noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 15

Ch. 15 / 26 May 10, 2025

C AKE at roast ang dinala ni Summer sa birthday party ni Tonette. Natutuwa siyang maimbitahan ng mga bata para sa surprise party na iyon. Alam niyang mahalaga sa mga ito ang party. She made a tall cake, two tiers with a total of twelve layers, and was eighteen inches tall. Simple lang ang design niyon dahil hindi naman siya professional cake maker. Nevertheless, the cake was made with all the finest ingredients. The roast was veal.

Kahit maamoy ang roast sa sasakyan, naiwan sa kanyang ilong ang preskong amoy ni Banong. Lahat na lang yata ng maganda sa lalaki, napapansin niya. He was dressed well, clean and simple. Ganoon siguro talaga kapag may gusto ka sa isang tao, kahit simpleng damit, nagiging special at masarap tingnan. May something. Sabi nga sa kanta, “Every little thing he does is magic.”

“Next week, laban na ng mga bata,” sabi ni Banong.

“I think they can win it quick.”

Sa nagdaang ilang araw, nagpa-practice sila ng mga bata. Palaging kasama ng mga ito si Banong sa bahay ni Summer, kung minsan naman ay sa bahay ni Banong. Iyon lang at mas gusto na niya ngayon na sa bahay niya mag-practice ang mga ito dahil noong nakaraan, bigla na lang sumulpot si Olga. It ruined her day.

Wala namang ginawang masama ang babae pero nakakainis ito kung makatingin sa kanya. Inirapan siya at tiningnan nang masama nang ilang ulit. The bitch did not even bother to hide it. Siyempre, sa harap ni Banong, hindi iyon ipinakita ni Olga, pero ginawa sa harap niya. Walang witness, ito lang at siya ang nandoon. Hindi na lang pinansin ni Summer ang babae, kahit pa nga nabanggit niya kay Tonette.

Galit na galit si Tonette at sinabing isusumbong kay Banong, pero sinabi ni Summer na huwag na. Ayaw niyang magkaaway ang dalawa o kaya ay komprontahin ni Banong si Olga. Ang sa kanya ay malaman lang ni Tonette ang lahat, para kung sakaling lumala ang treatment sa kanya ni Olga, nasabi na niyang noon pa iyon ginagawa ng babae.

That bitch Olga was up to something. Hindi lang alam ni Summer kung ano, pero nahuhulaan niyang may planong hindi maganda ang babae. Nararamdaman niya iyon. Simple lang kung bakit—ayaw nitong may ibang pinagtutuunan ng pansin si Banong. Naikuwento na sa kanya ni Tonette na maging ito pala, inaaway ni Olga, isang bagay na isinusumbong nito kay Banong, pero hindi pinaniniwalaan ng lalaki.

Nabigla si Summer sa sinabing iyon ni Tonette, sa totoo lang. Bakit hindi naniniwala si Banong? Pero ang sabi ni Tonette, ang katwiran daw ni Banong, alam nitong galit ang beki kay Olga. Wala rin daw ipinapakitang masama si Olga kay Banong kaya sa mga mata ni Banong, pagkabait-bait ni Olga. In short, Olga was a schemer. A lying bitch who wanted Banong all to herself. Ewan lang ni Summer kung hindi darating ang panahon na matatauhan si Banong. She hoped it was not too late.

Lalo tuloy niyang naiisip na ituloy ang planong gumawa ng hakbang para maging sila. Kaya lang, talagang hindi niya kaya. In theory, parang doable iyon. Sa reality, saan siya maghahagilap ng lakas ng loob?

Nang makarating sila sa bahay nina Tonette, agad sinalubong sina Summer ng mga bata. Alam niyang hindi na maituturing na bata ang mga ito kung pagbabasehan ang edad, pero malayong-malayo ang mga ito kumpara sa mga kabataan sa Maynila. Was it their upbringing? Active din naman ang mga ito sa social media kaya siguradong nababasa rin at nakikita kung ano ang uso sa mga kabataan ngayon. Kahit naririnig niya na may love interest at crush ang iba sa grupo, wala sa mga ito ang mukhang seryoso agad sa mga ganoong bagay. Gustong isipin ni Summer na si Banong ang dahilan kung bakit disiplinado ang mga bata. Base na rin sa kuwento ng mga ito at ni Tonette, malaki raw ang impluwensiya ng lalaki sa mga kabataan. May paggalang daw ang mga ito sa sinasabi ni Banong.

