noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter (23)

Ch. 24 / 32 Feb 05, 2022

Chapter (23)

CHAPTER TWENTY-THREE

“A

GATHA, what are you doing?”

Mula sa paghahalungkat sa isang kahon ay nag-angat ng tingin si Agatha kay Reeve. “May hinahanap lang akong mga libro na kailangan ko for a project.”

“Tutulungan na kitang maghanap. What book are you trying to find?”

Nag-angat uli siya ng tingin kay Reeve at napangiti. “I’m looking for two blue hardbound books.

Music 101

at

History of Music

ang titles. Puwedeng pakihanap na lang sa ibang kahon?”

May dalawa pa kasing kahon na hindi pa niya nahahalungkat.

Tumango si Reeve at lumapit sa isang kahon na nakalagay sa dulo ng library nila.

Nagpatuloy si Agatha sa paghahanap. Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi pa rin niya makita ang mga libro. Pinunasan niya ang pawis sa noo at itinali ang buhok.

“Agatha?”

“Hmm?”

“Hindi mo sinabi sa `kin na…”

“Na ano?”

“That you collect magazines… and newspaper clippings.”

Natigilan si Agatha sa ginagawa at mabilis na nilingon si Reeve. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang asawa na hawak ang mga business magazine na ito ang nasa cover! He was grinning from ear to ear.

Mabilis siyang lumapit kay Reeve at kinuha ang hawak nito. Humarang din siya sa kahon na pinaghahanapan nito.

“O-okay. S-siguradong walang school related sa box na `to. `Yong isang box na lang ang hanapan mo.”

“Hey, let me see your business magazines. It seems interesting,” nanunuksong sabi ni Reeve. “Bakit marami kang business magazines?”

“Ahm… we own a business. Somehow, I’m interested,” palusot niya.

“Nasakto lang ba na lahat ng magazines mo, ako ang nasa cover?”

Napasinghap si Agatha. Nakita na ni Reeve ang iba pang magazines?!

“How about the newspaper clippings? Nasakto lang din ba na tungkol sa `kin ang mga article sa business section?” he teased.

Agatha covered her face with her hands. Nahihiya na siya. What was the use of denying? Mukha namang nakita na ni Reeve ang lahat ng “collection” niya.

Argh! Bakit pa kasi isinama `to ni Mommy? Dapat hindi na niya `to inalis sa kuwarto ko sa bahay.

“So, you’re my stalker before we actually met?”

Agatha uncovered her face. “No!” mariing tanggi niya. “I wasn’t a stalker.”

Inilapit ni Reeve ang mukha nito sa mukha niya. “What were you then?”

“A fan,” she answered. “Malaki ang difference ng stalker at ng fan. I admit that I really l-like you back then. I was a fan, okay? I still am.”

“So, that’s why you already knew about me when we first met at your recital in our hotel?”

“Hey, sino ba’ng hindi nakakakilala sa `yo? At a young age, you took over the vice-presidency of your family’s business. Nakalagay iyon sa business magazine na first time mong ma-feature sa cover.”

“Stalker,” akusa ni Reeve.

“Fan,” pagtatama ni Agatha. “Masyado ka `atang na-overwhelm.” Ibinalik na niya ang inagaw na magazine sa loob ng kahon. “Wala ka nang makikita dito. Might as well move on to the next box.”

Pagharap uli niya kay Reeve ay nang-aasar pa rin ang ngiti nito.

“What?” helpless na sabi ni Agatha. Para siyang teenager na nalaman ng crush niya na may crush siya rito.

“I won’t mind having a stalker as beautiful as you. Actually, I like the idea that you like me.”

“Huh?” Suddenly, her heart was racing with the fastest animal in the world. Heto na naman ang mga unexpected “pampakilig” ni Reeve.

He just smiled and turned his back to her. “I’ll look for the books.” Lumapit na ito sa isa pang kahon.

