Chapter (21)
CHAPTER TWENTY-ONE
“I
’LL JUST get some fresh air,” paalam ni Reeve sa asawa nang makita niya ito pagkababa niya galing ng library.
“You want me to come with you?” Agatha asked.
“No. You stay here. Sandali lang ako. I just need to breathe…”
Agad naman siyang naintindihan nito. She nodded and smiled.
Seeing his wife’s smile made him calmer. He managed to smile back and kissed her on the forehead. “Enjoy the time with your parents. I’ll be back shortly.”
Pagkalabas ni Reeve ng bahay ay hindi pa siya nakontento at lumabas din ng gate. He looked around and noticed that nothing had changed a bit in the village. Walang nagbago mula nang umalis siya ng bahay nila pagkatapos niya ng college at lumipat sa sariling condo.
He absentmindedly stared at the road where he begged his mother not to go and where he ran so fast just to catch her car. May naramdaman siyang kurot sa kanyang puso. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang alaalang iyon sa isipan. Naglakad na lang siya nang hindi alam ang patutunguhan.
Until his feet stopped at the village’s playground. The same playground where his friendship with Prince started when they were five or six years old.
He looked around again. Gabi na kaya naman wala nang mga batang naglalaro. Mga poste na lang ng ilaw ang nagbibigay-liwanag sa playground.
He slowly made his way to a new sandbox. Napangisi siya nang maalala ang paborito niyang lugar noong bata pa siya. He liked playing on the sand.
Tumingala siya at humugot ng malalim na hininga. He inhaled and exhaled. He was slowly doing it again when he heard a familiar voice.
“Nakakainis na babaeng `yon! Kung `di lang talaga siya babae, nakatikim na siya sa `kin. Kung `di ko lang talaga siya mahal!”
Napakunot-noo si Reeve nang ma-realize na papunta rin sa playground ang nagmamay-ari ng boses.
“Ang lakas-lakas ng loob niyang magalit sa `kin! Siya pa ang galit, eh, ako na nga ang lumalapit. Mga babae talaga, pa-hard to get!” patuloy na himutok ng lalaki nang makapasok nang tuluyan sa playground.
“Sino’ng kausap mo?” tanong ni Reeve.
Gulat na napalingon sa kanya si Prince. “R-Reeve! Ano’ng ginagawa mo rito?”
“May bahay kami rito, that’s why,” pilosopong sagot niya.
Prince made a face. “It must be Tito Roman’s birthday. That’s why you are here. Pero bakit nandito ka sa playground?”
He looked away. “My mother is invited. She’s in the house.”
“Ows?” gulat na sabi ni Prince.
Silence came.
Reeve wondered why he was not getting angry with Prince around now. Imbes ay maraming tanong sa isip niya.
“Prince,” sabi niya na ikinalingon nito. “I want to know something.”
“Ask all you want.”
Hindi niya alam kung iyon ba ang tamang oras para masagot ang mga katanungan niya. But nevertheless, this issue they had was easier to bear.
He took a deep breath. “Do you really love Lana? Kung sabay tayong nagkagusto sa kanya, bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Hindi niya alam kung bakit iyon agad ang una niyang naitanong. Basta ang gusto lang niya ay mas maintindihan ang dating kaibigan.
Nagsabi na si Lana ng panig nito. Gusto naman niyang marinig ang kay Prince.
Bumuntong-hininga si Prince. “Yes, I love her.”
“You could have told me th—”
“But not the way you think,” putol nito sa sinasabi niya.
“What?” naguguluhang sabi niya.
Nagpakawala muna ng hininga si Prince. Dalawang beses nitong ginawa iyon.
Nanatiling tahimik naman si Reeve at inabangan ang sasabihin pa ng dating kaibigan.
Finally, Prince dropped the bomb. “Lana is my long-lost half sister.”
PATAGILID na humiga si Agatha sa kama at mula sa likuran niya ay pumulupot ang mga braso ni Reeve sa kanyang baywang.
Napangiti siya habang nakapikit. “So, okay na kayo ni Prince?”
“Yeah. I think so.”
Habang pauwi sila kanina ay ikinuwento ni Reeve sa kanya ang lahat ng nangyari nang lumabas ito para magpahangin. Matagal bago ito nakabalik dahil nag-usap pa pala ito at si Prince.
Halata sa tono ni Reeve ang relief at saya na nagkalinawan na ito at si Prince. Nagkapatawaran na raw ang mga ito. Agatha was as happy as Reeve. Sana magtuloy-tuloy na iyon.