Habang tumatagal, lalong napapalapit si Summer sa mga bata. Habang nalalaman niya ang kuwento ng mga ito, lalo siyang natutuwa sa desisyong tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Para siyang special guest kung ituring ng mga bata, halatang natutuwa sa presensiya niya at humahanga sa kanya, sa kabila ng lahat ng mga intriga. It was a breath of fresh air. Malayong-malayo iyon sa iniwan niyang mundo sa Maynila kung saan para siyang pariah sa mga kasama sa industriya.

Nang makapasok sa loob ng bahay, nakilala ni Summer ang mga magulang at kapatid ni Tonette, maging ang mga pamangkin nito. Nandoon din ang ilang kasamahan nito sa trabaho. Pauwi na rin daw si Tonette, tinawagan na ni Banong.

“Halika, Chef, sa kusina,” sabi kay Summer ng ina ni Tonette, iginiya na siya papasok.

Napakaraming handa sa kusina, kahit ang sabi ni Patricia ay kaunti lang daw ang bisita. Hindi raw mahilig mag-imbita ng mga hindi ka-close si Tonette. May katarayan din ang beki at medyo suplada, pili ang mga kaibigan.

“Naku, Chef, ang ganda-ganda naman nitong cake na gawa mo,” sabi ng nanay ni Tonette habang tinitingnan ang cake na inilabas na mula sa box.

Napangiti si Summer. “Salamat po, `Nay.”

“Ang kuwento sa akin ni Tonette, talaga daw bagay na bagay kayo ni Banong at wala akong ibang masasabi kundi totoo.” Ngiting-ngiti ang matanda. Mataba ito, maputi, mukhang masayahin.

Nag-init ang mga pisngi ni Summer. Ano ang tamang isagot sa ganoong comment? Mayroon ba? Alam niyang malapit si Banong sa matanda. Mukhang hindi nito napansin ang pananahimik niya at tinapik ang kanyang braso sa paraang aliw na aliw. Mukhang makuwento ito.

“Naikuwento ko nga sa kumare ko, iyong nanay ni Banong, ang tungkol sa `yo at talaga namang tuwang-tuwa. Sa pagkakaalam ko, eh, napanood na rin niya ang mga bidyo mo.”

Hindi alam ni Summer kung ano ang mararamdaman. Bigla niyang naitanong sa isip kung nakita rin kaya ng nanay ni Banong ang mga controversial na video tungkol sa kanya. Ang video kung saan sinisigawan niya ang guard o ang marumi niyang kusina. Maniniwala kaya ito?

Ah, bakit ba niya iisipin iyon? Hindi naman siya makikisama sa matanda. Hindi. Sila. Ni. Banong. But for some reason, she wanted the old lady to be pleased with her.

Naitanong din niya sa sarili kung ano kaya ang masasabi ng nanay ni Banong kay Olga. Kunsabagay, sinabi na rin sa kanya ni Tonette na mukhang hindi magugustuhan ng matanda ang babae. Siguro, hindi pa naipapakilala ni Banong si Olga sa ina dahil wala pa namang relasyon ang dalawa.

Inawat na ni Summer ang sarili sa pag-iisip ng ganoon. Not now. Birthday ni Tonette. Nandoon siya bilang bisita, para makisaya rito at hindi para isipin na naman si Banong. Palaging nasa isip niya ang lalaki.

Mayamaya, pumasok si Patricia sa kusina at pabulong na sinabi, “Nandiyan na si Ate Tonette.”

Tahimik silang nagpunta sa sala at naghintay. Nang bumukas ang pinto, sabay-sabay silang sumigaw ng “Happy birthday!”

Halatang nabigla si Tonette. Hindi agad ito nakapagsalita at napahawak sa dibdib. Namasa ang mga mata. “Diyos ko, nakakaloka!” sabi nito mayamaya. “Sino’ng may pakana nito, ha? Kayo talaga!” Isa-isa nang niyakap ni Tonette ang mga nandoon, matapos magmano sa mga magulang. Nilapitan siya nito. “Ay, Chef, pati pala ikaw kasabwat. Hindi mo man lang sinabi sa akin, magkausap tayo kagabi. Sana man lang nakapag-ayos ako nang maganda ako sa video at nang mai-upload sa Facebook at baka-sakaling mag-viral. Mukha akong loss !”

Natawa si Summer. Magkausap nga sila nang nagdaang gabi. Masarap kakuwentuhan si Tonette, sa text man o tawag. Nagse-share sila ng recipe sa isa’t isa, nagkakaroon ng girl talk. Marami siyang natututuhan dito pagdating sa lalaki, mga bagay na hindi niya naiisip noon. Maganda ring makuha ang perspective nito tungkol sa kalalakihan. Aminado siyang hindi niya iyon naging priority kahit kailan.