Yumuko si Agatha at pinakalma ang nagwawalang puso. Ibinalik niya ang mga magazine sa loob ng kahon at isinara iyon. Baka kung ano pa ang makita ni Reeve doon.

“Agatha, look what I’ve found.”

Napaangat siya ng tingin. “You found the books?”

“Much more interesting.” At itinaas nito ang isang box na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Ang box na regalo ni Trisha! Nanlaki ang mga mata niya at nag-init ang mga pisngi.

May kinuha si Reeve sa loob. “Can you explain why this is open?”

Itinaas nito ang instructional sex tape na pinanood niya noon. Napangiwi siya. “I admit, I watched it.”

Amused na ngumiti ito. “When?”

“No’ng pumunta ka sa Cebu. I was left at your condo at w-wala akong magawa.”

“So, that’s why…”

“Why what?”

Ibinaba ni Reeve ang box at lumapit sa kanya. “That’s why you acted wild back then. Naalala mo ang ginawa mo sa penthouse no’ng nasa Cebu tayo?

Agatha guiltily bit her lower lip. “Y-yes…” Ah! Nakakahiya talaga! Una, nabuko na ni Reeve ang “collection” niya. `Tapos ngayon, nalaman pa nito na…

Argh!

Humakbang siya paatras nang lumapit si Reeve sa kanya. Kaso, napahinto siya sa pag-atras dahil nakaharang ang office desk ni Reeve. Her husband immediately cornered her when he grabbed her lips.

“Kung napanood mo na, mostly alam mo na kung pa’no gamitin ang mga adult toys na `yon?”

Napalunok si Agatha. Ang kasama ng tape ay iba’t ibang adult toys na first time niyang makita sa totoong buhay. She knew about adult toys. Kaya nga gulat na gulat siya nang unang makita ang nasa loob ng box na regalo ng pilyang kaibigan.

The box contained different adult toys like vibrators, butt plugs, cock rings, silver balls, anal beads, ropes and handcuffs. Ang lahat ng iyon ay may kasamang sex-slash-instructional video on how to do the sexual acts and how to use all those… toys.

Pasaway ka talaga, Trisha.

“Agatha?”

She smiled shyly. “Ano… h-hindi. Hindi ko alam kung pa’no gamitin. I only watched the first part of the tape.”

“What’s the first part?” Reeve teased. He leaned closer to her.

“Reeve…” saway ni Agatha. Hiyang-hiya na talaga siya. Nahiling niyang sana ay lamunin siya ng lupa.

“What’s the… first part?” Reeve slowly and softly asked. His tone sent shivers down her spine and made her inner thighs tickle.

“Oh, you know it.”

“Oh, I don’t.” He pressed his body against hers. “Perhaps you could show me?” he whispered sexily.

Heat immediately rushed all over Agatha. Si Reeve lang talaga ang nakakapagparamdam sa kanya ng ganoon. Well, si Reeve lang naman ang gusto niyang magparamdam sa kanya niyon.

Hinapit siya nito sa baywang. “So?”

Naisubsob ni Agatha ang mukha sa dibdib nito. “Reeve, naman, eh.”

He chuckled. “Where’s my wild wife, sweetheart?” He lifted her and placed her on the desk.

Reeve lifted her chin with his finger and looked straight into her eyes.

As always, Agatha could see the desire in Reeve’s dark as night eyes. But now, there was more than what she saw before. There was something new in his eyes that she couldn’t explain—emosyon na hindi niya mapangalanan pero parang humahaplos sa kanyang puso.

She closed her eyes when Reeve pressed his lips on hers. Napakapit siya sa mga balikat ng asawa nang magsimulang gumalaw ang mga labi nito.

He kissed her tenderly and slowly that she felt so treasured. Naramdaman niya ang isang kamay nito sa kanyang buhok, tinanggal ang pagkakatali niyon. He massaged her hair, then his lips started trailing kisses down her neck.

“You don’t want to do it here, do you?” bulong nito.

