“T HAT’S not what I meant,” sagot ni Summer kay Banong.
“Alam ko. Joke lang. Dito muna tayo. Parang tumatama na ang ininom ko kanina.”
“Sabi ko na, eh.”
“Ang tagal sumipa ng alcohol.”
“Ang laki mo kasi.”
Ni-recline ni Banong ang upuan. Nang hindi makuntento, sumuot ito sa pagitan ng mga upuan sa unahan para magpunta sa backseat ng SUV. “Dito tayo.”
“Bakit hindi na lang sa loob ng bahay? Puwede kang humiga sa kama.”
“Tinatamad na akong bumaba. Dito na lang tayo. Malamig naman dito.”
“Ikukuha kita ng kape at maghihilamos din ako.”
Bago pa makapagsalita ang lalaki, nakababa na si Summer. Nang makapasok sa bahay, naglagay siya ng tubig at kape sa moka pot, saka mabilis na nag-shower. She was done in five minutes. Eksakto na kumukulo na rin ang kape na isinalin niya sa travel mug, saka nilagyan ng asukal. Bumalik na siya sa kotse.
Umisod si Banong nang buksan niya ang pinto, saka tinapik ang tabi nito. Naupo siya roon nang maibigay dito ang mug.
“Kahit kape mo, masarap ang amoy,” sabi ng lalaki nang buksan iyon para langhapin. Ibinalik nito ang takip, saka uminom. “Alam mo, malungkot mag-isa. Hindi ko alam kung paano mo nakakaya. Hindi ako tulad mo, Somerita. Gusto ko, may kasama.”
“Talaga namang nakakalungkot minsan mag-isa.”
“Malungkot ka ba?”
“Minsan. Sometimes you want to talk about your ideas and there’s no one there to listen. So you just write them down. Sanay na rin ako. I long for solitude most of the time. Kaya siguro walang pressure na naramdaman sa akin ang mga ex ko. I let them be, I let them do what they want. Hindi ako ang tipo ng babaeng palaging hinahanap ang boyfriend, o hindi mapakali kung hindi kasama ang boyfriend.”
“Hindi rin ako ganoon sa girlfriend.”
“Oh, really? How are you as a boyfriend then?”
“Wala, relaxed lang, kalmado. Kung minsan, hindi ko alam kung bakit kailangan ng drama, kung bakit ayaw sabihin kung may problema at mas gustong umiyak o mag-senti, kung puwede namang magtanong.”
Natawa si Summer. “Kung minsan kasi inaasahan ng babae na alam na ng lalaki ang dapat niyang gawin.”
“Ino-overestimate n’yo ang mga lalaki. Wala kaming alam sa buhay. Hindi kami mahilig mag-isip. Kaya naming tumunganga nang walang laman ang isip. Hindi kami katulad ng mga babae na kahit nakatulala, umaandar pa rin ang isip.”
“Is that true though?”
Tumango si Banong, tumatawa. “Mahirap isipin, sabi ng ex ko. Sinabi ko sa kanya `yan noon, eh. Paano kasi, tanong nang tanong kung ano daw ba ang laman ng isip ko. Sa totoo lang, wala. Noong oras na `yon, walang laman ang isip ko. Kumbaga sa radyo o TV, Biyernes Santo ang utak ko nang oras na `yon.”
“But how can that be? Seems impossible.”
“`Yan din ang sinabi niya kasi hindi niya kayang gawin.” Ang lakas ng tawa nito. “`Yan siguro ang kaibahan ng mga babae sa lalaki. Kaya naming tumunganga na tunganga lang talaga ang gagawin.”
Tawa nang tawa si Summer. “So you do this all the time?”
“Hindi naman. Lalo na kung may gusto kaming isipin.”
“Ano naman ang gusto mong isipin?”
“Nitong huli?” Tumingin sa kanya si Banong. “Ikaw.”
Magkakasunod ang naging paglunok ni Summer. This was big. “I... I h-hope good thoughts?”
“Hindi ko alam kung good. Good ba kapag gusto mong halikan?”
“Banong...”
Nagtama ang kanilang mga mata. She moved closer, he did, too. Iyon lang at parang may pinag-usapan na naglapat ang kanilang mga labi.
