noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 24

Ch. 24 / 26 May 10, 2025

T ULAD ng inaasahan, punong-puno ang World Trade Center. It smelled of food. There was food everywhere. Mula sa mga produkto sa iba’t ibang rehiyon hanggang sa imported food products ay nandoon na. May naglalakihan ding tarpaulin ng iba’t ibang sikat na food brands, kabilang na ang Sunny Bay. May malaking tarpaulin din kung saan nandoon ang picture ng iba’t ibang grupong maglalaban-laban para sa contest.

Ang mga alaga ni Summer ang mukhang pinakabata sa lahat. Ang mga ito ang pinakamukhang kakaiba dahil na rin sa hindi formal na pose. They were a wacky group. Makikita iyon sa picture pa lang. Ang isa pang representative ng Luzon, halatang sosyal sa uniporme pa lang. They all looked like professional chefs! Mukhang hindi na bata ang mga ito! Ang apat pang kalaban ay mukha ring mga na-train nang husto. Kapag nakarating na sa ganoong stage ng competition, malaking pagkakamali ang magkulang sa training. Masyadong malaki ang premyo para sa mga bata.

“It’s not fair,” sabi ni Summer. “That three of those schools are private and you know the tuition fee is expensive.”

“Why is that unfair?” tanong ni Warren.

“Because they can afford to go to college, unlike my team. How can that be fair?”

“Honey, life is never fair.”

“I know. That sucks.” Naisip agad ni Summer si Olga. Paano naging fair na sa kabila ng ginawa ng babae, dito pa rin nauwi si Banong? Ah, she really needed to stop thinking about them. They were fools.

Pinuntahan muna nila ang stall kung saan naka-display ang kanyang products. She was happy to see that only a few were left. May ilang tao na nagpa-picture sa kanya, kahit ayaw sana niyang makakuha ng atensiyon. Mayamaya, nag-excuse siya nang magsimula na ang cooking competition. In-announce na ang category. It was “Simple, Natural.” Iyon pala ang bagong company slogan ng Sunny Bay. Bibigyan ng pare-parehong ingredients ang bawat grupo at mula lang sa mga iyon ay kailangang maghanda ang mga ito ng main course with sides, at dessert.

Ipinakita sa projector ang mga ingredients na ibinigay sa bawat grupo. Flour, rice, potatoes, tomato paste, assorted fresh herbs, butter, eggs, salt, sugar, two slices of beef shanks, milk, oil, celery, carrots, onions at wine. Iyon na ang lahat ng ingredients. At isang oras lang ang ibinigay sa bawat grupo. Magluluto rin ang mga ito sa harap ng mga tao. They were all given fifteen minutes to make a list of the equipment and tools they needed. Sa loob ng labinlimang minuto, kailangan na ring makapagdesisyon ng mga ito kung ano ang iluluto.

Kabado si Summer. Paglingon sa isang panig ng bulwagan, namataan niya si Banong. He was looking at her. Bigla siyang napakapit kay Warren.

“What’s wrong?” tanong ng lalaki, saka sinundan ang kanyang tingin. “That’s him, right?”

“Y-yes.” Nakita na ni Warren si Banong sa picture.

Nagbawi si Summer ng tingin kay Banong, malakas ang kabog ng dibdib.

“He is a good-looking guy,” komento ni Warren.

“That’s not helping.”

“He’s not alone.”

Muling tumingin si Summer sa gawi ni Banong at nakitang kasama pala nito si Olga. Hindi niya napansin agad kanina ang babae sa dami ng tao.

Hindi na lang niya pinansin ang dalawa, kahit gustong magtaka kung bakit nakatingin pa rin sa kanya si Banong.

“Do you want to leave?” tanong ni Warren.

“Doon tayo sa banda do’n.” Nagpatiuna na si Summer sa bahaging mas malapit sa isang kalabang grupo.

Iniwasan na niyang mapatingin kina Banong, hanggang sa magsimula na ang contest proper. Dalawa sa grupo, inilaga ang baka sa pressure cooker, habang ang dalawa naman ay nagdesisyong i-roast iyon. Ang team niya at ang isa pang grupo ang mukhang gagawa ng braise. Nakita rin ni Summer ang ibang grupo na rice ang inilutong kaparehas ng baka, kung hindi man ay mashed potatoes. Ang team lang niya ang nakita niyang gumagawa ng handmade pasta.

