H INDI alam ni Agatha kung bakit siya nakikipaghalikan kay Reeve. If truth be told, she wanted this to happen. She had been dreaming of this since then.
Reeve’s lips were on hers. He was kissing her, nipping her lips.
She didn’t know how to kiss. She didn’t know how to respond. Pero unti-unti siyang nakakasunod sa galaw ng mga labi nito.
Ginaya niya ang ginagawa ni Reeve.
He nibbled her lower lip, she did the same.
Kusang umakyat ang kamay niya sa buhok ni Reeve. Like she had been doing it all her life. Mas hinapit naman siya nito habang ang isang kamay ay gumagapang mula sa kanyang balakang paakyat… hanggang sa tumigil sa dibdib niya.
When his tongue delved into her mouth, she felt like she was going crazy. The sensation of the kiss gave her that desirable wantonness and passionate heat...
Reeve cupped her left breast with his hand when the kiss intensified. His clothes were wet against her skin but she could still feel his hotness...
What am I doing?!
Agatha’s tongue played with Reeve’s. And, oh! She was really going crazy!
Nakaliliyo ang halik ni Reeve. Hindi niya alam kung bakit sila nauwi sa halikan pero ayaw niya iyong matapos.
“Agatha? Agatha? Where are you, sweetheart?”
Si Mommy!
Parang natauhan sila ni Reeve at agad na naghiwalay. Pareho pa silang naghahabol ng hininga.
Noon lumabas ang mommy niya sa poolside.
“O, hija, nandiyan ka pa—” Nanlaki ang mga mata nito nang makita si Reeve. “Reeve, hijo, what happened? Bakit basang-basa ka?” Nagpalipat-lipat ang tingin ng mommy niya sa kanila ni Reeve.
Agad na nag-iwas ng tingin si Agatha. Nahihiya siya sa nangyari kani-kanina lang.
Nilapitan ng mommy niya si Reeve. “Hijo, what happened to you?”
Tumingin si Reeve nang deretso sa kanyang mga mata. Makikita pa rin sa mga mata nito ang init at apoy ng pagnanasa. Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman ang pagnanais na matikman uli ang halik nito.
“Ah… Mommy, h-he saved me from drowning,” pagkukuwento ni Agatha sa ina nang hindi pa rin umimik si Reeve.
“Muntik ka nang malunod?”
“B-bigla po kasi akong pinulikat.”
“Are you okay now?” nag-aalalang tanong ng mommy niya.
Tumango si Agatha.
“Agatha, sorry natagalan ako. Ano kasi— Oh, my!” Natigilan si Trisha nang makita si Reeve na basang-basa. Halatang bagong shower si Trisha. Nakabihis na ito nang maayos habang bitbit ang kanyang bathrobe at tuwalya.
Lumapit agad si Agatha sa kaibigan at kinuha ang bathrobe. Pagkasuot niyon ay kinuha naman niya ang tuwalya. Nilapitan niya si Reeve at iniabot dito ang tuwalya. Kinuha nito iyon.
“Thank you, Reeve, for saving my daughter,” sabi ng mommy niya.
“No problem, Ma’am.” Sa wakas ay nagsalita na rin si Reeve. “It’s just that... I’m all wet.”
“Oh, don’t worry, hijo. May mga damit sa guest room na puwede kong ipahiram sa `yo. Doon ka na rin magbanlaw at magpalit.” Bumaling sa kanya ang mommy niya. “Agatha, show him the guest room. Ako na ang magsasabi sa daddy mo ng nangyari.”
Natigilan si Agatha. Gusto sana niyang tumanggi dahil hanggang ngayon ay ang awkward ng sitwasyon nila ni Reeve. Pero hindi naman ito mababasa kung hindi dahil sa kanya. Tumango na lang siya sa bandang huli.
“Trisha, come with us,” yaya niya sa kaibigan para hindi sila mapagsolo ni Reeve. Baka kasi kung ano na naman ang magawa niya.
Pero nanunuksong tinitigan siya ng kaibigan at saka tumanggi. “Tutulungan ko pa si Tita sa preparation ng dinner, eh. `Di ba, Tita?” Kumapit pa si Trisha sa braso ng mommy niya.
“Sige na, anak. You owe Reeve one.”