LAHAT ng pag-aalinlangan ni Summer ay nawala. Ni hindi nga yata dumaan sa sistema niyang mag-alangan. All she knew was that she wanted this man so badly. Ang kanilang mainit na halik, agad nilang nadala sa ibang lebel. Now, he was kissing her neck hungrily. She felt hot, wanting. She had never known passion like this before.
Maingat siya nitong inihiga sa upuan. She was wearing a simple dress. Makapal iyon at may padding sa dibdib kaya nag-iisa ang kanyang panloob. He cupped her breast. He seemed to not get satisfaction from that because of the fabric separating their skin so his hand went inside the dress.
His warm hand over her skin sent shivers up her spine. Naging mas mainit ang halik ni Banong sa mga labi ni Summer. He slid down between her legs. He gently pulled down her underwear. She gasped, realizing what he was going to do. Malaki ang space para dito dahil nakasandal siya sa pinto ng sasakyan. Soon, his head was between her legs.
Naipikit ni Summer ang mga mata. She felt his tongue brushing up the gap between her legs. The place was enclosed and there seemed to be nothing else to look at but him. And he looked so hot giving her pleasure with gusto. He was passionate about that, too. There seemed to be intent in every stroke of his wonderful tongue—an intent to please her so.
She stroked his hair, biting her lip. Now, her legs were spread apart, the sole of her feet on the seat, his hands on the back her thigh.
“Oh!” she moaned after a while, seeing his hand move, feeling a finger inside of her, while his tongue kept licking her. “Oh, God!” she almost screamed, her legs shook, her body arched as she came.
Napakabilis ng tibok ng puso ni Summer. She began touching his chest. Her hand slid down, but he held her hand just before she reached his fly. He took her hand up to his lips. Hinagkan iyon ni Banong. “Relax.”
“W-what?”
Ngumiti si Banong, saka maingat na isinuot kay Summer ang panloob. She was speechless. So ganoon na lang ba? She was confused now. This was something new. Aminado siyang hindi naging mainit kahit kailan ang huling karelasyon, pero sa pagkakatanda niya, ang mga lalaki ay palaging gustong may mangyari. Unless...
Lihim siyang napasinghap. May napanood siyang comic na nagsabing ang mga lalaki raw na ayaw makipag-sex agad ay iisa lang ang dahilan—may lihim. Hindi raw dahil inirerespeto ang babae, kundi gustong ma-trap ang mga babae para matanggap ang isang lihim—na maliit ang putotoy ng mga ito.
Oh, man, does he have a mini-penis? A penisito?
Hindi alam ni Summer kung matatawa o ano. Parang hindi bagay kay Banong ang pagkakaroon ng maliit na pagkalalaki, lalo na at napakalaki nitong tao. Pero ano ang dahilan kung bakit ito tumigil? Gustong itanong ni Summer, pero natatakot siyang malaman ang sagot. Paano kung biglang ipakita ni Banong sa kanya at matuklasan niyang kasinlaki lang pala iyon ng Vick’s inhaler kahit erect na?
“Okay ka lang?” tanong nito.
“Show me your penis,” bigla niyang nasabi.
“Ha?” Halatang nabigla ang lalaki.
Napalunok si Summer. Tatanggapin naman niya kahit ano ang sukat nito, pero gusto niyang malaman para hindi siya mabigla pagdating ng tamang pagkakataon. She needed to know. She had to know.
“Show me your penis,” Summer said in a small voice.
Tumawa si Banong. “Ano? Bakit? Lasing ka ba?”
“Maybe. But show me anyway.”
“Luka-luka ka, Somerita.” Ang lakas ng halakhak nito.
“Is it a penisito? A very small one?” tanong ni Summer, pilit pinakaswal ang boses. Ayaw niyang maramdaman ni Banong na nailang siyang isiping maliit ang hinaharap nito. Size should not matter and it did not really matter to her, especially since he just gave her an explosive orgasm, but she simply had to know.
Tawang-tawa pa rin ang lalaki. “Halika na nga. Kailangan mo nang matulog. Mukhang lasing na lasing ka na at kung ano-ano na ang sinasabi mo.”
