“I WANT you.”
Pagkasabi ni Reeve niyon ay agad niyang pinihit si Agatha paharap sa kanya at siniil ito ng halik sa mga labi. He knew she was shocked but she responded to his kisses afterwards.
Nang una niyang mahalikan si Agatha, nalaman agad niya ang kawalan nito ng experience. But after several kisses between them, natutuhan nitong makisabay sa kanya. And he was loving her soft sweet lips every minute. Kung ano ang tensiyon na meron sa pagitan nila bago sila magpakasal ay meron pa rin hanggang ngayon. Sa palagay nga niya ay lalo iyong tumitindi. He could not explain that certain “force” that was pushing him to kiss and lavish his wife.
Hmm… Wife? Not a bad idea at all.
“Oh… Reeve…” she moaned.
The way Agatha moaned his name made him want her more.
She was aroused. And he was, too. Akmang kakalasin na niya ang tali ng bathrobe ng asawa nang maistorbo sila ng pagtunog ng doorbell.
AGATHA was so into Reeve’s kisses when the doorbell rang. Marahang naglayo sila ng asawa nang muli na namang tumunog ang doorbell.
“I’ll get that,” sabi ni Reeve.
Napilitan siyang bumitiw sa asawa. Pumunta na ito sa living room at binuksan ang pinto.
“Good afternoon, Sir. Nandito na po ang mga gamit ni Ma’am Agatha. Saka ang mga wedding gifts n’yo po ay dito ipinapalagay ng mga magulang ninyo,” narinig niyang sabi ng tao sa labas. Si Mang Bert iyon, ang kanilang driver at pinakapinagkakatiwalaang helper ng daddy niya.
“Pakipasok na lang ho. Salamat.”
Pumunta rin si Agatha sa living room at binati ang matandang driver pagkakita rito. “Hello, Mang Bert!”
“Naku, hija, magandang araw sa `yo,” bati rin ng matanda habang ipinapasok ang dalawang malaking maleta. Doon nakalagay ang mga damit niya.
Binati rin ni Agatha ang tatlo pang lalaki na kasama ni Mang Bert na nagpapasok ng mga gamit niya at ng mga wedding gifts. Mga kasambahay rin nila sa bahay ang mga ito.
Umalis si Mang Bert at ang mga kasama nito nang maipasok na ang mga regalo. Halos mapuno ang living room sa dami ng mga iyon.
“Ang dami nating wedding gifts!” natutuwang sabi ni Agatha. Excited siyang buksan ang mga iyon. Mula pagkabata ay lagi siyang excited sa pagbubukas ng kung ano-anong regalo. Kahit minsan ay nauulit ang mga regalo sa kanya, natutuwa pa rin siya. It was the thought that counted after all.
“Marami ka ring gamit,” komento ni Reeve.
“Oo nga. Ayaw na `ata akong pauwiin ni Mommy sa bahay,” natatawang sabi niya. Ang natatandaan kasi, dalawang maletang damit lang ang inempake niya. Ang mommy na niya ang nag-asikaso ng iba pang gamit na kailangan din niyang dalhin. May dalawang malaking maleta siya at limang malalaking kahon na may pangalan niya. Hindi niya alam kung ano ang mga inilagay roon ng mommy niya. “`Buti hindi nila isinama ang piano,” biro pa niya.
Ngumiti si Reeve. “Gusto mo na bang ayusin ang mga gamit mo?”
Kinuha niya ang dalawang malaking maleta. “Later na lang. Maghahanap muna ako ng maisusuot, then I want to open the wedding gifts. Gusto mo sabay nating buksan?”
“Sure. Go ahead.”
“Sige. Sandali lang. Magbibihis lang ako.” Hinila niya ang mga maleta papasok sa kuwarto.
Pagkapasok ay binuksan ni Agatha ang isang maletang naglalaman ng mga pambahay niya. Isinuot niya ang nahanap na lumang summer dress na hindi lalagpas sa mga tuhod niya ang haba. Napaglumaan na iyon kaya ginawa na niyang pambahay. Fitted iyon sa gawing dibdib niya hanggang balakang.
