N AGISING si Agatha ng eksaktong alas-onse ng umaga. Nakita niya si Reeve na nakaupo at nakaharap sa laptop nito na nakapatong sa dining table. Nakita rin niya ang tatlong malalaking maleta sa likuran nito. Dumating na pala ang mga gamit nila.
Bago bumangon ay pinagsawa muna niya ang mga mata sa pagtitig sa asawa. Hindi nito napansin na gising na siya dahil abala sa ginagawa. Sigurado siyang trabaho na naman iyon.
Reeve was now wearing a gray shirt and light brown khaki shorts. Halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok. He looked so fresh and hot this morning. Gusto na rin tuloy niyang mag-shower. Ang suot niya ay ang white polo at boxers ni Reeve. May mga buhangin pa nga siya sa katawan dahil hindi naman siya nakapag-shower kaninang umaga.
Maingat siyang bumangon at tahimik na pumasok sa banyo. After fifteen minutes ay tapos na siyang maligo. Paglabas ng banyo ay naabutan niya si Reeve na nakaharap pa rin sa laptop pero may kausap sa cell phone. Nabanggit nito ang pangalan ni Clark kaya siguradong tungkol sa trabaho ang tawag.
Napabuntong-hininga si Agatha. Hindi na naman siya napansin ng kanyang asawa. Basta trabaho ay masyado talaga itong focus at walang napapansin sa paligid.
Kinuha niya ang kanyang maleta na nasa likuran ni Reeve at hinila iyon sa isang side ng kama. Binuksan niya iyon at naghanap ng damit na maisusuot.
“Just make sure about those papers, Clark. I’ll sign them as soon as possible. About Mr. Angeles’ business proposal, alam na ni Elisa `yon. Pagbalik mo sa Maynila, kayo na ni Elisa ang umasikaso n’on,” bilin ni Reeve.
May nakita si Agatha na isang one-piece swimming dress. Swimsuit iyon na parang bestida ang cut. Sky blue ang kulay at may blue flower prints. Ang haba niyon ay lagpas lang sa kanyang pang-upo dahil pang-swimming nga iyon. Inalis niya ang tapi na tuwalya at isinuot ang swimming dress. She wrapped the towel around her hair para hindi makasagabal ang buhok niya sa pagtatali sa leeg niya ng lace strap ng swimsuit. Pagkatapos ay nagpatong siya ng cover-up.
Nakapag-ayos na siya at lahat ay may kausap pa rin si Reeve sa telepono. Habang nakikipag-usap ay may ginagawa rin ito sa harap ng laptop.
Naramdaman ni Agatha ang pagkalam ng sikmura. Oras na ng tanghalian pero hindi pa rin siya nakakakain ng almusal. Gusto sana niyang sabay na silang kumain ni Reeve pero ayaw naman niya itong istorbuhin sa ginagawa. Isa pa, hindi pa nga yata nito napapansin na gising na siya at nakapag-ayos na. O baka iniiwasan siya nito?
Bakit ko pa kasi pinilit na i-brought up ang tungkol doon? paninisi niya sa sarili. Saka lang niya na-realize na sinira niya ang masaya nilang gabi kahapon. Mali siya ng timing. But, somehow, she knew that she was getting closer to the most vulnerable part of Reeve.
Naisip niya, bago siya mahalin ng asawa, dapat ay mawala muna ang mga angst nito sa buhay. Hindi nga lang niya alam kung paano iyon gagawin.
“Okay, then. Wait for my call for further instructions. Thank you, Clark,” sabi ni Reeve bago ibinaba ang cell phone. Mas itinutok nito ang tingin sa screen ng laptop.
Agatha cleared her throat. “Good morning!” malakas na bati niya.
Nilingon siya ni Reeve. “`Morning,” may kasamang matipid na ngiti na ganting-bati nito, pagkatapos ay binalikan na ang ginagawa.
“Kumain ka na ba?” tanong niya.
“I had coffee.”
Tumango-tango si Agatha. “Gusto ko sanang kumain sa resto ng resort. Ibinibida kasi sa `kin ni Kuya Zaire `yong mga seafood specialty nila. Punta tayo?”
Nanatiling nakatingin si Reeve sa screen ng laptop. “You go first. Susunod na lang ako. I just need to work on some urgent matters.”
“Okay,” sabi niya. Lumapit siya kay Reeve at yumuko para halikan ito sa pisngi. Pagkatapos ay lumabas na siya ng cottage.
