Chapter (29)
CHAPTER TWENTY-NINE
N
AKAUPO si Agatha sa gilid ng swimming pool habang nakalublob ang mga paa sa tubig. After what happened on the night of the drama club’s reunion party, nagpalipas muna siya ng dalawang gabi sa bahay ng kanyang mga magulang.
Hindi niya maintindihan ang sarili. She felt both guilt and anger towards Reeve. Guilt because of putting her husband to the test. Pinagdudahan niya ang pag-ibig sa kanya ng asawa. Kung hindi niya pinatay ang cell phone niya ay hindi ito mag-aalala. Hindi ito uuwi nang maaga at hindi sila paghihinalaan ng kapatid niya.
Iyon pa ang isang ikinagi-guilty niya—ang paglilihim na kapatid niya si Johann. Ayaw lang naman niya na mabali ang pangako sa kapatid. Pero kung alam lang ni Reeve ang totoo, hindi na ito maghihinala.
Pero iyon din ang ikinagagalit niya sa asawa. Paano nito naisip na may gagawin siyang hindi maganda sa likod nito? Paano nito naisip na ganoon kababa ang pagkatao niya? May sinabi pa itong masasakit na salita sa kanya. Nanahimik pa si Reeve nang tanungin niya kung nakikita lang nito si Lana sa kanya kaya siya minahal nito. Tuloy, hindi na rin niya nakontrol ang sarili at sinalubong ang galit nito kahit dapat ay nagpakahinahon siya at nagpaliwanag.
Pero nasaktan talaga siya sa mga binitiwan nitong masasakit na salita at mga akusasyon.
Sinasabi ng kabilang bahagi ng isip niya na dapat inunawa rin niya ang mga pinagdaanan ng asawa. Natakot lang talaga ito na baka muli na namang iwan. Iyon lang naman ang problema sa asawa niya. Kahit gaano kasigurado at kagaling na businessman si Reeve at kahit gaano ito katikas tingnan sa panlabas, ang puso nito ay puno ng pangamba at takot.
Napabuntong-hininga si Agatha. Sana mas inunawa na lang niya ang asawa. Nangako siya kay Reeve at sa sarili na patuloy itong uunawain at hinding-hindi siya mapapagod.
Base sa nangyari sa kanila ni Reeve noong gabi ng reunion party, nahimigan niya sa boses nito na parang nasasaktan ito sa kaalamang magkasama sila ni Johann habang nag-aalala ito sa ibang bansa.
Napabuntong-hininga na naman si Agatha. She wanted to talk to Reeve and patch things up between them because that was what she was supposed to do. Pero ayaw rin niyang makausap ito. Gusto na niyang makita ang asawa, at the same time, ayaw rin niya. Naiinis na talaga siya sa sarili dahil hindi na niya maintindihan kung ano talaga ang gusto niya at hindi.
“Agatha?”
Napalingon siya at nakita ang ina. “Mommy…”
“Kumusta ka na?”
“Feeling better now.”
“That’s great.” Umupo ito sa tabi niya at inilublob din ang mga paa sa tubig. “Pumunta rito kagabi si Johann.”
Gulat na napatingin siya sa ina. “Y-you met him already?”
Ngumiti ang mommy niya. “He’s your father’s son. Pumunta na siya rito kahapon at nagpakilala sa amin ng daddy mo. You missed the moment dahil buong araw kang natulog. Magkasama ngayon ang daddy mo at si Johann. They’re catching up on each other.”
Napangiti na rin si Agatha. Hindi sinabi sa kanya ni Johann na magpapakilala na ito sa mga magulang niya pagkatapos lumabas ng resulta ng DNA test.
“So, how do you find him, Mom?”
“He’s a really nice guy. Manang-mana sa daddy mo ang sense of humor. Nakakatuwang kausap ang batang `yon.”
“Yeah. Kuya Johann is fun to be with.”