All the other groups made cake, only her team was making choux. Makikita rin na lamang ang kanyang team pagdating sa organisasyon ng work area. Hindi nagkakagulo ang mga ito, hindi natetensiyon. Summer had never been prouder. Kung siya ang judge, panalo na agad ang mga ito. They made use of the tools perfectly, they made the process easy, and although their dishes were simple, those were the best options, given the fact that they needed to maximize not only the use of ingredients, but the use of time and cooking equipment as well. Walang nag-uunahan sa paggamit ng oven o stove, dahil naisip agad ng mga ito kung paano ang magiging work flow sa maliit na kusina.

“You’re crying,” puna ni Warren.

Noon lang iyon napansin ni Summer. Pinunasan niya ang mga pisngi. Napaluha na pala siya sa saya. It was such a joy to see these kids doing so well, applying what they had learned this way. Kahit sinong teacher siguro, mapapaluha rin sa saya. Bigla siyang napatingin kay Banong. Nakatingin din ito sa grupo. There was pride on his face.

Kasabay ng tuwa para sa mga bata, biglang binalot ng lungkot ang puso ni Summer. They can never share that happiness anymore. They were now merely strangers who got together once and shared a few good times. May kirot siyang naramdaman sa puso. God, that was so painful. Sa lahat naman ng pagkakataon, bakit ngayon siya naiiyak? Akala niya, hindi na darating ang mga luha, pero ngayon pa nagsimulang pumatak ang mga iyon. Nagmadali siyang nagpunta sa rest room na punong-puno. She ended up going to her car. Kasama niya si Warren. Pilit niyang pinigil ang mga luha, pero talagang ayaw paawat ng mga iyon. Hanggang sa mag-breathing exercises siya. Nagyaya si Warren sa isang coffee shop. Doon na lang sila nag-stay.

Ayaw na sana ni Summer na bumalik sa food fair, pero kailangan niyang malaman kung sino ang mananalo. Makaraan ang ilang sandali, bumalik na sila. She was calm then. Nakapag-retouch na rin siya. Nang makabalik sa fair, nakita niyang malapit na ring i-announce ang winners.

“Oh, I saw a client. I’ll be back,” sabi ni Warren, saglit siyang iniwan malapit sa stage.

Nasa ibaba ng stage ang mga kasali sa competition. Tahimik ang bawat grupo, malamang na lahat kabado.

“Chef!” Napalingon siya at nakita si Tonette. Agad itong lumapit sa kanya. “Kumusta ka na?”

“Okay naman. Hindi ko inabot ang kalahati ng competition. I needed to leave. Kumusta naman?”

“Kapag hindi sila nanalo, luto ang laban. Sila ang pinakamagaling. Iyong dalawa, hula ko matigas ang karne. Iyong dalawa naman, feeling ko walang lasa kasi pinakuluan, tapos grilled sa oven. Itong mga sosyal ang feeling ko, matinding kalaban natin, pero nasira sila sa cake. Kinunan ko ng picture.” Ipinakita sa kanya ni Tonette ang phone. Hindi umalsa ang cake ng kalaban. Ang putahe ng mga bataan nila ay perfect. The pasta looked al dente, the ossobuco looked so rich, and the choux a la creme seemed perfect! Kung siya ang judge, panalo na ang team, walang duda. Choux was not for beginners.

“Ay, `ayan si Kuya,” sabi ni Tonette.

Napatingin si Summer at nakitang papalapit si Banong. Bago pa niya napigilan si Tonette, nakatalikod na ito. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin kay Banong nang makalapit, kahit pa mukhang walang problema ang lalaki sa pagsasabi sa kanya ng opinyon nitong hindi welcome.

“So nakipagbalikan ka na doon sa ex mo? Siya `yon, `di ba?”

“None of your business,” sagot ni Summer.

“Sabagay, ikaw na mismo ang nagsabi, walang kaso sa `yo kahit lalaki ang gusto.”

“He is bisexual—”

“Ipinaliwanag mo na sa akin `yan noon.”

“At hindi mo pa rin naiintindihan hanggang ngayon.”

“Ang hindi ko naiintindihan, eh, kung bakit tinanggap mo pa rin kahit ipinagpalit ka na sa iba, `di ba?”

