noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 18

Ch. 18 / 26 May 10, 2025

H INDI sumabay si Summer kay Banong para sa announement ng winner sa contest. Nauna ito sa plaza, kung saan gaganapin ang awarding. Mukhang hindi excited ang mga tao na iyon ang uunahin sa program bago ang main event, kung saan may isang hindi masyadong sikat na grupo ng mga dancer ang magpe-perform para sa piyesta. Kung iisipin, nakakatawa na ang pamahalaan ng bayan ay gustong isali si Rizal sa piyesta, pero ang main event ng kasiyahan sa selebrasyon ay isang grupo ng dancer na nakilala dahil sa sexy na pagsasayaw.

She would have probably laughed. Pero hindi niya magawa dahil sa matinding kaba para sa mga bata. Alam niyang inisyal pa lang ang competition at maganda ang menu nila, pero hindi niya maiwasan ang kabahan. She knew there was a lot at stake. Hindi rin niya alam kung ano ang nangyari sa mismong event dahil wala siya roon. Ayaw niyang may makakita sa kanya.

Ang sabi sa text message ni Banong, maayos naman daw na nagawa ng mga bata ang lahat. Iyon din ang sinabi ni Patricia. Pero siyempre, may element pa rin ng kaba. Napakatinding kaba na hindi na niya halos naiisip ang panlalamig ni Banong. Of course, she felt it. Hindi siya manhid. Pero naisip niyang hindi na dapat pang pagtuunan ng pansin ang bagay na iyon hangga’t hindi nakakausap ang lalaki.

Isang tauhan sa restaurant ang kasama niya sa audience, si Lilian. Nasa harap si Tonette, kasama ni Banong at ng mga bata. Summer was wearing a simple blouse and denim combo. May shawl siya para hindi makilala, sakali man. Kaunti lang ang mga nanonood, pero unti-unti na ring dumarami ang tao.

Hindi pa nagtagal at tinawag na ang mga contestant. Magkakasing-edad ang mga bata. Narinig niya ang hiyaw nina Banong at Tonette nang ipakilala na ang team nito. Makaraan ang introduction ng host, nag-announce na ng winner. Hindi ipapakita sa mga tao ang recipe dahil iyon din ang ilalaban sa susunod. It was actually much easier for the team. At least, hindi na mai-stress agad ang mga ito na matuto ng bagong mga recipe at technique.

Halos hindi humihinga si Summer at magkahawak-kamay sila ni Lilian.

“Ang ating grand prize winner na lalaban sa regional at mag-uuwi ng ten thousand pesos cash prize at ten thousand pesos worth of products from Sunny Bay Corporation ay walang iba kundi ang Mapulang Burol High School!”

Ganoon na lang ang lakas ng palakpak ni Summer. She can’t believe she was crying over this. Oh, what joy! Dinig niya ang hiyaw ni Banong at mula sa kinatatayuan, nakikita niya ang lalaking nakataas ang mga kamay sa ere, panay ang “Yoo-hoo!”

“Tara na sa restaurant, Chef,” sabi ni Lilian. Iyon ang usapan nila nina Patricia. Anuman ang resulta, sa Banong’s sila pupunta. She drove to the restaurant. Mayamaya pa, dumating na rin ang lahat. Nagkatinginan sila ni Banong. Summer couldn’t breathe.

But then he smiled and said, “Panalo tayo.”

“I know. Congratulations!” Isa-isa na niyang niyakap ang mga bata na halatang tuwang-tuwa pa rin.

May nakahain na sa likod ng kusina kung saan palaging tumatambay ang mga bata at empleyadong kumakain. Para iyong employee’s lounge na nakabukod at tago sa mga customer.

“Ramdam ko naman na talagang mananalo, Chef,” pagbibida ni Zandro.

Inalaska ito ng mga kasamahan. Si Banong naman ang nagkuwento tungkol sa mismong kompetisyon dahil nandoon ito. Malaki rin daw ang kompiyansa ni Banong na mananalo ang team dahil pinakamagaling ang mga ito. Iyon lang at talagang final na ang menu, hindi na puwedeng i-adjust para sa susunod na laban. Summer was hoping that it will be enough for the next leg of the competition.