“Sabi niya, matagal mo nang alam na kapatid mo siya.”
Tumango si Agatha. “Sorry, Mommy. Gusto raw muna kasi niya na lumabas ang resulta ng DNA test para daw siguradong-sigurado.”
“I understand that. So now, tell me your story.”
Ikinuwento ni Agatha sa mommy niya ang nangyari nang gabing nag-away sila ni Reeve. Noong isang gabi kasi ay hinayaan lang siya ng mga magulang na hindi muna magkuwento. She tried not to cry when she reached the part where she threw her wedding ring at Reeve and told him that she wanted out of their marriage.
“H-hindi ko naman gustong gawin at sabihin `yon, Mommy. I was just really hurt at the time.”
Niyakap siya ng mommy niya. “I told you not to decide or say something when you’re hurt or angry, right?”
Marahang tumango si Agatha.
“Anak, magkakaayos din kayo ni Reeve. Ganyan talaga ang buhay-mag-asawa. Unang pagsubok pa lang `yan sa inyo. Hindi pa iyan ang pinakamalaki at pinakamasakit na pag-aawayan ninyo. Darating ang panahon na gugustuhin n’yo na maghiwalay na lang pero iyon din ang panahon na kailangan ninyo ang isa’t isa.” Her mother touched her face. “Marriage is a lifetime commitment. Some succeed, others don’t. But, the point is, you two need to work on it together. And as far as I can see, Reeve has learned to face his past because of you. Because he wants to be better for your marriage to work out. What happened between the two of you that night was just a little misunderstanding. You’ll get over it. Nagpalamig lang kayong dalawa ng ulo, tama? Ngayong okay ka na, naiintindihan mo na rin ang inakto niya, `di ba?”
Tumango si Agatha.
“And for sure, naiintindihan ka na rin niya at naliwanagan siya nang malamang magkapatid pala kayo ni Johann. Wala na siyang pagseselosan.”
Napangiti si Agatha at napayakap sa mommy niya. Her mother never failed to make her feel better.
“Handa ka na bang kausapin ang asawa mo?”
“Ah, Mommy… iyon pang isa. I want to do things like talk to Reeve but at the same time, I don’t like to do it. Gano’n ba talaga, Mommy, if you miss your monthly period?”
Napasinghap ito. “Kailan ka ba huling dinatnan?”
Napaisip si Agatha. “A month ago.”
Her mother smiled. “Maybe you’re pregnant.”
THE NEXT day, Agatha took a pregnancy test. After five minutes pa niya malalaman ang resulta. Kaya naman hindi siya mapakali sa kakahintay.
Hindi pa niya alam ang iisipin. She was excited and nervous at the same time.
Palakad-lakad siya at nang tingnan ang orasan, dalawang minuto pa lang pala ang lumipas. Natawa siya sa sarili dahil para siyang ewan na paroo’t parito sa loob ng kanyang kuwarto.
Nagpasya siyang umupo sa kama at pinakalma ang sarili. Noon niya narinig ang pag-ring ng kanyang cell phone.
Her eyes widened when she saw that it was a voice message from Reeve! Malakas ang naging pagkabog ng kanyang dibdib. Anim na araw na pala silang hindi nagkikita o nagkakausap man lang ng asawa. Sa tingin niya, pareho lang silang naghihintayan ng tawag mula sa isa’t isa. Plano niyang tawagan ang asawa mamaya pagkatapos niya sanang malaman ang resulta ng pregnancy test.
Napatingin na naman si Agatha sa orasan. Dalawang minuto pa ang kailangan niyang hintayin. Kaya nagdesisyon siya na pakinggan muna ang voice message na galing sa asawa.
She opened the message and her husband’s voice filled the room.