Nang maiwan sila ni Reeve ay wala na ring nagawa si Agatha. Huminga siya nang malalim bago hinarap ang lalaki. Seryoso na ang mukha nito at expressionless ang mga mata. Nakatingin lang din ito sa kanya.
“Ahm...” Bigla niyang napansin ang kanyang kulay-pink na tuwalya na nakasampay sa mga balikat ni Reeve. He looked so adorable! Hindi nabawasan ang pagka-manly nito dahil sa pink towel.
“Pink looks good on you,” sabi niya.
Nagkibit-balikat lang si Reeve.
Walang ano-ano, bigla na lang naalala ni Agatha ang mga halik nito kanina. She blushed.
“P-pumunta na tayo sa guest room para makapagpalit ka na,” sabi na lang niya. Hindi kasi niya alam kung dapat ba nilang pag-usapan o hindi ang nangyaring halikan.
Sumunod naman si Reeve sa kanya. Sa hagdan sa kusina sila dumaan. Pagdating sa guest room ay itinuro niya ang banyo at ang closet na puwede nitong pagpilian ng mga damit.
“I think kasya naman sa `yo ang mga damit dito. Just—”
“I remember you now.”
Nagwala na naman ang puso ni Agatha. Bumilis ang tibok niyon. “H-huh?”
“You’re Agatha. Ikaw `yong nag-recital last week sa Monteverde Hotel.”
Agatha instantly felt her heart leap with joy. “I’m glad you remembered,” nakangiting sabi niya.
“That’s why you know me earlier.”
“Yes.”
“Is that also the reason why you let me kiss you?” deretsahang tanong nito.
“W-what?” gulat na sabi niya.
“You’re blushing.”
“No, I’m not!”
“You are. Maybe you remembered our kiss earlier.”
Napatingin siya kay Reeve. He was too frank and he was mocking her!
Tatanggi pa sana si Agatha pero naudlot iyon nang magsimulang maghubad si Reeve.
“W-what a-are you d-d-doing?” nabubulol na tanong niya.
“Naghuhubad,” simpleng sagot nito. Akmang huhubarin na nito ang suot na slacks nang pigilan niya.
“S-sandali! Lalabas muna ako kung magbabanlaw ka na.” Nagmamadali siyang pumunta sa pinto pero pinigilan siya ni Reeve sa pagpihit niyon pabukas.
Hinawakan siya nito sa braso at pinihit siya paharap dito. Napasandal siya sa saradong pinto. Itinukod naman nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Wala siyang nagawa kundi ang tumingin sa binata.
Hindi siya makapalag. Ayaw niyang pumalag.
“I’m your first kiss.”
Tumango si Agatha. Nahi-hypnotize na naman siya sa titig nito.
“How old are you by the way? Nineteen? Twenty?”
“Twenty-four.” Itinukod ni Agatha ang dalawang kamay sa dibdib ni Reeve para sana itulak ito. Pero hindi niya iyon nagawa. Dahil parang nanghihina siya. “Reeve...”
“You can go now.” Umayos na ito ng tayo at pinakawalan siya.
“Huh?”
Ngumisi ito. “I said you can go now. Or do you want me to strip in front of you?”
Parang natauhan siya at dali-daling lumabas ng pinto.
Pagdating ni Agatha sa kanyang kuwarto ay agad niyang isinara ang pinto at pumasok sa banyo. Doon ay tumingin siya sa salamin. Pulang-pula ang kanyang mukha! Maputi siya kaya agad na makikita kung namumula siya o hindi.
Then she touched her lips and remembered how hot Reeve’s lips were on hers. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. It was her first kiss.
Reeve was her first kiss!
NATAPOS ang dinner na hindi pa rin makatingin si Agatha kay Reeve. Masigla siyang nakikipagkuwentuhan kay Tito Roman—ang papa ni Reeve—pero hindi siya makapagsalita kapag nakikisali sa usapan si Reeve.
Wala siyang makapang galit o inis sa binata sa paghalik nito sa kanya. Bakit naman kasi siya magagalit kung kusa rin naman siyang tumugon? Nahihiya siya dahil baka magkaroon ito ng maling akala sa kanya.
Isa pa, tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay nanunumbalik ang init na naramdaman niya kanina habang hinahalikan nito.