Wala pang limang minuto ay nasa beach restaurant na si Agatha. Open-air iyon, nipa hut-style restaurant. Malaki iyon at may magandang view ng dagat. Maraming tao sa loob ng restaurant at parang wala nang bakanteng mesa. Pero sinuwerte pa rin siya dahil nakakita siya ng bakanteng mesa na pang-apatang tao. Umupo siya roon at nag-text kay Reeve kung saan siya naroon.
May lumapit sa kanyang waitress na ang uniform ay isang Hawaiian summer dress. Inabutan siya nito ng menu. Talaga yatang nagugutom na siya dahil pagkakita sa pictures ng mga pagkain ay kumalam ang kanyang sikmura. Agad siyang um-order ng fried rice at sinigang na hipon.
“That’s all, Ma’am?” nakangiting tanong ng waitress.
She smiled back. “Yes. Thank you. O-order na lang uli ako kapag dumating na ang asawa ko.”
“Okay, Ma’am. Your order will be served after five minutes.”
“Thank you.”
Pagkaalis ng waitress ay itinukod ni Agatha ang siko sa mesa at nangalumbaba. Sana sumunod agad sa kanya si Reeve. Gusto niya itong makasabay na kumain. Pero baka nga galit sa kanya ang asawa dahil sa pakikialam niya kaninang umaga.
Tumanaw siya sa dagat at nag-isip.
“Excuse me?”
Napalingon si Agatha. “Yes?”
Isang guwapong lalaki ang nakangiting nakatunghay sa kanya. “Ahm, Miss, puwede ba kaming maki-share ng table ng kasama ko? Wala na kasing ibang vacant seats at nagugutom na talaga kami,” parang nahihiyang sabi nito.
“Sure. No problem,” pagpayag niya. “Kasya naman siguro tayo kapag dumating ang asawa ko.”
“Thanks! Kanina pa kasi kami naghahanap ng makakainan ng kaibigan ko,” natutuwang sabi ng lalaki habang umuupo sa silya sa tapat niya. “Don’t worry, hindi ako rapist or what. Nagugutom lang talaga kami.”
Agatha smiled. May kutob naman siyang hindi ito masamang tao kaya nga pumayag agad siyang makipag-share ng table. “Nasa’n na ang friend mo?”
“Johann! Sandali lang akong nawala, may chicks ka na agad!” sabi ng isang babae na sumulpot mula sa likuran niya.
Kumunot ang noo ng lalaki na kausap niya. “Umayos ka nga, Xan. Dapat mag-thank you ka kay Miss Beautiful kasi pumayag siyang makipag-share ng table.”
Humarap sa kanya ang babae. “Ay, sorry, Miss! Akala ko may nabola na naman `tong lalaking `to,” duro nito sa kaibigan. “Ako nga pala si Xan. Salamat sa pagpayag na i-share sa `min ang table mo. Mamamatay na kasi talaga kami sa gutom, eh.”
Napangiti si Agatha. “That’s fine. Upo ka na para maka-order na kayo.”
Umupo si Xan sa kaliwa niya at tumawag ng waiter.
“Ako nga pala si Johann,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili pagkatapos um-order ng pagkain.
“I’m Agatha. Nice meeting you both, Johann and Xan.”
“Nice meeting you, too, Agatha,” nakangiting sabi ni Johann.
Dumating na ang order ni Agatha. Inilapag iyon ng waitress sa harap niya.
“Oh, my God! You’re Agatha Anderson, right?” nanlalaki ang mga mata na bulalas ni Xan. “Ikaw ang pinakasalan ni Reeve Leonardo Monteverde!” tili pa nito. “Oh, my God! You’re Agatha Anderson-Monteverde!”
Agatha smiled shyly. “Yes.”
“Ay, grabe, ang ganda-ganda mo nga talaga! Hindi nakakahinayang na nagpakasal na ang ultimate crush ko.”
“Ultimate crush niya si Reeve Monteverde,” sabi ni Johann. “Kaya kapag naabutan niya ang asawa mo dito, ta-tumbling sa saya ang lukaret na `yan.”
“OMG! Nandito si Reeve? OMG! OMG!” nagtititiling sabi ni Xan sa sobrang excitement.
“Hoy! Tumahimik ka nga!” saway rito ni Johann. “Maghunos-dili ka.”