She smiled playfully. “Why not?” Kinatok niya ang desk na gawa sa mahogany. “Kaya naman yata tayo nito.”

Kumislap ang mga mata ni Reeve. “Now you’re talking.”

Mabilis nilang nahubad ang mga saplot ng isa’t isa. Ngayon ay nagawa na ni Reeve maihiga siya sa ibabaw ng mesa.

“Oh, my back would hurt after this,” sabi niya nang maramdaman ang matigas na hinihigaan.

“I’ll be gentle,” bulong ni Reeve.

Napangiti si Agatha. She grabbed him by the nape and kissed him torridly. His hands started to roam her body.

They were in the middle of foreplay when the doorbell rang.

“Ignore it.”

“Pero baka importante.”

The doorbell kept on ringing.

“Damn it!” Reeve cursed.

Natawa siya. “Go, get it.”

Umalis si Reeve sa ibabaw niya, halatang iritado sa kung sino mang umistorbo sa kalagitnaan ng ginagawa nila. Naka-cotton shorts lang ito nang lumabas.

After a moment, bumalik si Reeve, may dalang mga sobre. “Who was that?”

“A mailman. Pareho tayong may invitation.”

Bumangon si Agatha habang nakatingin sa hawak ng asawa. “Let me see.”

Kumunot ang noo nito. “Really? Gusto mong ngayon na basahin `to? We’re in the middle of something, remember?”

“Please…” Na-curious kasi siya sa glossy yellow envelope na pareho silang meron.

“Make it quick,” sabi nito, saka iniabot ang sulat para sa kanya.

Mabilis iyong binuksan ni Agatha. Napangiti siya nang mabasa ang sulat. “It’s a reunion party for all drama club members na na-under ni Ma’am Salvador from your batch to our batch. It’s also her birthday party.”

Oh, how she missed being in the drama club way back in high school. Magkasama sila ni Trisha roon at si Ma’am Salvador ang kanilang club adviser. Ito rin ang kanilang instructor at nanay-nanayan. Marami itong itinuro sa kanila sa pagpe-perform sa stage.

“You know Ma’am Salvador?” tanong ni Reeve.

“Member ako ng drama club no’ng high school.”

“I know that. Pero hindi ko alam na pareho pala tayo ng alma mater no’ng high school.”

Lihim na napangiwi si Agatha. Hindi pa pala niya nababanggit iyon dito. “Nakalimutan ko lang sabihin.”

“Pareho pa tayong alumni ng drama club.”

“Uh-huh,” nasabi na lang ni Agatha.

“Marami akong nalaman ngayong araw,” sabi ni Reeve habang lumalapit sa kanya. “We went to the same school in high school, we were both members of the same drama club, and you kept business magazines and clippings where I was featured. Noon mo pa `ko sinusundan.” Ngumisi ito. “Stalker.”

Napasimangot si Agatha. “Coincidence lang `yong magkapareho tayo ng pinasukang school at pagiging members ng drama club. And again, I was not a stalker. I was a fan of yours,” she emphasized.

Pumunta si Reeve sa likuran niya at hinawi ang buhok niya sa isang gilid. He placed wet kisses on her nape. “Where were we, by the way?”

Napangiti na si Agatha. “I don’t know. Let’s just go back from the beginning.”

He lay her down on the table again and they resumed pleasuring each other. If Agatha was really a stalker, well, she was one hell of a lucky stalker!

DUMATING ang buwan ng Oktubre. Apat na araw na lang at matatapos na ang semester.

Pito ang subjects nina Agatha at Trisha pero exempted sila pareho sa finals ng apat na subjects kaya tatlong subjects na lang ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin. Ibig sabihin din niyon, mas marami na silang oras na mag-practice ng mga tutugtugin para sa kanilang end-of-the-semester recital. Sa susunod na linggo na iyon gaganapin.

“`Di ba nakatanggap kayo ni Reeve ng invitation para sa reunion ng drama club ng high school alma mater natin?” tanong ni Trisha sa kanya pagkatapos nitong mag-review.

