noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter 8

Ch. 9 / 32 Feb 05, 2022

E XCITED na sumakay si Agatha sa elevator na magdadala sa kanya sa penthouse ng Monteverde Hotel sa Cebu. She was excited to see her husband.

Actually, kanina pa siyang hapon nasa Cebu. Panghapong flight ang nakuha ni Elisa nang pakiusapan niya kahapon na ikuha siya ng flight para sa araw na ito. Nagpahinga siya sa Anderson Auberge na di-kalayuan sa Monteverde Hotel. May sarili siyang kuwarto sa Anderson Auberge dahil madalas silang nagbabakasyon ng mga magulang at ng mga pinsan niya sa Cebu. Nagpahinga lang siya kanina at sinadyang hindi sagutin ang mga tawag ni Reeve kahit pa gustong-gusto niya. Baka mabuko siya ng asawa kapag narinig ang excitement sa boses niya kaya nag-imbento na lang siya ng istorya sa text. Sana hindi magalit si Reeve sa sorpresa niya.

Nang maalala ang text message ng asawa ay napangiti siya.

“I wish you were here.” Gusto siya nitong makita at makasama. Napangiti siya sa kilig.

Bago magsara ang pinto ng elevator ay may isang lalaking nakahabol sa pagsakay.

“Whew!” sabi nito at parang hinihingal pa. “`Buti nakahabol.” Agad nitong pinindot ang button para sa nineteenth floor.

Matangkad ang lalaki pero sa tingin ni Agatha ay mas matangkad pa rin si Reeve dito. The man had sparkling brown eyes and pointy nose. May stubble ito at manipis na bigote. He looked ruggedly handsome. Naka-jeans ito at black shirt. He also had a well-built body, broad shoulders, at may muscles ang mga braso.

Eksaktong ilalayo na ni Agatha ang tingin nang tingnan siya ng lalaki.

“Hi,” bati nito.

“Hello,” ganting bati niya, saka ngumiti. Pagkatapos ay tumingin siya sa floor indicator.

Napasinghap siya nang biglang tumigil ang elevator at namatay ang ilaw sa loob niyon.

“What’s happening?” tanong niya sa nag-iisang taong kasama niya sa elevator. Kinuha niya ang cell phone sa kanyang bulsa at binuksan ang flashlight niyon.

“Argh, shit!” the man cursed. Inilabas din nito ang cell phone at inilawan ang emergency button. Mabilis nitong pinindot iyon. “Relax, Miss. Nangyayari talaga `to. Ayon sa staff, may problema talaga sa elevators nila.”

“Na-trap ka na ba dati?”

“Yeah. Kahapon lang. Pero marami kaming nakasakay.”

“Oh.” Siguro isa sa mga problema ng hotel ang sirang elevator. Ang Monteverde Hotel ay isang five-star hotel. Malaking dungis sa reputasyon ng hotel ang sirang elevator. Inconvenient kasi iyon para sa mga guests.

May nakita silang pulang ilaw sa ibabaw ng emergency button. Mayamaya ay may boses na maririnig mula roon.

“I’m sorry for the inconvenience, Ma’am, Sir. We’re trying to fix the problem.”

“How long will this take?” tanong ng lalaki.

“Thirty minutes max, Sir. We’re really sorry, Sir. We thought the elevators were already fixed.”

Akala ni Agatha ay magagalit ang lalaki. Pero magalang itong sumagot.

“Okay. Thank you. Sana mas mapabilis. I’m with a lady here.”

“Yes, Sir.”

“Looks like we’re stuck here for at most thirty minutes,” sabi nito.

She sighed. “It’s fine. Alam kong mabilis nilang maaayos `to.” Sumandal siya sa isang sulok. Made-delay pa ang pagkikita nila ng kanyang asawa. Baka pagdating niya ay tulog na ito dahil sa sobrang pagod.

“Ahm, para hindi tayo mainip, let’s talk?” suggestion ng kasama niya sa elevator. “If you don’t want to talk, it’s okay. Pero, promise, Miss, safe ka sa `kin.”

Napangiti si Agatha. Wala naman siyang nararamdamang panganib sa lalaki. Napahanga nga siya sa magalang na pagkausap nito sa operator. Kung ibang lalaki siguro ay inis na inis na sa sitwasyon ngayon. “It’s fine with me. Matagal din ang thirty minutes. Anyway, are you here for a vacation?” tanong niya.

“Not really. I… I’m here to see an old friend. Matagal na kasi kaming `di nagkikita. Nabalitaan kong nandito siya.”

Napatango siya. “So, are you from here? Cebu?”

“No. Taga-Maynila ako. But I’ve been staying in the US for years. Ngayon lang ako nagbalik-bayan.”

“Wow. Welcome home then.”

“Thank you. Ikaw? Are you from Cebu?”

Umiling si Agatha kahit hindi siya nakikita ng lalaki. “No. I’m also from Manila. I came here to see my husband.”

“May-asawa ka na?”

“Yes. Just this week.”

“Wow. Congratulations! Nakakagulat ka naman. You look too young to be married.”

“Ako rin naman nagulat sa `yo. Nang makita kita kanina, you look rugged to me. So, in-assume ko na snob ka at magagalit ka sa operator dahil na-stuck ka rito. Pero cool and polite ka lang na nakipag-usap.”