“I just realized a while ago that the side I only wanted to hear was his side…” Reeve whispered.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Dahil iniisip mong hindi ka tatraidurin ni Prince, na may relasyon sila ni Lana na itinago nila sa `yo. At the back of your mind, Prince really had a reason. Pilit mo lang na inalis iyon sa isip mo dahil balot ka na ng galit at sakit.”
“Alam mo talaga kung ano ang tamang sabihin. Malapit ko nang isipin na nababasa mo ang isip ko.”
Agatha laughed softly. “You know, it takes a strong person to say sorry.”
“Yes. Prince is really a strong person. He got through with choosing between me and his sister. Masasaktan lang ako pareho kahit ano ang piliin niya kaya pinili niya `yong lesser pain. I’m so weak for being bitter.”
Hindi pa naikukuwento ni Reeve kung paano naging magkapatid sina Lana at Prince. Siguro bukas na lang niya itatanong dahil inaantok na talaga siya.
Napahikab siya. “It takes a strong person to say sorry, but it takes a stronger person to forgive.” Dumilat siya at humiga paharap sa asawa. “You are the stronger one, Reeve.” Yumakap siya rito.
Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “He said I should talk to Lana again.”
Tumango si Agatha. “Yes, talk to her. It’s time for you to forgive her, too. I know you understand her now more than ever.” Napahikab na naman siya. Pumikit siya at isinubsob ang ulo sa dibdib ng asawa.
“Prince asked me if we could be friends again.”
“What did you answer?” inaantok na tanong niya.
“We can. Pero hindi na best friends.” Hinaplos ni Reeve ang pisngi niya. “Dahil may iba na `kong best friend.”
“Hmm… Sino naman?” tanong pa rin ni Agatha kahit unti-unti na siyang hinihila ng antok.
“Ikaw,” bulong ni Reeve. “You’re my best friend, my best girl, and the best wife, sweetheart.” He kissed the top of her head. “I…”
Nakangiting nakatulog na si Agatha. Kaya hindi na niya narinig ang mga sumunod pang sinabi ni Reeve.
“WHAT?!”
Napangiwi si Agatha sa pagtaas ng boses ni Trisha. Tapos na ang klase nila sa araw na iyon pero nagpunta muna sila sa canteen para mag-merienda. Nagpapahinga na rin siya roon dahil kanina pa masama ang pakiramdam niya. She had a slight fever before she went to school.
“H-hindi ako makapaniwala. Magkapatid sina Lana at Prince?”
“Oo.”
“Kailan mo pa nalaman?”
“About three weeks ago?”
“Three weeks! Bakit hindi mo agad sinabi sa `kin?”
Kumirot ang sentido ni Agatha dahil sa pagtaas uli ng boses ni Trisha. Napahawak siya sa sentido at marahang hinilot iyon. “We were busy. Marami tayong exams, homeworks at projects kaya nawala sa isip kong sabihin sa `yo.” Kaya nga siguro masama ang pakiramdam niya ngayon dahil naabuso niya ang katawan. “Akala ko wala kang pakialam kay Prince. Bakit parang napakaimportante sa `yo na malaman na magkapatid sila ni Lana?”
“Ha? A-ano… Wala naman talaga akong pakialam kay Prince. Pero paano sila naging magkapatid?”
“Anak si Lana ng father ni Prince. No’ng time na akala ni Reeve ay iniwan siya ni Lana, that was the time na na-discover ni Lana ang sakit niya and her true identity. Kaya magkasama si Lana and Prince sa Amerika kasi mas gustong sumama ni Lana sa poder ng totoo niyang tatay. Sabi ni Reeve sa `kin, nagpanggap daw sina Prince at Lana na may relasyon noon sa utos ni Lana,” pagkukuwento ni Agatha ayon sa pagkakakuwento rin sa kanya ng asawa. “Lana thought of that to spare Reeve from seeing her dying. Nagpanggap sila ni Prince para magalit si Reeve sa kanya at para maghiwalay sila.” Umubo siya bago magpatuloy. “They both admitted that was a wrong move. Hindi lang daw nila in-expect na sobrang laki ang magiging epekto n’on kay Reeve. Nagsisisi na sila. And when Lana survived cancer…” Umubo uli siya. “They decided to tell Reeve the truth and now… `Ayan na.”
Tumango-tango si Trisha. “How did Reeve take the truth?”
