noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Chapter 21

Ch. 21 / 26 May 10, 2025

M AY INIT sa puso ni Summer sa pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Banong. Hindi lang ng ina nito na minsan na niyang nakilala, kundi maging ang asawa ng matanda at ng mga anak niyon. May mga kasambahay rin sina Banong na parang kapamilya na ang turing. Kahit ang mga iyon, mainit ang naging pagtanggap sa kanya. Para siyang parte na ng pamilya. Sino ba naman ang hindi matutuwa roon?

Sa palagay niya, walang magiging problema sa mga ito kung pakikisama ang pag-uusapan. Higit sa lahat, mukhang kakampi niya ang lahat kung laban kay Olga ang pag-uusapan. Ayaw sana niyang tawaging kalaban si Olga. Parang napaka-cheap naman na maglaban ang dalawang babae para sa isang lalaki, pero parang ganoon na nga ang lumalabas dahil malinaw na may team-team kahit sa bahay ng nanay ni Banong.

Akala ni Summer, sa bahay ni Banong gaganapin ang Noche Buena, pero sa bahay pala ng nanay nito. O mas tamang sabihin na sa stepfather ng lalaki. Malaki rin iyon at halatang madalas doon si Banong dahil mukhang komportable ito roon at ka-close ng lahat. She found that refreshing. Hindi siya naging close sa pamilya sa ganoong paraan, iyong puwede siyang pumasok sa mga kuwarto nang hindi naiilang, o dumampot ng pagkain nang walang abiso. Kailangan niyang aminin na malaking bagay sa kanya ang lahat ng iyon. It was something that she had always wanted to experience. She felt genuinely welcome in that home. Hindi iyon katulad noong bisitahin niya ang pamilya ng ama na parang ilang na ilang ang mga ito sa kanya. Banong’s family made her feel like she belonged.

Lord, tukso po ba ito? Na makita ko sa lalaking ito ang lahat ng bagay na gusto ko sa buhay? Is this Your way of telling me that I can still find happiness? That what I wanted wasn’t so bad after all and that I can still have it?

Ah, sana. Nakakatuksong isipin ngayon na puwede pa ring matupad ang lahat. All she had to do was believe. Let nature take its course and maybe everything will fall into place if it was meant to be. Some things were simply that—meant to be, meant to happen.

“Hello,” sabi ni Summer mayamaya sa dalawang kasambahay na nakatitig sa kanya habang nakangiti. Nasa kusina siya, kasama si Banong na tinitikman ang luto ng ina.

Parang kilig na kilig na nagsikuhan ang dalawa. “Hello daw,” sabi ng isang kasambahay, si Norma, kay Maricel.

Ang lakas ng tawa ni Banong. “Ngayon lang nakakita ng maganda ang dalawang `yan, eh, pagpasensiyahan mo na.”

“Totoo, Kuya!” sabi ni Maricel. “Ang ganda-ganda mo pala sa personal, Chef.”

Talagang hindi na masasanay si Summer sa ganoong comments. She thanked them, even if there was no confidence in her voice. Mayamaya, nagpaalam si Banong na titingnan lang daw ang iniihaw sa likod-bahay. Hindi na siya sumama at naiwan sa kusina. Of course she made something, a fruit cake with very little alcohol so that everyone can enjoy it, and sticky toffee pudding. Ipinaubaya na niya kay Banong ang main dish, lalo na at bilin ng lalaki na huwag na siyang magluto dahil marami raw talagang niluluto ang pamilya kapag Noche Buena.

“Hello,” ulit niya kina Norma at Maricel na nakatitig pa rin sa kanya nang nakangiti.

“Ay, Chef, masaya kaming nakarating ka dito sa amin. Alam mo, ilang araw nang hindi mapaitlog si Nanay at darating ka nga raw. Kailangan daw na masarap lahat ng putahe at dapat daw maging maganda ang turing namin sa `yo para hindi na mahirapan si Kuya Banong na kumbinsihin ka.”

“Kumbinsihin?” nagtatakang tanong ni Summer.

“Na maging asawa niya!” parang kilig na kilig na sabi ni Maricel.

Sukat biglang nag-init ang buong mukha ni Summer. Ano ba ang pinagsasabi ng dalawang ito?! Sila na ba ni Banong at may darating na proposal? Oh, God, the idea of marrying that man was exciting. Dumaan na iyon sa kanyang isip, pero siyempre, hindi niya hinayaang magtagal sa isip at mahirap na mabulag siya ng pantasya.