“He was honest! Sinabi ko na sa `yo `yan. Dapat kang tumingin sa salamin. Kung may isang niloloko dito, ikaw `yon at wala nang iba.”

“Mabilis akong maloko. Alam mo `yan. Isa ka sa nanloko sa akin.”

The nerve! “Ang kapal ng mukha mo!”

“Hoy, ano’ng sinasabi mo sa boyfriend ko?”

Nagtaas ng tingin si Summer. There was Olga. Wala siyang balak makipag-away in public kaya tumalikod na siya, lumayo. Salamat at hindi na sumunod ang sino man sa dalawa. Gusto nang umalis ni Summer, pero kailangan niyang malaman kung sino ang mananalo.

Warren came, held her hand, and said, “What happened? You’re shaking.”

“He talked to me. Never mind. He shouldn’t matter. He’s a fool. Let’s just wait for the results.”

Hindi nila kinailangang maghintay nang matagal. Makaraan ang may dalawampung minuto, in-announce na ang winners. Ni hindi na niya nagawang pumalakpak nang sabihing nanalo ng grand prize ang kanyang team. She was still so hurt, so upset.

Nagyaya nang umalis si Summer. Pinadalhan niya ng text message si Patricia at sinabing iti-treat niya ang mga ito sa darating na araw.

Sa gabing iyon, hindi siya agad nakatulog. She allowed herself to cry. She also made a promise that that will be her last.

“ANO BA’NG problema mo? May regla ka ba?”

Napaismid si Banong. Ayaw man, uminit ang kanyang ulo kay Olga. Alam niya na ganoon talaga magsalita ang babae at akala ni Banong, tanggap na niya. Hindi pa pala. Unti-unti, gusto niyang... gusto niyang busalan ang bibig ni Olga, kung hindi nga lang magiging masyadong violent. Kung minsan, nangangarap siyang kumuha ng isang buong bagnet at isubo sa babae tuwing lalabas sa bibig nito ang mga salitang hindi naman kailangang sabihin. Tulad na lang ng sinabi nito ngayon.

Paano kaya nakatagal kay Olga ang asawang Hapon? Baka dapat dito iyong hindi nakakaintindi ng Tagalog nang hindi mapikon sa bunganga nito. Hindi na iyon bibig, bunganga na. Kung ano-ano ang sinasabi ng babae. Napaka-demanding, napakaselosa, higit sa lahat ay mapag-utos at maluho.

Saglit pa lang na sila, pero damang-dama na ni Banong na iba ang Olga ngayon sa Olga na minahal niya noon. Nagbagong-anyo ito. At hindi niya kayang tiisin ang bagong Olga. Baka ganoon talaga ang babae noon pa, kaso masyado siyang in love kaya hindi niya nakita. Nakakasuka ang ugali nito, sa totoo lang. Pikon na siya.

“Wala ako sa mood, Olga, pasensiya ka na,” sabi niya.

“Putsa, palaging wala sa mood? Hindi ka ba nagagandahan sa akin?” Hinubad nito ang dress.

Nabigla si Banong at napanganga. Hindi dahil sa na-attract siya kundi na-turn off. Ganoon ba kasabik ang babaeng ito sa sex na kahit sinabi na niyang wala siya sa mood, gusto pa rin ng sex? Hindi pa sila nagse-sex dahil naiilang siya na hindi niya maipaliwanag. Hindi niya maipaliwanag kung paanong hindi siya excited doon, kung noon ay laman ito ng kanyang pantasya.

Hindi nate-turn off si Banong sa babaeng nagpapakita ng motibo, pero kay Olga, TO na TO siya. Agresibo ang babae at kapag hindi niya pinatulan, iniinsulto ang kanyang pagkatao. Sino ba naman ang gaganahan?

Mukhang iba ang interpretasyon ng babae sa pananahimik niya. Ngumisi ito. “Ano, nakaka-L ba ako o hindi?”

Sino ba naman ang mae-L sa pananalita nito? Parang babaeng beer house. Kunsabagay, GRO noon si Olga. Pero sana naman, lagyan nito ng kaunting pino. Ewan, hindi siya mapili, pero talagang may pandidiri siya kay Olga. Parang bigla, nakita niya ito bilang isang babaeng napakarumi na hindi niya maintindihan. Hindi marumi base sa pinagdaanan nito, kundi marumi ang pagkatao, ang ugali.