Bumaba na ito sa kotse, saka lumipat sa kabila para pagbuksan siya ng pinto.
“It doesn’t matter to me, you know. I just want to see it so there will be no surprises,” agad na sabi ni Summer pagkababa.
Hindi na umimik ang lalaki, pero nakangiti pa rin. Lalong kinabahan si Summer. Mukhang ganoon na nga. Ano pa ba ang dahilan para hindi nito ipakita kung may nangyari na sa kanila? Bakit hindi nito masagot ang tanong niya? Dinadaan lang nito sa ngiti ang lahat. Siguro nga.
Tumuloy sila sa kuwarto niya. Noon lang nakarating doon si Banong. It was a large space, clean, and cool. Nahiga ito sa kama. Sumunod siya, tumabi rito. Hindi na niya iginiit ang hiling dahil mukhang mapapahiya ito kapag pinilit niyang ipakita sa kanya ang itinatagong sekreto. Tumagilid siya paharap dito.
“Banong?”
“Hmmm?” tanong nito, nakatagilid din at nakaharap sa kanya.
“To some women, size matters. To me, it doesn’t.”
Tumawa na naman ito, umiling-iling. “Luka-luka ka.”
“Well, I just want you to know.”
Hindi na umimik si Banong, na lalo lang nakapagpatindi ng hinala ni Summer. Tahimik lang sila pareho, hanggang sa bigla itong magsalita, “Teka, iniisip mo ba talaga `yan? Hindi nga? Matutulog kang dala `yan sa isip mo? Na maliit itong... itong... itong kuwan ko?”
“It doesn’t matter.”
“It does matter! Hindi ba `yan joke?”
“Well...” Bumuntong-hininga si Summer. “Men always want to have sex. And when they don’t, they are either gay or they have a very small penis.”
“Sino naman ang nagsabi sa `yo niyan?”
“Narinig ko lang.”
“`Wag ka ngang magpapaniwala sa mga naririnig mo. Puro kalokohan. Hindi totoo `yan. Hindi lahat ng lalaki, ganyan ang dahilan.”
“What’s your reason then?”
“Ayokong sisihin mo ako bukas. Nakainom ka, nakainom ako.”
“But we already did something bad!”
“Bad?”
“In a good way, of course.” Nag-init na naman ang mga pisngi ni Summer, pero hindi maiwasang mapansin na hindi pa rin nag-deny si Banong na maliit nga ang pagkalalaki nito. Kinokontra lang ang mga paniniwala niya, pero hindi direktang kino-confirm o dini-deny. “What could be your reason then?”
“May dahilan ako.”
“Patingin ako sabi!” Lalo siyang na-curious. At oo, may halong alak ang kanyang utak, medyo nakalutang sa rhum.
“Ang kulit nitong lasenggang `to,” sabi ni Banong, hinablot ang kumot, itinakip sa katawan, saka mukhang binuksan ang pantalon. Hindi masabi ni Summer dahil nakatakip ng kumot. Pero mayamaya, inabot nito ang kanyang kamay at ipinatong sa pagitan ng mga hita nito. “O, ano? May tanong ka pa?”
Natameme siya matapos pumaikot ang kamay sa pagkalalaki nito. She held it at the bottom and slowly slid her hand up. Parang walang hanggan ang mararating ng kamay niya bago naabot ang dulo. No, he did not have a penisito at all. It was not a mini-penis, it was an extra large one. And it was erect.
“B-bakit h-hard?” tanong ni Summer.
“Hinawak-hawakan mo, `tapos bakit hard.”
“It was hard even before I touched it!”
“Bakit hindi magiging hard, eh, nandiyan ka sa tabi ko? Halika nga dito.” Iyon lang at hinagkan uli siya ni Banong. It was a very hot kiss. Soon, he was pleasing her again. He slid down between her legs again and made her come.
This time though, he allowed her to touch him. She, too, slid down his body, and placed her face betwen his legs. It took less than two minutes before it was over for him. He took the wet towelettes from the bedside table to wipe her hand.
“`Yan ang isa sa dahilan kung bakit. Nakakahiya,” sabi nito, napapangiwi habang pinupunasan ang kanyang kamay.