“Bakit n’yo naman nasabi `yan?” tanong niya.

“Ayaw mo ba sa kanya, Chef? Aba, kahit naman hindi siya kasinggaling mo sa pagluluto, sulit na sulit ka naman sa kanya. Ang bait-bait n’on at matulungin pa. Busilak ang puso at pogi pa. Naku, kung wala lang akong asawa, malamang inakit ko na siya,” sabi ni Norma, parang nagse-sales talk.

Natawa tuloy si Summer. Why was everyone thinking so highly of her? Sa totoo lang, hindi siya sanay sa ganoon.

Hindi na lang siya nag-comment dahil ano ba ang tamang maging komento sa ganoon? Alangan namang magreklamo siya na hindi pa sila ni Banong.

“Ang inaalala lang naman namin, eh, baka kasi iniisip mo na hindi pasado si Kuya Banong kasi nga naman, kumpara sa `yo, eh, hindi masasabing big time `yong manok namin—”

“Tumigil ka nga, Norma,” saway ni Maricel. “Sa palagay ko, hindi naman matapobre si Chef. Ang totoong inaalala ko, itong si Olga. Baka naman kasi maisip mo, Chef, na si Olga ang gusto niya kasi kamakailan lang, parang sila, pero hindi talaga naging sila. Kompirm `yan ni Nanay. Isa pa, hindi rin boto do’n si Nanay. Lahat kami dito sa bahay, hindi boto do’n sa babaeng `yon. Naku, kung puwede lang na makialam ang nanay sa anak, eh, di sana noon pa tumutol si Nanay. Hindi naman sila bagay na dalawa, sa totoo lang. Masyadong kuwan si Olga... kuwan...”

“Anong kuwan?” curious na tanong ni Summer.

“Iyon bang madumi—ang bunganga, ang trabaho noon, ang pagkatao. Eh, pero hindi naman makatutol si Nanay noon dahil nga buhay naman ni Kuya Banong, pero—”

“`Oy, mga hitad,” bungad ni Tonette. “Anong tsismisan `yan? Merry Christmas, Chef!”

Nagbeso-beso sina Summer at Tonette.

Bumalik na rin noon si Banong at sinabing maayos daw ang mga iniihaw sa labas. Nagpunta sila sa sala at doon ay isa-isa nang inilagay ni Banong ang mga regalo sa ilalim ng malaking Christmas tree.

Mabibilang ni Summer kung ilang Pasko lang niyang nakasama ang pamilya. Noong nagtatrabaho na siya, wala namang Noche Buena sa France. Kapag nasa Pilipinas naman, madalas siyang nagtatrabaho para sa banquette ng kung anong malaking restaurant o hotel para sa Noche Buena buffet.

Punong-puno ng regalo ang ilalim ng Christmas tree. It was a very festive event. Nakakahawa ang saya ng lahat, kabilang na ang grupo nina Patricia na dumating na rin. Kahit ang mga ito, may dalang regalo, kahit ang ilan ay nagsabing uuwi rin agad dahil may handaan din sa kanya-kanyang bahay.

Maagang nagsalang ng kanta si Tonette at tulad noong birthday nito, napuno ng kantahan ang kabahayan. Kahit ang nanay ni Banong at ang asawa ng matanda, kumanta rin. Kahit si Summer, nakisali sa kasiyahan. Bandang alas-diyes, nagpaalam na ang ibang kabataan at umuwing dala ang regalo ng mga ito. Ipinahatid ni Banong sa driver ang mga bata.

“Masaya ka ba?” bulong ni Banong mayamaya. Magkatabi sila sa sofa.

“Oo naman,” sagot ni Summer.

“Masaya akong makita kang nakangiti.”

May init na humaplos sa puso ni Summer. Banong was just too genuine. Wala siyang makitang kahit na anong negative sa damdamin nito, sa pagkatao nito. He was the kind of person who was easy to read. Hindi rin ito mahirap pasayahin. Parang ang gaan-gaan ng buhay kapag ang lalaki ang kanyang kasama.

“Salamat na niyaya mo ako dito. I can’t imagine spending my Christmas alone when it is so much better here,” sabi niya.

“Next year uli. At sa Bagong Taon.”

“I will be here for sure.”