Pinigilan ni Agatha ang sarili na magkuwento kay Trisha. Matalik na silang magkaibigan mula pa noong high school at lahat ay ikinukuwento niya kay Trisha. Pero ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Reeve ay gusto muna niyang sarilinin.
Alas-onse na ng gabi pero patuloy pa rin sa pakikipagkuwentuhan ang kanyang mga magulang kina Tito Roman at Reeve. Tungkol sa kanya-kanyang hotel ang pinagkukuwentuhan nila sa sala habang nagkakape.
“Naku, Roman, ang media at ang mga tao lang naman ang pilit na nagsasabing magkakompetensiya ang mga hotel natin.”
“Tama ka diyan, Philip. Kahit kailan naman hindi ko naisip na kalaban kayo. Although lagi tayong pinagkokompara, pareho naman ang kalidad ng serbisyong nabibigay natin. Humahanga nga ako sa mga hotel ninyo.”
“Same here. Para ngang magkatuwang pa tayo sa pagbibigay ng comfort sa mga turista at kapwa natin mamamayan. Kaya hindi ko na lang pinapansin ang mga comparison.”
Tumango-tango si Tito Roman. “Gano’n naman talaga. Oras na may nakita ang media na magkapareho sa isang bagay, magsisimula na silang maghanap ng mga pruweba kung sino ang nakahihigit kanino.”
Bumaling ang daddy niya kay Reeve. “So, Reeve, ano sa tingin mo ang kailangan nating gawin para huminto na ang pagkokompara sa hotels ninyo sa hotels namin?”
“I believe a merger would definitely make them stop,” deretsang sagot ni Reeve.
Ngumiti nang maluwang ang daddy niya. “You’re too straightforward. I like that attitude.”
“I think it would be better if we merge the hotels. We can give our service and your service together to our dear guests. Hindi na kailangang pagkomparahin ang Monteverde Hotel at Anderson Auberge. Hindi na kailangang malaman who’s better because we can be the best together.”
Natutuwang tumawa ang mommy niya. “I like your son, Roman.”
“Me, too,” segunda ng daddy niya. “Magaling sa business talk. Mahusay mangumbinsi.” Tumingin sa kanya ang daddy niya. “Agatha?”
“Yes, Dad?”
“What is your say about this matter?”
Ibinaba niya ang iniinumang tasa bago sumagot. “Honestly, I don’t know what you’re talking about. I definitely have no idea,” she said, then shrugged. “But I think Reeve is right. It would be better if the Monteverdes and Andersons could give the best as one.”
“Hmm… It looks like my daughter has fallen for your charms, Reeve,” tukso ng mommy niya.
“Mommy!” Namula yata siya.
Nagtawanan ang mga kasama niya.
“I think Roman and I have made a decision.”
Napatingin siya sa kanyang ama.
Tumango naman ang papa ni Reeve.
“What is the decision?” sabay pa nilang tanong ni Reeve.
Tumingin muna ang daddy niya sa mommy niya bago sumagot.
“We’ll have the merging of the hotels.”
Napamulagat si Reeve. “No more further discussions?” tanong nito.
“No more,” sagot naman ng mommy niya. “You will just marry Agatha.”
MAGKASAMANG lumabas ng restaurant sina Reeve at Agatha. Katatapos lang nilang mag-lunch.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang gabing malaman ni Agatha ang pagpapakasal nila ni Reeve.
Nagulat sila ni Reeve pero walang nakaalma sa kanila. Desididong-desidido ang kanilang mga magulang sa pagpapakasal sa kanila. Maganda raw na arrangement iyon para sa nakatakda ring pagsasanib ng Monteverde Hotel at Andersons Auberge.
Natapos ang gabing iyon na wala man lang nagsalita kahit isa sa kanila ni Reeve. Kinabukasan ay kinausap uli silang dalawa ng kanilang mga magulang sa private room ng isang restaurant...
“Agatha, hija. Pumapayag ka bang magpakasal kay Reeve?”
Ano ba ang dapat niyang isagot? Nagugulat siya sa bilis ng mga pangyayari. Pero hindi ba’t iyon ang matagal na niyang pangarap? Ang makasal kay Reeve? Ang maging ina ng mga anak nito? Ang makasama ito habang-buhay?
