H INDI alam ni Reeve kung bakit umaakto siya na parang isang wild teenager. But he wanted Agatha’s lips. Gustong-gusto niya na hinahalikan ito.
The feel of his body pressing against hers was just... just wonderful.
Kaya nga binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse papunta sa kanyang private suite sa Monteverde Hotel. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kung hindi niya mahahalikan at mahahawakan si Agatha.
He played with her tongue while his hands were sliding from her breasts down to her stomach, lower abdomen, hips... Pumaloob ang isang kamay niya sa suot nitong blouse. Umungol si Agatha nang muli niyang sapuhin ang dibdib nito.
Natigilan si Reeve. Huminto siya sa paghalik kay Agatha.
Tumingin ito sa kanyang mga mata. Gulong-gulo ang mga mata nito.
“Agatha...”
Isinubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib. “W-what are w-we doing?”
Huminga siya nang malalim. “I don’t really know.”
Naguguluhan si Reeve sa sarili. Ngayon lang siya naging ganito kasabik sa isang babae.
Lumayo na si Agatha sa kanya. Inilibot nito ang tingin sa buong kuwarto.
“The elevator is a private elevator that will automatically bring me to my private suit without taking the main entrance,” paliwanag niya habang papunta sa sulok kung saan nandoon ang isang maliit na bar. Nagsalin siya ng tequila sa baso at inisang lagok iyon.
Alam na niya kung ano ang mayroon sa kanila ni Agatha.
NAHIHIYA si Agatha na humarap kay Reeve. Nawala na naman siya sa sarili kanina. Mabilis pa sa alas-kuwatro kung tumugon siya sa mga halik nito. Pero ano ang magagawa niya? Her body had a mind of its own.
Umupo siya sa sofa. Parang nanghihina siya sa mga halik ni Reeve.
“I think our marriage wouldn’t be that boring,” biglang sabi ni Reeve. Nakatalikod ang binata sa kanya kaya hindi niya makita ang ekspresyon nito habang sinasabi iyon.
“What do you mean?”
“We desire each other. We want each other.” Huminto ito saglit bago idinugtong, “There’s lust between us.”
Exactly.
“At least we’re attracted to each other,” sabi pa nito.
“You think our marriage will work because… w-we l-lust over each other?”
Nagkibit-balikat si Reeve. “Maybe. We will live under normal circumstances. We’ll sleep in one bed. We’ll do what normal husbands and wives do.”
Agatha blushed a bit but felt excitement about what he said. Parang nakakita ang puso niya ng pag-asa. Baka puwede rin siyang mahalin ni Reeve.
Napangiti siya. “Reeve?”
“Hmm?” Nakatalikod pa rin ito sa kanya at patuloy na umiinom.
“There will be no annulment, right?”
“I respect the sanctity of marriage. Only death can separate married couples.”
“Can you take care of me?” lakas-loob na tanong niya.Tumayo siya at lumapit kay Reeve. Sinalubong niya ang titig nito. “Your father said you don’t believe in love.”
“Not exactly. I just don’t like to fall in love.”
Napakunot-noo si Agatha. “Why?”
Tinitigan siya ni Reeve nang matagal, parang kinakabisa ang bawat parte ng kanyang mukha.
“I just don’t.” Pinalis ng mga daliri nito ang pagkakakunot ng kanyang noo. “And yes, I will take care of you.”
Yumakap siya kay Reeve. Nakabuo na siya ng desisyon.
She would make him fall in love. She would make him fall for her. Maybe, he was also right that they desired and lusted over each other. And he just said he would take care of her.
That would be a good starting point.
“SO, AGATHA, ano’ng magiging arrangement n’yo ni Reeve kapag kasal na kayo?” tanong sa kanya ni Trisha. Kasalukuyan itong sinusukatan para sa damit na gagamitin sa kasal niya.