Nagpatuloy ang huntahan hanggang sa lumapit nang lumapit ang oras ng Noche Buena. Naka-tune in sa isang local network ang TV sa puntong iyon, para makita nila ang countdown.

“Ten, nine, eight, seven...” sigaw ng lahat, kasabay ng mga artista sa stage sa TV. Kahit si Summer, naki-countdown. Oh, she was having so much fun. “Three, two, one! Merry Christmas!”

Nagbatian na ang lahat, nagyakapan, at nanguna si Tonette sa pag-distribute ng mga regalo. Siyempre, may dala si Summer para sa lahat. Noong nakaraang linggo pa niya na-order online ang mga regalo na mabilis namang nai-deliver. Hiling lang niyang hindi masyadong maging OA ang mga regalong kanyang napili. Siguro, matagal bago niya malilimutan ang nakasanayang pagbibigay ng mamahaling regalo. She had always wanted to please people that way.

Ganoon na lang ang tili ni Tonette nang mabuksan ang regalo niya rito. “OMG, Chef!” Nagtitili ito, talon nang talon. “For the first time, nagka-LV ang lola mo!”

“I’m glad you like it,” sabi lang niya.

“OMG!” tili na naman ng beki nang makita ang regalo niya sa nanay ni Banong. “Is this real life? Nakakaloka! Mother, Gucci `yan.”

Maliliit na purse lang naman ang mga iyon dahil ayaw rin ni Summer na maging OA sa pagbibigay ng regalo. Tuwang-tuwa ang ina ni Banong sa regalo niya, ganoon din ang iba pang nasa bahay. Sa mga kabataan, mga damit ang kanyang regalo na may kasamang gift vouchers. Kay Banong, marami siyang regalo, iba-iba. She gave him a set of cast iron cook set, as well as a copper cook set. May kasama rin iyong apron na may nakatatak na “Kiss the Chef.” She also gave him a few shirts.

“Bato yata ang laman nito,” sabi ni Banong nang hilahin ang isang regalo ni Summer. Cast iron cook set iyon, napakabigat. Excited ang lalaki nang buksan iyon, parang isang bata. Nang mabuksan na nito ay napanganga. Tumingin ito sa kanya.

“Do you like it?” tanong niya.

“Luka-luka ka. Masyadong mahal ito.”

She was suddenly very embarrassed. So much for not being “OA” in giving gifts. It was an expensive Le Creuset, all right, but she wanted him to have it and enjoy cooking in it. Besides, she purchased the set a few years ago with the intention of giving it away some time. Tatlo na kasi ang ganoon niya, pero binili niya nang minsang mag-sale.

“Naku, ito talagang anak ko. Pasensiya ka na, Summer. Tuwang-tuwa `yan, umaarte lang. `Ku, eh, noon pa man, mahilig na `yan sa mga kaldero,” sabi ng nanay ni Banong.

Ngumiti si Banong, pero parang pilit. Binuksan nito ang isa pang regalo, saka tumingin sa kanya, nakangiti nang alanganin. “Salamat?”

“You’re welcome?”

Tumawa na ito, tumayo, saka siya nilapitan at bumulong. “Sorry. Nabigla lang ako. Hindi ako sanay makatanggap ng mamahaling regalo, sa totoo lang. Galing sa tatay ko at ibang mga kapatid, oo, pero hinding-hindi kapag galing sa girlfriend.”

“Girlfriend?”

“Future girlfriend?”

Biglang kinilig si Summer, pero pilit na itinago iyon. Aba, kung siya ang magiging future girlfriend, walang kaso sa kanya. Did he still have feelings for Olga? Sino ba siya para husgahan ang mabilis na change of heart ng lalaki? Baka nga noon pa ito nagkaroon ng change of heart. Maybe he had been thinking about it for a long time. Nagkataon lang na ngayon na lang sumambulat ang lahat.

Iniabot ni Banong ang regalo nito sa kanya. Excited si Summer na buksan iyon. It was a Pandora. Agad niyang binuksan ang kahon at nakita sa loob ang isang charm bracelet. Punong-puno iyon ng charms na bagay sa kanya dahil para sa chef iyon. May ilang charms din na symbols ng mga lugar na napuntahan niya. Halatang pinag-isipang maigi ni Banong ang bawat charm. Ayaw niyang umiyak, pero kahit anong pagtitimpi, tumulo ang mga luha niya.