Nagkainan na ang lahat, nagkasiyahan. Binasa ni Patricia ang ginawa nitong maiksing paliwanag sa iniluto, iyong ipinasa rin sa mga judge kanina. “Maraming lugar na napuntahan ang ating pambansang bayani bago siya dalhin sa Dapitan. Madalas siyang sumulat sa mga kapatid at ina at hindi mawawala sa kanyang kuwento ang pagkain. Para sa panimula o appetizer, inihanda namin ang paborito ni Dr. Jose Rizal na foei gras. Ang tawag dito ay foie gras with mango chutney and arugula. Ang mangga at arugula ay mga lokal na sangkap mula sa ating organic farmers. Para sa sabaw, ang inihanda namin ay ang paborito ng bayani, sari-saring monggo, o lentil soup.

“Naisulat ni Dr. Jose Rizal sa kanyang ina na gumagawa ang kanyang butihing maybahay na si Josephine ng noodles. Para sa first course, ang inihanda namin ay simpleng handmade noodles na gawa sa harina, itlog, asin, at tubig. Ang sahog ng noodles na ito ay mga lamang-dagat, na paborito rin ni Dr. Jose Rizal. Ang tawag dito ay pasta di fruitti di mare. Para sa second course, ang inihanda namin ay isang putaheng hinala namin ay inihanda ni Josephine para sa asawa. Nabanggit ng bayani na madalang silang kumain ng karne ng baka sa Dapitan at siguro, kung kami ang maghahanda ng kanilang hapunan, ihahain namin sa kanila ang isang putaheng gawa sa baka, Portuguese-style, dahil si Josephine Bracken, bagaman isang Irish, ay lumaki sa tiyuhing Amerikano na sa Hong Kong nakatira. Lumaki si Josephine na ang kasama ay mga Portuguese na babae, ang mga naging asawa ng tiyuhin ni Josephine. ‘Carne vaca’ ang aming second course, na sinamahan ng patatas. Mas makikilala ito sa katawagang roast calf, Portuguese-style.

“Bago ang panghimagas, kailangang matikman ng ating bayani ang paborito niyang kesong puti. Kaya mayroon kaming cheese course. Simpleng kesong puti na kami ang gumawa, kasamang ihahain ng iba’t ibang prutas, mani, at pulot. Bilang pagtatapos, simpleng toasted pastillas ang aming ihahain sa bayani, na siyang paborito niya, gawa sa sariwang gatas ng baka at asukal na niluto at pinalapot.”

Napapalakpak si Summer sa tuwa. She was very proud of her team.

Nagdesisyon si Patricia na ibigay ang sampung libo kay Banong dahil mas malaki pa raw roon ang gastos ng lalaki. Pero agad tumanggi si Banong.

“Hindi. Pamasko n’yo `yan. Ano’ng akala n’yo sa akin, mahirap?” Ngiting-ngiti ang lalaki, halatang masayang-masaya.

Nadamay rin sa kasiyahang iyon si Summer. Hindi lang dahil sa nanalo ang team, kundi dahil masaya siyang nakikitang nakangiti si Banong, may feeling of accomplishment. Kahit kailan, hindi naging mailap ang ngiti kay Banong, pero iba ang ganoong kasiyahan ng lalaki.

“Dalawa na lang ang lulusutan natin,” sabi nito.

Ang regional ang pinakamahirap nilang dapat lusutan. Kahit manalo sila sa regional, hindi ibig sabihin na pasok na sila sa finals dahil mula rin doon kukuha ng dalawa lang na finalists mula Luzon, dalawa mula sa Visayas, at dalawa rin mula Mindanao. Sa puntos kukunin ang representative, kahit pa nga ang mananalo sa bawat region ay may pananalunang tig-iisang tablet ang bawat grupo at donasyong pera para sa school. Para sa mga batang ito, alam ni Summer na hindi iyon ganoon kahalaga. Ang gusto ng mga ito ay edukasyon.

To be honest, she was planning on helping them out. Manalo o matalo, nasa mga ito ang karapatang makapag-aral, isang bagay na aminado ang grupo na mahirap magawa ng lahat. Ilan lang sa mga ito ang manalo o matalo ay makakapasok sa college. Summer knew that it will take a lot of money to send them all to college, but she can, so why not? Pero bago iyon, kailangan muna nilang sumubok dahil mas maganda ang eskuwelahang ino-offer ng Sunny Bay sa mananalo.