“Looks can be deceiving,” he said, then chuckled. “Rugged-looking because of my stubble?”

“Yeah. That did it.”

“Por que may stubble, rugged agad? Hindi ba puwedeng nakalimutan lang mag-shave?”

They both laughed and talked some more. Magaan ang loob ni Agatha sa lalaki.

It looked like being trapped in an elevator wasn’t that bad.

PARANG itinulos si Reeve sa kinatatayuan. Being kissed by Lana again brought a lot of memories that made his heart twitch in pain.

Hinawakan niya si Lana sa magkabilang balikat at marahang inilayo sa kanya. “Lana, stop! Umalis ka na. I don’t want you here.”

Nagulat siya sa mabilis nitong pagyakap sa kanya. “But I missed you, Reeve. Please forgive me. It’s been twelve years. Patawarin mo na ako,” umiiyak na sabi nito.

God, he missed her, too! Twelve years. Napakatagal na pala. Pero bakit… bakit ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit? Na parang kahapon lang nang iwan siya nito at sumama kay Prince. Kay Prince! Sa lahat ng lalaki, sa pinakamatalik na kaibigan pa niya!

“Reeve… please listen to me. I miss you…”

Napapikit si Reeve nang mariin. Matagal niyang hinintay na marinig iyon mula kay Lana…

Noon.

Isa si Lana sa mga dahilan kung bakit ayaw na niyang magmahal. There was no way he would be fooled again by love and be too miserable, stupid and wasted.

Inilayo niya si Lana sa kanya at tinalikuran ito. “Umalis ka na kung ayaw mong tumawag pa `ko ng security,” malamig niyang sabi.

Yumakap pa rin ito mula sa kanyang likuran. “I still love you, Reeve. So much!”

Mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at pinigilan ang emosyong nagtatangkang sumabog. Damn it! Bakit hanggang ngayon ay si Lana pa rin?!

Ayaw na niya. Napapagod na siya. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para hindi lingunin ang dating girlfriend at ikulong ito sa kanyang mga bisig.

“Reeve…” pagmamakaawa ni Lana.

“J-just leave, Lana. Leave! Bumalik ka na sa US. Bumalik ka na kay Prince! Tapos na tayo. Ikaw na rin ang nagsabi. It’s been twelve years. Marami nang nagbago.” He felt the ring on his finger. “I’m married.”

Narinig niya ang pagsinghap ni Lana. Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Hanggang sa bumitiw na ito at lumayo.

“Y-you’re lying!”

Itinaas ni Reeve ang kaliwang kamay. “Haven’t you heard? I got married just this week.”

Umiling-iling si Lana. Tinakpan nito ang mukha ng mga kamay. Yumuko ito at nagsimulang humikbi.

“Unlike you, I’m a faithful man. Wala akong planong sirain ang tiwala ng asawa ko sa `kin. Now, leave. Baka may makakita pa sa `yo na nanggaling ka sa kuwarto ko at makarating sa asawa ko. I don’t want to hurt her.”

“I… I’m s-sorry.” Tumalikod na si Lana at mabilis na umalis.

Nagpakawala si Reeve ng malalim na hininga. Napaupo siya sa gilid ng kama pagkabalik sa sariling kuwarto sa penthouse. Itinukod niya ang mga siko sa hita at sinapo ng dalawang kamay ang noo. Nasabunutan pa niya ang sarili. He was so damn tired and hurt!

Twelve years. It’s been twelve years since he lost his first love Lana. Since he lost his best buddy Prince. They betrayed him! They betrayed him at the time he needed them the most. Sa panahong si Lana at Prince sana ang mga kakampi niya, aalo sa kanya at magpapalakas ng loob niya. But, no. They left and broke his already suffering heart. Ang mga nangyari labindalawang taon na ang nakalipas ang sumira sa kanya nang lubos.

How could he ever forgive?

NANG bumukas na sa wakas ang ilaw ng elevator ay sabay pang napatayo si Agatha at ang lalaking kakuwentuhan.

“Yes!” sabay rin nilang sabi. Nagkatinginan sila at nagkatawanan.

Mabilis na umangat uli ang elevator.

“Hey, kanina pa tayo nagkukuwentuhan but I didn’t catch your name,” sabi ng lalaki. Nasa seventeenth floor na sila at malapit na itong bumaba.

“I’m Agatha.”

“Sweet name. Nice meeting you, Agatha,” nakangiting sabi nito. Mas naging charming ang lalaki sa paningin niya.

“I hope we can bump into each other again. Sana magkita na kayo ng kaibigan mo,” nakangiting sabi niya.

Parang may dumaang lungkot sa mga mata ng lalaki nang mabanggit niya ang tungkol sa kaibigan nito pero agad din namang nawala iyon. Miss na miss na siguro nito ang kaibigan na matagal na raw nitong hindi nakikita.

Ngumiti ang lalaki. “Thank you, Agatha.”

Bumukas na ang elevator sa nineteenth floor. Lumabas na ang lalaki nang may maalala si Agatha.

“Hey, what’s your name?” she asked.

Nilingon siya ng lalaki at nginitian. “My name is Prince.”