“He’s fine. Napatawad na niya si Prince.”
Namilog ang mga mata ni Trisha. “Wow. One down, two to go.”
“Yeah…” matamlay na sabi ni Agatha. Napakurap-kurap siya nang medyo naging blurry ang paningin.
“Hey, Agatha, are you okay?”
“I-I think so…”
“Sigurado ka?”
Tumango siya pero lalo lang siyang nahilo sa ginawa.
“Hi, girls!”
“Hi, Prof!” bati ni Trisha kay Johann na papalapit sa kanila.
“Hello, Johann,” bati ni Agatha at saka naubo na naman. Sinubukan niyang i-focus ang mga mata kay Johann. Ngumiti ito. Napakurap siya. Parang naging kahawig ito ng daddy niya sa kanyang paningin. Kumurap uli siya.
Umupo si Johann sa bakanteng upuan sa tabi niya. “Tapos na ang klase n’yo, `di ba? Bakit hindi pa kayo umuuwi?”
“Wala lang. We’re just talking about some things. Wala naman nang exams tomorrow. Kaya chill-chill lang muna,” sagot ni Trisha.
“Ayos nga `yan. Relax muna pagkatapos ng napakaraming gawain,” tumango-tangong sabi ni Johann. Napabaling ito sa kanya nang maubo na naman siya. “Ayos ka lang ba, Agatha?”
“Oo…” mahinang sagot niya. Pero nagsisimula na siyang makaramdam ng panlalamig kahit wala namang aircon sa canteen. Hinihingal na rin siya kahit wala naman siyang ginagawa. Bumibigat na rin ang mga talukap ng kanyang mga mata.
Naramdaman niyang dumapo ang kamay ni Johann sa kanyang leeg at noo. “Mainit ka!” gulat na sabi nito. “May sakit ka, Agatha.”
Naramdaman niya ang mga kamay ni Trisha na hinawakan ang mga kamay niya. “Oh, my! Tuluyan ka nang nagkasakit! Sabi ko na, eh. Hindi ka na dapat pumasok.”
“Kanina ka pa may sakit pero pumasok ka pa din?” parang naiinis na sabi ni Johann.
“S-sorry… May exam kasi kanina at ayokong ma-miss `yon.”
“Let’s bring her to the clinic,” sabi ni Trisha.
“The clinic is closed by this time. Iuwi na lang natin siya,” sabi ni Johann. “She needs to rest.”
“Oo, sige. Tawagan ko kaya si Reeve para ma—”
“No,” pigil ni Agatha. “Marami siyang ginagawa ngayon. Don’t bother him. Uuwi na lang siguro a—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabigat na mabigat na ang kanyang ulo at nanlalabo na ang kanyang paningin.
“Agatha!” she heard Trisha scream before everything went black.
NAGISING si Agatha na hindi na masyadong mabigat ang pakiramdam pero parang nakalutang ang kanyang ulo. Maliwanag sa labas ng bintana pagbaling niya roon.
Ngayon pa talaga siya nagkasakit. Sa mismong espesyal na araw pa niya. Wrong timing.
Thank you, Father God, for another year for me. Naniniwala po akong magiging maganda pa rin ang araw na ito para sa birthday ko,
pipi niyang dasal kahit pumipintig sa kirot ang kanyang sentido.
Dapat talaga nakinig siya kay Reeve nang pilit siyang pinapatulog nang naging sobrang busy siya sa mga kailangang gawin. She really abused herself. Ito tuloy ang napala niya.
“You’re awake. Good morning. How are you feeling?” nakangiting bati sa kanya ni Reeve. May dala itong breakfast tray.
“I’m kind of dizzy. Good morning, too, by the way.” Medyo paos ang boses niya. “Wait, h-hindi ka pumasok?”
Inilapag ni Reeve ang tray sa bedside table. Umupo ito sa gilid ng kama at tinulungan siyang makaupo. Inayos nito ang unan sa likuran niya para masandalan niya.
“Paano ako papasok kung may sakit ang asawa ko? Sino’ng mag-aalaga sa `yo?”
Napangiti si Agatha. “Pero sobrang dami mong gagawin ngayon, `di ba? You cannot cancel all your appointments.” Puwede naman nitong tawagan ang mommy niya para pansamantalang mag-alaga sa kanya kung sakali.
