noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter (30)

Ch. 31 / 32 Feb 05, 2022

Chapter (30)

CHAPTER THIRTY

P

INAKATITIGAN ni Agatha ang sarili sa salamin. Ilang oras na lang at susunduin na siya ni Reeve para sa inaabangan niyang dinner date nila.

She wore a long, white off the shoulder dress. May mga nakaburdang baby blue pearl beads pa sa bestida. Kumikinang ang mga beads tuwing natatamaan ng ilaw.

Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok na nilagyan niya ng headband na may baby blue pearl beads din na design. Naglagay siya ng manipis na makeup at nagsuot ng gintong kuwintas na puso ang pendant. Iyon ang kuwintas na regalo—o mas tama sigurong sabihin na ibinalik—sa kanya ni Johann noong birthday niya.

Simple lang pero elegante ang outfit niya. Tamang-tama lang siguro iyon para sa pupuntahan nila ni Reeve.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Dumating na si Reeve. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng kuwarto.

“Happy birthday!” nakangiting bati niya sa asawa.

Napahinto si Reeve sa kinatatayuan at hinagod siya ng tingin.

“Wow!” humahangang sabi nito. “You look stunning, sweetheart. Just perfect.”

Agatha chuckled, then smiled sweetly at her husband. Lumapit siya kay Reeve at hinalikan ito sa pisngi.

“Let’s go?” yaya na ni Reeve. “Baka kapag mas nagtagal tayo dito sa loob ng kuwarto, hindi na natin mahabol ang reservation sa restaurant,” he said naughtily.

“Mabuti pa nga,” natatawang sabi ni Agatha. Kumapit siya sa braso ni Reeve at lumabas na sila ng kuwarto.

Malayo pala ang restaurant na pupuntahan nila. Mag-iisang oras silang bumiyahe bago nakarating sa isang garden restaurant na “Sparkles” ang pangalan.

Sa labas pa lang ng Sparkles ay napaka-romantic na ng ambiance dahil nasa tuktok iyon ng isang burol at open- air pa ang restaurant. Tamang-tama lang ang malamig at sariwang hangin at hindi na kailangan ng aircon. Mga yellow lights ang nagbibigay-liwanag sa lugar.

Pagpasok sa restaurant ay sinalubong sila ng isang waiter at dinala sa mesa na ipinareserba ni Reeve. Ipinaghila siya nito ng upuan bago umupo sa tapat niya.

Lumapit sa kanila ang ma

î

tre d’ at binigyan sila ng wine at menu. Habang pumipili ng kakainin ay tumunog ang cell phone ni Reeve. Habang nasa biyahe sila ay maya’t mayang tumutunog ang cell phone nito.

“Excuse me, sweetheart. I just need to answer this.”

Ngumiti si Agatha at tumango. “I’ll just order for us.”

“All right,” nakangiti ring sabi ni Reeve bago tumayo at lumabas ng restaurant.

Nang o-order na sana si Agatha ay nilapitan siya ng isang waiter.

“Excuse me, Madam. Nagkamali po pala kami ng naibigay na table sa inyo. Sa may garden po pala dapat kayo. Can I escort you to your table, Madam? Dumating na po kasi ang nagpa-reserve ng table na ito.”

“Oh. No worries,” sabi niya at saka tumayo. “Pakisabihan na lang ang asawa ko.”

“Yes, Madam. We will inform Mr. Monteverde when he gets back. This way please...” Iginiya siya ng waiter papunta sa isang heavily tinted sliding glass door. “Dito po ang palabas ng garden, Madam.”

Binuksan ng waiter ang pinto at agad na lumabas si Agatha. Napakadilim pala roon. Pero magsasabi pa lang siya sa waiter ay isinara na nito ang sliding door! Lalong dumilim ang paligid at wala siyang makita na kahit ano.

Nagpasya siyang bumalik sa loob ng restaurant. Pero nang subukan niyang buksan ang pinto ay hindi iyon mabuksan. Naka-lock na iyon! Kakatok sana siya pero naudlot iyon nang makarinig siya ng tugtog na nagmumula sa isang piano.

Intro iyon ng isang kanta. Kanta na kinanta sa kanya ni Reeve noong birthday niya at nang magkasakit siya.

