noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Epilogue

Ch. 32 / 32 Feb 05, 2022
Prev Next

Epilogue

EPILOGUE

“Delight yourself in the

Lord

,

and He will give you the desires of your heart.”

—Psalms 37:4

“A

ND THEY lived happily ever after,” nakangiting sabi ni Agatha sa kanyang mga anak na seryosong nakikinig sa pagkukuwento niya.

“So, happy endings are real. Hmm…” komento ni Rainiel Aaron, panganay na anak nila ni Reeve. Nine years old ito.

“Wow! I love it, Mommy!” squealed Riana Agatha, her seven-year-old daughter.

“Love, love!” panggagaya ng two-year-old son niyang si Rome Adam. Itinaas pa nito ang mga kamay at yumakap kay Riana.

Nagkatawanan ang magkakapatid.

Agatha also chuckled and touched her big belly. Malapit nang lumabas ang pang-apat na anak nila ni Reeve. Sa susunod na buwan na ang due date niya para sa isang baby boy na pangangalanan nilang Rade Amos Anderson Monteverde.

“Puwede talaga `yon, Mommy?” tanong pa ni Rainiel na mukhang ayaw maniwala sa kuwento niya. “Bata pa lang `yong girl, gusto na niya `yong boy, then they grew up and ended up together?”

“Of course, baby,” sagot ni Agatha, saka hinaplos ang pisngi ng anak. “Kasi `yong girl, sinusunod niya lagi si God. She helps people. She understands every circumstance. She displays kindness and spreads love. And in everything she does, she does it in the name of the Lord.” Masuyo niyang pinisil ang ilong ng kanyang panganay na kamukhang-kamukha ng kanyang asawa.

“So?” nakanguso pang tanong ni Rainiel.

“When you follow what Jesus does, and love like Him, God will give you what you are praying for when the right time comes. Lahat tayo ay magkakaroon ng happily ever after basta laging kasama si Papa God.”

“Yehey!” Riana cheered.

“Yey!” panggaya ni Adam. Then the two giggled again.

Agatha gently grabbed Adam and carried him. Hinalik-halikan niya ito. Hinalikan din niya sa pisngi sina Riana at Rainiel na gumanti rin ng halik sa kanya. Nakipaglambingan pa siya sa kanyang mga anak na ang bibilis lumaki!

“Tapos na ang storytelling so go back to your rooms na. Sleeping time na! Then tomorrow, we’ll go to church.”

Yumakap sa leeg niya si Riana. “Can we just sleep here, Mommy?”

“Yes, Mommy. Dito na lang kami,” segunda ni Rainiel. “Tabi-tabi tayo nina Daddy.”

Sasagot sana si Agatha pero naunahan na siya ni Reeve na kalalabas lang ng banyo. “Sure, kids. We’ll all sleep together.”

“Yehey!”

“Thank you, Daddy!”

Lumapit si Reeve sa kama kung saan sila nakaupong mag-iina at kinuha sa kanya si Adam. “Sweetheart, hindi mo na dapat binubuhat si Adam. Ang bigat-bigat pa naman nito.”

“It’s all right.” Tumayo si Agatha. “Reeve, ikaw na muna ang magpatulog sa mga bata. May aayusin lang ako sa kitchen.”

“No problem,” nakangiting sabi ni Reeve, pagkatapos ay hinalikan siya sa noo. “Bumalik ka agad, sweetheart. Bawal kang mapagod at mapuyat.”

“Opo,” malambing na sagot ni Agatha.

Tumapat ang mga labi ng asawa sa kanyang tainga. “I’m planning a different kind of night tonight. Pero siguro puwede namang ipagpabukas? After all, tomorrow’s our tenth anniversary.”

She smiled and blushed a bit. “O-okay…” Wow. Ten years. Isang dekada na silang mag-asawa ni Reeve pero parang nasa honeymoon stage pa rin sila. Ten years with three kids and another one on the way!

Pakiramdam ni Agatha ay kahapon lang nang magpakasal sila ni Reeve. Whenever they made love, it was still passionate, loving, sweet…

“Good night, sweetheart.” Hinarap na ni Reeve ang mga anak at pinagkaguluhan ito ng mga bata.

Lumabas na ng kuwarto si Agatha at bumaba sa kusina. After thirty minutes, umakyat na rin siya para makapagpahinga na rin.

Pagpasok sa kuwarto ay napangiti siya nang makitang magkakatabi ang mag-aama niya sa kama. Nakasiksik sa magkabilang gilid ni Reeve sina Rainiel at Riana habang payapa namang natutulog sa dibdib ni Reeve si Baby Adam.

Habang tinititigan ang kanyang mag-aama, tahimik na nagdasal si Agatha sa Diyos para magpasalamat sa napakagandang pamilya na ibinigay sa kanila ni Reeve.

Si Reeve lang ang ipinagdasal niya but God gave her more than she prayed for.

Napahawak siya sa kanyang tiyan na masyado nang malaki at tatabi na rin sana sa kanyang mag-aama nang mapansin ang maliit na card na nakapatong sa ibabaw ng bedside table.

For Agatha Celina Monteverde, the sweetest wife ever.

Napangiti siya. Obviously, sinadya ni Reeve na iwan iyon doon dahil hatinggabi na. Anniversary na nila!

Agad niyang binasa ang message sa loob ng card.

After a decade, I thank you, Agatha, for sharing your thoughts, your wisdom, your sweet smiles and your whole heart with me.

They say, “A joy that’s shared is a joy made double.” And indeed, indescribable happiness fills my heart ever since you shared your all with me.

After three kids and another on the way (and I’m still praying for more to come), I choose to spend more and more decades with you, sweetheart. I thank God for giving you to me. I wouldn’t have Rainiel, Riana, Adam and Rade without you.

Happy anniversary, sweetheart.You’re my rainbow after the rain and my angel against all pain. I love you so.

Dinala ni Agatha sa dibdib ang card, pagkatapos ay maingat na hinalikan sa noo ang natutulog na asawa.

Humiga na siya at nakisiksik sa kanyang mag-aama.

Marami na silang napagdaanan ni Reeve at ang lahat ng iyon ay pinaniwalaan nilang laging may rason. Sa mga nakalipas din na taon ay mas tumatag ang pananampalataya nila. And true to Reeve’s vows, God became the center of their family.

Tunay ngang kapag maligayang sinusunod at minamahal ang Diyos, tutuparin Nito ang ninanais ng bawat puso.

C.D. DE GUZMAN

•••

WAKAS

•••