“Oo,” sagot ni Agatha habang may kinokopya sa isang libro. “Nakatanggap ka rin, `di ba?”

“Oo. And you know what?”

“What?”

“Member din pala si Prince ng drama club,” naiiritang sabi nito.

Natawa siya at tinapos ang ginagawa. “Hindi na nakapagtataka iyon dahil mag-best friends sila ni Reeve ever since. Actually, ang kuwento sa `kin ni Reeve, si Prince ang pumilit sa kanya na sumali sa drama club.”

Napabuga ng hangin si Trisha. “I don’t want to see him!”

“Eh, Trish, three weeks away pa naman `yon. Saka hindi naman siguro ganoon katagal ang reunion party. Besides, baka hindi mo rin siya masyadong makita doon dahil siguradong mga ka-batch nila ang kasama nina Prince habang mga ka-batch naman natin ang mga kasama natin.”

“Sana nga gano’n lang ang gagawin namin sa reunion party,” mahinang sabi ni Trisha.

“Bakit? Ano bang meron?” tanong ni Agatha habang sumusulyap sa suot na relo. Sinimulan niyang ligpitin ang mga gamit.

“Tinawagan kasi ako ni Ma’am Salvador last week. Humingi siya ng favor kung puwede raw ba akong maging lead ng isang short play na isinulat niya na ipe-present sa mismong reunion party as part of the program. Pumayag naman ako.”

“Wow! That’s great! Iyon ang gagawin mo buong semestral break?”

“Oo,” sabi ni Trisha na nakasimangot pa rin. “Guess who will be my leading man?”

Nanlaki ang mga mata ni Agatha at mayamaya ay natawa siya. “Si Prince?” hula niya.

Lalong nalukot ang mukha ni Trisha. “Sa lahat naman ng kukunin ni Ma’am Salvador na ka-partner ko, si Prince daw ang naisip niya kasi si Prince ang pinakamagaling sa batch nila. Nakakainis! Nakakainis talaga! Hindi ko naman na puwedeng bawiin ang pagpayag kasi asang-asa si Ma’am sa ‘experimental team-up’ na ginawa niya para sa play.”

Agatha tapped her best friend’s back. “It’s okay, Trish. Magaling ka naman diyan. Just act professional sa mga scenes ninyo ni Prince. Tungkol saan ba ang play?”

Trisha made a face. “Reunited lovers.”

Lalong natawa si Agatha. “Wow! Bagay na bagay sa inyo ni Prince!”

“Stop it! Akala mo nakakatawa? “ Trisha said in irritation. “Kung ipinaalam lang agad sa `kin ni Ma’am na si Prince ang makaka-partner ko, hindi ako papayag. I would have said ‘NO!’ Hah!”

Hindi pa rin napigilan ni Agatha na mapanuksong ngumiti sa kaibigan na inirapan lang siya. “It only means one thing. God is working on you and Prince.”

Hindi nakaimik si Trisha at nakasimangot pa rin habang nililigpit ang mga gamit.

“Trisha, why do you keep on avoiding Prince when it’s pretty obvious that you like him?” tanong ni Agatha. Napansin niya na parang natigilan ang kaibigan niya. “If it’s about what happened in the past, why don’t you forgive him? Tutal naman, bumalik na siya. I know that he likes you, too. Alam mo rin `yon, `di ba? Why don’t you give your love another shot?”

“Hey, may kailangan ka pang puntahan ng five o’clock, right?” pag-iiba ni Trisha sa topic ng usapan.

Gusto sana niyang magtanong pa at mangulit. But if Trisha wasn’t ready yet to speak about her feelings, then she would let her be for now.

Napatingin uli si Agatha sa kanyang wristwatch. Alas- kuwatro y medya na. Kailangan na niyang makaalis para makarating on time sa usapan nila ng kapatid.

“Ano nga pala ang aasikasuhin mo? Sino’ng kasama mo?” usisa ni Trisha.