Dumating na rin ang order nina Xan at Johann kaya sabay-sabay na silang kumain.
“Agatha, ipakilala mo naman ako sa asawa mo. Promise, magbe-behave ako. Hindi ko siya gagahasain,” sabi ni Xan habang kumakain sila.
“Uy, mahiya ka naman sa balat mo, Xan,” sabi ni Johann.
“Eh, bakit ba? Moment ko na `to. Panira ka. Akala ko pa naman kaibigan kita.”
“Ang landi mo kasi,” deretsahang sabi ni Johann.
“Look who’s talking!”
“You’re the one talking. Look at yourself,” pakuwela ni Johann.
Hindi napigilan ni Agatha na matawa sa makulit na magkaibigan.Nagtuloy-tuloy ang kulitan ng dalawa at wala siyang ginawa kundi tumawa nang tumawa habang kumakain.
Sabay-sabay silang natapos sa pagkain pero hindi pa rin dumarating ang asawa niya. Medyo nalungkot siya nang hindi sumunod si Reeve. Pero napawi naman iyon kahit paano dahil sa kulitan nina Xan at Johann.
“Hindi na ba darating ang asawa mo, Agatha?” tanong ni Johann.
“Hindi na siguro. Hindi niya siguro maiwan ang ginagawa sa cottage.”
“Hay… sayang naman. Hindi ko na nakilala sa personal si Reeve,” nanghihinayang na sabi ni Xan.
“`Pakikilala na lang kita next time.”
“Eh, hanggang ngayon na lang kasi kami dito. Mamayang gabi ang flight namin pa-Manila.”
“Gano’n ba? Eh, di I’ll get in touch with you na lang,” sabi niya. Natutuwa kasi siya sa magkaibigan at parang si Xan siya dati noong hindi pa niya nagiging asawa si Reeve. “Ibibigay ko sa inyo ang cell phone number ko para makontak n’yo `ko kapag nasa Manila na rin ako.”
“Bongga! I love that!” Xan cheered.
Ibinigay ni Agatha ang kanyang cell phone number kay Xan at sinave naman nito iyon sa cell phone.
“It was so nice meeting you, Agatha,” sabi ni Xan. “Una na kami, ha? Ay, ako pala ang mauuna. Bayaran mo muna ang kinain natin, Johann. Parang… parang nasi-CR kasi ako. Babush , Agatha! I’ll text you!” nagmamadaling sabi ni Xan at sapo ang tiyan na mabilis na lumabas ng restaurant.
Iiling-iling na lang si Johann. “Ang takaw kasi.”
“Thank you for joining me over lunch.”
“No problem, Agatha. Salamat din sa pag-share ng table sa amin kahit sobrang kapal ng mukha ni Xan,” natatawang sabi nito bago tumayo.
Tumayo na rin si Agatha pero nabigla yata ang mga binti niya at nawalan siya ng balanse. Napasubsob siya sa dibdib ni Johann.
“Ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong nito.
“Pinupulikat ako,” sabi niya. Naramdaman niya sa kanang binti ang parang pagpilipit doon.
Mabilis siyang inalalayan ni Johann na makaupo uli. Lumuhod ito at inabot ang kanang binti niya na hindi niya maikilos.
“H-huwag na, Johann. I can manage.”
“No worries. Madalas ding pulikatin si Xan kaya sanay akong maghilot nito. Okay lang ba sa `yo? `Wag kang mailang. Walang malisya `to, promise.” Mabait pa itong ngumiti.
Natawa si Agatha. “Nakakahiya lang kasi.”
“Ayos lang.” Nagsimula na si Johann na hagurin ang pinupulikat niyang binti at paa. “Thank you gesture na lang sa kabaitan mo na i-share ang table mo para makakain kami. Kasi kung hindi ka pumayag, nagbuga na ng apoy si Xan dahil sa sobrang gutom,” biro pa ni Johann na sabay nilang ikinatawa. It was strange that she felt an easy connection with Johann gayong isang oras pa lang yata ang lumilipas mula nang magkakilala sila.
“Agatha.”
Natigil sila ni Johann sa pagtawa. Lumingon siya at nakita ang asawa.
“Reeve!” natutuwang sabi niya. Masaya siya dahil sumunod pa rin ito kahit tapos na siyang kumain.
Lumapit ito sa kanila, blangko ang ekspresyon. Tumingin ito kay Johann na nakatayo na ngayon. Tumalim ang tingin nito kay Johann bago ibinalik ang tingin sa kanya.