Pagbalik sa sala ay naabutan niya si Reeve na nagkakape habang nanonood ng TV. Nakaupo ito sa maliit na space na natira sa sofa. Sinakop na kasi iyon ng iba’t ibang sizes ng wedding gifts. Halos hindi na rin mabubuksan nang maluwag ang pinto dahil naharangan na rin ng mga regalo.
“Hey,” nakangiting tawag niya sa pansin ng asawa.
Napaangat ng tingin si Reeve. Ngumiti ito nang makita siya. “Let’s start opening the gifts?”
Excited siyang tumango. Lumapit agad siya sa mga regalo. Mabilis niyang nahanap ang regalo ng mga magulang at ng ama ni Reeve. Kinuha niya ang mga iyon.
“I found our parents’ gift,” sabi niya, sabay lapit sa asawa. Naghanap siya ng mauupuan pero wala na talagang bakante dahil ang dalawa pang natitirang upuan ay may mga nakapatong na ring wedding gifts.
“Why?” tanong ni Reeve nang mapansing palinga-linga siya.
“Wala akong maupuan.”
“Sit here.” Tinapik nito ang hita.
“Huh?”
“You sit here,” sabi nito, sabay tapik uli sa hita.
“Ah. O-okay.” Medyo nahihiya pang lumapit siya sa asawa at kumandong. She liked being close to him like this. Inayos ni Reeve ang pagkakaupo at pagkakakandong sa kanya. Naramdaman niyang pumalibot ang braso nito sa kanyang baywang.
“Buksan na natin `tong regalo ng parents natin.” Inabot niya ang regalo at mabilis na pinunit ang wrapper. Isang blue folder ang laman ng kahon. Iniabot niya iyon kay Reeve.
Nakakunot ang noo na binuksan nito ang folder at binasa ang nakasulat.
“Ano’ng nakalagay?”
Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Reeve. Napalitan iyon ng isang matagumpay na ngiti. Tumingin ito sa kanya. “This is the official document that declares Monteverde Hotel and Anderson Auberge are now incorporated.”
Napangiti rin si Agatha. “Yey! Congratulations to us!”
“May kasamang titulo ng bahay at lupa na para sa ating dalawa.”
Napapalakpak si Agatha. Pinasandal siya ni Reeve sa dibdib nito at sabay nilang binasa ang dokumento. Wala siyang masyadong naiintindihan doon kaya nagtaka siya nang mapasinghap ang kanyang asawa.
“What?” Nilingon niya si Reeve.
His eyes widened, then he started to smile triumphantly again. Halatang sobrang saya nito sa nabasa. “This one is another official document.”
“Ano’ng nakalagay?”
“The board voted who would be the president and CEO of the Anderson-Monteverde Hotel, Inc.”
Napasinghap si Agatha. “Ikaw?”
Kumislap ang mga mata ni Reeve. “Oo. Sabi dito sa dokumento.”
“Wow! That’s a double congratulations to you!” Niyakap niya si Reeve at hinalikan sa pisngi. “Best wedding gift?”
“Uh-huh,” natutuwang sagot nito.
Alam ni Agatha na iyon ang pinakahihintay ni Reeve. Nababasa niya sa mga interview sa binata dati sa mga business magazine na gusto nitong maging CEO ng isang napakalaking kompanya. Natupad na iyon ngayon. He would be leading the Anderson-Monteverde Hotels. He deserved to be where he was now because he did everything to earn his current position. Even to the extent of marrying her just to secure the merger of her family’s business and his.
Nalungkot na naman si Agatha sa katotohanang iyon. Kahit na ilang beses na niyang sinabi sa sarili ang totoong dahilan ng pagpapakasal nila, nakakalungkot pa rin.
Don’t forget the lust.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kongkretong plano kung paano paiibigin ang kanyang asawa. First day pa lang yata ay susuko na siya. Alam niya at nakikita niyang trabaho lang ang makapagpapasaya kay Reeve.
Bakit ba kasi sumusuko ako agad? Baka mag-iba ang ihip ng hangin. Reeve will learn to love me. Darating din ang panahong iyon. One step at a time.
“Agatha?”
Napatingin siya kay Reeve. “Yes?”
“What are you thinking? Mukhang malalim.”
“W-wala lang. Iniisip ko lang kung nagregalo ba si Trisha. Kuripot `yon, eh,” palusot niya.