“Nothing much. I’ll be with my c-cousins,” pagsisinungaling ni Agatha. Hindi kasi niya puwedeng sabihin na sasamahan niya si Johann sa ospital para makapagpasa sila ng DNA samples. Nangako siya sa kanyang “secret brother” na wala muna siyang sasabihan ng totoo nilang relasyon.

Tumango-tango si Trisha at sabay na silang lumabas ng library. Umuwi na agad ang kaibigan niya. Siya naman ay pumunta na sa ospital kung saan sila magkikita ng kapatid May kakilala daw si Johann na doktor sa naturang ospital kaya mapapabilis ang paglabas ng resulta ng DNA test kapag doon ito nagpa-test.

Nang magkita na sila ni Johann ay magkasabay silang pumasok sa ospital at nagbigay ng DNA samples na mula kay Johann at sa daddy niya. Pagkatapos sa ospital ay nilibre siya ng kapatid. Nagkasiyahan sila sa pagkukuwentuhan kaya inabot na sila ng dilim.

Eight thirty na ng gabi nang makauwi si Agatha. Inihatid siya ni Johann.

“Gusto mo munang pumasok, Kuya?” tanong niya bago bumaba ng kotse.

“Next time na. Kailangan ko na ring umuwi.”

“Okay. Thank you for treating me to two banana splits and sharing with me your childhood adventures,” nakangiting pasasalamat niya.

“Siyempre. Ikaw pa.”

“Kuya, may recital pala kami next Saturday. Punta ka, ha?” yaya niya.

“No problem. Text mo lang ako para hindi ko makalimutan.”

“Okay. See you!” paalam niya habang bumababa ng sasakyan.

“Take care, Agatha,” Johann said before driving away.

Nakangiting kumaway pa siya hanggang sa lumiko ang sasakyan ng kapatid sa kalye palabas ng village.

Pagpasok ni Agatha sa loob ng gate ay agad niyang napansin ang kotse ni Reeve na naka-park na pala sa garahe. Maaga pala itong nakauwi. Excited siyang pumasok sa bahay. Pagpasok niya ay bukas na ang ilaw at may naririnig siyang kalansing ng mga kitchen utensil.

Mabilis siyang nagpunta sa kusina.

Mas lumapad ang ngiti niya nang makita si Reeve na nasa harap ng kalan at may niluluto. He was still wearing his office attire except for his coat. Nakarolyo hanggang siko ang sleeves ng polo nito. Nakatalikod ito sa kanya at parang focused na focused sa ginagawa kaya hindi yata napansin ang pagdating niya.

Napangiti siya at dahan-dahang lumapit kay Reeve. She tried not to make any noise. Gugulatin sana niya ang asawa nang nasa likuran na siya mismo nito. Pero siya ang napatili nang humarap ito at mabilis siyang kinabig sa baywang.

Ngumiti ito, saka mabilis siyang hinalikan sa mga labi. “You got home late. Where have you been?”

“Well, hindi ko naman alam na maaga kang uuwi. I went to the m-mall with Trisha.” Ayaw niyang magsinungaling pero kailangan niyang tumupad sa pangako sa kapatid. Yumakap siya sa leeg ni Reeve. “Kung sinabi mo sa `kin na maaga kang uuwi ngayon, eh, di sana umuwi ako nang maaga.”

“Hindi ko rin alam na maaga palang matatapos ang mga meeting ko. When I was about to do some paperwork, wala na pala masyado kaya umuwi na lang ako.”

“And you are cooking our dinner!” nakangiting sabi ni Agatha, sabay sulyap sa niluluto nito. “Is that sinigang?”

“Yeah.”

“Wow! I’m excited to have dinner with you. I’m sure your sinigang would be so delicious.”

“Not as delicious as you are,” pilyong sabi ni Reeve.

