaan .”
“Ano’ng ibig sabihin ng jowa-jowaan ?” Kailangan nang tumigil ni Summer sa pagtatanong, pero hindi niya maiwasan. Her curiosity got the better of her.
“`Yong jowa na hindi naman jowa .” Tumawa si Tonette. “Ewan ko ba diyan kay Kuya kung anong naisipan at sa dami ng nagkakagusto, eh, `yong babaeng `yon pa.”
“Ang daldal mo, huy !” sabi ni Caloy, parang napapahiya. “Pasensiya na po, Chef, medyo atribida talaga `yang si Tonette, eh. Pati lab layp ni Bossing, kailangang pakialaman. Mabait naman si Olga, saka mukhang mahal ni Boss kaya `wag ka nang mag-comment, Tonette. Pusuan mo na lang.”
“Pusuan mo’ng mukha mo!” Inirapan ni Tonette ang lalaki. “Ikuha mo si Chef ng sisig at ng kilawing seafood.”
Tumango si Caloy, ngumiti kay Summer, saka tumalikod. Binalingan siya ni Tonette. “Lalaki kasi kaya ganyan mag-isip si Caloy. Ang akin lang, Chef, kabi-kabila ang nanliligaw kay Kuya Banong kaya bakit doon sa pakipot na haliparot siya nagtitiyaga, `di ba?” Mukhang matagal nang may gustong pagsabihan niyon si Tonette at hindi na naawat pa ang sarili. “Ano kasi `yon, childhood jowa niya. `Tapos nag-Japan. Naanakan doon ng Hapon, `tapos umuwi dito. Wala naman akong nakikitang masama kung may anak ang isang babae, Chef. Hindi ako tulad ng iba diyan na naiisip na dapat dalaga lang ang patulan ng binata. Modern ako, millennial. Pero problema ko kung ang babae, eh, may attitude. Hindi pa man, kung makapag-utos ang babaeng `yon kapag nandito, akala mo siya na ang may-ari. Paano pa kung maging sila ni Kuya? Baka paalisin na ako sa trabaho dahil talagang hindi ko siya nginingitian.”
“Bakit naman?” tanong ni Summer.
“Paano ba naman noong minsan, Chef, tinawag-tawag akong bakla at inutusan akong parang alipin sa harap ng mga kaibigan niya. Nakikikain na nga lang siya dito nang libre, donya pa ang peg niya? Isa pa, iba ang feel ko sa kanya. Feeling ko hustler talaga. Ilang ulit ko nang sinabi kay Kuya, pero ayaw namang makinig sa akin. Mahal daw niya, achuchuchu . Mamahalin mo pa ba `yan kung sinimulan nang makialam sa lahat ng bagay sa buhay mo? Paano kung pati sa nanay ni Kuya, may masabi?”
Wow. The information was a lot. “Wala akong masabi.”
“Ay, keri , Chef. Napahiya naman ako sa daldal ko. Pero hindi ko sinisiraan ang babae, ha? Lahat ng sinabi ko sa `yo, sinabi ko na kay Kuya Banong. Alam ng lahat dito na hate na hate ko ang babaeng `yon. Kapag nandito, hindi talaga ako lumalabas. Hitsura niya! Hindi ako alipin dito, walang alipin dito. Ang bait-bait ni Kuya Banong para makapangasawa ng tulad niya.”
“Asawa?”
“Hmp! Alam ko naman na `yon ang gusto ni Kuya. Alam mo na, maging ama. Lahat ng batang makita, gusto yata niyang ampunin, eh. Mabait `yan, Chef. As in. Malaki ang puso. Kaya hindi ko matanggap ang Olga na `yon. Mukhang madamot at salbahe talaga. Ay, ano ba `yan, ang dami ko na talagang nasabi. Stop na ako bago ma-loss. Pasensiya ka na, Chef. Kung minsan, sobrang daldal ko pagdating kay Kuya. Love na love ko kasi `yan. Ako rin ang inaasahan ni Ninang na magbantay sa unico hijo niya.”
“Hindi na siya bata,” komento ni Summer.
“Ang lalaki, eh, lalaki, Chef. Palaging naliligaw ng landas kapag babae ang usapan.”
Hindi alam ni Summer kung agree siya sa sinabi ni Tonette dahil ang ex niya, sa isang lalaki nauwi at kanina lang, nang mag-check ng e-mail, nabasa niya ang sulat ni Warren. Buong akala niya, maayos ang lagay ng lalaki, pero nagkamali siya. What little Warren had, his boyfriend took away. Ang inakala din niyang kasal ng dalawa sa Amerika, hindi pala natuloy. Sa loob ng isang taong hindi nila pagkakausap at pagkawala nito, nalugmok pala sa kahirapan. He was now homeless in California and was asking for help to get back to the country. Nag-reply si Summer, sinabi kay Warren na ipadala ang mga detalye para maipa-book niya ng ticket pauwi. Hindi niya ito kayang tiisin. At bakit niya titiisin ang nag-iisang tao sa buhay niya na naging honest? At least the man did not take advantage of her when he had every opportunity to do so.