“Happy birthday, Tonette!” sabi niya.

“Ay, anak!” sabi ng nanay ng beki . “Ginawan ka ng cake ni Chef. Ang ganda-ganda. Mabilis ka, tingnan mo.”

“Ay, bongga! Ang cake ko, gawa ni Chef Summer. Kung puwede ko lang kunan ng picture at ipa-viral.” Agad itong nagpunta sa kusina.

Pagtingin ni Summer sa gawing kaliwa, napansin niyang nakatingin sa kanya si Banong. Her heart skipped a beat. Why was he looking intently at her? Sometimes she wished he wouldn’t do that. Dahil sa ganoon kasimpleng ginagawa nito, nagwawala na ang puso niya, hindi mapakali, parang teenager na noon lang nagka-puppy love.

Ilang ulit na nahiling ni Summer na sana naging close na lang si Banong sa kapatid nitong chef at naipakilala sa kanya. Sana lumaki rin sa Maynila si Banong. Kung ganoon, siguradong magkakakilala sila, kung hindi man ay magiging pamilyar sa isa’t isa kung nasa Maynila noon pa ang restaurant business nito. It was probably very popular there, too, she guessed. Kung sa Maynila nakabase si Banong, baka ni hindi nito nakilala si Olga.

Ngumiti siya sa lalaki at ngumiti rin ito sa kanya, saka lumapit. “Ayos ka lang?”

“Okay lang. And you?”

“Ayos lang. Excited na akong tikman ang dala mo. Alam mo namang palagi akong excited tikman ka…” Biglang napahawak sa noo si Banong. “Tikman ang luto mo. Ang luto mo ,” pagbibigay-diin nito. Halata namang nagkamali lang ito. What made it a bit awkward was the fact that he had to correct himself that way. Hindi niya alam kung matatawa o ano. Napapailing ito nang sabihin, “Halika na, kantahan natin si Tonette.”

Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at hinigit siya nang bahagya papunta sa kusina. His warmth felt nice against her skin. Again, her heart skipped a beat when his hand went down to hold her hand. Magkahawak-kamay silang nagpunta sa komedor, kung saan nakatingin si Tonette sa cake na gawa niya.

“Ang ganda-ganda, Chef!”

“Dapat hiwain na `yan. Excited na tayong lahat diyan.” Kumuha si Banong ng lighter at sinindihan na ang mga kandila sa cake. Ito rin ang nagpasimula ng pagkanta ng birthday song.

“Happy birthday, happy birthday… Happy birthday to you,” pagtatapos ng lahat, pumapalakpak.

“Mag-wish ka, Ate, ha?” sabi ni Patricia.

Pumikit si Tonette at mayamaya ay hinipan na ang mga kandila. Nagpalakpakan uli ang lahat.

“Ano ang wish mo, anak?” agad na tanong ng ina ni Tonette.

“Ah, naku, `Nay, bawal sabihin at kapag sinabi daw, hindi magkakatotoo. Basta…” Tumingin ang beki kay Summer. “Ang wish ko, hindi para sa akin ngayong taon na ito. Ang wish ko, para sa ibang tao, pero makakapagpasaya sa akin nang husto. Iyon bang makakapagpatahimik sa kalooban ko at makakapagpatahimik ng kalooban ng lahat ng taong mahalaga sa akin. O, kabog. Pak , gano’n! Hashtag para sa bayan. O, ano pa’ng hinihintay? Tikman na ang cake! Pak! ”

Iniabot ni Banong ang kutsilyo sa may birthday na agad nag-slice. Nanguna ang lalaki sa pagkuha. Nakakaaliw itong pagmasdan, talagang excited sa cake. Nang makakuha na, hinawakan uli nito ang kanyang kamay at hinigit siya papunta sa kabilang mesa kung saan nandoon ang iba pang handa ni Tonette.

Lahat ng putahe, itinanong ni Banong kung gusto niya, saka ito ang naglalagay sa pinggan. Halos umapaw na iyon.

“Ang dami naman. Ganito ba katakaw ang tingin mo sa akin? Hindi ba puwedeng bumalik na lang kapag naubos?” natatawang sabi ni Summer.

Pinagpalit nito ang kanilang mga pinggan. “Para sa ating dalawa `yan. Ayoko nang pabalik-balik, nakakaistorbo sa kain.” Kumindat ito, saka tinawag ang isang tauhan ng restaurant na nag-aasikaso sa handa. Nagpahatid si Banong ng mga may sabaw na putahe sa labas, kung saan may mesa sa ilalim ng isang punong manga.

