noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 25

Ch. 25 / 26 May 10, 2025

“C AREFUL.”

Napahagikgik si Summer nang saluhin ni Warren para hindi dumausdos sa sahig. She was drunk. Nasa dance floor sila. Hindi niya rin inasahan na malalasing. Hindi niya nabilang kung nakailang shot na siya ng tequila.

“Malaki naman ang muscles mo, so kayang-kaya mo ako,” sabi niya sa ex-boyfriend.

“But you can’t dance. We better go back to the couch. Better yet, go home.”

“No. I want to dance.”

“You can’t dance.”

“Yes, she can.”

Napatingin si Summer sa nagsalita. Was that really Banong? O baka naman dinadaya siya ng paningin sa tulong ng alak?

“Puwede ko ba siyang isayaw?” tanong ni Banong.

“Summer?” tanong ni Warren sa kanya.

“Is that Banong?”

“Yes, it is. Would you like to dance with him?” sabi ni Warren.

“I guess.” Nagkibit-balikat si Summer kahit hindi umalis sa pagkakakapit sa mga balikat ni Warren. Pakiramdam niya, dadausdos siya kapag ginawa iyon.

Hinawakan ni Banong ang kanyang kamay at inalalayan siya para makalipat dito. She felt his arms around her waist.

“Kumusta?” bulong nito.

“I hate you,” she said. Salamat sa alak, walang gatol ang kanyang mga salita.

“I know. Gusto kong humingi ng pasensiya.”

“Naparusahan ka naman, eh.”

“Siguro nga. Nawala sa akin ang babaeng mahal na mahal ko pala.”

“Break na kayo ni Olga?” nagtatakang tanong ni Summer.

“Oo, pero hindi siya ang—”

“I’m relieved. Not for myself, or for any intentions you think I have for you. You just don’t deserve her. Sometimes, our heart wants something so badly that we refuse to see that what we want is not good for us anymore.”

“Tama ka.”

Sumayaw sila, slow dance, kahit mabilis ang tugtog. Doon sa dance club nagyaya si Summer kay Warren kanina. Ayaw niya ng tahimik na lugar dahil maiisip lang niya si Banong. Mula nang umiyak siya, saka lumabas ang lahat ng feelings at parang ayaw nang tumigil o bumalik sa pinagmulan. Siguro, masyadong masakit noong una kaya sumara nang kusa ang sistema niya at bumukas lang nang kaya na niyang unti-unting i-digest ang lahat.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Banong.

“Sure. One day, and I hope one day soon, I can find happiness again. I’ve been through worse,” sagot ni Summer.

“Ang ibig kong sabihin, kaya mo pa bang tumayo?”

“Lasing na ako, Banong.”

“Alam ko.” Ngumiti ang lalaki. “Pinapatawad mo na ba ako?”

“Hindi naman ako galit sa `yo mismo, kahit nainis ako dahil may pagkatanga ka. But how can I blame you? Ako mismo, alam ko kung paano magmahal. The only difference between you and me is that I’ve learned to let go of people who can’t love me back. Sawa na akong pilitin ang taong mahalin ako, Banong. Hindi nila gagawin kung ayaw nila.”

“Masakit marinig galing sa `yo na iniisip mong hindi ka mahal ng mahal mo... Kung tama ako ng iniisip kung sino ang mahal mo. Sana tama ako ng iniisip... kahit nasasaktan akong nakikita kitang nasasaktan.”

“Pakiulit, hindi ko naintindihan. Lasing na nga ako, nakakahilo pa ang sinasabi mo.”

Sabay silang natawa. Hindi talaga naintindihan ni Summer ang sinabi ng lalaki. Humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.

“Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?”

“Pinatanong ko kay Patricia,” sagot ng lalaki.

“Oh. Bakit ka nandito?”

“Sinusundo na kita.”

“Sundo?” Tumawa si Summer. “Ikaw yata ang lasing.”

“Uwi na tayo, ha, Somerita?”

“Uwi saan?”

“Sa bahay mo.”

“Sa bahay ko? Hmmm… Sige.” What was there to think about? She felt safe with him and knew she was drunk. Ayaw niyang magkalat sa public place na iyon.

