noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 4

Ch. 4 / 26 May 10, 2025

“K ASALI kasi sa laban iyong mga bata ko. Sa school lang naman.”

Nakinig lang si Summer sa sinasabi ni Banong. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng lalaki sa salitang “bata.” Anak ba nito ang kasali o ano? Pero hindi na iyon importante. Basta may mga “bata” ito na sasali raw sa isang cooking competition. She had to admit that she was impressed he thought about making Vietnamese noodle soup. Hindi niya inaasahan na may laman na iba ang food vocabulary nito maliban sa mami kung noodles ang usapan. O baka instant noodles. Yes, she was judging him. Because she still found him annoying.

“Nanalo na sila noong nakaraan. Dapat sila na ang isasali sa piyesta. Pero may ilang magulang na nagreklamo at nagpetisyon, kasi daw hindi sila napasabihan. Kaya mauulit ang laban. Isa lang kasi ang lumaban doon sa mga bata ko, grupong kamote pa.”

Summer had never ever talked to anyone like this man, she can honestly say. Mukhang walang finesse ang lalaki at walang balak na magkaroon niyon. He was being himself, and she was not sure if she liked it or not. She had to ask, “Bata? Anong mga bata mo?” Kailangan niyang linawin iyon. The last thing she wanted was to be associated with someone who was a pedophile.

“Mga anak-anakan ko, mga high school, graduating.”

“Age?”

“Nineteen ang pinakamatanda, seventeen ang pinakabata. Lima sila.”

“I hate to ask, but I must know. You’re not romantically involved with any of them, are you?”

Ang pagkagulat at galit na lumarawan sa mukha ng lalaki ay nakapagdulot ng kilabot kay Summer. Did she go too far? Dumilim ang mukha ng lalaki, saka sinabi, “Umalis ka na nga. `Nak ng… Kalimutan mo nang humingi ako ng tulong. Ang dumi ng isip mo. Sino ka ba? Anong klase ka bang tao? Normal ba sa `yo ang ganyan? Unang beses mong makilala ang iba, tamang hinala ka na agad na baka may relasyon sa bata. Anong klaseng utak `yan?”

Gustong mapahiya ni Summer, pero itinaas niya ang mukha. Tumingin siya kay Mang Pol na naghihiwa ng karne ilang dipa mula sa kanila ni Banong. Kung narinig man ng matanda ang usapan, hindi nito ipinahalata. Lumapit siya sa matanda.

“Hindi. Wala kang kukunin diyan. Akin lahat `yan,” angil ni Banong, halatang galit.

“I was merely asking!”

“Hindi ko gusto ang tono mo. Hindi ko rin gusto ang tanong mo.”

“O, ano ba’ng nangyayari?” tanong ni Mang Pol, halatang kabado. “Banong, ano ba ito?”

“Sino po ba itong babaeng ito? Napakasama ng ugali!”

“Nagtatanong lang ako!” Kailangang aminin ni Summer na sumobra siya. Hindi niya iyon sinadya. Ang pumasok agad sa isip niya kanina nang magtanong ay ang intriga sakaling may makaalam. She was trying her best to live a quiet life. Walang idea ang lalaking ito kung paano mabuhay sa loob ng isang fish bowl. Nasa loob pa rin siya ng fish bowl. Nagkataon lang na inilayo sa limelight ang fish bowl. One wrong move, she will be the talk of the town again—and not in a good way. Sirang-sira na siya para madale na naman ng ganoong pangyayari. “All right, I’m sorry. I crossed the line. Hindi ko sinasadya. Honest question lang ang sa akin.”

“At `yon ang tingin mo sa akin, pumapatol sa disisiyete?”

“I don’t know you at all. Wala kang dahilan para magalit dahil hindi kita kilala. Normal lang na magtanong ako.”

Mahinahon man, halatang galit pa rin ang lalaki. “Hindi normal ang tanong mo, Somerita.”