She took a wet towelette and wiped his leg with it. “Ano ang nakakahiya?”
“Wala pa yatang one minute.”
Napahagikgik si Summer. “Does it matter?”
“Of course. Maldita ka rin pala, ha? Kung ano-ano ang tanong mo sa akin hanggang ngayon. Maldita.”
Humagikgik si Summer. “At least napatunayan mong hindi pala penisito.”
“Penisito.” Ang lakas ng tawa ni Banong, saka siya niyakap. She stayed in his arms. She felt him kiss her forehead. She fell asleep.
Nang magising kinabukasan, wala na ang lalaki sa kanyang tabi. Sa loob ng ilang sandali, nakaramdam siya ng kaba na sinundan ng emptiness. Hanggang sa maamoy niya ang almusal. Napangiti na siya, saka bumaba. Pero nasorpresa siya nang makita si Tonette doon.
“Good morning, Chef,” bati nito.
“Good morning. Si Banong?”
“Naku, maagang umalis. Luluwas daw. Ako ang pinapunta dito. Kumusta naman ang gabi, Chef?” Kumindat si Tonette. “`Wag kang mag-alala, hindi ako tsismosa, pero ikuwento mo sa akin ang lahat.”
“Loka.” Nag-init ang mukha ni Summer. Of course, she remembered last night and how crazy it was. O siya siguro ang pinaka-crazy nang nagdaang gabi. Ngayong naaalala niya, parang gusto niyang mapahiya sa lahat ng kanyang sinabi. Sinabi ba talaga niya ang lahat ng iyon?
“So, kayo na ba?”
“No. Hindi.” Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng nangyari kagabi. Hindi niya alam kung may pupuntahan sila ni Banong. Ayaw din niyang magkaroon sila ng relasyon kung dahil pakiramdam ng lalaki, isa na iyong obligasyon dahil sa nangyari. Hindi siya ganoon mag-isip. “Ano’ng ginawa niya sa Manila?”
“Bumili ng mga kailangan ng mga bata. Malapit na kasi ang competition. Ready na sila. Bukas ang final practice n’yo, `di ba?”
Tumango si Summer. “Sana sinabi na lang niya sa akin. May supplier naman akong puwedeng mag-deliver.”
“Alam mo naman `yon, mahiyain. Kain na, Chef. Sinarapan ko talaga ang luto ko at umaasa akong may kapalit na mainit na intriga.”
Natawa siya. “Walang intriga. Wala namang kakaibang nangyari,” sabi niya, walang balak sabihin kay Tonette ang lahat. What happened was hers and Banong’s. Hindi na dapat pang i-share.
“Sayang naman ang pagkakataon, Chef. Hmp. Akala ko pa naman, nagkaigihan na at makakahigop na kami ng mainit na sabaw.”
Nagkuwentuhan sila. Day off pala ni Tonette, pero pinapunta nga roon ni Banong. Nahiya si Summer at sinabing hindi nito kailangang mag-stay, pero wala naman daw itong gagawin kaya hapon na nang magpaalam. Nang makaalis si Tonette, may humaplos na lungkot sa dibdib ni Summer.
Maaga na lang siyang nagpahinga, kahit umaasa sa text message man lang ni Banong, na hindi dumating. Nakatulugan na niya ang pag-iisip at kinabukasan ay maagang nagising para tingnan ang phone. Wala pa ring message ang lalaki, pero okay lang dahil magkikita naman sila sa practice ng mga bata.
Alas-nuwebe ng umaga nagsidatingan ang mga ito, pero wala si Banong. Nang tanungin niya si Patricia, sinabi nitong, “Tinext ko nga po siya, eh, pero ang sabi hindi raw makakarating dahil inaasikaso daw po ang mga gamit namin.”
And that was that for Summer. Malinaw na iniiwasan siya ng lalaki. Gaano kahirap ayusin ang mga kailangan ng mga bata? He just didn’t want to see her and she wished he would tell her why. It was probably because of Olga though. May sakit iyong dulot sa kanyang puso, pero wala siyang magagawa. She will never force any man to like her. Love was not and could never be forced into another person. That’s why love was a messy and complicated thing. It had been like that for centuries. It will never change forever.