noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 10

Ch. 10 / 26 May 10, 2025

T HE MAN was gorgeous. Puwede itong maging cover ng magazine. Iyong ganoong kaaahon lang sa ilog, kita ang abs, tumutulo ang tubig sa katawan.

Gustong mainis ni Summer sa sarili sa nararamdamang tensiyon. Kung malalaman lang ni Banong na ganoon siya, malamang na matawa ito.

Ang mga tipo nitong lalaki ang hindi nagkakaroon ng girlfriend na tulad niyang average. Kaya nga si Olga ang nililigawan. Siguro, tulad din ng babaeng iyon ang mga ex ni Banong—gorgeous, sexy. Because he was.

Ibang-iba si Banong sa mga nakasanayan ni Summer kaya siguro may curiosity sa kanyang sistema para sa lalaki. Pero kailangan niyang tandaan na hindi siya nagpahinga nang matagal para lang kumuha uli ng problema. Problema lang ang darating kung ie-encourage niya ang attraction para sa lalaki. She had to admit she was physically attracted to him. Puwede ba namang hindi? Guwapo si Banong, maganda ang katawan. Higit pa roon, gusto niya ang personality ng lalaki. Pero mahirap ikaila na magiging problema niya kapag hindi inawat ang sarili dahil mayroon na itong Olga. Hindi siya para makipagkompitensiya sa isang tulad ng babaeng iyon, o sa kahit na sinong babae sa mundo. Napakaraming lalaki para mag-agawan ang mga babae.

Isinukbit na ni Summer sa balikat ang bag at mayamaya ay naglalakad na sila pabalik. Dumidilim na pero, ang sabi ni Banong, wala raw siyang dapat alalahanin dahil may baon itong flashlight. Tahimik sila habang naglalakad at hindi rin niya maiwasang mapansin na malalaki ang hakbang nila pareho, mabilis ang pagbalik sa kabahayan.

Nagsisimula nang dumilim nang makarating sila kina Nanay Tanya. Nakigamit sila ng banyo. Sa banyo na rin nagbihis si Summer dahil parang wala namang lugar para magbihis at nakakahiyang makigamit ng kuwarto sa maliit na bahay.

“Ay, maghapunan muna kayo bago mag-bayle,” sabi ni Nanay Tanya.

Tumanggi na sina Summer at Banong. Hindi busog si Summer, pero hindi rin naman gutom. Isa pa, curious na siya sa bayle.

Nagpaalam na rin sila kay Nanay Tanya at lumakad na. May maliliit na poste ng ilaw sa makitid na kalsada. Maraming mga naglalakad doon. Mukhang lahat, papunta sa bayle, kung ano man iyon.

Para talagang politiko si Banong sa dami ng mga taong bumabati rito. Mayamaya, nakarinig na si Summer ng malakas na music. Parang basag ang speakers na gamit o hindi siguro pangganoon kalakas na volume kaya sabog ang tunog. Natanawan niya ang mga ilaw sa di-kalayuan.

“So, sayawan ba ang bayle?” tanong niya kay Banong.

Ang lakas ng tawa ng lalaki. “Oo. Masaya do’n. May lechon.”

Natawa na rin si Summer. Hindi pa niya nae-experience ang ganoong sayawan sa barrio, pero interesado siyang ma-experience. Interesado siyang ma-experience ang maraming bagay. Siguro, iyon ang kulang sa kanyang buhay. Wala siyang ginawa kundi ang magtrabaho na wala siyang naranasang ganoon. Kung mapunta man siya sa kung saang bar, iyon ay para pa rin sa trabaho.

Napahagikgik siya nang makitang ang bayle ay isang malaking space na lupa ang sahig at napapalibutan ng mga palapa ng niyog. May mga banderitas din na gawa sa balat ng sitsirya. Kulang ang party lights kaya maliwanag doon, kahit pa nga may nagsasayawan ding ilaw. Obviously, kulang sa budget ang bayle, pero parang hindi na iyon pansin ng mga tao. Mukhang masaya ang lahat. Kung sana ganoon kababaw ang kasiyahan ng lahat sa mundo, magiging mas masaya siguro ang lahat.