“Hello, Agatha…” panimula nito. “Sorry if I haven’t called for the past few days. Gusto ko lang makasiguro na malamig na ang mga ulo natin.” Tumikhim ito. “You must be wondering why I sent a voice message instead of calling you directly. Well, I have a lot to say and I’m afraid that if I heard your voice greeting me with a ‘hello,’ baka makalimutan ko ang lahat ng sasabihin ko at bigla kitang puntahan diyan sa bahay nina Daddy and try to make love to you in your room. I miss you that damn much.” Natawa ito sa sinabi habang siya naman ay hindi napigilang mapangiti.
“Anyway, I also don’t want an interruption sa mga sasabihin ko. So here goes… First of all, I want to ask for your forgiveness, sweetheart. All the bad things I said, they were nothing. I didn’t mean any of them. Hindi na ako nag-iisip nang gabing iyon kaya kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig ko. I’m so sorry for thinking bad of you. Alam mo naman kung gaano ako nagseselos kay Johann, right? `Tapos, nalaman kong half siblings pala kayo. That made me look more stupid. Naisip ko rin na kahit magkapatid kayo o hindi, hindi dapat ako nag-isip ng ganoon patungkol sa `yo. Asawa kita so I should know better. Dapat kinausap kita nang maayos. But I guess an insecure man with a painful past who could not throw away would always act like I did. And you know what, sweetheart?”
Narinig niya ang tuwa sa boses ni Reeve.
“Nakausap ko na ang mama ko. Maayos na ang lahat. We forgave each other. No more bitterness. I just defeated another monster from the past,” pagkukuwento ni Reeve na lalo niyang ikinangiti. Her eyes got misty, too. “Ngayon ko lang naintindihan na kailangan ko munang maging buo para maibigay ko rin sa `yo ang buong pagmamahal ko. No doubts. No fears. No insecurities. I’m whole again.”
Napahikbi si Agatha.
“Now, tinanong mo kung nakikita ko si Lana sa `yo kaya kita minahal? I must admit, at first, nakikita ko ang resemblance ninyo. Minsan, kapag nakikita kita, naaalala ko kung gaano ako nasaktan nang maghiwalay kami. But I never saw you as Lana na parang iisa kayo. When I started loving you, my heart clearly beat for the name Agatha. And, sweetheart, when we’re making love, it’s your name I call because I’m only thinking of you. Only you. Your eyes, your lips, your smile, your voice, your laughter… your moans and groans… it’s all you, Agatha Celina Anderson-Monteverde. I love you,” Reeve said sweetly.
Tuluyan nang naiyak si Agatha dahil sa nag-uumapaw na saya na nararamdaman. “I love you, too, Reeve…” bulong niya kahit alam niyang hindi siya maririnig ng asawa dahil isa nga lang iyong recorded voice message.
“By the way, your brother talked to me. Actually, he punched me first because of the bad things I said to you. I deserved it. Then he said sorry for not letting you tell me that you were blood-related. Ang loko-loko mong kapatid, sinadya pala talaga akong pagselosin para daw mailabas ko na ang nararamdaman ko at masabing mahal kita. Which is very effective. Hindi lang daw niya inasahan na mangyayari `yong nangyari sa reunion party. Gusto kong mainis sa kanya pero naalala kita. Sabi mo, everything happens for a reason. Kailangan sigurong mag-away tayo nang ganoon katindi para mas makita ko kung ano ang mali sa akin at kung gaano kita kamahal. It made way for my father to tell me something and triggered my system that it’s already time to make myself better for me and for you.
“I love you, Agatha. Please come home. I miss your hugs, kisses, touches and all of the things that only you can make me feel. I miss you so much, sweetheart. Come back to me. Sige na, birthday ko na bukas.”
Natawa nang mahina si Agatha at ipinagpatuloy ang pakikinig.
“See you soon, sweetheart. Nasabi ko na bang mahal kita?” Then he chuckled. “I love you, Agatha.”
Doon natapos ang voice message.
Agad na pinunasan ni Agatha ang mga luha at napangiti nang maluwang. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at nakita ang mga magulang sa sala na nagkukuwentuhan.