It was kind of silly that they were going to eat on one plate, but Banong did not seem to mind at all. Isa lang ang pinggan na puno, pero ang isa pang pinggan ay may lamang dessert kaya hindi rin puwedeng gamitin. Was she supposed to eat now, too? Mukhang ganoon na nga.

Mayamaya, nawala ang pagka-weird ng lahat ng iyon sa kanya. Eating on one plate sure was silly, but somehow oddly intimate. Mukhang walang napapansing kakaiba si Banong sa kanilang ginagawa. This was refreshing to her, definitely a new experience. Nang dumating ang soup, napansin ni Summer na kakaiba ang ngiti ng nagdala niyon. Kakaiba dahil parang hindi na mawawala pa sa mukha nito ang ngiti. Mukhang hindi lang siya ang nakapansin niyon, kundi pati si Banong.

“Loko, ano `yang ngiting `yan?” tanong nito.

“Wala, Boss.” Nakangiti pa rin ang tauhan, parang may gustong sabihin, pero hindi makalabas sa bibig ang mga salita. It was obvious that the man liked seeing them together. What was going on? May dapat ba siyang malaman?

“Pasensiya ka na, Somerita,” sabi ni Banong nang makalayo ang lalaki. “Loko lang talaga ang mga `yan, eh.”

“Ano ba ang nangyayari?”

“Wala. May mga team-team ang mga loko. Parang mga timang, `di ba?” sabi ni Banong.

“Anong team-team?” Naguluhan si Summer.

“Eh, paano, walang ginawa kundi mag-Facebook kaya nahahawa na sa uso. Team Summer daw at Team Olga.” Namumula ang mga pisngi ni Banong, halatang napapahiya. “Pasensiya ka na. `Wag mong isiping ang gago ko. Hindi ako ang may pakana at sinaway ko na ang mga loko, pero mukhang desidido ang mga `yon.”

Eh, ikaw, desidido ka rin bang bale-walain na may chemistry tayo? gusto sanang itanong ni Summer, pero hindi ganoon kalakas ang kanyang loob.

Hindi na lang siya umimik dahil halatang naiilang ang lalaki. Hindi niya sigurado kung good o bad sign ba iyon. Mahirap din pala ang nangangapa sa dilim. Why were things this complicated when it came to feelings and relationships? Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi siya naging ganoon kainteresado sa love life. It was a lot of guess work, really. Hindi siya ang tipo ng taong matiyaga sa hulaan. She had always been one with a good, solid plan.

Mayamaya, napatingin si Summer sa pintuan sa kusina. Nandoon si Tonette, kasama ang ina at isa pang matandang babae. Hindi pa man, nahuhulaan na agad ni Summer na ina ni Banong ang matanda. Magkamukha ang dalawa.

“Si Nanay,” sabi ni Banong, tumayo.

Agad kinabahan si Summer, kahit nakangiti ang matandang babae, tulad ng ina ni Tonette. Nang makalapit, agad siyang ipinakilala ni Banong sa ina, matapos nitong magmano. Iaabot sana ni Summer ang kamay sa matanda pero niyakap na siya nito.

“Mas maganda ka pala sa personal, Summer,” sabi nito, ngiting-ngiti.

“S-salamat po.” Summer’s heart was palpitating. She was shy and felt a bit uncomfortable. Nang tumingin siya kay Banong, nakita niyang nakangiti ang lalaki; ngiting nagsasabing masaya ito.

“Banong, anak, asikasuhin mong mabuti ang bisita,” bilin ng matanda sa anak. “Maiwan ko na muna kayong dalawa, hane? Kakain muna ako.”

“`Wag na kayong kumain ng mataba, `Nay, ha? Dala n’yo `yong maintenance n’yo? Kaka-blood test pa lang sa inyo last week—”

“Sshh!” saway ng matanda kay Banong, saka tumingin kay Summer. “Ganyan talaga `yan, corny. Siya, sige, kain nang kain. Ano ba’t hindi mo man lang ikuha ng ibang pinggan ang bisita?”

Nag-init ang mukha ni Summer. Bakit nga ba hindi rin siya nag-request ng ibang pinggan? Suddenly, she realized they were eating like husband and wife of a different culture.