Sa isang side ng “dance floor,” may nakapatong na ilang blue na container ng tubig na hindi tubig ang laman kundi buko juice, base na rin sa karatulang papel. Sa tabi niyon ay may malalaking kaldero at ang lechon. Mukhang hindi pa kainan dahil wala pang pila.

Mayamaya, humina ang tugtog at sinabi ng isang boses, “Welcome sa ating pasayaw. Espesyal ang gabing ito, mga kabarangay, dahil may masarap tayong hapunan, salamat sa ating sponsor na si Kuya Banong. Iyong mga may nabunot na number na one hanggang ten, puwede na pong pumila. Tatawagin ko po ang kasunod na number kaya relax lang kayo. Samantala, ito ang isang rock song para sa lahat.”

Biglang pumailanlang ang intro ng “What’s Up” ng Four Non-Blondes. Wala na sigurong mas babaduy pa roon, naisip ni Summer, pero wala na ring mas sasaya. Hindi masyadong marami ang tao. Siguro, eighty percent na iyon ng taga-barrio. May dalawandaang tao siguro ang nandoon at kakaunti ang nasa dance floor, siguro naghihintay na matawag muna ang number. Kain muna bago sayaw, wika nga.

“Ikaw pala ang sponsor,” sabi ni Summer kay Banong.

“Ng pagkain lang. Alam mo, minsan lang mangyari itong bayle dito. Kadalasan, kapag malapit na ang piyesta. Ito lang naman ang kasiyahan ng mga tao dito. Iyong ibang uma-attend, galing pa sa malayong barrio.”

“So sasayaw ka mamaya?”

“Anong ako? Ikaw.”

“Ano?!”

Ang lakas ng tawa nito. “Tayong dalawa?”

Tawa nang tawa si Summer dahil hindi alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Puwede naman siguro. Gusto niyang magkaroon ng authentic bayle experience. Medyo natatawa lang siya dahil may remix ang kung sinong DJ, ginagawang parang sa radyo ang pagpapatugtog, iyong radio station na biglang may sumisingit na tunog ng laser sa gitna ng kanta, saka sasabihin ang pangalan ng DJ. Sa kasong iyon, “DJ Hot Fire Mix” ang sumisingit nang wala sa tiyempo kaya iyon malamang ang pangalan ng DJ. Hot na fire. Natawa na naman siya sa pagkaaliw.

“Boyet ang pangalan n’ong DJ, hindi Hot Fire,” komento ni Banong, natatawa rin. “Pinagpaguran niya ang remix niya, `wag mong pagtawanan.”

“Hindi naman ako natatawa, grabe ka. Natutuwa ako.”

“Ako naiinis.”

Tawanan sila nang tawanan.

“D-D-D-D-D-DJ… Hot Fire!” singit na naman sa kanta ng kung anong recording. Ang sakit na ng tiyan ni Summer sa katatawa, pero hindi nila mapigilan ni Banong. Pinagtitinginan na sila ng mga tao, pero pareho silang hindi matigil. Tuwing titigil sila, sisingit ang mga laser effect sounds. Hawak na ni Summer ang kanyang tiyan.

“Ayoko na! Hindi ko na kaya!” sabi niya sa pagitan ng halakhak. She felt weak from laughing, her stomach hurting.

Pulang-pula ang mukha ni Banong. Lalo silang hindi matigil sa pagtawa kapag nagkakatinginan. God, it felt so good to laugh like a mad man. Basa na ang kanyang mga mata. Natigil lang sila nang lapitan ng isang matandang babaeng ipinakilala ni Banong bilang “Mrs. Avelardo.” Isa raw itong retired teacher at teacher din ni Banong noong high school.

Ipinakilala si Summer ni Banong sa matanda na agad kinamayan ni Summer. Kumunot ang noo ng guro. “Teka, parang pamilyar ka sa akin…”

“`Wag na ninyong masabi sa iba, Ma’am,” sabi ni Banong. “Si Chef Summer po siya, kung nanonood kayo ng—”

“O, Diyos ko, oo nga! Naku, nasaan ba ang apo ko? Hindi ko dala ang cell phone. Banong, kunan mo kaming picture, madali ka.”