Oohh… For the way you changed my plans. For being the perfect distraction. For the way you took the idea that I have of everything that I wanted to have. And made me see there was something missing, oh yeah…

” pagkanta ng isang pamilyar na boses. Hindi iyon si Reeve pero narinig na niya ang boses na iyon. Hindi nga lang niya matandaan kung kanino.

Sa pagpapatuloy ng kumakanta ay napadako ang tingin ni Agatha sa isang bahagi na may projector. Sa white screen ay nagpa-flash ang mga larawan nila ni Reeve!

For the ending of my first begin.

And for the rare and unexpected friend.

For the way you’re something that I’d never choose but at the same time, something I don’t wanna lose. And never wanna be without ever again…

Sa parteng iyon ng kanta ay may lumiwanag na naman sa kabilang bahagi. Agatha’s eyes widened with surprise when she saw Trisha playing the piano and Prince singing the song!

You’re the best thing I never knew I needed. So when you were here I had no idea. You’re the best thing I never knew I needed…

Sa pagsisimula ng chorus ng kanta ay unti-unti nang nagliwanag ang buong paligid na nagmumula sa maliliit na dilaw na bombilya na nakasabit sa mga puno.

Napasinghap si Agatha nang mapansing nakatayo pala siya sa dulo ng isang aisle. Ang mga pinsan niyang lalaki, ang Kuya Johann niya, si Xan at si Lana ay nasa kaliwang gilid ng aisle. Ang mga kamag-anak naman ni Reeve ay nasa kabilang bahagi. Ang lahat ay nakangiti habang nakatingin sa kanya.

So now it’s so clear, I need you here always…

Sa kabilang dulo ng aisle ay may isang maliit na gazebo.Nakatayo roon si Reeve. He was not wearing his black tuxedo anymore. He wore a pure white tux with a dark blue necktie. He looked dashingly handsome standing there with a gorgeous smile on his face while looking at her.

My accidental happily ever after. The way you smile and how you comfort me with your laughter…

Agatha could not help but shed a tear and smile at the same time. Hindi niya inaasahan ang kasalukuyang nangyayari. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya pero masayang-masaya rin.

Nagulat siya nang mula sa magkabilang gilid niya ay lumabas ang daddy at mommy niya. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

“Mommy…”

Lumapit ito sa kanya habang bitbit ang isang manipis na veil. Nakangiting ikinabit nito iyon sa kanyang buhok at ipinantabing sa kanyang mukha.

“Smile, hija,” sabi ng mommy niya, pagkatapos ay inabutan siya ng bouquet at saka umalis na.

Masuyo namang pinisil ng daddy niya ang kanyang kamay at pinakapit iyon sa braso nito. Then they walked down the aisle like what they did on her first wedding.

Wedding! She was having a “wedding” again! Hindi makapaniwala si Agatha. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. She never knew that Reeve would be doing this. Kinasabwat ba nito ang lahat para lang maihanda ang kasalang iyon?

Habang papalapit nang papalapit kay Reeve, alam ni Agatha na ibang-iba ang kasal na iyon kaysa sa nauna nilang kasal. This time, it was more intimate and filled with love.

Nang nasa harap na sila ni Reeve sa gazebo ay nakipagkamay ito sa daddy niya. Then her father gently gave her hand to Reeve. Her groom escorted her to the center of the gazebo.

You’re the best thing I never knew I needed. So when you were here I had no idea…

Sandaling huminto si Prince sa pagkanta at humina ang tugtog ng piano.

“Nagtataka ka siguro ngayon kung bakit may ganito,” panimula ni Reeve.

Tumango si Agatha at pilit na pinigilan sa pagtulo ang nagbabantang luha.

Reeve held her hands firmly in his. “I wanted my birthday to be special. Not for me but for the person I want to make happy. Naisip kong i-replay ang kasal natin noon. Gusto kong ulitin at baguhin ang vows ko. Gusto kong kapag isinuot ko uli sa `yo ang wedding ring natin, hindi mo na huhubarin iyon kapag nagalit ka sa `kin.”

Bahagyang natawa si Agatha. “Reeve…”

“Sabi nga sa kanta, you’re the best thing I never knew I needed. Before I met you, I had no plans of loving again. I just can’t let go of what happened in the past and how it hurt me. But when you came, nagulo ang sistema ko. Nawala ang focus ko. I thought I married you because of business and the… you know.