“Ano ba, Ninang?” sabi ni Tonette. “Hayaan n’yo nga at style ni Kuya Banong `yan. Para maging mas close pa silang dalawa. Alam n’yo na, hati sa lahat, pinagbuklod, kabiyak ng puso at buhay at pinggan—”

“Tonette, isa ka pa, ha?” sabi ni Banong, nagbabanta ang boses, pulang-pula ang mukha. Summer wondered if that was a good sign yet again.

“Asus. Siya, sige, napapahiya ang binatang nagmumurang-kamatis. Tara na, mga bagets,” sabi ni Tonette sa dalawang matanda. Tumalikod na ang mga ito.

“Pasensiya ka na sa kanila, Somerita,” sabi ni Banong, hindi na yata mababawasan ang pamumula ng mukha. “Teka, kukuha akong pinggan. Katamaran ko kasi, nawala na sa isip ko—”

“It’s all right,” agad na pigil ni Summer. “Hindi ka dapat mailang sa akin. Hindi na tayo mga bata para hindi maintindihan.”

Napatitig ang lalaki sa kanya. How Summer wished she can read his mind. Ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Banong?

Mukhang gusto ring malaman ng lalaki kung ano ang ibig niyang sabihin dahil nagtanong ito, “Maintindihan na ano?”

Bigla siyang kinabahan. Shit. What was she going to say now? Why did he have to ask? Why did he have to make it even more awkward? Ano nga ba ang tinutukoy niya? Ang reaksiyon ng lahat sa kanilang dalawa? Pero higit doon, gusto rin niyang sabihin na pareho naman siguro nilang napapansin ang kanilang chemistry. What did that mean anyway?

“N-na normal lang na tuksuhin nila tayo?” Gustong mapabuntong-hininga ni Summer. Hindi talaga niya kayang maging direkta sa mga ganoong bagay. Lalo na kung nakatitig sa kanya ang mga mata ng lalaki. “Alam mo naman ang mga Pilipino, mahilig sa mga love team. Hindi ka ba nagtataka na hanggang ngayon, kailangan pa rin ng ibang artista ng love team para sumikat?”

Tumawa bigla si Banong. “Ako si Tirso, ikaw si Nora?”

“Ayoko nga! Vilmanian si Mama. Isa pa, hindi ko na inabot ang dalawang `yon. Panahon ako nina Sheryl at Romnick.”

“Mas bagay tayo sa Sharon-Richard.”

“Puwede, puwede.”

Tawanan sila nang tawanan. Mayamaya, tinawag na sila ni Tonette dahil magsisimula na raw ang kantahan. Nagrenta pala ng videoke machine na kadarating lang.

Hindi muna sila pumasok sa bahay at nanatili muna sa labas. Narinig nila ang pagkakantahan sa loob.

Prenteng nakasandal si Banong sa upuan, naka-extend ang mga binting pagkahahaba. Pinagpatong nito ang mga iyon, saka pinagkrus ang mga bisig. “Sarap matulog nito.”

Ang lakas ng tawa ni Summer. “Kain-tulog. I should lose weight.”

“Hindi na uso ngayon ang payat.”

“Sino naman ang nagsabi sa `yong papayat ako? Kahit kailan, hindi ako naging payat. Pero hindi rin ako naging ganito kataba noon. I need to lose at least eight kilos to look the way I did a year ago.”

“Tumigil ka. Eksakto lang `yan.”

Gustong itanong ni Summer kung paano naging eksakto iyon kung ang babaeng gusto nito ay mas payat sa kanya nang fifteen kilos siguro. Malaman man si Olga, naka-focus ang laman na iyon o taba sa dapat kalagyan—dibdib at puwit. That woman was voluptuous. Ang katawan ni Summer, hindi pinalad. Hindi siya tulad ng ibang matataba na malaki ang dibdib at puwit at nanatiling maliit ang baywang. She was one of those fat women whose fats decided to hangout on her gut. Sa tiyan niya nagsitambayan ang mga walanghiya. Tiyan, baba, braso, pata. Hindi man lang naisipang bisitahin ang kanyang dibdib kahit saglit.

“Basta gusto ko. Magdya-jogging na ako bukas,” sabi niya.

“Samahan kita.”

“Talaga?”

Tumango si Banong, saka hinawakan ang kanyang braso. “Tara munang kumanta.”

“Hindi ako marunong!” Que horror! Matagal nang hindi kumakanta si Summer. Ni hindi niya alam kung nasa tono pa ang boses niya. Well, maybe she can sing a little bit. Hindi nga lang sapat ang lakas ng loob niya para kumanta sa harap ng maraming tao.

“Tayo-tayo lang naman. Tara na!”

Naitirik niya ang mga mata, saka sumama kay Banong.