Hindi na maalala ni Summer kung kailan may nagbanggit ng buong first name niya sa ganoong paraan—iyong may halong talim. Siguro noong bata pa siya at pinagalitan. Pero higit doon, napaisip siya sa sinabi ng lalaki. May punto ito. Hindi normal ang tanong niya. Bakit nga naman iyon agad ang kanyang naisip itanong? Kailangan siguro niyang magkaroon ng self-reflection.

But not now, and not around this guy, for sure. Iyon lang, medyo nagi-guilty talaga siya. Pero hindi niya naman ito kilala. Hindi rin siya nito kilala. They both did not have any understanding where the other was coming from.

“Look, I’m sorry. My bad. We’re even, I suppose.”

Bumuntong-hininga si Banong, saka sinabi, “May tatlo kasing category. Iyong isa, exotic Asian noodles. Iyong isa, dip. Iyong isa pa, no bake cake.”

Aminado si Summer na nasosorpresa siya sa lalaki. Halatang mahalagang-mahalaga rito ang kompetisyon. Mukhang ito ang tipo ng taong hindi magtitiyagang kausapin ang isang taong hindi gusto. Pero hayun ito, nakatutok sa kompetisyon. She wondered what was in it for him. Hindi lang niya maitanong at baka kung paano na naman lumabas iyon at mapasama na naman ang kanilang usapan.

“Sino ang mga kalaban? Sino ang adviser ng kalaban?” Naniniwala siyang kung kakilala niya ang chef na magtuturo sa kalaban, matatantiya niya kung ano ang direksiyong pupuntahan niyon. O kung gaano katindi ang paghahandang kailangan. O kung saan posibleng makalamang ang kalaban.

“Iyong tiyuhin n’ong isang kalaban, eh, expert sa lechon `yon. Pero hindi naman ako kabado kasi isang oras lang ang ibinigay sa cooking at prep time. Hindi siguro magle-lechon `yong grupo, bukod sa wala naman sa category. `Yong isa naman, may tiyahin daw na may bakery sa Maynila. Iyon ang inaalala ko kasi wala akong alam sa desserts, lalo na sa no bake. Ang plano namin, iyong mango float o crema de fruita, pero parang tagilid. Wala nang hindi marunong gumawa n’on.”

“Ano ang criteria for judging?” tanong ni Summer.

“Thirty percent presentation, forty percent taste, thirty percent originality. Kailangan nga lang gamitin iyong produkto ng Sunny Bay. Kada category, kailangan thirty percent ng ingredients, Sunny Bay.”

Pamilyar si Summer sa produkto ng kompanya. “So, walang problema sa noodles dahil produkto nila `yon, hindi ba?” sabi niya. Tumango ang lalaki. “Sa dip, kailangang ang base mayonnaise, I assume. Sa icebox cake, I’m guessing they want to promote their crackers and other bakery products.”

“Tama. Ang galing mo. Chef ka ba?”

Muntik nang mapangiti si Summer. Obviously, the man did not know her. Kunsabagay, talagang bihira naman ang makakakilala sa kanya dahil wala siyang kolorete sa mukha. Puwede siyang mawala sa gitna ng palengke nang walang problema.

“May alam ako sa pagluluto. Familiar din ako sa Sunny Bay. May e-mail ka ba? Puwede akong mag-e-mail ng recipe mamaya. Iisipin ko kung ano ang magandang lutuin kapag nakita ko ang kompletong listahan ng Sunny Bay products.”

“Mas maganda siguro kung mag-isip tayong magkasama.” Mukhang determinado ang lalaki. Muli, gustong itanong ni Summer kung ano ang motibo nito, pero pinigilan ang sarili.

“Fine. Pumunta ka na lang sa bahay mamaya.” Nasabi na niya iyon bago naisip na hindi smart ang ganoong desisyon. Paano kung may masamang balak ang lalaki? Pero bigla niya ring sinaway ang sarili. Kailangan niyang tigilan ang pagiging negative. Nakakaapekto na iyon sa kanya at sa paraang hindi maganda. Mukhang kilala ni Mang Pol si Banong. “Tagasaan ka nga pala?”

