noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 6

Ch. 6 / 26 May 10, 2025

S A KUNG anong dahilan, kampanteng-kampante na ang loob ni Summer kay Banong—na Giovanni pala ang totoong first name, ayon na rin sa pagkukuwento ng lalaki. Dahil ba nalaman niya kung sino ito at kakilala niya ang kapatid nito? Siguro. Pero higit doon, may pakiramdam siyang talagang nagsimula lang sila sa maling paraan, pero magkakasundo sa maraming bagay. He seemed very down to earth. Hindi rin nito ipinagmamalaki ang background, kahit kung tutuusin maganda ang pamilyang pinagmulan.

Dante Cardinal, Banong’s father, was a self-made man. Hindi man naging maganda ang image ng matanda sa marami dahil sa pagiging babaero, walang record si Dante Cardinal ng kahit na anong domestic abuse. In fact, everyone who knew him professed just how charming and loving he was. He was a gentleman. Iyon ang madalas marinig ni Summer, kahit sa mga ordinaryong usapan lang. Hindi nakakapagtakang napapag-usapan pa rin ang matanda hanggang ngayon. His romance adventure that spanned decades was legendary.

Siguro nga lang, talagang mahirap para sa mga anak nito na tanggapin ang ganoong klase ng sitwasyon. Mahirap din siguro para sa mga babaeng nakapiling ng matanda. Hindi niya alam kung bakit dumami nang ganoon ang naging babae ni Dante Cardinal at sa totoo lang, curious siyang malaman. What was it about a man who had always been known to have lots of women that made the Eves of the many generations swoon? Was it enough that he was a gentleman? That he probably treated women well? Sa palagay ni Summer, hindi ganoon. Pero sino ba siya para manghusga?

“May tanong ka ba tungkol sa tatay ko?” tanong ni Banong, kaswal, parang sanay na ito.

“No. Just wondering how he managed to… I’m sorry, it’s not my place to ask.”

“Managed to? `Wag ka nang mahiya. Maniwala ka sa akin, lahat ng tanong tungkol sa tatay ko at sa pamilya namin, naitanong na sa akin.”

“Just out of curiosity, what made all the women love him?”

“Love?”

“Well, like him enough to…” Napahiya si Summer. Parang ang dating, dyina-judge niya ang nanay ni Banong. “Sorry.”

“Ayos lang,” sagot ng lalaki. “Iyon din naman ang tanong ko noong una. Kung nakilala mo ang tatay ko noong panahong sikat siya, alam mo naman siguro na marami na siyang naging babae noong time na `yon. Pero bakit nga kaya? Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko naman natanong kahit kailan si Nanay.”

“Do they still talk?”

“Oo. Kahit naman noon, nagkakausap silang dalawa, pero ramdam mong may cold war.” Umiling si Banong, may bahagyang alanganin na ngiti. “Minsan, mahirap intindihin ang mga magulang. Pero masaya akong minahal ng nanay ko ang tatay ko, at least nabuo ako, `di ba?”

It was refreshing to find a man who seemed not to have any baggage from that. Magkaiba pala sila pagdating sa bagay na iyon. “You seem okay with everything.”

“Wala naman akong choice. Dumaan din ako sa tanong kung bakit, pero hindi ako nagrebelde. Ewan ko, wala sa sistema ko siguro. Hindi ako mapag-isip sa mga ganoong bagay. Kung may problema si Nanay, kung nagtatampo siya sa tatay ko, hindi niya naman sinabi. At siguro kahit sabihin niya, wala rin naman kaming magagawa. Ganoon talaga ang mundo, eh. Ayokong magkulong sa kuwarto, umiyak, mag-emo-emo. Wala na kasi akong magagawa. Palaging ang focus ko, iyong may magagawa ako.”

“I like your positive attitude.”

“Ikaw ba?”

“Ako?” She had to heave a sigh. “Siguro ako ang mahilig sa emo-emo.”