Lumapit ang babae sa kanya sa kama, saka bumulong, “Basang-basa na ako, Banong. Sabik na sabik na ako sa `yo.” Kinuha nito ang kanyang kamay at ipinasok sa loob ng underwear.

Totoo ang sinabi ng babae. She was wet. But he was not aroused. Ang tanging gustong gawin ni Banong ay ang maghugas ng kamay. “Olga, wala ka bang kaunting pino sa katawan?”

Nagalit ang babae. “Ano ka ba? Lalaki ka ba? O baka kakasama mo kay Tonette, nabakla ka na rin? Inihahain ko na itong katawan ko sa `yo, ayaw mo pa rin?”

“Nakaka-turn off, pasensiya na.”

“Lalo ka na,” sabi nitong dinakma ang kanyang junior. “Mag-Viagra ka. Tragis, ano `yan, comatose?”

That was it. “Hindi tayo para sa isa’t isa, Olga.”

Nagbago ang reaksiyon ng babae. “Nagbibiro lang ako, Banong. Alam mo kasi, matagal na tayong ganito. Siyempre naman, babae lang ako.”

“Sorry. Hindi ko na makita ang sarili kong tayo, eh.”

“Tang-inang `yan! Hindi ka makikipag-break sa akin. Walang nakikipag-break sa akin. Gago!”

Na-shock si Banong. Alam niyang palamura si Olga, pero hindi niya inasahan na siya ang mumurahin nito. “Pasensiya ka na. Tapos na tayo.”

“Tarantado!” Akmang sasaktan siya nito nang agapan niya sa braso.

“Hindi tayo para sa isa’t isa.”

“Sino ang gusto mo, si Tabachoy? Yuck. Daming bilbil n’on, parang araw-araw kang nag-crispy pata. Maha-high blood ka lang—”

“Sa `yo ako naha-high blood. Tumahimik ka na.”

“`Tangna, gano’n na lang ba?!” singhal ni Olga, parang sinapian sa panlilisik ng mga mata. “Wala man lang akong napala sa `yo, ang tagal kong naghintay! Mabuti pa si Edsel, tigasin!”

“Totoo pala na may nangyayari sa inyo,” sabi ni Banong.

“Natural!”

“Hindi ka na nahiya.”

“Bakit ako mahihiya?”

“Dahil may asawa `yong tao!”

“Hindi siya pinaliligaya ng asawa niya. At ikaw, nakuha mo sana ako, kaso baklain ka na, lambutin ka pa.”

“Nakakadiri ka,” hindi maiwasan ni Banong na sabihin dahil galit na galit siya.

“Mas kadiri ka. Iyong tabachoy na `yon ang gusto mo? Pareho kayong lambutin. Ni hindi marunong manampal `yong kupal na `yon.”

Unti-unti niyang naiintindihan ang pangyayari. “Pinaikot mo kami.”

“Talaga! Dahil mga bobo kayo!”

“Ano’ng ginawa mo kay Junior?”

“Siya na lang ang tanungin mo, bakla!” sigaw ni Olga.

Never in his life did Banong ever want to physically hurt a woman, or anyone for that matter, until now. But of course, he could not. Nagmamadali siyang tumalikod, nang may maalala. “Hindi anak ng asawa mo si Akiro, `di ba?”

“So? Pakialam mo?” sabi ng babae, pero biglang natigilan, noon lang yata na-realize na nabigla ito sa pag-amin.

Gustong dumura ni Banong sa sahig, pero naawat ang sarili. Tuloy-tuloy siya sa kotse, saka mabilis iyong pinasibad. Panay ang kuskos niya ng wet wipes sa kamay. Umuwi muna siya at naglinis ng katawan, saka pinuntahan si Junior. Napaluha ang bata nang aminin ang totoo—tinakot ito ni Olga. Naikuyom ni Banong ang kamay sa matinding galit sa babaeng daig pa ang telenovela sa pagkakontrabida.

“Sa susunod, sa akin ka unang lalapit, Junior.”

“Ipapabugbog daw po kasi ako ni Ate Olga, Kuya, saka ipapakulong ang tatay ko.”

“Wala kang dapat ikatakot. Ako ang bahala sa `yo.”

“Ano’ng plano mo ngayon, Kuya?”

“Mag-sorry. Kay Somerita.”