“Naku, sorry. Na-disappoint ka ba? `Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kasi sobrang mahal ng bigay mo sa akin. `Wag kang mag-alala, mayroon pa naman sa New Year—”

“Shut up.” Natawa si Summer, naluluha pa rin. “I’m so happy, Banong. Thank you so much. This means so much to me!” Kung alam lang ng lalaki na ito pa lang ang nagbigay sa kanya ng isang regalong pinag-isipan nang mabuti. Marami siyang natanggap na regalo, mga mamahalin pa ang iba, pero karaniwan ay mga gamit na hindi pinaghandaan, hindi pinag-isipan. While Banong’s gift meant so much to her because it told her that he thought about it carefully, with the intent of making her smile. Hindi rin masasabing mumurahin iyon. She knew how much each charm cost. It was an expensive gift as well.

“Pero meron pa talaga,” giit nito.

“Hindi mo kailangang bumili dahil lang binigyan kita ng kaldero.”

“Meron pa talaga, ang problema, hindi dumating kaya hindi ko naihabol. In-order ko rin online. Sa palagay ko, wala ka pa n’on.”

“What is it?”

“Secret. Sa New Year mo na malalaman.”

Napangiti na si Summer kahit hindi alam kung maniniwala sa sinabi nito o hindi. Ano’t anuman, masaya siya. This was the best Christmas ever. And she hoped it will be like this every year.

NAPANGANGA si Summer nang buksan ang kahong kinalalagyan ng regalo ni Banong para sa New Year. It was New Year’s Eve. Sinundo siya ng lalaki sa bahay at dala nito ang isang parihabang wooden box.

“This is a Tsukasa,” bulong niya, hindi puwedeng magkamali. It was one of the most expensive knives in the world. Naniniwala na siyang hindi lang agad dumating iyon kaya ngayon lang nito naibigay sa kanya. May engraving iyon ng pangalan niya: Somerita.

“Gusto mo ba?” tanong ni Banong.

“Are you kidding me? This is a dream come true!”

“Nag-aalala akong baka meron ka na rin ng ganyan.”

“Hindi ako bumili kahit kailan dahil nanghihinayang akong gamitin. This is for collection only.”

“Hindi. Hindi `yan ang pang-collection. `Yong Nesmuk ang pang-collection.”

Napaismid si Summer. “Hinding-hindi naman ako bibili ng gano’n kamahal na kutsilyo.”

“Ibibili sana kita, kaso naalala kong hindi pala ako mayaman.”

Ang lakas ng tawa niya. The latest Nesmuk knife was priced at almost ten thousand US dollars. May diamonds iyon. Ano naman ang gagawin niya sa kutsilyong may diamonds? Pero kahit iyong regalo ni Banong, napakamahal na. Mas mahal kaysa sa Le Crueset.

“You really shouldn’t have.”

“Kailangan mo `yan.”

Hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ni Summer. Itinabi niya ang kutsilyo, saka sila umalis. Sa bahay ni Banong gaganapin ang New Year celebration. Ang pamilya naman nito ang pupunta roon. Nang makarating sila, nandoon na halos lahat. May fireworks display raw mamaya.

Kung napakaraming handa noong Pasko, mas maraming handa ngayon. Iba’t ibang prutas ang nakahain sa mesa. May lechon baka sa likod-bahay. Bukas daw, maraming pupuntang bisita sa bahay ng ina ni Banong kaya ang matitirang baka, dadalhin doon. Nakita rin ni Summer ang pagkarami-raming nakabalot na grocery packs. Marami raw kasing namamasko kay Banong hanggang sa Bagong Taon. Naghahanda raw ang lalaki taon-taon ng mga pambigay sa mga tao. Hindi na nagtataka ngayon si Summer kung bakit maraming politiko ang nakikiusap ditong pumasok sa gobyerno, ayon na rin kay Tonette.

“Alam mo, Chef, kung kakandidatong mayor si Kuya, siguradong mananalo. Hindi na nga `yan nag-e-endorse ngayon ng mga kandidato, pero nilalapitan pa rin tuwing eleksiyon. Ayaw na niyang mag-endorse, pero ewan ko ba kung bakit kahit sinabi na niyang ayaw niya, marami pa ring nagpapalakad. Magaling din talagang makisama `yan at kayang tumanggi sa politiko nang hindi nagkakaroon ng kaaway,” sabi ni Tonette.