“Wala namang masama do’n. Iyon nga ang normal, hindi ba? So ako ang abnormal. Ewan ko ba, mabilis akong mag-move on. Mababaw din lang ang kaligayahan ko. Maraming nagtatanong sa akin, bakit hindi daw ako magsimula ng mas malaking negosyo, iyong tipong office-bahay na lifestyle. Alam mo naman sa restaurant, para kang kabayo sa pagod kadalasan. Hindi puwedeng hindi hands-on. Pero masaya ako sa trabaho ko.” Ipinatas na ni Banong ang mga karneng nakabalot sa dahon sa steamer na nilagyan ng mainit na tubig mula sa electric kettle.

“Masaya naman sa kitchen,” sabi ni Summer.

“Tama. Nakakapagod, pero masaya. Ikaw, bakit ayaw mong magsimula uli ng restaurant? Nabasa ko sa Internet, ibinenta mo ang shares mo.”

“I had no choice. It was either I sell them my shares or the business will go down.”

“Hindi ako naniniwala,” sabi ni Banong.

“Bakit naman?” tanong ni Summer.

“Baka naman naiisip mo lang na ganoon kalala. Alam mo, may amnesia ang mga tao. Palipasin mo lang ang ilang panahon, hindi na nila maaalala. Isa pa, hindi naman ikaw ang may kasalanan.”

Mukhang maraming alam ang lalaki tungkol sa kanya. “Gaano katagal kang nag-Google?”

“Buong magdamag. Na-curious ako, eh.” Parang napahiya si Banong, pero nakangiti. “Alam mo, bobo lang naman ang maniniwala sa mga balita tungkol sa `yo.”

“Mahirap kapag iniisip ng mga tao na marumi ang kinakain nila sa restaurant mo, o ang kakainin nila. They would rather choose a different place. It’s a competitive market as well. You need to come up with new ideas every time. Maraming restaurants sa atin ang nagsasara, nagbabago ng bihis. They wanted that, my business partners. And they wanted to do it without me. Napagod na rin akong magpaliwanag sa kanila. Bakit ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin? I believe my purpose in life is not to keep forcing myself to others.”

“Aba, ikaw ang naghirap, sila ang magpapasarap?”

“I needed a break.”

“Sabagay. Mahirap din naman na walang break ang mga tulad natin. Kung ako ngang simpleng kainan lang ang hawak, kailangang magbakasyon nang mahaba-haba minsan, eh. Pero wala, matagal na ang limang araw sa akin. Pero kapag Sabado at Linggo, kailangang may iba akong ginagawa, kung ayaw kong mabato.”

Napangiti si Summer. “I didn’t even have the weekends before. Ang dami ko kasing ginagawa. Kapag free ako sa restaurant, may catering. Kapag walang catering, may taping. Kapag walang taping, may gagawing libro, may test kitchen, at iba pa. I really needed this break anyway.”

“So, kailan mo balak mag-restaurant uli?” tanong ni Banong.

“I don’t know. Siguro ayaw ko na ring magsimula na naman ng bagong restaurant. I want a new thing. Gusto ko pa rin ang trabaho ko, pero hindi na katulad noon. Maybe a restaurant that opens by reservation only.”

“Bakit hindi?”

Napangiti si Summer. Nagkakaroon na ng porma ang mga idea sa isip niya. Bakit nga ba hindi? Malaki ang lupaing iyon, puwede siyang magpatayo ng structure na malayo sa bahay, nakahiwalay. It will be her own restaurant that will be opened only by request. Uso naman iyon ngayon. Kahit noon sa Maynila, ilang ulit siyang nagkaroon ng ganoong session. Minsan para sa proposal, minsan naman para sa VIP ng kung anong kompanya. It was always her favorite thing to do.

“Maybe I can have a lovely garden for people to visit, with tree houses. Maybe I can open a small bakeshop here as well or a pizzeria.”

