H ALOS hatinggabi na nang makauwi si Reeve. Matagal na natapos ang late-night meeting niya kasama ang bagong board members ng Anderson-Monteverde Hotel. Sagad ang pagkapagod na nararamdaman niya pero maganda naman ang naging resulta. Nagtagumpay siyang makuha ang tiwala ng board members. The first week of being the CEO and president of a very large company was hell but such a thrill to him.
Pagpasok sa bahay ay nagulat siya nang makita si Agatha na mahimbing na natutulog sa mahabang sofa sa sala.
Dahan-dahan siyang lumapit at lumuhod nang nasa harap na siya ng asawa. Tinitigan niya si Agatha at marahang ipinanghaplos ang likod ng kamay sa pisngi nito. Tinititigan pa lang niya ang kagandahan ng asawa ay hindi niya mapigilang maalala ang malalambing na ngiti, mga yakap, mga halik at mga haplos nito. Nakakatuwa ang pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya mula sa paghahanda ng almusal niya at pag-asikaso ng damit na isusuot niya. Hindi rin niya maitatanggi ang pagkaaliw tuwing aakitin siya ni Agatha sa kama at mabilis silang magtatalik bago siya pumasok sa trabaho.
Hindi niya napigilang mapangiti nang maalala ang hitsura ng asawa tuwing inuungol nito ang pangalan niya. He bent his head and lightly kissed Agatha’s luscious lips.
Parang naramdaman ng asawa ang halik niya dahil nagmulat ito ng mga mata.
“Hey…” inaantok pang bati nito. Namumungay pa ang mga mata.
“Bakit dito ka natulog, sweetheart?” bulong niya at hindi napigilang haplusin ang mahaba nitong buhok. Gusto niya tuwing nakikitang magulo at nakasabog iyon sa ibabaw ng unan habang nasa kaibuturan siya ng asawa at mabilis na kumikilos sa ibabaw nito.
Damn! Ipagpapalit niya ang lahat maiparanas lang kay Agatha ang iba’t ibang klase ng sarap na hatid ng pakikipagtalik. Siya ang una nitong lover at gusto niyang siya lang ang paulit-ulit na aangkin dito hanggang sa pinakahuli.
Si Reeve lang...
Too possessive, dang it! Falling in love, asshole?
Hindi niya nagustuhan ang naisip.
“Hinihintay kasi kita. Kumain ka na ba?” Inabot ni Agatha ang kaliwa niyang pisngi.
Tumango siya at hinawakan ang kamay nito na nasa pisngi niya. “Yes. Come on, let’s go upstairs,” yaya niya pagkatapos halikan ang kamay nito.
Ngumiti si Agatha at itinaas ang mga braso. “Carry me?” paglalambing nito.
Paano niya tatanggihan ang asawa? Agad niya itong binuhat. Yumakap si Agatha sa leeg niya at idinantay ang ulo sa dibdib niya.
“Reeve?”
“Hmm?”
“I’m glad you came home safe.”
Sandali siyang natigil sa pag-akyat at napatitig sa asawa na nakapikit na uli.
Parang may kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Napangiti na lang uli siya at ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan.
Hinalikan niya si Agatha sa noo pagkatapos itong maihiga nang maayos sa kama.
Ito ang unang beses na na-realize niyang masarap palang umuwi sa bahay nila. Dahil laging may maghihintay sa kanyang ligtas na pag-uwi. Laging may mag-aalala at maghihintay sa kanya. And that was no other than his sweet wife, Agatha.
NAGTAGUMPAY si Agatha na mapasama si Reeve na magsimba nang Linggong iyon. Pagkatapos magsimba ay nananghalian sila sa isang restaurant malapit sa simbahan.
Nagkukuwento siya nang mapansing wala na sa kanya ang atensiyon ng asawa.
“Reeve?” pukaw niya.
“Of all places…” he mumbled.
“Huh?”
Nagtagis ang mga bagang nito at ibinalik ang tingin sa kanya. “Umalis na lang tayo rito,” matigas nitong sabi habang nakakuyom ang mga kamay.
“Huh? Why? Naka-order na tayo…” Takang-taka si Agatha.
“Let’s cancel it. Umalis na tayo,” pinal na sabi ni Reeve bago tumayo at mabilis na naglakad palabas ng restaurant.
“Reeve…” tawag pa niya pero hindi na talaga ito lumingon.
Nagtataka si Agatha sa inasal ng asawa. Pero nang luminga siya at makita kung sino ang nasa table na may-kalayuan sa kanila, napabuntong-hininga na lang siya. Tumayo na rin siya at ipina-cancel ang order nila.