“But I just did. I’ll report back to the office kapag magaling ka na.” Inilagay na ni Reeve ang breakfast tray sa harap niya. The tray had porridge, fresh sliced fruits, a glass of milk and a glass of water. “You need to eat first before you take your medicine.” Sinalat nito ang kanyang leeg at noo. “Tch. You still have fever.”
“But I feel better now. Thank you for taking care of me last night.”
Naalala niya na tumaas talaga ang lagnat niya nang nagdaang gabi. She was already chilling. Kailangan niyang uminom ng gamot pero kailangan muna niyang kumain. Hirap na hirap siyang kumilos kagabi at ayaw niyang kumain. But Reeve patiently fed her and helped her drink her medicine. Pinunasan din nito ang pawis niya at pinalitan ang damit niya. He stayed awake all night just to make sure that she would be all right.
Dinampot ni Reeve ang kutsara. Sumandok ito ng mainit na lugaw at marahan iyong hinipan. Inilapit nito ang kutsara sa kanyang bibig at sinubuan siya.
“Mmm. It’s tasty. Ikaw ba’ng nagluto nito?”
“No. Si Mommy Ria.”
“Huh? Nandito si Mommy?”
“Kaninang umaga. Nandito siya kanina para ipagluto ka nitong lugaw. Umalis siya to pick up some groceries. Babalik daw siya mamayang hapon.”
Itinuloy ni Reeve ang pagsubo sa kanya ng lugaw. Actually, kaya naman na niyang kumain nang mag-isa, hindi katulad kagabi. Pero kinikilig siya sa ginagawa ng asawa kaya hinayaan na lang niya. Tutal naman, araw niya ngayon.
“Reeve, remind me to call Trisha and Johann later. I have to thank them for bringing me to the hospital. Naabala ko pa tuloy sila dahil sa pagiging pasaway ko,” sabi ni Agatha nang maubos ang lugaw. Nang mawalan siya ng malay sa campus ay mabilis siyang isinugod nina Johann at Trisha sa pinakamalapit na ospital.
“Trisha will visit you after class,” imporma ni Reeve.
“Gano’n ba? Sige, si Johann na lang.”
Napansin niya ang pagsimangot ni Reeve. “Kahit hindi na. Alam na siguro niya kung gaano ka ka-thankful. Saka nagpasalamat na rin ako sa kanya kahapon nang mag-abot kami sa ospital. Okay na `yon.”
Natawa si Agatha. Seloso. “Johann is a good guy.”
“Oh yes, he is,” sarkastikong sabi ni Reeve. “Come on, eat some fruits before you drink your medicine.”
“You don’t believe me?”
“I know he’s a good guy to you. Now, start eating your fruits.”
Inubos ni Agatha ang mga prutas na inihanda ni Reeve nang wala pang kalahating oras. “Finished!”
Inabutan siya ni Reeve ng isang medicine tablet at capsule. Mabilis niyang ininom ang mga iyon. Inalis na nito ang tray at inilagay uli iyon sa side table. Kinuha nito ang digital thermometer at kinuhanan siya ng temperature.
“Thirty-seven point five degree Celsius. Mas mababa na kaysa kagabi,” sabi nito habang nakatingin sa thermometer.
“Magaling ka kasing mag-alaga ng may sakit. Kumuha ka ba ng crash course sa nursing?” biro ni Agatha.
“Nah. No time for a crash course.”
“Pero bakit alam mo ang mga gagawin na parang trained ka?”
Tumabi si Reeve sa kanya at inabot ang kanyang kamay. He carefully massaged it. “When I was a kid, lagi kong gustong magkasakit.”
“Huh?”
“Tuwing may sakit kasi ako, iyon lang ang oras na ramdam ko ang paglalambing sa `kin ni Mama. Nawawala ang pagkaistrikta niya. Hindi niya ako iniaasa sa katulong. Siya mismo ang nagpapakain sa `kin, nagpapainom ng gamot, nagpupunas ng pawis, nagpapalit ng damit ko and so on. I observed everything she did. Sa isip ko, kapag sila naman ni Papa ang nagkasakit, ako ang mag-aalaga sa kanila.”
“Reeve…”
Sinalubong nito ang mga mata niya. “I’m glad that until now, naaalala ko pa rin ang mga dapat gawin.”
She smiled sweetly at him. “Thank you. You’re the best!”
He smiled back and swiftly kissed her on the lips. “Rest again, sweetheart. Para mabilis ang maging paggaling mo. Tawagin mo lang ako kapag may gusto ka.”
An idea popped in Agatha’s head. “Reeve?”