Ngumiti si Summer nang akbayan ng matanda. Nagsisigawan sila halos sa lakas ng musika, nilakasan kasi ni DJ Hot Fire. Mukhang paborito nito ang kanta. Sa huli, ang sabi ng guro ay pasyalan niya ito minsan. Nagpaalam na rin ito, ang sabi ay sinumpong ng rayuma.

“`Wag kayong mag-alala, wala akong ibang sasabihan, pero ipapadala ko sa anak ko ang picture. Banong, i-e-mail mo sa akin sa Facebook.”

Tumango si Banong. “Wala pong e-mail sa Facebook, Ma’am, pero ie-e-mail ko pa rin. Para sa `yo.”

Umirap ang matanda at umalis na rin, matapos hintayin ang pangako ni Summer na babalik para magpaturo kung paano ang magburo ng mga gulay at prutas. Expert daw ang matanda roon.

“I like this place. Parang lahat ng masarap magluto, dito napunta.”

“Maniwala ka kay Ma’am. Gusto lang n’on na dalawin mo siya. Hindi nga marunong magluto `yon.” Ang lakas ng tawa ni Banong. “Pero `wag mong sasabihin, magtatampo `yon. Kung gusto mo ng masarap magburo, `wag ka nang maghanap pa. Si Tonette ang expert diyan. Sabi niya, dahil daw magaling siyang magburo ng totoong feelings niya noong hindi pa siya umaamin sa nanay niya na boys din ang gusto niya.”

Natawa na naman si Summer. “But I love this place.”

“Ako rin. Alam mo, hindi ko ito ipagpapalit kahit saan,” sabi ni Banong.

“I love Europe though.”

“Hindi pa ako nakakarating do’n. Pangarap ko ring mapuntahan `yon minsan.”

She can picture him with her, enjoying Venice. Or walking past French bakeries. Pero inawat din agad ni Summer ang sarili sa pangangarap nang gising. Europe seemed too far away anyway, a distant memory. A good one though.

“Mas gusto mo ba doon?” tanong ng lalaki.

Hindi niya agad nasagot ang tanong dahil wala siyang mahagilap na masamang alaala sa Europe, pero napakarami niyang masasamang alaala sa Pilipinas. Bumalik siya sa bansa kahit maganda ang opportunity niya sa Europe. At para saan?

Aminado si Summer na ilang ulit na tumakbo sa isip niya ang ganoon. Kung nag-focus siya sa maganda nang career sa France noon, sana hindi niya nakasama ang ama. Sana hindi siya na-involve sa mga gulo. Pero wala iyong kinalaman sa mga lugar o bansa. Hindi fair na sabihin kung alin ang mas gusto niya base sa karanasan.

She said, “Lahat ng experience ko sa Europe, natuto ako. Marami din akong natutuhan sa Pilipinas, siyempre. Pero wala akong naranasan doon na… na dumurog sa puso ko.” Tipid siyang ngumiti. “I don’t want to talk about it.”

“Alam mo, okay lang `yon. Mas magandang nakilala mo sila agad, kaysa naman naubos na ang oras mo sa kanila bago nila ipinakita sa `yo ang totoong sila, `di ba?”

“I guess. Palagi kong naiisip `yan. You know it’s funny because I was thinking of giving my father his own business, a new car, a new house…” Nagkibit-balikat si Summer. “But I guess he couldn’t wait. If he only did, he would’ve gotten all that. He didn’t have to wait very long, too. Kausap ko na ang real estate agent. I’m glad I didn’t give him anything. And trust me, I will never give him a single centavo.”

“Kahit ako rin siguro, ganoon din ang maiisip ko.”

“Bakit ganito kalungkot ang pinag-uusapan natin sa gitna ng bayle?” tanong niyang biglang natawa. Halos nagsisigawan sila dahil malakas pa rin ang patugtog ni DJ Hot Fire.

“Oo nga naman. Bakit hindi tayo sumayaw? May I?” sabi ni Banong na tumayo, saka inilahad ang kamay.