“Kailangan nating matuto ng mas maraming techniques,” sabi ni Patricia.

“Magkasayahan muna tayo, puwede ba, Pat?” angal ni Eula. “Kakapanalo pa lang natin at magpa-Pasko!”

Dahil doon, naging comedy na ang kuwentuhan, nagkasiyahan ang lahat at nagkatuwaan. Pero natigil iyon nang dumating si Lilian at sinabi, “Kapaparada pa lang ng kotse ni Madame Olga, Sir.”

“Aaliwin ko si gaga habang tumatakas ka, Kuya,” sabi ni Tonette, nagmamadaling pumunta sa restaurant.

“Ihahatid na kita, Somerita,” sabi ni Banong, saka siya hinawakan sa kamay.

Napatayo si Summer, sumama sa lalaki. It was obvious he did not want to talk to Olga. Sino ba naman siya para hindi ito tulungan?

Nagmamadali silang sumakay sa kotse na sa tagiliran ng restaurant nakaparada. Mabilis nitong pinatakbo iyon. Nakatingin lang si Summer sa Banong’s. Kilala niya ang kotse ni Olga at nandoon pa rin iyon. Hindi niya nakita ang babae na malamang na nasa loob pa, inaaliw ni Tonette, kung paano man iyon nagawa ng beki .

Tumingin siya kay Banong. Hindi niya mabasa ang reaksiyon nito. She had to ask, “Are you okay?”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “May mga bagay na hindi natin kontrolado.”

“I understand it can be painful.”

“Mas naiinis ako kaysa ano pa.”

“Understandable. Nakapag-usap na ba kayo?”

Umiling si Banong. “Sa totoo lang, ayoko na muna siyang makausap. Ni ayoko muna siyang makita. Ayokong marinig ang boses niya, malaman kung ano ang sasabihin niya, at kahit na ano pang tungkol sa kanya. Unfair ba?”

“No.” It was true. “Ako nga, ilang panahon na ang lumipas, ayaw ko pa ring makausap ang tatay ko. It’s normal. Why should we subject ourselves to the presence of the people we can’t stand anymore? Ganoon ba talaga tayo kalupit sa sarili natin?”

Bumuntong-hininga si Banong. “Hindi kasi gawain ng isang lalaki ang umiwas.”

“Oh, please. That’s bullshit. Sino naman ang naglista ng mga bagay na gawain at hindi gawain ng mga lalaki? Ano, once upon a time, may isang lalaking walang ginawa sa mundo kundi ilista kung ano ang sa tingin niya, bawal gawin ng mga lalaki—bawal umiyak, bawal magsuot ng pink, bawal maglaro ng manyika. Siya rin ang sira-ulong nagsabing ang mga lalaking gumawa niyan, eh, mahina. Probably the same man who said women should cover themselves up to avoid rape.”

Tumawa ang lalaki. “Tama ka na naman. Pero ewan ko, hindi ako sanay.”

“It’s everything that society says we should do that’s keeping us from reaching our full potential. Anyway, ano’ng balak mo kay Olga?” Hindi na nahiyang magtanong si Summer dahil ang pagkakataon na rin mismo ang nagpresinta sa sarili nito.

“Hindi ko pa alam. Hindi naman puwedeng hindi ko siya kausapin. Pero kilala ko si Junior, hindi magsisinungaling `yon. Isa pa, noong nakaraan, may napansin din ako kay Konsehal, parang ilang. O baka naman imagination ko lang dahil sa nalaman ko. Konsiyensiya na lang nila `yon. May asawa na si Konsehal. Hindi ko alam kung paano naisip ni Olga na pumatol pa do’n.”

Gustong-gusto nang sabihin ni Summer ang nalalaman, pero sa huli, may kung anong pumigil sa kanya. Anyway, para namang nagse-self-destruct na mismo si Olga. Kung hindi ba naman tanga rin ang babae, bakit ito sasama sa isang konsehal sa lugar kung saan may mga posibleng makakita rito? Hindi lang si Junior, kundi iyong mga tauhan ng motel. Sabihin pang lalabas na tsismis lang ang lahat mula sa bibig ng mga ito, doon nagsisimula ang bulong-bulungan. Olga was not even being careful. Or maybe she was used to getting away with things like that. Pero hindi naman sa lahat ng oras, mananalo ito. Hindi naman siguro ganoon kalupit ang tadhana.