“What happened to you?”
“Cramps,” she answered, pointing to her right leg. “By the way, he’s Johann,” sabi niya, sabay turo sa kasama. “He’s with his friend kanina. Naki-share sila ng table sa `kin.” Bumaling naman siya kay Johann. “He’s my husband. Si Reeve.”
Nagtanguan lang ang dalawang lalaki.
“Agatha, mauuna na `ko. Magbabayad pa `ko at hinihintay na siguro ako ni Xan. Okay ka na ba?” sabi ni Johann.
“Medyo masakit pa. But thank you so much, Johann.”
“Ako na’ng bahala sa asawa ko,” sabad ni Reeve. May diin ang pagkakasabi nito sa huling dalawang salita.
Tumango si Johann at tuluyan nang nagpaalam sa kanila.
“Ouch,” daing ni Agatha nang makaramdam uli ng pamimilipit ng binti.
Umupo si Reeve sa upuan sa harap niya at marahang itinaas ang kanyang binti at ipinatong sa kandungan nito. Dahan-dahan nitong minasahe iyon. Pagkalipas ng ilang segundo ay nawala na ang pananakit ng kanyang binti.
“Thank you,” pasasalamat ni Agatha sa asawa. Ibinaba na niya ang binti at ikinilos-kilos iyon.
Hindi nagsalita si Reeve, nakatingin lang sa kanya.
“Ahm, do you want to eat?”
Pinagkrus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib. “No, thanks.”
“Hindi ka ba nagugutom?”
Umiling ito.
“So… any plans for today?”
“Wala masyado,” matipid na sagot nito.
She sighed. “Galit ka ba sa `kin?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Reeve. “Bakit naman ako magagalit sa `yo?”
“B-because of what happened earlier. Because of everything I said during sunrise…”
“No. Let’s forget about that.”
“So, bakit hindi ka masyadong umiimik?”
Parang sasagot sana si Reeve pero muli ring itinikom ang bibig.
“Nakapagbayad ka na?” tanong nito.
“Hindi pa.”
Hinugot nito ang wallet mula sa backpocket. Naglabas ito ng pera at ipinatong iyon sa ibabaw ng table.
“Let’s go,” sabi nito, saka tumayo at naglakad palabas ng restaurant.
Mabilis na sumunod si Agatha sa asawa. “Reeve,” tawag niya pero hindi ito lumingon. “Reeve,” tawag uli niya.
Parang walang naririnig na nagtuloy-tuloy lang si Reeve sa paglalakad hanggang nasa kalagitnaan na sila ng beach kung saan hindi masyadong matao. Tumakbo si Agatha at inabot ang kamay ng asawa.
“Reeve, what’s your problem? Why are you avoiding me?”
Huminto ito at nilingon siya. “I’m not avoiding you,” walang ganang sagot nito.
“Eh, bakit ganyan ka? You’re cold towards me. Hindi ko naman alam kung bakit. Sabi mo, hindi naman tungkol sa kaninang umaga.”
Humarap ito sa kanya. “You shouldn’t be talking to strangers. But you did. What’s worse, you let that guy touch you!”
“Si Johann? But he was just helping me with my cramps,” paliwanag niya.
Umismid si Reeve. “Agatha, it’s pretty obvious that ‘that guy’ wants to get on top of you!”
“Reeve!” saway niya. “He was just trying to help. Walang malisya `yon.”
“Yeah, right,” he said sarcastically. Tumalikod ito at naglakad na naman nang hindi siya nililingon.
Sumunod siya rito. “Reeve, Johann and his friend Xan are nice people. Sinaluhan nila ako sa pagkain kanina. They were so friendly to me and I didn’t feel that Johann was taking advantage of me. Alam niyang may asawa ako at—” Bigla siyang napahinto sa pagsasalita at sa pagsunod kay Reeve.
Parang napansin naman iyon ni Reeve dahil huminto ito sa paglalakad at nilingon siya.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
“What?” tanong ni Reeve.
“Are you jealous?” hindi napigilang tanong niya habang napapangiti.
Napakurap si Reeve at parang saglit na natigilan. Nagsalubong ang mga kilay nito mayamaya. “Hell, damn no!” angil nito, sabay talikod at mabilis na namang naglakad.
Agatha burst out laughing and followed him. Her heart was cheering. Baka nga nagseselos ito!