Paglabas ng restaurant ay pumunta agad siya sa kotse kung saan nakasakay na si Reeve. “You know what? You need to talk to her sooner or later,” sabi niya pagkasakay sa kotse.
Blangko ang ekspresyon sa mukha ni Reeve. “Why do I have to?”
“Reeve, she’s your mother,” maingat niyang sabi. “You have to listen to her if she wants to talk with you. May dahilan naman siguro kaya bumabalik ang mama mo.”
Umiling si Reeve at ngumisi nang nang-uuyam. “Listen? To her?” He started to drive away from the restaurant. “Sana nakinig siya sa `kin noon para may dahilan ako para makinig sa kanya ngayon,” bulong nito pero narinig niya pa rin.
“Dapat ba lagi kapag hindi nabigyan, hindi na rin magbibigay? Kapag hindi pinansin, hindi na lang din mamamansin? Bakit kailangang kung ano’ng ginawa ng isa, iyon din ang gagawin ng isa?” hindi na napigilang sabi niya. “May tawag diyan, eh. Pride.”
“Pride?” ulit ni Reeve habang ang mga mata ay nakatutok lang sa pagmamaneho. “I believe I have every right to have one! Lalo na kung tinapak-tapakan iyon noon,” biglang pagtataas nito ng boses.
“Pero hindi ibig sabihin n’on na kailangang sobrang taas na ng pride mo ngayon,” kalmadong sabi pa ni Agatha.
“You’re just saying that because you didn’t experience the things I’ve been through.”
Naramdaman ni Agatha ang mas mabilis na takbo ng kotse.
“No, Reeve. Naranasan ko man o hindi ang naranasan mo noon, you should still know the essence of forgiveness.”
“Forgiveness? Bakit ko ibibigay `yon sa taong mula pagkabata ko ay hindi naman yata ako minahal bilang anak? I tried so hard to impress her. Lagi kong sinisigurado na nasa top ako ng klase. Nag-aaral ako nang mabuti para maging proud siya sa `kin. I always make sure to be perfect in everything,” pagkukuwento nito habang nakatiim-bagang. “Tanggap ko naman na mas mabait siya sa mga batang tinutulungan niya. Sa charity works niya. Doon na napunta ang oras niya nang magbinata ako. It’s all right for me. Pero ang iwan kami ni Papa? Para sa ibang lalaki? That would never be fine with me.”
“Reeve, we’re going too fast. Please, slow down…” paalala niya.
Naging mabagal naman ang takbo ng kotse mayamaya. Napabuga si Agatha ng hangin at napatingin na lang sa labas ng bintana.
“Hanggang kailan mo tatakbuhan ang nakaraan?” tanong niya. “You can’t keep running away from them tuwing nakikita mo sila—ang mama mo, si Prince, si Lana… Somehow, sometime, you need to face them all and leave the past behind you. Gusto mo bang hayaan lang na naka-hang ang mga issue? Won’t you ever make a way to forgive them? Because the last time I checked, they were all trying to talk to you. Sila na ang lumalapit sa `yo.”
Biglang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Napatingin siya kay Reeve na sobrang higpit na ang pagkakahawak sa manibela habang nakatingin nang matalim sa harap.
“Sa tingin mo, hindi ko sinubukan? I tried. Many times. Believe me, I d-did.” Nabasag ang boses nito. “But when I saw them all again, parang walang labindalawang taon na dumaan. It feels like only yesterday when they all chose to hurt me. Madaling sabihing kalimutan ko na lang ang lahat. Akala ko rin madali…” Tumingin si Reeve sa kanya at nakita niya ang sakit sa mga mata nito. “But how can you just forget the things that made you feel unworthy?”
Damang-dama na naman ni Agatha ang sakit at bigat sa puso ni Reeve. Inabot niya ang kamay ng asawa at marahan iyong pinisil.
“You don’t need to forget, Reeve. You just have to accept the things that happened. If you feel that you’re worthless, well, you’re worthy to me.” Napatingin ito sa kanya. She managed to give him an assuring smile. “I’m not just your wife, I’ll be your friend. I’ll be here for you.”
Tiningnan siya ni Reeve na para bang hindi makapaniwala na may isang taong katulad niya na magtitiyaga rito. Sumunod ay kinabig siya nito payakap. Gumanti siya ng yakap. Mahigpit. Hinalikan pa niya ito sa leeg.
“Tell me when you’re ready to hear them out… especially your mother,” bulong niya.