Habang tumatagal, lalong bumibilib si Summer kay Banong. She was also getting excited about them. Parang masarap magplano kapag si Banong ang kasama sa planong iyon. Gusto niyang ituloy ang negosyo sa farm. She was inspired now. Siguradong tutulungan din siya ni Banong na umisip ng business strategy.

Tulad noong Pasko, nag-countdown din sa Bagong Taon, pero sa labas sila ng bahay nag-countdown. Nang mag-alas-dose, sinindihan ng mga tauhan ni Banong ang fireworks na nasa likod-bahay, may ipinasadyang patungan na mataas para doon. Banong held Summer’s hand as they watched the beautiful dancing lights on the sky. Naisip ni Summer na parang ganoon din ang nararamdaman niya—masaya, makulay, sumasabog, may sparkle. It was all beacuse of the man holding her hand.

“Happy New Year,” bulong ng lalaki sa gitna ng pagkakaingay, saka siya mabilis na hinagkan sa mga labi.

Akala ni Summer hindi sila nakita ng ibang nandoon, pero agad na nag-init ang mukha niya nang makitang nakatingin sa kanya sina Tonette, ang mga bata, at ang nanay ni Banong. Tinukso sila ng mga bata, kabilang na si Tonette.

“Kunwari inosente pa ang peg, pero may kissing scene. Ansaveh ng Jadine?” hirit ni Tonette, parang mangingisay sa kilig anumang sandali.

“Loko ka, Tonette. Maiilang si Somerita sa `yo,” sabi ni Banong.

“Oy, Somerita na, hindi na ‘Chef.’ Lume-level up ka na, Kuya,” patuloy na tukso ni Tonette.

“Loko!”

Nang pumasok sila sa bahay, parang hindi naman nag-aalala si Banong sa sasabihin ng lahat. Inaasikaso siya nito nang mabuti. Bandang alas-tres nang madaling-araw ay nagpaalam na rin halos ang lahat, hanggang maiwan na lang si Tonette at ang mga bata na doon magpapalipas ng gabi.

Inihatid na si Summer ni Banong. Napapangiti pa rin siya sa sasakyan. Inabot ni Banong ang kanyang kamay at pinisil. “Masaya ka ba?”

“Sobra. Ikaw?”

Nakangiting tumango ang lalaki. “Masaya akong masaya ka.”

Palaging iyon ang sinasabi ni Banong. It touched her so. Never in her life had she been given that much importance, at least not by those who were not professional colleagues. Pagdating sa mga kasamahan sa trabaho, maganda naman ang turing sa kanya. But she had always been fulfilled professionally, so she had always craved for something personal, intimate. And Banong was the answer.

Nang makarating sa farm, inilabas nito ang dalang lusis. Bata pa si Summer nang huling humawak niyon. They had champagne outside the house. Sinindihan nila ang lusis. Wala silang music kundi ang tawanan nila, ang kantahan, pero wala nang mas masaya pang party.

Nauwi silang nakahiga sa damuhan. Kinubabawan siya nito. He was smiling as he kissed her cheek. She was so in love with him, so happy, so overwhelmed by their intimacy.

“Parang kulang pa ang putukan,” sabi nito.

It took a while before she understood. Pinitik niya ito sa pisngi. “Salbahe ka.”

“Ayaw mo?”

“Ayoko.” She grinned.

Binuhat siya nito at dinala sa loob ng bahay. He took her to the tub. Hindi na naghiwalay ang kanilang mga labi habang nasa tub at pinupuno iyon ng tubig. He used merely his hands to soap her all over. Halos mabaliw si Summer sa mga sensasyong napakabilis na binuhay ni Banong sa kanyang katawan.

Soon, their New Year celebration got more interesting. The fireworks they created themselves were much more colorful and bright than anything anyone can ever produce. It was a very happy New Year indeed. As always, she feel asleep in his arms and woke up with him still holding her tight.

Ala-una ng tanghali nang magpaalam si Banong dahil luluwas pa raw para makipagkita sa ama. Gusto nitong isama siya, pero tumanggi siya. Sa susunod na lang siguro. Hindi siya ready na makilala ang buong angkan ng Cardinal sa ganoong pagod na estado.

Napapangiti pa rin si Summer nang maupo sa sofa, para magulat nang makarinig ng malalakas na katok sa glass door. Nang lumingon, lalo siyang nabigla nang makita si Olga.