“Hmm?” sabi nito habang inaayos ang kumot niya.
“Please sing for me,” she requested without hesitation.
Gulat na napatingin ito sa kanya at kumunot ang noo. “Ahm… how about a no?”
Natawa siya. “Sige na. Please...”
“Magpahinga ka na uli, Agatha.”
“I will. Pero kantahan mo muna ako hanggang sa makatulog ako. Please?” she pleaded sweetly.
“No,” sabi nitong may kasamang marahas na pag-iling.
Napalabi siya. “That would make me feel better and happy and special. Please, Reeve Leonardo.”
“Are you serious? Bakit gusto mong marinig akong kumanta?”
She shrugged. “I just want to. Sige na, guwapo ka naman.”
“Hindi ko alam kung masasabi mo pa `yan pagkatapos mo `kong marinig kumanta.”
Natawa na naman si Agatha. Kung magsalita si Reeve ay parang napakapangit talaga ng boses nito. Well, hindi pa niya ito naririnig na kumanta. Pero pangit man ang boses nito, she didn’t really care. Hinding-hindi mababawasan ang pagmamahal niya rito.
“Come on, Reeve. For me?” pangungulit pa niya. “Please?”
Napabuga ito ng hangin.
“Payag ka na?” excited na tanong niya.
Tumingin ito sa kanya. “No.”
Her shoulders fell. “Reeve naman, eh…”
“Agatha, don’t push it.”
Tumingin siya nang matagal dito. Mayamaya ay nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
Parang nataranta si Reeve. “H-hey… Don’t cry, sweetheart.”
“Minsan lang naman akong mag-request sa `yo, eh,” malungkot na sabi niya.
Tumingala ito at bumuntong-hininga. Suminghot naman siya at kunwari ay humikbi.
“Okay, okay! Kakanta na `ko,” pagpayag ni Reeve sa wakas.
Agad siyang napangiti. “Really?”
Tumango ito. “But don’t you dare laugh, all right?”
“Of course.” Yes! Effective talaga kahit kailan ang crying skills na natutuhan niya sa drama club noong bata pa siya.
Humugot ng malalim na hininga si Reeve. Nakaramdam naman si Agatha naman ng sobrang excitement.
“Sigurado ka talaga?” tanong ni Reeve.
She smiled to encourage him. “Come on. I won’t get an annulment after this. Promise,” she joked.
“Good.”
She leaned on his shoulder and closed her eyes.
Tumikhim na naman ito. “Kakantahan talaga kita?”
Ikinawit niya ang kamay sa baywang ng asawa. “Go.”
Reeve sighed, then started singing. “For the way you changed my plans. For being the perfect distraction. For the way you took the idea that I have of everything that I wanted to have and made me see there was something missing…”
Napadilat si Agatha at napatingala sa asawa. Reeve was in tune and his voice was smooth. Nakakakanta naman pala ito!
“For the ending of my first begin. And for the rare and unexpected friend. For the way you’re something that I’d never choose but at the same time, something I don’t wanna lose. And never wanna be without ever again…” Niyuko siya ni Reeve, his dark eyes looking straight at hers. “You’re the best thing I never knew I needed. So when you were here I had no idea. You’re the best thing I never knew I needed. So now it’s so clear, I need you here always…”
Agatha felt her heart beating faster than usual. Plus there was a tickling sensation in her nerves. While Reeve was singing that part, his eyes were like telling her that every word in the song was truly meant for her.
He caressed her face. “Who knew that I could be so unexpectedly, undeniably happier? Sitting with you right here, right here next to me…” He smiled gorgeously. “Girl, you’re the best!”
Napapasaya niya ito? Napapasaya niya ang lalaking pinakamamahal?
“You’re the best thing I never knew I needed. So when you were here I had no idea. You’re the best thing I never knew I needed. So now it’s so clear I need you here always…” Tinitigan siya ni Reeve na parang kinakabisa ang kanyang mukha. “Now it’s all clear, I need you here always…”
He kissed her on the forehead afterwards.
Reeve did it again.
He made her fall in love with him more.
“You can sing naman pala, eh.”
Tumaas ang gilid ng mga labi nito. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga kamay nito at pinaulanan siya ng mumunting halik sa noo, mga mata, tungki ng ilong at mga labi.
“Happy birthday, sweetheart,” masuyong bulong nito.
Ngumiti nang matamis si Agatha. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ng asawa at siya na mismo ang humalik nang buong tamis sa mga labi nito.