“Naku, Ma’am,” hirit ni Mang Pol. “Siya ang may-ari ng Banong’s.”

“Oh, okay.” Agad na tumango si Summer. Of course she knew that restaurant. Hindi puwedeng hindi makita ang malaking restaurant na nadadaanan niya tuwing pupunta sa bayan. She had always wondered if the food was special. Palagi kasing maraming tao roon sa kahit anong oras na mapadaan siya. So this was the man behind that place.

“Salamat, Somerita. Malaking tulong ka. Pasensiya ka na kanina. Pinapatawad na rin kita. Tinatanggap ko ang sorry mo.”

Napatingin siya kay Banong, nabigla sa narinig, pero napaismid nang makitang nakataas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki, halatang nanunukso. “So puwede ko nang bilhin `yong hindi mo kukunin sa veal?”

“Matinong usapan. Babawiin ko kapag hindi masarap ang recipe mo.”

Hindi alam ni Summer kung matatawa o maaasar na naman sa sinabi ng lalaki. He was arrogant and she had not changed her mind about him. She still did not like him. But she was willing to talk to him and help him out. For the sake of veal. And her sanity, as well. Bumangon na siya mula sa pagkakadapa. Sana magtuloy-tuloy na ang gana niyang iyon sa katawan. Maybe she was supposed to falter, take some rest, and realize that her life was not meant to be spent on building huge businesses for others. Baka ang talagang para sa kanya ay isang artisan food shop na may weekend dining. Hindi pa niya alam. Nasa proseso siya ng pagdiskubre sa sarili. Meanwhile, fresh veal.

THE HOUSE smelled of fresh roasted veal and rich herbs. Parang nanghinayang si Summer na hindi nakunan ng video ang pagluluto. It was done with effort. Wala pa rin siyang video na katulad niyon. It was a full course meal, from appetizer to digestive.

The filling of the roast was spinach, ricotta, and toasted pine nuts. It was a meal fit for a king. Ratatouille ang ka-partner niyon. Lahat ng sariwang herb, nanggaling sa kanyang herb garden na siya mismo ang nagme-maintain, kahit pa nga sila ni Mang Eli ang naglagay sa tabing-bahay. Kahit sa bahay sa Maynila, may herb garden siya. Nang umalis siya roon, hindi niya nalimutang ipaalala sa katiwala na alagaan ang mga iyon. Mula nang magbakasyon, may dalawang ulit pa lang siyang nakakaluwas para tingnan ang bahay. She was lucky to have someone she can trust with the house. Iyon lang at pumunta roon ang kanyang ama minsan at gustong pumasok. Nang itawag iyon sa kanya ng katiwala, agad siyang tumawag sa police. The nerve of her father. So-called father. Gusto sigurong limasin ang mga gamit niya. Mukha talagang pera to the point na nahibang na. Of course, she was going to use that incident against the man.

It was almost seven in the evening. Bukod sa mga pagkaing inihanda, may iba pa siyang iniluto. Dumaan siya sa palengke kanina at tiningnan ang mga available na local produce. Hindi pa nagte-text o tumatawag sa kanya si Banong kaya wala siyang ideya kung tuloy ba ang pagpunta nito. She shouldn’t really care but she did. Sa kung anong dahilan, naengganyo siyang pag-isipan ang contest entries. Matagal na panahon na rin mula nang huli siyang sumali sa kahit na anong culinary competition. She used to live for it when she was still studying.

She set up the table. Naglagay siya ng kandila, kompletong place setting, at alak. She chose her favorite vintage. It was a time to celebrate. So far, hindi pa nawawala ang drive niyang magluto. In fact, she even filled out a few pages of her notebook—new recipes to try and new ideas. Ang tagal nang hindi nasusulatan ng kanyang notebook.