“Mommy, Daddy, uuwi na po ako.”
Ngumiti ang mga ito.
“That’s great, princess,” nakangiting sabi ng daddy niya. “Ihahatid ka na namin.”
Tumango siya at niyakap ang mga magulang. “Thank you for being the most supportive parents ever!”
“Sandali, anak,” sabi ng mommy niya. “Ano ang resulta n’ong pregnancy test?”
Napasinghap si Agatha. Nakalimutan niyang may hinihintay pala siyang result! Bumalik agad siya sa kanyang kuwarto at kinakabahang tiningnan ang pregnancy test result.
One. Two. Two lines!
Positive!
PAGPASOK ni Agatha sa bahay nila ay wala pang tao. Napatingin siya sa suot na relo. Alas-nuwebe na ng gabi. Nasa trabaho pa ba si Reeve?
Dapat kanina pa siyang hapon uuwi pero dumating ang Kuya Johann niya sa bahay nila at nagkaroon sila ng family bonding. Sinabayan pa niya ang mga magulang at kapatid hanggang hapunan kaya late na rin siya nakauwi.
Ang tanging ilaw na binuksan niya ay ang ilaw sa kusina. Hindi alam ni Reeve na uuwi siya agad nang gabing iyon dahil hindi na niya ito natawagan. Naisip niyang mas maganda kung masosorpresa na lang ito sa pagbabalik niya.
Naisipan niyang ipagluto ang asawa ng dinner at magbe-bake na rin siya ng cake para sa birthday nito bukas.
After an hour, natapos nang magluto si Agatha. Hindi niya alam kung nakakain na ba ang asawa niya o hindi, basta kailangan nitong kainin ang inihanda niya para dito. Mamaya pa maluluto ang mocha cake na binake niya.
Muli siyang napatingin sa orasan. Eksaktong alas-diyes na pala pero wala pa rin ang kanyang asawa. Baka na-stuck na naman si Reeve sa isang late-night business meeting.
Umakyat na lang si Agatha sa kuwarto nilang mag-asawa. Mabilis siyang nag-shower at nagpalit ng mas kumportableng damit. Nagpapatuyo na siya ng buhok nang marinig ang ugong ng sasakyan ni Reeve. Pasimple siyang dumungaw sa bintana at nakitang papasok ang kotse ng asawa sa garahe. She felt the excitement run through her veins.
Nagsusuklay na siya nang marinig ang maingat na pagbukas at pagsara ng main door. Tumayo siya at maingat na lumabas ng kuwarto. Habang pababa ng hagdan ay nakita niya si Reeve na nagtatakang nakatingin sa mesa. Doon kasi niya inilagay ang nilutong hapunan para dito.
Nang nasa ibaba na ng hagdan ay huminto si Agatha. Eksakto namang napalingon si Reeve sa gawi niya.
Halata ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya.
Nginitian niya ito. “Good evening.”
Kumurap-kurap ito at kinusot-kusot pa ang mga mata. Muli itong tumingin sa kanya.
“You’re really here…”
Natawa si Agatha. “Mukha ba akong aparisyon?”
Hindi sumagot si Reeve, imbes ay pinakatitigan siya nang mabuti. Walang gumagalaw sa kanila.
“I received your voice message,” nakangiting sabi niya.
Nagpakawala si Reeve ng hininga at parang nahihiyang ngumiti. “Hindi ka na magpapakipot? Hindi mo na `ko pahihirapan?”
Natawa si Agatha. “What are you saying? Bakit naman ako magpapakipot?”
“Dahil nasaktan kita. N-napatawad mo na ba ako?”
“Oo naman. May karapatan lang akong magpakipot kung ikaw lang ang may kasalanan. But we both had our faults. Hindi iyon maso-solve kung magmamatigas ako. Too mainstream. Si Trisha lang ang pakipot,” sabi niya, sabay kibit-balikat.