Nakagat ni Agatha ang ibabang labi. “Ikaw talaga,” sabi niya, sabay pabirong hampas sa balikat nito. “Magpapalit muna ako ng pambahay.” Kinapa niya ang likod nito. “Hey, magpalit ka na rin ng damit. Basa ka na ng pawis, o.”

“I can’t leave what I’m cooking. Ikuha mo na lang ako ng pamalit?”

Tumango si Agatha at umakyat na sa kanilang kuwarto. Mabilis siyang nagpalit at kumuha ng face towel at malinis na T-shirt para kay Reeve. Pagbaba niya sa kusina, eksaktong tapos na itong magluto at inaayos na ang mesa.

“Here.” Iniabot niya ang T-shirt dito.

“Thanks,” sabi ni Reeve habang hinuhubad ang suot.

Kinuha niya ang hinubad na polo ng asawa at kinuha naman nito ang T-shirt mula sa kanya. Pumunta siya sa likod ni Reeve at pinunasan iyon. Saka nito isinuot ang T-shirt. She also wiped away the sweat on his forehead, cheeks and neck. Pagkatapos ay isinampay niya ang hinubad nitong damit at ginamit na bimpo sa isang upuan.

“Thank you,” sabi ni Reeve. “Let’s eat?”

Agatha smiled in reply.

Ipinaghila siya ni Reeve ng upuan. Nang makaupo na siya ay umupo na rin ito sa tapat niya. Nagdasal siya na sinabayan ni Reeve.

Kukunin sana niya ang bowl ng kanin pero naunahan siya ng asawa.

“Let me,” sabi nito at sinimulang lagyan ng kanin ang kanyang plato.

“Thank you,” nakangiting sabi ni Agatha.

Si Reeve din ang nagsilbi sa kanya ng ulam. That simple gesture made Agatha really happy.

Habang tumatagal, palambing nang palambing si Reeve. Kung dati ay restrained ito sa pagpapakita ng emosyon sa kanya, ngayon, he trusted her with all the things he liked and those that easily annoyed him. Kung malambing ang asawa niya noon, mas malambing ito ngayon. If he was passionate then in their bedroom escapades, he was more fervent now. Hindi ito madalas ngumiti noon kapag nasa public place sila. Pero ngayon, lagi nang may ngiti sa mga labi nito. At kung sobrang guwapo ni Reeve noon, lalo pa itong gumuwapo at mas lumakas ang dating dahil sa kakaibang aura nito ngayon.

It was happiness and freedom. Because his heart was now free from anger and pain.

May isa na lang na inaalala si Agatha. Medyo iwas pa rin kasi si Reeve sa mama nito. Kapag bini-bring up niya ang usapin sa kung kailan nito kakausapin ang ina ay mataktikang pinapalitan ni Reeve ang topic. Kailangan pa siguro nito ng mas mahabang oras. Pero naniniwala siya na malapit na nitong harapin ang ina.

Nakausap naman na ni Agatha si Mama Leona. Ang sabi ng ginang ay naghihintay lang ito lagi para sa kapatawaran ng anak. Kayang-kaya raw nitong maghintay pa.

Agatha knew that there would be a perfect time for Reeve and Mama Leona to reconcile.

“So, how was your day?” tanong ni Reeve habang kumakain sila.

“Very fine. Just three more exams. Tapos na ang ibang course requirements.”

“Kailan ang recital ninyo?”

“Next Saturday. Can you come?” tanong niya. Alam niya na puno pa rin ang schedule nito kahit Sabado.

“Hmm… I don’t know with my schedule yet. I’ll check first,” sagot nito.

Agatha felt her heart sink. Pero hindi niya iyon ipinahalata sa asawa. “O-of course,” tumango-tango pang sabi niya. Naiintindihan naman niya na mas priority ni Reeve ang trabaho. Pero umaasa siya na baka puwede nitong i-set aside ang trabaho para mapanood siya.

Bakit naman niya gagawin `yon?

tanong niya sa sarili.