Pumuwesto na si Summer sa hapag. Kailangan niyang aminin na may lungkot pa rin sa kanyang puso sa pag-iisa. Kailangan niyang matutong maging masaya sa pag-iisa dahil ang simpleng katotohanan ay wala naman talaga siyang makakasama. She had some friends but of course, they had their own lives to live. Wala siyang pamilya. Wala na mula nang pumanaw ang kanyang ina. Ang tiyahin naman niya, nakabase na sa Amerika. Doon siya nadale ng kanyang ama. Alam nito kung gaano siya kasabik sa isang pamilya.

A boyfriend? No. Kailangan niyang ilagay sa isip na posibleng hindi na siya magkaroon ng asawa, kahit iyon ang isa sa mga pangarap niya noon. Isa siya sa maraming taong nangangarap na magkaroon ng sariling pamilya. Pero hindi ibig sabihin na lahat ng gusto ng isang tao, magkakaroon ng katuparan. Siguro, malungkot minsan, pero ganoon talaga ang mundo. Sa ngayon, ang importante ay buuin muli ang kanyang mundo. It took a year, but she was finally getting up.

She was about to get started with dinner when she heard a knock on her glass door. Agad siyang napalingon at napaigtad nang makita si Banong. Hindi na niya inaasahan na darating ang lalaki. Agad siyang tumayo at pinagbuksan ito.

“O, ano’ng ginagawa mo diyan?” tanong ni Summer.

“May amnesia ka ba, Somerita? Ang sabi mo magpunta ako dito.”

“Oo, pero anong oras na?”

“Wala ka namang ibinigay na oras. Pasensiya na kung ginabi. May inasikaso lang ako sa restaurant. Ayos, ikaw pala ang nakabili nitong farm ni Mrs. Albay.” Tumuloy na sa loob ang lalaki kahit hindi pa pinapapasok ni Summer. “Wala kang doorbell sa labas ng gate kaya pumasok na ako.”

“Paano ka nakapasok?”

“Inakyat ko ang gate. Eh, magkakalahating oras na akong kumakatok, walang nagbubukas. Tumatawag din ako sa `yo, pero hindi mo sinasagot. Naisip ko, baka kung ano nang nangyari sa `yo.”

Nasira ang doorbell na konektado sa bahay at hindi pa ipinapagawa ni Summer. Wala siyang kilalang magpupunta roon at wala ring delivery. Wala rin siyang balak harapin ang mga taong gustong mag-solicit o magpakalat ng relihiyon. Ngayon lang din niya naisip na naiwan niya ang phone sa kuwarto mula nang maghanda siya for dinner.

“Ang bango dito. Wow, `yan ang naluto mo? Nakakagutom. Eksakto, hindi pa ako kumakain. Saan nakalagay ang plato?”

“Sit down. Ako na ang kukuha.”

Agad na pumuwesto sa hapag si Banong. Biglang nagmukhang maliit ang dining table ni Summer na good for eight guests. It was a farm house table. Naglagay siya ng pinggan sa katapat ng kanya, kung saan nakapuwesto si Banong. Hindi niya kailanman pinuwestuhan ang kabisera.

Nag-volunteer ang lalaking buksan ang alak at ito na rin ang nagsalin sa kanilang mga baso. “Hindi talaga ako nagkamali sa paghingi ng tulong mo,” komento nito. “Sa totoo lang, hindi pa ako nakakakain ng ganito. Ano ba ang uunahin?”

“Well, normally I wouldn’t serve everything like this but I thought I will be dining alone.” Nilagyan niya ng arugula ang plato nito, sinamahan iyon ng ilang segment ng suha, at ilang melon. She put some slices of prosciutto as well before drizzling the plate with pomelo balsamic reduction.

Tinikman iyon ni Banong. Natawa si Summer sa OA na reaksiyon ng lalaki na parang noon lang nakatikim ng pagkain sa tanang buhay nito.

“Hindi, puwera biro, ang sarap pala ng ganitong combination. Anong tawag sa ganitong ham?”

“That’s prosciutto.”

“Meron dito sa atin? Dito sa bayan?”

“Of course not. I had it delivered before. May slicer naman ako kaya walang problema. I’m glad you like it. Tell me about the contest and your ideas.”