Sumama na siya kay Banong, nang marinig ang boses ni Warren. Saka lang niya naalala ang lalaki. Nakakapit sa kanyang baywang ang bisig ni Banong. Maayos ang usapan ng dalawang lalaki. Sa huli, siya ang tinanong ni Warren kung sasama raw ba talaga siya kay Banong.

“Okay lang,” sagot ni Summer.

“Fine. I will call you tomorrow or later, okay?”

Tumango si Summer kay Warren at lumabas na sila ni Banong ng club. Isinakay siya nito sa kotse, saka nag-drive. Wala na siyang naalala masyado. Nang magising, namulatan niya ang kisame ng sariling silid. Madilim pa sa paligid. Gabi pa siguro. Pagpihit, nakita niya si Banong, nagbabasa ng cookbook niya, ang final copy.

“H-how did I get here?” tanong ni Summer, bahagya na lang naalala ang nagdaang gabi. Wala siyang hangover, salamat naman.

“Good morning.” Ngumiti si Banong.

“What time is it?” Damn him for smiling at her like that.

“Alas-tres y medya.”

“What time did we arrive?”

“Ten? Maaga kang nalasing.”

Maagang nagpakalasing. Naalala ni Summer na alas-siyete pa lang, nasa club na sila ni Warren at simula pa lang, hindi na niya tinantanan ang alak. “Binuhat mo ako papunta dito?”

“Nakapaglakad ka pa naman. Hindi mo na naaalala?” Nakangiti pa rin si Banong. His voice was very soft and gentle, comforting.

Umiling si Summer. “Why are you here?”

“Wala ka bang naaalalang kahit ano kagabi?”

Umiling uli siya. She remembered a few things. Hindi lang niya alam kung alin sa mga iyon ang totoo o hindi. Point of view rin iyon ng isang lasing. “Baka biglang manugod dito si Olga—”

“Sabi ko naman sa `yo, wala na kami,” sabi ni Banong.

“Kailan mo naman siya balak balikan?” maaskad na sabi ni Summer. Bigla siyang nainis. Mukhang ganoon naman si Banong. Kapag may naririnig na nakakainis na balita kay Olga, nate-turn off, pero babalik at babalik pa rin. It only showed how powerful love was.

“Never,” sagot ng lalaki.

“I don’t believe you.” Bumangon na siya para kumuha ng maiinom, pero nagulat nang makitang wala siyang suot kundi panties. Ni wala pala siyang bra! Hayun ang boobs niya, lantad na lantad, katulad ng kanyang bilbil na naglakihan lalo nitong huli. “Shit!” Hinablot niya ang kumot, para lang mailang dahil briefs lang ang suot ni Banong. “What the hell happened last night?”

“Sabi nga ng kabataan ngayon, ‘MOMOL.’”

“MOMOL?”

“Make-out, make-out lang. Narinig ko sa mga bata.”

“We made out?!”

“Mas marami ka pa sanang gustong gawin, kaso bigla kang nakatulog. Tinulugan mo ako, kaya medyo bitin.”

“Well, if that’s the reason why you’re still here, you can leave.”

Tumawa si Banong. “Ikaw talaga. Ano’ng palagay mo sa akin?”

Tumuloy na si Summer sa closet at isinuot ang isang pambahay. Bumaba na siya sa kusina at kumuha ng juice. Nakasunod sa kanya si Banong. Hindi ito nag-abalang magpantalon, kahit nag-effort namang mag-T-shirt.

“You can leave,” sabi niya.

“Sa ganitong suot ko?”

“Then put some clothes on, for God’s sake—” Natigilan siya nang makitang nakangiti ang lalaki, halatang hindi seryoso. She sighed.

Nagseryoso ito. “Puwede ba tayong mag-usap?”

“May sasabihin ka pa ba?”

“Actually, maganda na ang usapan natin kagabi, pero mukhang nalimutan mo lahat.” Ngumiwi ito. “Sorry. Sorry na naniwala ako kay Olga. Sorry na nasaktan kita sa mga ginawa at nasabi ko. Hindi ko na uulitin. Sana bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.”

She gasped, not expecting those words from him. “G-ganyan din ang sinabi mo sa akin kagabi?” tanong niya. Tumango ito bilang sagot. “A-ano ang sinabi ko?”