Reeve chuckled. “`Sabagay. You’re really amazingly different from others. Pero kung nagpakipot ka, ayos lang na mahirapan akong suyuin at habulin ka, sweetheart.”
“Bakit naman?”
“Because you’re worth the chase.”
Napangiti siya nang maluwang. “Gusto mong magpakipot muna ako?”
Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. “Nah. You’re my early birthday gift from Above. Siyempre, tatanggapin ko na.” Huminto ito sa mismong harap niya.
Bahagya siyang tumingala upang masalubong ang mga mata ng asawa. “I’m sorry, Reeve…” she said softly.
He gently pulled her close to him. “And I’m so sorry, too, Agatha. Let’s forget all about it.”
Tumango siya at iniyakap ang mga braso sa leeg nito. Hindi napuputol ang paghihinang ng kanilang mga mata.
“Let’s not fight that way again,” sabi niya.
“Never again,” he assured her. “Kapag may problema tayo, pag-usapan na agad natin. Promise, I won’t act on impulse anymore. Pag-aaralan kong maging kalmado at magkaroon ng pasensiya na kahit kalahati lang ng pasensiya mo.”
Natawa si Agatha. She rose on her tiptoes and hastily kissed him on the lips. “Mahal kita,” masuyong sabi niya.
Ngumiti si Reeve at hinalikan din siya sa mga labi. “I love you, too, my sweetheart, Agatha.”
“Kumain ka na ba ng dinner?”
“Not yet.”
“Tamang-tama, ipinagluto kita. Halika, kain na tayo.”
“Wait,” pigil ni Reeve, sabay hawak sa kanyang baywang at sinakop ang kanyang mga labi. “I’ve missed you so much,” sabi nito pagkatapos ng halik.
“I’ve missed you, too.”
“Patunayan mo sa `kin mamaya,” pilyong sabi nito na ikinatawa niya.
“Kumain nga muna tayo.” Hinila na niya si Reeve sa komedor at sabay na silang maganang kumain.
PADAPANG nakahiga si Agatha nang maramdaman ang maiinit na labi ng asawa sa kanyang hubad na likod. He was trailing small kisses from her bottom up to her spine, nape and shoulder blades. They just finished proving how much they missed each other in the past few days. And, oh, they really missed each other so much!
Napangiti si Agatha nang halikan siya ng asawa sa pisngi. Lumapat ang dibdib nito sa kanyang likod at masuyong hinawakan ang kanyang kamay.
“Happy birthday…” pabulong na bati niya. Nanatili siyang nakapikit pero nakangiti. Alam niyang madaling-araw na.
“Thank you, sweetheart,” sabi ni Reeve, saka muling humalik sa kanyang pisngi.
“Any plans for your day?”
“Work, as usual. Meron akong hindi puwedeng ipagpaliban na trabaho kahit gusto kong huwag pumasok.”
“Oh, how sad.”
“But I’m planning to have a dinner date with you. Okay lang ba sa `yo?”
“Of course! Where will you take me?”
“Somewhere fancy.”
Natawa si Agatha at umayos na ng pagkakahiga. Ganoon din ang ginawa ni Reeve. Umunan siya sa braso ng asawa at nagsumiksik dito nang yakapin siya nito nang mahigpit sa baywang. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng asawa.
Napahikab siya. “Will it be a candlelit dinner?”
“Maybe. Or more romantic than that. Magpapa-reserve pa `ko mamaya. So, it’s a date?”
“Yes it is, husband. For now, let’s sleep? Inaantok na `ko, eh.”
“Sure, sweetheart. Don’t forget to give me a present…” Hinalikan pa nito ang kanyang hubad na balikat at leeg.
Napangiti si Agatha habang unti-unti na siyang hinihila ng antok. Pasimpleng napahawak siya sa sinapupunan. Paano niya makakalimutan ang ireregalo sa asawa? Lagi naman niyang dala-dala iyon.