“Not now.”
“How about… Lana and Prince?” subok pa niya.
Tumingin si Reeve sa kanya nang matagal bago nagkibit-balikat. “Maybe sooner.”
She smiled widely. That was all what she needed to hear.
“SO, KUMUSTA na kayo ni Reeve?” tanong ni Trisha.
Napangiti si Agatha nang maalala ang asawa. Mahigit isang buwan na mula nang mag-open up sa kanya si Reeve nang nasa kotse sila. “We’re building a friendship. Every Saturday night and the whole Sunday lang kami nakakapag-bonding, pero alam mo naman that we share phone calls every lunch break. Mas open na siya sa akin sa mga bagay tungkol sa buhay niya at sa nakaraan. We’re doing very well.”
“Pa-friendship-friendship pa kayong dalawa. Mag-asawa na nga kayo, eh.”
Natawa siya. “Of course that’s needed. Our marriage will work out if we will not be just partners but friends, too. Ibig sabihin din n’on, nagtitiwala na uli si Reeve. Nagtitiwala siya sa akin. Mas maganda naman `yon, `di ba?”
“Well, may point ka diyan. You’re on a mission nga pala for the love of your life.”
Napangiti si Agatha at iniba na ang topic ng usapan. “Trish, napapansin ko na lagi na lang ang marriage namin ni Reeve ang pinagkukuwentuhan natin. Nakakalimutan kong kumustahin ka.”
“Kumustahin? Eh, nagkikita naman tayo araw-araw.”
“No. You know exactly what I’m talking about,” sabi niya. Sinalubong niya ang mga mata ng kaibigan. “After more than four years, can we talk about again the guy who broke your… heart?”
Nag-make-face si Trisha. “Agatha, ikinuwento ko naman na sa `yo years ago ang nangyari sa European cruise ko, `di ba? Tapos na `yon. Past na.”
More than four years ago, after they graduated from their first course, niregaluhan si Trisha ng parents nito ng all-expense paid European cruise. Si Trisha lang mag-isa ang nag-cruise para ma-practice daw nito ang pagiging independent. Isang buong buwan itong nasa Europe dahil kasama iyon sa package ng cruise.
Pumunta si Trisha sa Europe nang masayang-masaya. Pero nang magbalik sa Pilipinas ay sobrang lungkot nito at parang namatayan. The reason was that Trisha fell in love with a guy she met at the cruise. Pilipino rin daw ang lalaki kaya agad na nagkasundo ito at si Trisha. Magkasama ang dalawa sa paglilibot sa buong Europe. Trisha knew that they were in love with each other. Pero bigla na lang nawala ang lalaki pagkatapos na may mangyari dito at sa kaibigan niya.
Trisha wouldn’t tell her the name of the guy. Hindi na raw niya kailangang malaman at kakalimutan na lang din daw nito ang nangyari. But since then, Trisha was never the same. Lagi niyang mapapansin ang lungkot sa mga mata nito. Even if she was happy, Agatha knew that her friend would be happier if the guy didn’t break Trisha’s heart. Mula rin nang mangyari iyon ay hindi na nagka-boyfriend uli ang kaibigan niya.
Tinitigan niya si Trisha. “Hindi ka pa nakaka-move on, right?”
Tumaas ang kilay nito. “Ako, hindi pa nakaka-move on? Oh come on, Agatha! Ang tagal na n’on. Siyempre, okay na `ko. Mas bata pa `ko noon kaya mukha akong suicidal nang mangyari `yon. But believe me, naka-move on na talaga ako,” tuloy-tuloy na sabi nito. Tumingin ito sa suot na wristwatch. “Oh, my! Wala na pala tayong next class, ano? Uuwi na `ko.” Dinampot nito ang bag at tumayo. “Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?”
Agatha chuckled. Naka-move on na raw pero tinatakasan nito ang mga tanong niya. “Bakit ba kasi ayaw mong sabihin ang pangalan n’ong guy sa `kin? Malay mo, may pag-asa pang makita natin siya.”
Nag-iwas ng tingin si Trisha, saka nag-pout. “Stop it, Agatha. Wala na ring saysay kung sabihin ko pa sa `yo ang pangalan niya. Wala na `yon.”
May sasabihin pa sana siya pero nagsalita na uli si Trisha. “So, hindi ka pa ba uuwi?”
Umiling siya. “Pupunta pa `ko sa library mamaya.”
Tumango ito. “Okay then. Una na `ko, ha? Seriously, may gagawin kasi talaga ako. Magkita na lang tayo bukas ng gabi sa event ng Big Hopes, okay?”