Tinanggap iyon ni Summer. Remix ng “Sweet Child of Mine” ang kanta. Mukhang feel na feel ni DJ Hot Fire. Hindi alam ni Summer kung paano nga ba sayawin ang kantang iyon. Ginawang dance remix. Nakigaya siya sa sayawan ng mga tao. It was surreal seeing everyone dance. Iba ang sayaw ng mga tao, hindi katulad ng sa mga dance club. Pero nakakahawa ang saya ng lahat. Summer enjoyed the simplicity of it all. Sana ganoon talaga ang buhay; na magiging masaya ang mga tao sa simpleng bagay tulad ng bayle. Pinaghahandaan at kapag natapos na ay balik din sa simpleng buhay. There was no scheming, no rush to get to the top, no one was plotting anything. Well, with the exception of the DJ. Dahil hindi pa man tapos ang mabilis na kanta, bigla na nitong pinaratrat ang laser beam sound at iyon na pala ang transition mula remix version ng rock, papunta sa medyo mellow. Pumailanlang ang intro ng “Sweet Baby” ni George Duke. Nagsiupuan ang ibang mga sumasayaw, pero naiwan ang marami.

Napatingin si Summer kay Banong. Natatawa ang lalaki, pero inabot ang kanyang mga kamay at ipinatong sa mga balikat nito, tulad ng ginawa ng ibang nandoon. Fine. She can do this. Isang simpleng sayaw lang iyon. Naranasan na rin naman niya ang ganoon, noong prom. That seemed like a lifetime away.

Napapahagikgik siya, pero kinakabahan din. Para siyang teenager noong prom! Kung tutuusin, mukha silang tanga—lahat sila sa dance floor. Isang tipikal na slow dance, kaliwa at kanan na pag-sway, paulit-ulit at ganoon lang.

“We probably look stupid,” sabi niya.

“Inaabangan ng mga manliligaw ang slow dance dito, baka akala mo. `Yong iba, dahil sa ganito nakakabuo ng pamilya,” pagkukuwento ni Banong.

Natawa si Summer. “I wish life was that simple.”

“Hindi naman kailangang maging komplikado ang buhay, Somerita.”

“Pero kahit ano’ng gawin natin, komplikado ang buhay.”

“Hindi ako naniniwala. Simple ang buhay ko, kahit kailan hindi naging komplikado. Kahit sabihin mong marami akong kapatid sa ama, kahit sabihing may ibang pamilya na ang nanay ko. Ganoon talaga ang buhay. May mga problemang dumarating, hindi naman nawawala `yan. Pero relax lang. Ewan ko, hindi yata ako ipinanganak na mahilig sa komplikasyon.”

“And what about romantic relationships?”

“Para sa akin, hindi rin komplikado. Hindi ako tumatagal sa komplikadong relasyon.”

“At ano naman ang komplikado para sa `yo?”

“Kapag `yong girlfriend ko, kung ano-ano ang gustong mangyari kahit hindi naman kailangan. Hindi naman sa sinisiraan ko siya, pero may naging girlfriend akong lahat na lang ng bagay sa mundo gustong problemahin. Kahit wala kaming dapat pag-awayan, gusto niyang mag-away kami.”

“Tulad ng?”

“Tulad ng walang sense na pagseselos niya. Kahit ilang ulit kong ipaliwanag na hindi siya dapat magselos, nagseselos pa rin. Dumating sa point na pati password ko sa Facebook gustong malaman. `Kako hindi puwede. Siyempre, privacy ko na `yon. Pero `kako, willing akong ipakita sa kanya ang lahat ora mismo kung nagdududa siya. Pero ibang usapan ang password dahil kahit sino namang tao, kailangan ng privacy. Hindi ako naniniwala sa relasyong lahat na lang dapat alam ng partner mo. `Ayun, nagalit. Kung ayaw ko daw ibigay ang password ko, ibig sabihin may itinatago ako. So sabi ko, sige `kako, ibigay niya rin sa akin ang PIN ng ATM at credit card niya dahil kung hindi, may itinatago siya. Eh, di hindi nakaimik. Magmula no’n, lahat na lang ng bagay gustong alamin, gustong pagdudahan. Kahit reunion ng mga Cardinal, gustong sumama.”