“Chef ka ba?”

“Yes, I do know something about food.” Walang makitang dahilan si Summer para sabihin sa lalaki kung sino talaga siya, bukod sa pakiramdam niya, hindi naman iyon magiging mahalaga rito.

“Iyon nga, may contest ang mga bata ko—bata, mga ampon ko, hindi girlfriend. Isang grupo sila ng kabataan na muntik nang naligaw ng landas. Iyong isa sa kanila, apo ng katiwala dito,” sabi ni Banong.

“Apo ni Mang Eli?”

“Oo. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nabanggit sa akin na may magaling na chef pala dito. Tinanong ko nga kanina. Ang sabi chef ka nga daw, pero hindi niya alam masyado. Basta daw may mga dahon-dahon kang panluto. Chef ba talaga o magaling lang magluto?”

“I used to work in restaurants,” sagot ni Summer.

“Ayos. Ikaw pala ang solusyon sa problema namin. Malaki kasi ang premyo sa grand finals, umaasa ang mga bata. Alam mo na, mahirap para sa kanila ang makapag-aral ng college, pero kasama sa premyo ang kurso. Culinary course. Saka medyo malaki ang cash prize.”

“You’re after the cash prize?”

“`Ayan ka na naman. Kaya kong kitain `yon. Para ito sa mga bata.”

But what’s in it for you? Lahat ng tao, palaging may motibo. “Sige, sabihin mo sa akin kung ano ang plano mo.”

Nagsimulang sabihin ni Banong ang proseso ng kompetisyon. Mahaba-haba ang tatakbuhin niyon at hindi alam ng lalaki kung sino ang makakalaban sa mga kasunod na leg, sakaling manalo ang grupo nito.

“Ano ang kasunod na dapat kainin?” tanong nito mayamaya.

She served him the first meal, which was a simple pasta dish. Hindi na napigilan ni Summer ang matawa nang makita ang exaggerated na reaksiyon ng lalaki nang matikman iyon.

“Kung ikaw ang tutulong sa grupo, sigurado na ang scholarship ng mga bata,” deklara ni Banong.

“Hindi mo ako kailangang bolahin.”

“Hindi ako marunong n’on.”

Of course, he was lying. Si Banong ang tipo ng lalaking mahilig mambola. Summer had met a lot of them in her work. Soon, she was serving them the roast. Tumingin ang lalaki sa kanya, ngumiti.

“Mukhang mapapalaban ako dito, Chef.”

Her heart skipped a beat looking at the man’s eyes. Noon lang napansin ni Summer ang maganda nitong mga mata. In fact, he seemed to have looked more gorgeous than before. Kung paano nangyari iyon, hindi niya alam. He was tall, dark, and handsome. Pinoy na Pinoy ang appeal, partikular ang kayumangging kulay ng balat nito.

“Dig in,” sabi niya.

He did. “Diyos ko, ang sarap nito! Langit, Chef!”

Hindi na napigilan ni Summer ang matawa nang malakas. Alam niyang exaggerated si Banong, pero natatawa pa rin siya. There was something about him that was endearing.

“Sa tingin ko, ikaw ang talagang masarap magluto,” sabi niya. “Tuwing mapapadaan ako sa restaurant mo, maraming tao.”

“Sinuwerte lang, Ma’am.”

“Oh, please. Ngayon ka pa magma-‘Ma’am,’ matapos mo akong ayawin kaninang umaga?”

“Ikaw naman, hindi na makalimot. Inaway mo rin naman ako.”

“Fine. Quits.”

Ngumiti si Banong. “Bakit ka nag-iisa dito? Wala kang kasama?”

“No, but I have a gun.”

Tumingin ito sa kanya, saka tumawa. “`Wag mong sabihing warning `yan sa akin?”

“Take it as one, if you please.” She smiled. He smiled back. Muli, kumibot nang wala sa tiyempo ang puso ni Summer. It was his eyes. Ang ngiting umaabot sa mga iyon ay parang umaabot din sa kanyang sistema.