“I saw her gift. Nandoon sa gilid ng TV.”
Tumayo siya at pumunta sa tabi ng TV. Nandoon nga ang regalo sa kanya ng best friend niya. Totoong kuripot si Trisha kahit pa sobrang yaman ng pamilya nito. Ano kaya ang regalo nito sa kanya?
Masyado siyang na-excite kaya doon na mismo niya binuksan ang regalo. Napatili siya nang mabuksan iyon. Namula pa yata hindi lang ang mukha niya kundi pati ang buong katawan dahil sa nakita.
“What’s wrong, Agatha?” Naramdaman niya ang paglapit ni Reeve.
“H-huh? W-wala!” Mabilis siyang humarap dito. “Halika, magbukas na tayo ng ibang gifts.”
“Ano ba’ng laman ng regalo sa `yo ng kaibigan mo?”
Hinarangan niya ang regalo. “Nothing much. Sabi ko sa `yo, kuripot `yon, eh.”
“Let me see.”
Hindi nito puwedeng makita ang regalo ng napaka-“bait” niyang kaibigan. Lagot talaga sa kanya si Trisha sa susunod na magkita sila.
“Eh, ano lang `to… ano…” Ano ba ang idadahilan niya?
“Come on, let me see.”
“Tea set lang. Napatili lang ako kasi… kasi… collection niya `to. `Tapos iniregalo niya.”
“Why are you blushing then?”
Hinawakan ni Agatha ang pisngi. “Overwhelmed?” palusot pa niya.
Reeve looked at her suspiciously, then just shrugged. “Okay. Ano pa’ng bubuksan natin?”
Lalayo na sana si Agatha sa kahon pero aksidenteng natabig niya iyon dahil sa mabilis na paglayo. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng kahon at nagkalat pa ang mga laman niyon!
Napatingin doon si Reeve. At nakita niyang gulat na gulat ito sa nakita. Napapikit siya at tinakpan na lang ng dalawang kamay ang mukha.
PAGKATAPOS kumain ng hapunan ay magkatulong na iniligpit nina Agatha at Reeve ang mga pinagkainan. Buong maghapon silang nasa loob lang ng pad ni Reeve at nagbukas ng mga regalo. Inabot na sila ng gabi pero wala pa rin yata sa kalahati ang nabubuksan nila. Nagdesisyon na lang sila ni Reeve na buksan pa ang mga natitirang regalo kapag nakalipat na sila sa totoong bahay nila.
Mabilis na natapos si Agatha sa paghuhugas ng mga pinagkainan habang si Reeve naman ay natapos na rin sa pag-aayos ng mga regalo sa sala. Paglabas niya ng dining room ay mas maluwag na ang sala. Naitabi na sa isang gilid ang mga regalong hindi pa nabubuksan habang nasa isa pang gilid at maayos na nakasalansan ang mga nabuksan na.
Pero wala sa sala ang kanyang asawa.
Mayamaya ay nakita na niya si Reeve. Galing ito ng kuwarto nila. “Inilagay ko na sa loob `yong tatlong kahon na nakapangalan sa `yo.”
“Thank you.” Napansin ni Agatha na tagaktak ang pawis ni Reeve kahit pa centralized ang aircon sa buong unit. Lumapit siya sa asawa at pinahid ang pawis sa noo at leeg nito gamit ang kanyang kamay. “Kailangan mong magpalit ng damit. Pawis na pawis ka na, o. Baka matuyuan ka ng pawis.”
Hinuli ni Reeve ang mga kamay niya at inilagay ang mga iyon sa laylayan ng sando nito. “Take it off then.”
When he said that, Agatha felt again that certain heat just below her belly. Yumuko siya at dahan-dahang hinubad ang suot na sando ng asawa. Itinupi niya iyon at pumunta siya sa likuran ni Reeve para mapunasan ang likod nito. All the while, hindi ito kumikibo at nakatayo lang. Mayamaya ay pumunta naman siya sa harap ng asawa para punasan ang leeg, balikat at dibdib nito.
Alam ni Agatha, nararamdaman na naman niya ang tensiyon sa pagitan nila ni Reeve. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Hinapit siya ni Reeve sa baywang. Napatingala siya sa asawa at agad na sumalubong sa kanya ang mga labi nito. He kissed her passionately.