“Wala namang masama kung isasama mo.”

“Kahit ako nga mismo, hindi masyadong uma-attend sa mga gano’n, saka naiilang pa rin ako. Gaya ng nasabi ko na, hindi lahat ng kapatid ko, ka-close ko. Saka kapag kasama ko, tuwing tutunog ang phone ko, kinukuha. Siya ang unang babasa ng text. Kapag may tumawag, kailangang naka-speaker phone. Nagsawa ako. Ayoko ng gano’n. Para akong bilanggo, o kaya asong umeebak kahit saan at kailangang bantayan.”

Natawa si Summer. “Nice comparison.”

Tumawa rin si Banong. “Totoo naman, `di ba? Ikaw?”

“Anong ako?”

“Ano’ng dahilan ng breakup mo?”

“Hmmm… Tatlo pa lang ang naging boyfriend ko. Isa noong college, pero nag-break kami dahil hindi kami nagkikita. That lasted for three weeks. Batang isip pa kami pareho. The second one was French. We broke up because I needed to go back home and he wasn’t into long distance relationships.”

“Ang lupit naman n’on.”

“Not really. Hindi naman lahat ng tao kaya ang ganoong setup.”

“`Yong huli?”

“Hindi mo pa ba nababasa sa Internet?” nakangiting tanong ni Summer, nanunukso. Mukhang maraming nabasa tungkol sa kanya si Banong at parang imposibleng hindi nito nabasa ang tungkol sa kanyang ex.

Namula ang mukha ng lalaki. “So, totoong bading siya?”

“No. He’s bi.”

Nagkasamid-samid si Banong. “Hindi niya sinabi sa `yo?”

“No. I don’t think it would have mattered.”

“Paanong hindi?” Nanlaki ang mata ng lalaki.

“Well, he’s not gay. That means he can be attracted to both male and female. I am female so hindi ibig sabihin na hindi niya ako mahal,” sagot ni Summer.

Tumikhim si Banong. “Tama ka rin naman. Siguro lang, traditional ako. Pero bakit kayo nag-break? Ang akala ko bading siya kaya kayo nag-break.”

“No. He wasn’t happy with the relationship anymore. He’s always been honest to me.”

“Not when it matters.”

“Well, he probably thought it didn’t matter much. And he would be right anyway.”

“Sorry, pero talagang traditional ako. Kailangan kong malaman kung ang girlfriend ko ba, eh, talong lang ang gusto o kung minsan gusto rin ng bulaklak.”

Napabuga ng tawa si Summer. “Paano kung sabihin sa `yong gusto rin pala ng bulaklak? Aayaw ka na ba? Wala namang issue doon. Nagiging issue lang kung maghanap siya ng bulaklak habang kayo pa. Meron kasing iniisip ang mga tao na kapag bi, hindi kuntento sa isa. Not true. Tulad din ng straight relationships, nasa tao na `yon kung magiging faithful sila o hindi. Iniisip mo ba na dahil gusto rin niya ng bulaklak at talong lang ang meron ka, hindi siya makukuntento? Na hahanap siya ng bulaklak? No, that is not the case.”

“Alam mo, may point ka rin. Siguro, hindi lang ako masyadong aware sa mga ganyan. Alam mo na, hindi naman uso `yan dito sa probinsiya. Pero tama ka. Siguro nga may ganoon akong naiisip noon… So hindi ka galit sa ex mo?”

“Why? He told me the truth and I always appreciate honesty.”

“May point ka, pero… akala ko kasi, base sa mga nabasa ko na… alam mo na.”

“Anong alam ko na?”

“Na may panlolokong nangyari.”

“No. Wala. Hindi pa sila no’ng nakipag-break siya sa akin, although doon na papunta.”

“Hindi `yon panloloko?”

“No. He didn’t cheat on me. And if he did emotionally, it’s not something he could’ve controlled anyway.”

“Ang bait mo,” komento ni Banong.

Natawa si Summer. “I just see things as how they are.”

“Nagutom ako sa usapan. Gusto mong tikman ang lechon.”

“Game!” She smiled.