Agatha, iba `to. It’s just an arranged marriage. He doesn’t love you, sabi niya sa sarili.
Pero ayaw naman niyang tumanggi. Ayaw niyang tanggihan ang pagkakataong iyon.
Tumango siya bilang sagot. Gusto niyang magpakasal kay Reeve.
“Good. How about you, Reeve?”
“I’m fine with it,” sagot agad nito.“For the hotels.”
Pumayag lang pala ito para sa business merger. Pero agad din niyang kinonsola ang sarili. Wala naman na talagang rason para pumayag si Reeve.
“Well, it’s settled then. On the thirteenth of May, we will have a grand wedding. And the unity of Monteverde Hotel and Anderson Auberge. Cheers!”
May 13, 2013? That was just a month from now. Pero wala namang tumanggi sa kanilang dalawa ni Reeve.
Simula rin nang araw na iyon ay “constantly dating” na sila ng binata.
Naisip ni Agatha na ngayong lagi silang magkasama ni Reeve, why not make him fall in love with her? They already kissed. Kahit paano naman siguro ay may gusto rin ito sa kanya.
“Reeve?” untag niya nang nakasakay na sila sa kotse nito. Binuhay na rin nito ang makina.
“Yes?”
“A-are you really fine with this situation... about marrying me?” lakas-loob niyang tanong. Ilang beses na silang lumabas pero ni minsan ay hindi nila napag-usapan ang tungkol doon. Busy sila sa pagkilala sa isa’t isa. Parang sinasanay nila ang mga sarili sa company ng isa’t isa.
“I’m fine with it.”
“Are you really fine or just being fine with it? Magkaiba kasi `yon, eh.”
Tumingin si Reeve sa kanya. Nakahinto sila dahil red light.
Sinalubong niya ang tingin ni Reeve.
Naghinang ang kanilang mga mata. Naramdaman na naman ni Agatha ang kakaibang hatak o pagtulak para muling halikan ang mga labi ng mapapangasawa.
Ganoon din yata ang nararamdaman ni Reeve dahil kinabig nito ang kanyang batok at siniil siya ng halik sa mga labi.
Napapikit si Agatha. Muli ay kusang pumalibot ang mga braso niya sa leeg ni Reeve. Ano ba ang nangyayari? Bakit parang may sensasyon na unti-unting gumagapang sa bawat himaymay ng kanyang balat?
Nag-uumpisa pa lang siyang maliyo sa mga halik ni Reeve nang lumayo na ito sa kanya. Napadilat siya. His dark eyes were dark with desire.
“I love kissing you, Agatha. That’s another reason why I agreed to marry you,” he said in a husky voice.
He started to drive when the light turned green.
Napansin ni Agatha na mas mabilis ang pagpapatakbo ni Reeve kaysa sa normal. Mayamaya pa ay nasa basement parking na sila ng Monteverde Hotel. Hindi na niya nagawang magtanong nang sa mabilis na kilos ay bumaba ito at binuksan ang pinto ng kotse sa gawi niya. Kusa naman siyang bumaba mula roon.
Inabot ni Reeve ang kanyang kamay at hinila siya pasakay sa isang elevator. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nila o kung saan sila pupunta pero iisa lang ang nababasa niya sa mga mata nito.
Pagkasara ng elevator ay agad siyang hinapit ni Reeve sa baywang.
Hindi na siya nagulat dahil agad na rumesponde ang kanyang katawan. Yumakap siya sa leeg ni Reeve. Wala nang namagitang pag-uusap sa kanila. Sabik na naglapat ang kanilang mga labi.
Reeve kissed her lightly at first, his tongue teasing her lips. It made her crazy. She wanted more of his lips.
Wala sa sariling mas idinikit niya ang katawan sa katawan ni Reeve. Kinabig din niya ang batok nito.
Reeve’s kisses had become wild. He was nipping and biting her lips.
May narinig si Agatha na tumunog. Kasunod niyon ay bumukas ang elevator. Pero hindi siya binitiwan ni Reeve. Nagpatuloy ito sa paghalik sa kanya habang palabas sila ng elevator.
Nasa isang kuwarto agad sila paglabas ng elevator.
Ramdam ni Agatha ang init ng katawan ni Reeve. Kung magpapatuloy ito sa ginagawa, alam niyang magpapaubaya siya.