Nabitawan ni Agatha ang hawak at agad na napayakap kay Reeve. His tongue started to invade her mouth and taste every corner of it. Her tongue mimicked what he was doing. They started to moan. Mas hinapit pa siya ni Reeve at mas naramdaman niya ang reaksiyon ng katawan nito.
He carried her in his arms while their lips were still locked to each other. Mayamaya pa ay naramdaman ni Agatha ang pagsayad ng kanyang likod sa malambot na higaan. Nasa ibabaw na niya si Reeve.
“Reeve…” she whispered when their lips parted.
Nagkatitigan sila. He slowly reached for the hem of her dress. Itinaas nito iyon para mahubad sa kanya. Nang mawala ang bestida ay mabilis din nitong nakalas ang clasp ng kanyang bra.
“You’re wonderful, sweetheart,” he said huskily. He trailed kisses from her cheek down to her neck and breasts.
She groaned when he started to suck one nipple while his other hand stroke the other. She felt a hot liquid flowing below her belly. The next thing she knew, Reeve was all naked. Naririnig din niya ang hindi na pantay na paghinga nito.
Reeve started devouring her lips again. Ipinulupot ni Agatha ang mga braso sa leeg ng asawa at nakipagsabayan siya ng halik. Kung saan-saan na ring parte ng katawan niya dumadapo ang mga kamay nito.
Ibibigay uli niya ang sarili kay Reeve. Well, that was her duty as his wife…
And so, their bodies united once more.
Hingal na hingal sila pareho pagkatapos.
Pero sa isang iglap ay nagkapalit sila ng puwesto. Siya na ang nasa ibabaw ni Reeve. Magkalapat ang kanyang mga dibdib at ang malapad din nitong dibdib. Nakita niyang nakapikit ito habang hinihintay na maging normal ang paghinga. Gamit ang kamay, pinunasan niya ang pawis sa noo, mukha at leeg nito.
Nagmulat ng mga mata si Reeve.
Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay nginitian niya ito.
“What are you doing?” tanong nito.
“Pinupunasan ang pawis mo.”
“Why are you doing that?”
“Baka kasi magkasakit ka.” Kinintalan pa niya ng halik ang matangos nitong ilong. Nakatingin pa rin ito sa kanya nang may pagtataka sa mga mata.
“Why?” tanong niya.
Umiling lang si Reeve. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha.
Agatha smiled sweetly at her husband. Pagkatapos ay isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at hinayaang tangayin siya ng antok.
ILANG oras na ang lumipas mula nang makatulog si Agatha sa ibabaw ni Reeve. Nararamdaman niya ang mainit na paghinga ni Agatha sa kanyang leeg. Magkalapat ang kanilang mga hubad na katawan. He was turned on and badly wanted to be inside her again.
Pero ayaw niyang gisingin ang asawa mula sa payapang pagtulog. Yakap ng isang braso niya ang baywang ni Agatha habang ang isa naman ay hinahaplos-haplos ang mahaba nitong buhok.
The first day of marriage wasn’t that bad in their case. Eksakto pang may kakaibang tensiyon na talagang namumuo sa kanilang dalawa sa simula pa lang. Another thing, he knew Agatha was such a sweet lady. Pero hindi niya akalaing magiging ganoon ito kalambing sa kanya.
Nahalata naman niya sa asawa na may gusto ito sa kanya. But he already warned her about his stand on falling in love. Still, she treated him so lovingly.
Tumigil ang kamay niya sa paghaplos sa buhok ni Agatha. Maingat niyang inalis ito sa ibabaw niya at inihiga sa tabi niya. Bumangon siya at kinumutan ito. Mabuti at hindi ito nagising.
Tinitigan niya si Agatha. Every man would want Agatha to be his wife. Beautiful. Sweet. A natural lover in bed. Subukan kaya niyang mahalin ito?
Then a certain memory from the past flashed in his mind. Sandali siyang napapikit at inalis ang tingin kay Agatha. Tumayo siya at nagpunta sa banyo.
Hindi. Hindi niya kayang mahalin si Agatha. Ayaw niyang magmahal uli. Baka maulit lang ang sakit at pait na idinulot sa kanya ng pag-ibig noon.