Tumawa si Banong. “Akala ko ba, ayaw mo ng araw-araw?”

Natawa na rin si Summer. “Well, I can hire people to make pizza. It’s easy to make anyway. May mga kilala din akong cook sa Manila na puwede kong kunin, kung willing silang lumipat dito. I don’t know. I will think about it.”

“Masaya ako sa idea mo. Naku, tataba ako kapag nagbukas ka ng pizzeria dito. Iyong makunat na pizza na ketchup ang sarsa lang ang pizza dito sa atin, eh.”

Natawa siya. “One of these days I will make a good pizza for you.”

“Naku, `yan na nga ba ang sinasabi ko. Sana man lang may mailuto ako para sa `yo, Somerita. Pero sa totoo lang, nahihiya ako kasi ang alam ko lang, iyong mga pampahaba ng buhay. Chicharong putok-batok, papaitang pampataas ng cholesterol, bulalong pampahaba ng buhay.”

Malakas ang naging halakhak ni Summer. She had never laughed like this in a long time. It felt nice. Sa sobrang tagal niyang hindi nakakatawa nang ganoon katindi, sumakit agad ang tadyang niya. She looked at Banong. Her heart skipped a beat seeing that he was looking at her.

Bigla siyang na-conscious sa hitsura. She did not even bother to dress up. Pambahay na pantalon at T-shirt ang kanyang suot. Kaunti na lang, mukha na siyang maglalaba. Kanina, inisip din naman niya kung ano ang isusuot. Pero sa huli, nagdesisyon siyang hindi iyon importante. She was not going to impress Banong. What for? Pero ngayon, parang gusto niyang mahiya. Kung makikita siya ng mga tao sa ganoong porma, malamang sabihin na naloka na siya. Iyon ang ayaw ni Summer sa pagtutok ng camera sa kanyang buhay—na bawat galaw niya ay pinagmamasdan. But now, she wanted to change into something more camera friendly.

Para saan? Kukunan ka ba ng video? Tumigil ka. Pogi siya, oo, pero hindi mo alam kung baka may girlfriend na ba `yan.

Gustong mainis ni Summer sa sarili. Bakit niya nakikita ngayon na guwapo si Banong? Bakit parang gusto niyang itanong kung may girlfriend ba ito? She had absolutely no business asking him those things. In fact, they might never even see each other again after today. Masyado na yata siyang nilamon ng lungkot na gusto niyang gumawa ng isang mundong makulay sa lugar na iyon.

She must focus on things that mattered. Hindi siya dapat sumuko. It took someone like Banong to make her fully realize what she wanted to do. Lahat ng sinabi ni Summer sa lalaki, gusto niyang gawin ngayon. Why not? Walang mawawala sa kanya at hindi rin siya aalis sa katahimikan ng lugar na iyon. The place was big enough for all her ideas. Ilang ektarya ang lupain. Baka nga puwede pa siyang magtayo ng ibang amenities, tulad ng event venue at kapag nagawa iyon ay puwede siyang mag-catering uli. Pero one step at a time. Alam ni Summer na kaya niyang gawin ang lahat ng iyon sa isang pitik ng kamay—o sa isang trip sa bangko. Pero natutuhan niya ang pag-appreciate sa isang buhay na mabagal ang takbo. She wanted a slow pace in life. Walang pagmamadaling makaakyat sa ituktok. Narating na niya iyon at malungkot doon. Wala na siyang balak bumalik pa.

“So, walong oras pakukuluan ang stock?” tanong ng lalaki. “So, mga alas-dos ng madaling-araw tayo matatapos?” Tumawa ito.

“Of course, I have my own stock, come on. You think I’m an amateur?” Binuksan ni Summer ang freezer at inilabas ang naka-pack na stock. She was never without it. “This is a mixture though. Ano ba ang balak mong gamitin?”

“Kahit ano pa siguro ang gusto kong gamitin, mas masarap pa rin `yan.”