“Well, since then, what we had turned into something I never expected I would feel again. I knew you were a sweet lady but I never thought of how truly wonderful you are,” pagpapatuloy ni Reeve. “Agatha, you were there by my side when I thought no one else would. The way you smile brought back sunshine to my life. Hearing your laughter makes me feel at ease. The sound of your voice soothes and assures me that everything will be all right. Your tender hugs, your loving kisses and your gentle touch make me realize that I am loved. The mere sight of you, sweetheart, your breathtaking beauty, makes my heart beat so fast. I want to ask God what I did good to deserve you.”

Napahikbi na si Agatha.

May dinukot si Reeve mula sa bulsa ng pantalon.

Ang wedding ring niya.

“Agatha Celina Anderson-Monteverde, wear this ring as a sign of my love.” Reeve gently slipped the ring on her right ring finger. “Pagmamahal na hanggang sa huli ay iyong-iyo lang. Like what I promised, I’ll take care of you even more. I may not be the perfect husband but I’ll be the most supportive and loving partner and friend. I’ll take care of you and our future family. God will be the center of our marriage and family. I love you so much, sweetheart,” he emotionally declared. Dinala ni Reeve ang kanyang kamay sa mga labi nito at nakita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito.

Sa kabila ng mga luha ay napangiti si Agatha. Nag-uumapaw sa tuwa at saya ang kanyang puso sa lahat ng sinabi ng asawa. She never thought this day would come when she first met Reeve… noong nasa grade five lang siya at aksidenteng natamaan siya nito ng soccer ball.

Ikinulong niya sa mga kamay ang mukha ni Reeve at maingat na tinuyo ang mga luha nito. “I would like to thank your soccer ball when you were still in high school.”

Kumunot ang noo nito. “Huh?”

“Naalala mo ba no’ng nasa high school ka sa Saved By Grace Academy, natamaan mo ng soccer ball `yong isang batang babae?”

Lalong kumunot ang noo ni Reeve pero mayamaya ay parang may naalala ito. “Oo, naaalala ko na. I was in my senior year at the time.” Namilog ang mga mata nito nang may ma-realize. “You were that little girl?”

Ngumiti si Agatha. “Maybe?”

“Oh, that’s fate!”

Agatha chuckled and wiped her own tears. “You see, even the tiniest thing or action can have a great impact on someone’s life. Kung hindi mo `ko natamaan ng soccer ball, hindi kita magiging crush mula pa no’ng bata ako.”

Reeve’s eyes widened. “What? Mula bata ka pa?”

Nagkibit-balikat si Agatha. “I guess it’s really meant to be.”

Pumungay ang mga mata ni Reeve at naging mas masuyo at mas mapagmahal ang titig. “Indeed, it is.” Itinaas nito ang veil na tumatabing sa kanyang mukha at pinagsaluhan nila ang pinagpalang halik ng pag-ibig.

“I love you, Reeve,” madamdaming bulong ni Agatha.

“I love you more, Agatha,” he replied softly. “I hope I made you happy today.”

“Are you kidding? I’m more, more, more than happy than you could ever imagine. Thank you, Reeve. It’s your day today kaya dapat ikaw ang pinakamasaya sa lahat.”

“Seeing you so happy makes me more than happy.”

Napangiti siya. “I have a gift for you.”

“What?”

“Kaso, after eight months ko pa maibibigay sa `yo,” nakangiting sabi niya.

Kumunot ang noo ni Reeve, mayamaya ay nanlaki ang mga mata. “A-are you s-saying…”

“I’m four weeks pregnant.”

“I-I’m going to be a father?” parang hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Reeve.

Nginitian niya ito nang matamis. “Happy birthday, Daddy!”

Unti-unting gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ni Reeve. Humarap ito sa mga tao.

“I’m going to be a father!” masayang sigaw nito.

The crowd cheered and sang a happy birthday song to him.

Muli siyang niyakap ni Reeve at pinaulanan ng mumunting halik ang kanyang buong mukha. “Thank you, sweetheart. Thank you!” tuwang-tuwang pasasalamat nito “That’s the greatest gift I could ever receive.”

“Thank the Lord, Reeve. He made everything perfect in His time for the both of us.”

Tumango ito. “Thank You, God. For my wife,” sabi ni Reeve habang nakapikit ang mga mata. Pagkatapos ay nagmulat ito ng mga mata at buong pagmamahal na tumitig sa kanya. “Thank you, Agatha. For everything.”

Napangiti siya nang maluwang. Her heart could not ask for more. “No problem, Reeve. Just doing my wifely duties.”