Nang makarating sa farm, pinatuloy niya si Banong sa loob ng bahay. She made them some coffee. Pero mukhang mas matapang pa sa kape ang dapat niyang isilbi sa lalaking halatang problemado. Sa isang banda, nasasaktan si Summer na makita ito na ganoon ang reaksiyon, lalo na at may nangyari sa kanila. Well, it was not exactly the traditional sex but it was a personal experience, and was also sex anyway, the oral kind.

Pero naisip ni Summer na kaysa tumulad sa ibang hindi mapakali sa ganoon, kailangan niyang tanggapin na pareho silang nasa edad ni Banong at kung minsan, nangyayari talaga ang ganoon. She knew that was the case, but it hurt nonetheless to know that it was not as important to Banong as it was for her. Hindi lang niya mapilit isipin na tutuloy sa ibang bagay ang nangyari kung halata namang hindi. Maybe not now. She realized it was stupid to even consider making him fall for her.

Or maybe you can take advantage of the situation , singit ng kanyang isip. That little bitch Olga has no more chance now. Hindi ganoon katanga si Banong para i-justify pa rin ang mga ginagawa ng babaeng `yon. So why wait? Maraming babae ang gustong makasama si Banong. You need to go for the kill now.

Nabibigla si Summer sa sarili. Kailanman, hindi siya naging agresibo at naglalaro-laro ang mga ganoong klase ng isipin sa utak niya. Pinilit niya ang sariling huwag na iyong isipin. Naupo siya sa tabi ng lalaki.

`Wag isipin and yet, here you are, her mind mocked her. She completely ignored it. Prenteng sumandal ang lalaki sa sofa. She put her head on his shoulder and hugged him. Yes, she did.

Inakbayan siya ni Banong. “Pasensiya ka na kung sa ganitong lagay mo ako inabot. May mali, may kakaiba. Alam kong alam mo `yon, alam kong nararamdaman mo rin. Kung mas naging maayos sana ang sitwasyon, siguradong maraming matutuwa sa ibabalita natin... Hindi naman siguro kalabisan kung iisipin kong tumatanggap ka ng tulad ko.”

Biglang tinampal ni Summer ang dibdib ng lalaki. “Tumatanggap ng tulad mo? Ano ba naman `yan?”

“Alam mo na. Kumpara sa `yo, ano ba naman ang accomplishment ko?”

“Seryoso ka ba talaga diyan sa observation mo?”

“Oo naman. Alam mo kasi, sa experience ko... Actually, wala akong masasabing experience sa mga babaeng tulad mo. Kapag nakakakilala kasi ako ng tulad mo, ako na mismo ang nagsasabi sa sarili kong hindi kalebel.”

“Stop it, Banong. Hindi ganyan ang buhay.”

“Suwerte ng lalaking magugustuhan mo.”

Gusto niya itong kurutin, pero pinigil ang sarili. Hindi pa ngayon ang panahon at kakasabi pa lang nito. Tama naman ang lalaki, may something sa pagitan nila at pareho nilang hindi masabi iyon. Maybe he was wondering what it was exactly for he still had feelings for Olga. Si Summer naman, hindi rin iyon mabigyan ng pangalan dahil ayaw rin niyang mapilitan lang si Banong. It was complicated, as feelings always were.

But at least, Banong was different from all the rest. Alam din niyang ang lalaki ang tipo ng taong hindi mapagsamantala. He will not take advantage of her financially; he will not take advantage of her connections for he had those as well; and most of all, he was wonderful. He can bring out the best in her.

Naramdaman niya ang ilong nito sa kanyang buhok. His warmth and his masculine scent sent a shiver up her spine. She looked up to him and their eyes met. Wala na silang kailangan pang pag-usapan. Their lips met. It was at that moment that Summer realized that all the days they spent together were a part of a very long foreplay. There was no denying that their thirst for each other was never fulfilled with what happened last week. Lalo lang silang pinag-init ng pangyayaring iyon. Now, they both were hungry for more.