It was the first time that she was sick on her birthday. It was her first birthday with Reeve and it was the happiest birthday ever!
KINAGABIHAN, bisita ni Agatha si Trisha. Nagpunta ang kaibigan niya para batiin at kumustahin siya. Mas maganda na ang pakiramdam niya kaya naharap niya ang kaibigan. Binigyan siya nito ng regalo at may regalo ring ibinigay sa kanya si Johann—maliit na asul na kahon na may puting ribbon.
Pagkaalis ni Trisha pagkatapos nilang magkuwentuhan nang isang oras ay binuksan na ni Agatha ang regalo nito at ni Johann. May inaasikaso si Reeve sa library kaya mag-isa lang siya sa kuwarto.
Trisha gave her a birthday card na may nakadikit na picture nila. Kapag binuksan ang card ay umiilaw iyon at tumutugtog ang “Happy Birthday.” Naaliw siya roon. Alam talaga ng kaibigan niya kung anong mumunting bagay ang magpapangiti sa kanya.
Sumunod na binuksan ni Agatha ang regalo ni Johann. Bagong kaibigan pa lang nila ang lalaki pero talagang nag-abala ito.
Inside the small box was a gold necklace with a heart-shaped pendant. Kinuha niya iyon at napakunot-noo. Tiningnan niya nang mabuti ang kuwintas.
Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Binuksan niya ang pendant. Inside was a picture of her father and mother.
Napasinghap si Agatha. Sa kanya ang kuwintas na iyon! Regalo iyon ng mga magulang niya noong seventh birthday niya pero nawala rin niya iyon on the very same day.
Bakit na kay Johann ang necklace niya?
Bigla siyang napahinto. Naiwala nga ba niya ang kuwintas? Suddenly, a memory flashed in her mind.
Katatapos lang ni Agatha na mag-blow ng seven candles kaya nakipaglaro muna siya sa mga kaibigan niya. Naghahabulan sila nang madapa siya sa madilim na parte ng venue ng birthday party niya.
May tumulong nga pala sa kanya na makatayo noon. Isang binatilyo.
Napapikit siya at pilit inalala ang mukha ng binatilyo. Pero ang naaalala na lang niya ay nang kinuha nito ang natanggal niyang kuwintas nang madapa siya.
Matagal na tiningnan ng binatilyo ang kuwintas, pagkatapos ay tiningnan siya. Lumuhod ito sa harap niya. “Little princess, can I have your necklace?”
Mabilis na umiling si Agatha. “Sorry, Kuya. Gift po kasi sa `kin `yan nina Daddy at Mommy. Baka po magalit sila kapag pinamigay ko `yan.”
“Ah, hindi mo naman ibibigay sa `kin. Ipapahiram mo lang. Ibabalik ko uli `to sa `yo kapag handa na ako. Can you keep a secret?”
Mabilis siyang tumango.
“I’m your secret brother,” he whispered.
“Huh?” naguguluhang sabi niya. “Secret brother? Eh, wala naman po akong kapatid.”
“Kaya nga secret lang. Basta maiintindihan mo rin ako paglaki mo.”
‘Okay, you’re my secret brother.” Wala naman sigurong masama kung maniniwala siya rito. Gustong-gusto niyang magkaroon ng kapatid. “Pero kailan mo po ibabalik ang necklace ko?”
Nginitian siya ng binatilyo. “Basta ibabalik ko `to. Sa mismong birthday mo rin. August thirteen. Promise!” He raised his right hand. “Saka mag-promise ka rin na walang makakaalam na secret brother mo `ko.”
“Promise!”
Napakurap si Agatha sa sandaling daloy ng alaala. Muli niyang tiningnan nang mabuti ang kuwintas. Iyon nga. Hindi siya puwedeng magkamali. Dahil bata pa siya noon, nakalimutan na niya ang nangyari kung bakit nawala ang kuwintas.
Napatingin uli siya sa maliit na kahon. May napansin siyang nakatiklop na papel sa loob. Mabilis niyang kinuha iyon. She unfolded it and read the letter inside…
Little Princess,
Happy birthday! As promised, ibinabalik ko na sa `yo ang hiniram kong necklace mo. Yes, I’m ready. Thank you for keeping our little secret na nakalimutan mo na siguro because you didn’t even recognize me. He-he!
Alam kong marami kang tanong. Sasagutin ko `yan lahat. Just get well soon.
Your Secret Brother,
Johann