Curious na curious na si Summer sa hitsura ng “ jowa-jowaan ” ni Banong, kaya lang, nahihiya siyang magpaalam kay Tonette para silipin ang dalawa. Pero hindi na pala kailangang pasimple siyang magpunta sa dining area, dahil mayamaya lang, pumasok na sa kusina ang lalaki, kasama ang isang babaeng pamilyar ang hitsura. It took a few seconds before Summer realized where she first saw the woman. Ito ang babaeng bastos ang bibig sa fast-food restaurant.
Bigla niyang naisip na tama si Tonette. Nababaliw na si Banong. Ayaw niyang husgahan ang babae dahil hindi pa niya kilala, pero alam niya na may pagka-schemer ito. Naalala niyang sinabi nito sa kaibigan na hindi ang asawang Hapon ang ama ng anak nito, pero hindi iyon alam ng Hapon. Alam din niyang “tinatakam” nito si Banong. People like this Olga was the reason why the world was shit. Selfish people who only thought about themselves. Anong klaseng tao ba naman ang magpapanagot sa isang lalaki para sa anak na hindi ito ang ama? Paano kung gawin din iyon ng babae kay Banong?
Ano ba ang nakita ni Banong sa babae? Hindi rin alam ni Summer. Well, bukod sa kagandahan ng mukha at kaseksihan. Hindi naman mahirap makita ang mga iyon. Ang suot ng babae ngayon, kahawig ng suot ni Julia Roberts sa Pretty Woman nang magtangkang mag-shopping sa Rodeo Drive. Ang pagkakaiba lang, all beige ang kay Olga at knitted ang tela. Wedge ang sapatos. The woman looked sophisticated. Kung ibang babae ang magsusuot ng ganoon, hindi magmumukhang sosyal. But Olga was. Aminado si Summer na may natural na dating ang babae—sexy, pero sosyal, puwedeng maging artista ang hitsura. Makinis ang kutis, pero hindi tulad ng sa iba na pilit, iyong halatang alaga sa gamot. Olga was just naturally beautiful.
And Banong was a superficial asshole. Kung bakit inis na inis bigla si Summer sa lalaki at nahusgahan bilang asshole. Pero mukhang may pagkaeng-eng si Banong, hindi man lang nakikita ang totoong ugali ng gustong maging girlfriend kahit napapansin na ni Tonette na iba ang ugali ng babae.
“Somerita, ito nga pala si Olga. Olga, si Chef Summer,” pakilala ni Banong sa kanila, ngiting-ngiti.
“Akala ko ba nasa TV? Hindi pamilyar,” maaskad na sabi ni Olga, tono pa lang ng boses at diction, halata nang opposite ng physical projection ang kasosyalan. Her voice was loud. May kagaspangan din ang diction. Uneducated, but more than that, she just sounded mean. Hindi lang sa mismong sinabi, kundi sa dating, sa tono. Higit sa lahat, bakit kailangan nitong mag-comment ng ganoon?
“Hindi ka naman kasi nanonood yata ng TV,” sabi ni Banong, namumula ang mukha.
“No, it’s okay. I get that a lot,” sabi ni Summer, ngumiti kahit ayaw—sanay siya doon—inilahad ang kamay sa babae. “It’s a pleasure to meet you.” Hindi na niya mabilang kung ilang ulit sinabi iyon sa mga taong hindi niya gustong maging parte ng kanyang buhay pero kailangang pakisamahan. Sa dati niyang mundo, necessary ang mga ganoong klase ng pakikisama.
“Eh, puro telenovela naman yata kasi ang pinapanood mo, Olga,” hirit ni Tonette, nakangiti, kahit ramdam ni Summer ang inis ito.
“Hindi kita kinakausap, bakla,” sabi ni Olga.
Tumawa si Banong; tawang alanganin. “Mahilig talagang magbiruan itong dalawang ito, Chef. Anyway, Olga, gusto ko lang talagang makilala mo si Chef. Ipapahatid na kita. Mamayang gabi, pupunta ako sa inyo. Dadalhan ko si Akiro ng pichi-pichi.”
Lumabi ang babae, idinikit ang tagiliran kay Banong, habang nakahawak sa kamay ng lalaki. “Akala ko ikaw ang maghahatid sa akin? Miss ka na ni Akiro.”
“Hindi puwede, eh. May usapan kasi kami ni Chef ngayon.”
“Gano’n ba?” sabi ni Olga, mukhang magbi-bitch fit. Pero sa huli ay naging malamig ang babae at sinabi, “Sige, mauna na ako. Magta-tricycle na lang din ako. Sige,” baling nito kay Summer, saka tumalikod, hindi man lang tinapunan ng tingin si Tonette.
Mukhang nabigla si Banong, hindi nakapagsalita. Mayamaya, tumingin ang lalaki kay Summer. “Somerita, pasensiya na, ha? Ngayon lang `yon umarte nang ganoon. Baka nagseselos.”
Alam ni Summer na hindi mapakali si Banong, kaya sinabi niya, “Puwede namang si Tonette ang magturo sa akin. You go ahead and take Olga home.”
“Sure ka?”
“Of course.”
Iyon lang at tumalikod na ang lalaki. Sa totoo lang, nabuwisit si Summer. Pero walang responsibilidad sa kanya si Banong. Higit sa lahat, buhay nito iyon.
“Dapat hindi ka pumayag, Chef. Gaga talaga si Olga, `no?” sabi ni Tonette.
Gusto niyang tumango, pero hindi na lang nag-comment. Wala siya sa posisyon para mag-comment. She was merely someone who met Banong recently.