“We can try this. Meron din naman akong boxed, in case.”

Tumango si Banong, mukhang masayang-masaya. He was very childlike, it was refreshing. Pinagmasdan ito ni Summer na maggayat ng mga rekado. Mabilis kumilos ang lalaki, halatang sanay rin sa kusina. To be fair, he was a very good cook. Very clean as well. She will hire him if he applied.

Mayamaya, naitabi na nito ang mga ginayat na gulay at naghugas ng mga kamay, saka naupo sa tapat niya. Pinuno ni Summer ng lemonade ang baso ng lalaki.

“It’s my turn,” sabi niya, nagsimulang magbalat ng mangga matapos maghugas ng mga kamay. She made lemon curd. Napatingin siya kay Banong at nakitang nakatingin din ito sa kanya. She smiled at him. It came easy now.

“Alam mo, dapat ma-experience mo itong bayan natin para makita mo rin kung gaano kaganda dito sa atin,” sabi ni Banong.

“You think?”

“Oo. Kung balak mong magtayo ng restaurant dito, o kung ano man ang plano mo. May mga magaganda naman tayong pasyalan dito. Medyo nakikilala na nga rin tayo kasi puwedeng makuha sa ilang oras na biyahe mula Maynila at malilinis ang beach. Hindi man white sand, malinis at hindi mabato.”

“Actually, ang gusto kong mapuntahan, `yong Banong’s. Iyon ang dinig kong dinadayo dito sa bayan,” sabi ni Summer, nakangiti. She was genuinely interested. Gusto rin niyang makita ang technique ni Banong sa pagluluto.

“Iyan talaga ang pinaka-blockbuster dito sa atin. Naku, kapag nakilala mo ang may-ari, siguradong maiintindihan mo. Ang guwapo kasi n’on.”

Ang lakas ng halakhak ni Summer. “Talaga ba? Seriously though, I want to learn from you as well. Iyong Filipino food, diyan ako mahina.”

“Lalagnatin yata ako. Si Chef Summer, gustong matuto kay Chef Banong? Wow. Ano ba naman ang nagawa ko sa mundo para makakuha ng ganitong klaseng honor?”

“Ang OA mo.” Tawa nang tawa si Summer.

“May problema lang, eh.”

“Ano?”

“Mataas ang talent fee ni Chef Banong, pero tumatanggap naman ng exchange deal.”

“So hindi pa ba exchange deal ito?” Pinagtaasan niya ng kilay ang lalaki habang nagle-layer ng broas sa isang springform pan.

“Ito? Exchange deal ito sa guya. Iba naman siyempre ang deal sa one-on-one with Chef Banong. Aba, ano naman ang akala mo sa kanya, easy-to-get?”

“All right then. Ano ba ang puwedeng gawing deal para matuto akong magluto kay Chef Banong? Teka, siya ba ang head chef?”

“Ouch!” Madramang sinapo ni Banong ang dibdib. “Ang sakit mo talagang magsalita, Madame.”

God, it felt great to laugh like this. “So, ano nga ang kapalit?”

“Coach ng mga bata hanggang finals.”

“No.” Napailing si Summer. Hindi niya iyon gustong gawin dahil wala sa plano.

“Bakit naman hindi?”

“Hindi ko alam kung may oras ako.”

“Busy ka ba?”

Naitirik ni Summer ang mga mata dahil nanunukso ang mga mata ni Banong. “For your information, I do a lot of things in here.”

Ang lalaki naman ang tumawa nang malakas. “Sige na. Masaya `yon. Saka ilang ulit lang naman. Kapag nanalo, makakapasok ang mga bata sa college. Sigurado pa ang trabaho. Alam mo, itong mga batang ito, kailangan nila ng tulong natin. Sige na.”

“Fine. So kailan mo ako tuturuan?”

“Any time, Chef. Any time.”

She smiled.