Agatha smiled. “Yes. Reeve and I will be there.”
Nagbeso silang magkaibigan bago umalis si Trisha.
Habang pinapanood ang papalayong kaibigan, lihim na ipinagdasal ni Agatha na sana ay totoong naka-move on na ito. Na sana tuluyan na nga nitong makalimutan ang unang lalaking minahal. O kaya naman ay bumalik na lang ang lalaking iyon kung ito ang tunay na makakapagpasaya sa kaibigan niya.
“Hello, Agatha!”
Napalingon si Agatha nang marinig ang kanyang pangalan. Napangiti siya nang makita ang tumawag sa kanya. “Hello, Sir.”
Tumawa si Johann. “Wala tayo sa klase kaya puwede nang ‘Johann’ ang itawag mo sa `kin. Ikaw naman, parang hindi tayo close.”
Dahil isang buwan na rin niyang math professor si Johann, hindi maiiwasang lagi silang nagkikita. Kapag may hindi rin siya maintindihan sa lesson ay sinasadya nila ni Trisha si Johann sa faculty para malinawagan sa lessons. Johann was too nice to help them. Magaling itong magturo. Hindi boring ang klase dahil napakakuwela nitong teacher.
“Mag-isa ka lang?” tanong ni Johann.
“Kaaalis lang ni Trisha. `Nga pala, kumusta na si Xan?” pangungumusta niya sa best friend nito.
“`Ayun, naikuwento ko naman na sa `yo last time na okay na sila ng boyfriend niyang si Bobby. Kaya may sarili na naman siyang mundo. Nagte-text ba siya sa `yo?”
“Oo. Nangungumusta. Saka tinatanong niya kung kailan ko daw ipapakilala si Reeve sa kanya. Pero masyado yata siyang busy kaya pag-uusapan na lang uli namin.”
“Kapag okay sila ng boyfriend niya, talagang laging busy `yon. Hindi mo `yon mahahagilap. Pero kapag single, makikita mo siya lagi. Anytime, anywhere!” with hand gestures na sabi pa ni Johann.
Nakangiting napailing na lang si Agatha. “Ikaw? Are you dating someone right now?”
“Ngayon? Kasama kita ngayon. Considered date na ba `to?” patawang sabi nito. “Ay, wait.” Luminga-linga ito. “Joke lang `yon, ha. Baka biglang lumitaw ang asawa mo, `tapos bigla akong barilin.”
Natawa siya. “Ikaw talaga.”
Tumawa rin si Johann. “Naaalala mo ba `yong sa Cebu? `Yong tinulungan kita sa pulikat mo? Ang talim ng tingin ng asawa mo sa `kin, eh. Kung nakamamatay ang tingin, bumulagta na `ko ro’n.”
Tumango si Agatha. “Don’t mind Reeve. Feeling niya kasi, you were taking advantage of me.”
“Naintindihan ko naman. Sa sobrang ganda mong `yan, talagang magiging protective ang asawa mo. Kung asawa kita, baka nga nasapak ko na agad, eh.”
“Sasapakin mo agad? Won’t you even hear out the other man’s side?”
“Sa mga lalaking nagseselos, wala nang pali-paliwanag. `Buti na lang hindi ako seloso.”
Napangiti siya. “You mean, nagseselos si Reeve?”
Tumingin si Johann sa kanya. “Hindi mo halata? Siyempre naman. Hula ko, no’ng nalaman niyang ako ang math prof mo, na-bad trip `yon.”
Napangiti si Agatha nang maalala kung paano tumatahimik si Reeve at mas sumusuplado kapag nababanggit niya ang pangalan ni Johann. “Sabi niya, hindi naman daw siya nagseselos.”
“Sino’ng lalaki ang aamin na nagseselos siya?” Luminga si Johann. “Gusto mo n’on?” tanong nito, sabay turo sa cart ng dirty ice cream.
“Sure. Libre mo?”
“No prob! Ano’ng gusto mo? Sa cup o sa cone?”
“Sa sugar cone,” nakangiting sagot niya.
Tumango si Johann, saka lumapit sa nagtitinda ng dirty ice cream. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagbalik ito dala-dala ang ice cream nila. Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang sa maubos ang ice cream. Inihatid pa siya ni Johann sa library bago ito umalis.
Hindi nagiging uncomfortable si Agatha kapag kasama at kausap si Johann. Coincidently, they shared the same faith. Pareho silang Christian kaya mas marami silang napag-uusapan.
Ang gaan-gaan ng loob niya kay Johann.