“I think next Saturday would be the contract signing for the charity foundations that Anderson-Monteverde Hotels chose to support,” sabi ni Reeve. “And I have good news.”

“What is it?” curious na tanong ni Agatha.

“Isa ang Big Hopes sa napili ng management,” nakangiting sabi nito.

“Oh, that’s great! Magandang foundation talaga ang Big Hopes. I’m glad na nakuha iyon. Nasabi mo na ba kay Lana?”

“Oo. Kasama siya sa contract signing next Saturday. She’s really happy. Madadagdagan na naman kasi ang sponsors ng foundation. Mas marami na silang matutulungan kapag ganoon,” masayang sabi ni Reeve.

Tumango-tango si Agatha at nagpatuloy na sa pagkain. Masaya siya para sa Big Hopes dahil maganda naman talaga ang layunin ng foundation. Magkaibigan na rin sila ni Lana kaya masaya rin siya para dito.

Ang kaso…

Next Saturday, Reeve would be with Lana instead of you,

bulong ng malisyosong parte ng isip ni Agatha.

Ipinilig niya ang ulo para maalis ang negatibong ideya na iyon sa isipan. Maayos na silang lahat. Hindi na siya dapat nag-iisip ng ganoon. Magkakasama lang naman sina Reeve at Lana sa susunod na linggo dahil sa contract signing and that was all. Isa pa, puwede naman siyang mapanood pa ni Reeve sa susunod niyang recital.

“Agatha?”

Napaangat siya ng tingin kay Reeve. “Yes?”

“Hey, are you upset about next Saturday? Hahabol na lang ako. I promise.”

“Huh? Of course not. I know how busy you are. I understand that,” she said but somehow, inside her, she really wanted him to come.

Mataktikang iniba na ni Agatha ang usapan at magana silang kumain ni Reeve. Nang matapos ay magkatulong silang nagligpit ng mga pinagkainan.

Pagkatapos ay nauna siyang umakyat sa kuwarto nila. Inaantok na kasi siya.

After she took a quick shower and brushed her teeth, she lay on their bed. Nagkumot siya at ipinikit na ang mga mata. Medyo naalimpungatan siya nang maramdaman ang matitipunong bisig na pumalibot sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran. Naamoy niya ang pinaghalong sabong pampaligo na ginamit ni Reeve at ang natural na bango nito. Napangiti siya at lalong isiniksik ang sarili sa asawa.

“Agatha?”

“Hmm?” inaantok na sambit niya.

“I want to talk to my mother.”

Lalo siyang napangiti. But hearing Reeve’s tone…

Humarap siya rito. “Ano’ng pumipigil sa `yo para gawin `yon?”

He sighed. “I don’t know. I just… I want to talk to her, to clear things out like what happened with Lana and Prince. But at the same time, I don’t want to listen to her.”

“Maybe you’re not ready yet, Reeve,” she said softly with her eyes still closed. Hinawakan niya ang kamay nito. “Don’t pressure yourself. Dadating din ang oras para diyan.”

“You’re right.” Itinaas nito ang baba niya at hinalikan siya sa mga labi. Paulit-ulit. “I’m lucky to have you as my wife…” bulong nito at hinalikan na naman siya sa mga labi.

“You’re not lucky. You are blessed!” Napangiti si Agatha at sumubsob sa dibdib ng asawa. “Arranged marriage is not bad at all, huh?” inaantok nang sabi niya.

“Yes. Kung itatakda ang kasal ko nang paulit-ulit, papayag ako basta’t ikaw palagi ang magiging asawa ko.”

Kinikilig si Agatha pero hindi na siya kumibo dahil sa sobrang antok. She inhaled Reeve’s masculine scent and hugged him tighter. Mas maganda siguro kung ang pinakahihintay niyang “I love you” na ang sinabi nito.

She would patiently wait for that time and she was pretty excited about it.

“Good night, my sweetheart.”

“Good night…” mahinang sabi niya. “Dream of me,” biro pa niya.

“I always do, sweetheart. I always do.”