noveltoon logo noveltoon
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Epilogue

Ch. 26 / 26 May 10, 2025
Prev Next

N AGKAKASIYAHAN ang lahat. Katatapos lang ng term ng mga bata at umuwi ang mga ito sa probinsiya, kung saan naghihintay na ang isang salo-salo. Summer prepared it with Banong, of course. Ang sabi ng lalaki, ayaw raw nitong nagtagal ang mga bata sa Maynila at nag-aral sa culinary school at pagbalik ay kakain na naman ng papaitan at bulalo. He was always insecure about his food even if he was probably the best in making all those dishes. Iginiit ni Summer na na-miss ng mga bata ang putahe ng Banong’s kaya dapat na mayroon pa rin. Sa huli, wala na ring nagawa si Banong.

It was a feast. Si Tonette ang punong-abala sa pagde-decorate ng event venue, kahit pa nga iilan lang ang bisita. Walang okasyon, reunion lang. Na-miss nila ang mga bata. Hindi sila madalas makadalaw sa mga ito, kahit pa nga madalas si Summer sa Maynila para tapusin ang mga obligasyon doon bago ilipat ang business sa probinsiya. She was going to open her pizzeria very soon. Ang catering service niya, hindi na mag-o-operate sa Maynila, simply because she found herself getting tired of all that too easy when she was there. Hindi nagtagal ang bugso ng energy. It was clear she did not want to work as hard anymore. Para saan? Hindi na niya makita ang mga dahilan kung ang personal na buhay ang naisasakripisyo.

“Para namang mga artista ang darating!” sabi ni Tonette.

Noon nagsidatingan ang mga bata. Naghiyawan ang mga ito, nagtakbuhan para yakapin sina Summer, Banong, at Tonette. It was indeed a family reunion. Agad na napuno ng kuwentuhan ang kainan. Hindi nababawasan ang excitement ng mga bata, lalo na ngayong nakikita na ng mga ito ang potensiyal para sa hinaharap. They had bigger dreams now and those dreams seemed possible.

“Ano na nga pala ang balita kay Olga, Ate?” baling ni Patricia kay Tonette. “Balita ko, mahina daw ang negosyo niya dito.”

“Mahina talaga. Nasabunutan ng asawa ni Konsehal.” Ang lakas ng tawa ni Tonette. Nakita mismo nito nang magsabunutan ang dalawang babae sa labas ng simbahan. Kung ano ang ginagawa ni Olga sa labas ng simbahan, ito lang ang nakakaalam, lalo na at nagbukas ng beer house ang babae sa kanilang bayan, pero hindi malakas ang kita dahil na rin siguro sa kakaunti lang ang mga lalaking mahilig sa beer house sa bayan na iyon. “Ay, nagmumura doon ang gagang Olga, siya pa ang malakas ang loob. Balita ko kahapon kay Madir , pinepetisyon na siyang umalis dito sa bayan natin. Maraming kababaihan ang gusto siyang ipetisyon kasi nga nagre-recruit ng mga babae.”

“My God,” sabi ni Summer, saka binalingan si Banong.

Itinaas ni Banong ang mga kamay. “Nabulag lang ako noong mga panahong `yon, guys.”

“`Buti natauhan. `Buti dumating si Chef Summer,” sabi ni Tonette.

“Habang-buhay akong magpapasalamat,” sabi ni Banong, saka inakbayan si Summer. Inabot nito ang isang leche flan.

Napanganga si Summer nang makita ang singsing na nakapatong doon. The diamond was huge. Natahimik ang paligid. Nangilid ang mga luha ni Summer. Totoo ba ang lahat ng iyon?

“B-Banong...”

Iniurong nito ang silya, saka iniluhod ang isang tuhod. “Somerita, hindi ako magaling sa mga pakulo. Simpleng tao lang ako na may simpleng kaligayahan. Gusto kong makasama ka sa mga simpleng bagay sa mundo, sa araw-araw, habang-buhay... Will you marry me?”

Pinunasan niya ang mga mata. “Of course. Of course, I will.”

Naghiyawan ang mga bata nang ha likan siya ni Banong sa mga labi. Her eyes were closed but she saw fireworks.

Wakas