“Sabi mo, okay.”

“I was drunk.”

“Hindi na ba okay ngayong hindi ka na lasing?”

She sighed. “Banong, alam naman natin pareho kung bakit mo nagawa `yon. Mahal mo si Olga. Matagal mo na siyang gusto. Dahil nagkasira kayo, hindi ibig sabihin na lalapitan mo na ang second option mo.”

“Masakit ka magsalita minsan.”

“Lalo ka na.”

“Sorry na talaga. Hindi ka second option. Pero hindi kita masisisi kung `yan ang naiisip mo dahil sa mga nagawa ko. Wala akong matinong paliwanag kundi naniwala ako kay Olga, sa mga sinabi niya, sa mga ipinakita niya sa akin. Pero sana maniwala kang nakipag-break ako sa kanya nang kusa dahil wala na akong feelings. Noong una, naisip kong meron, na may kahalong guilt at awa. Pinalabas niyang siya ang agrabyado. Nalaman ko noong makipaghiwalay na ako kung sino ang totoong impakta. Siya pala. Sorry sa term, pero impakta talaga siya.”

Hindi inasahan ni Summer na matatawa sa term na ginamit ni Banong, lalo na sa tiyempo. “Hindi mo pa pala nahalata noon?”

“Sa totoo lang, may duda na rin naman ako, pero hindi ko inakala na ganoon kalala. Para siyang magandang babaeng biglang naging manananggal.”

Ang lakas ng halakhak ni Summer. “Sira ka.”

Napangiwi si Banong. “Totoo lang. Kung alam mo lang ang mga pinagsasabi sa akin noong sabihin kong ayoko na.”

“Ano’ng sinabi?”

“Na lambutin daw ako, bakla, mga ganoon.”

“Lambutin? Ikaw?”

“Kaya nga. Bigla ngang gusto kong patunayang hindi, ang kaso hindi ko sa kanya gustong patunayan. Sa `yo.”

Biglang nag-init ang mukha ni Summer. “Banong, loko ka, ha? Bakit niya naman nasabing lambutin ka daw?”

“Ibang klase ang trip ng babaeng `yon. Gusto niya ng sex. Hindi ko talaga magawa. Busy ako, saka may kung ano. Mahirap ipaliwanag. Parang bawat araw na dumaan na kami, nate-turn off ako nang nate-turn off. Isa pa, siya ang nagdesisyon na kami na. Ni hindi na nga ako nanliligaw noong time na `yon. Pero naisip kong subukan kasi galit ako sa `yo. Na dahil din sa kanya. `Yan ba ang hindi impakta?”

“She attacked me. May video ako, kung gusto mong makita.”

“Bakit hindi mo ipinakita noon?”

“Para saan? Ang dating sa akin, kahit ano’ng sabihin niya, paniniwalaan mo.”

“Parang utu-uto nga ako noon. Hindi kita masisisi. Sana mapatawad mo ako.”

“I don’t hate you.”

“Papatawarin mo ba ako? Pinatawad ako ni Drunk Summer.”

“Sober Summer forgives you as well.”

“Yes!” Isinuntok ni Banong ang kamao sa ere. “So, tayo na?”

“What? Ang suwerte mo naman yata? Do you even love me?”

“Iyon na nga, Somerita, mahal pala kita. Hindi ko man lang na-realize agad. Kaya siguro inis na inis din ako kay Olga, kasi siya ang sinisisi ko na nagkasira tayo, kahit sa likod ng isip ko—base sa inakala ko—alam kong kawawa siya. Kaya imagine-in mo na lang ang inis ko nang malaman ko na ang totoo. Sising-sisi ako. Kadiri ang babaeng `yon. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita ko sa kanya.”

“Maganda kasi, saka sexy.”

“Siguro.”

“Paano `yan, hindi ako maganda at hindi rin sexy?”

“Sino’ng nagsabi?”

“Salamin?”

“Babasagin ko. Sinungaling.” Nakangiti itong lumapit sa kanya. He cupped her face. “Ang ganda-ganda mo, Somerita. At mahal na mahal kita.”

Nagtagpo ang kanilang mga labi.