“Sabi niya, we’ll live normal naman daw. Same room. Same bed,” sagot ni Agatha habang tinitingnan ang repleksiyon sa salamin. Ipinasukat na sa kanya ang unang tahi ng magiging wedding gown niya para malaman kung may kailangang i-adjust.
Impit na tumili si Trisha. “You mean... you’re gonna...?”
Agatha felt blood rush through her cheeks. “Trish!”
“Oh. My. Gosh! I’m so happy for you, girl!” tili pa nito.
Nilinga niya ang kaibigan. “Pero `di ba, Trish, ginagawa lang iyon when two people are in love with each other?”
“Supposed to be.”
“Reeve doesn’t love me...”
Hinawakan ni Trisha ang kanyang kamay. “Eh, `di ba sabi mo naman, you’ll make him fall for you?”
Tumango si Agatha. Buo ang desisyon niya tungkol sa bagay na iyon. Pero may pangamba pa rin siya na baka hindi mahulog si Reeve sa kanya.
“You’re the prettiest, kindest and sweetest, Agatha. Imposibleng hindi ma-in love si Reeve sa `yo,” pag-a-assure pa sa kanya ng kaibigan. “Ipakita mo lang sa kanya ang totoong ikaw at kung ano ang mga kayang gawin ng isang future Mrs. Agatha Celina Anderson-Monteverde.”
TAPOS na ang kasal. Kaya naman iniuwi na ni Reeve si Agatha sa kanyang bachelor’s pad. Pero sa biyahe ay nakatulog ang kanyang bride.
Kinarga niya at maingat na inihiga ang natutulog na asawa sa kanyang kama. Agatha looked peaceful and adorable in her sleep that he didn’t have the heart to wake her up. Isa pa, nang binuhat niya si Agatha mula sa kotse hanggang sa pad niya ay hindi man lang ito nagising. Halatang sobrang napagod.
Mula kanina sa reception ay nakapagpalit na silang dalawa ng mas kumportableng damit kaya hindi na siyang nag-abala na palitan ang damit nito. Tinitigan niya ang mukha ni Agatha, na ngayon ay asawa na niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na siya. Pero kanina sa simbahan, halos mapatanga siya sa sobrang kagandahang nakikita habang naglalakad si Agatha palapit sa kanya. The wedding gown looked majestic on her.
Agatha was a stunning bride. Hindi aakalain ng sino man na isa lang kasunduan ang kasal na naganap. Kitang-kita sa mukha ng kanyang bride ang labis na kaligayahan. Well, he was happy too, of course.They might not be in love with each other but there was something between them.
Attraction and lust.
Hinaplos niya ang pisngi ng asawa... Agatha was damn gorgeous even in her sleep. Ito sana ang unang gabi nila bilang mag-asawa pero tinulugan siya nito.
Napailing si Reeve at saka tipid na napangiti. Maingat na kinumutan niya si Agatha. He took a shower before turning on his laptop. He guessed he would be awake all night. Naisip niyang magtrabaho na lang kung ganoon din lang.
NAGISING si Agatha na nakahilig sa matipunong dibdib ng asawa.
Asawa. Nakakapanibago.
Tumingala siya at nasalubong ang guwapong mukha ni Reeve.
“Good morning, sweetheart,” bati nito. He kissed her hair, forehead and nose.
Agatha smiled. Iyon ang unang araw nila ni Reeve bilang mag-asawa. Masaya sa pakiramdam na nasa mga bisig siya ng asawa sa paggising niya nang umagang iyon. Dati ay pinapangarap lang niya ang ganoong tagpo pero ngayon ay totoo na ang lahat.
“Agatha…” Reeve whispered huskily before kissing her fully on the lips. Pumaibabaw ito sa kanya. “Tinulugan mo `ko kagabi,” nakangising sabi nito.
She bit her lower lip. “Sorry.”
Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. “Kailangan mong bumawi.”
Napasinghap si Agatha. Namula rin yata ang buong mukha niya. “N-now? This e-early?” Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. She was nervous... and excited about doing it now.
Reeve grinned playfully and nodded.