At kung nagseselos nga si Reeve, ibig bang sabihin ay may namumuo na itong damdamin sa kanya? Kahit kaunti lang?
“Reeve!” habol pa rin niya.
“Hindi ako nagseselos!” sigaw nito habang patuloy pa rin sa paglalakad.
She giggled. Tumakbo na siya para maabutan si Reeve at nang maabutan ay inabot niya ang kamay nito. Hinila niya iyon para humarap ito sa kanya. She rose on tiptoes, pulled him down by the nape, and kissed him on the lips.
Dapat ay isang maikling halik lang iyon pero mas tumagal iyon kaysa sa inaasahan. Pumulupot na ang mga braso ni Reeve sa kanyang baywang. Iniyakap naman niya ang mga braso sa leeg nito.
Mapang-angkin ang halik ni Reeve na para bang ipinahihiwatig na ang mga halik niya ay para dito lang.
Nang matapos ang halik ay nagtama ang kanilang mga mata. Hindi mabasa ni Agatha ang emosyon na nakapaloob sa mga mata ni Reeve dahil parang ang dami-dami niyon at nagkahalo-halo na.
Nginitian niya ito nang matamis. “Huwag ka nang magselos.”
“I’m not jealous!” protesta pa rin nito.
Nagkibit-balikat na lang siya at hinalikan uli si Reeve. Sana nga nagseselos ito. Para naman mas mabuhay pa ang pag-asa niyang mamahalin din siya nito.
KINAGABIHAN, inimbitahan sina Agatha at Reeve ni Kuya Zaire sa beach concert ng isang sikat na banda na gaganapin sa mismong beach resort. They both joined the noisy and wild crowd. Uminom din si Reeve dahil sa pagpupumilit ni Kuya Zaire.
Madaling-araw na nang makabalik sila sa inookupang cottage. Reeve was already tipsy and just went straight to bed. Si Agatha na lang ang nag-asikaso sa asawa para maging kumportable ito sa pagtulog. Pinunasan niya ito at pinalitan ang suot na damit. Pagkatapos ay inasikaso naman niya ang sarili at nagpasya na ring matulog.
Nagdasal muna siya bago tuluyang matulog. Eksakto namang naramdaman niya ang pagyakap ni Reeve sa kanya pagkatapos niyang magdasal.
Humarap siya sa asawang natutulog na at kinintalan ito ng mabilis na halik sa mga labi. “Good night, Reeve. I love you…” mahinang-mahinang bulong niya.
Kumilos si Reeve at pinaunan siya sa braso nito. Sumubsob siya sa matipuno nitong dibdib.
“Agatha…”
Napaangat siya ng tingin sa asawa. Nakatingin ang namumungay nitong mga mata sa kanya.
Narinig kaya nito ang sinabi niya? Hindi siya nagpahalatang nagulat, imbes ay nginitian pa ito nang matamis. “Gising ka pa pala?”
“Naalimpungatan lang…” sabi nito habang nakatitig sa kanya. Mayamaya ay umangat ang kamay nito. Maingat na pinaraanan nito ng hintuturo ang ilong, pisngi at mga labi niya.
“Very lovely,” bulong nito. “Asawa na ba talaga kita? Parang ayokong maniwala.”
She chuckled softly. “Ganyan ka pala kapag lasing.”
“Lasing? Sinong lasing? Definitely not me.” Titig na titig pa rin ito sa kanya. Parang hindi kumukurap.
“Reeve, let’s sleep.”
“Go on. Matulog ka na. Babantayan kita.”
Nakaramdam si Agatha ng kiliti sa kanyang puso. “Bakit mo naman ako kailangang bantayan?”
“Baka kasi panaginip lang `to. Baka bigla kang maglaho sa mga yakap ko.”
“So romantic, aren’t you?” tukso niya habang hindi mapigilan ang paglapad ng ngiti. “Are you starting to fall for me, Reeve Leonardo?”
Napasinghap siya nang ngumiti ito. Dahil ngayon lang niya nakita ang ngiti nitong iyon. It was a genuine and loving smile. Lalong gumuwapo si Reeve, idagdag pa ang namumungay nitong mga mata.
Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ni Agatha. Bakit ngayon lang niya nakita ang ngiting iyon ni Reeve? Ano pang mayroon ito ang hindi pa niya natutuklasan?
“I wish you were different from them.”
“From whom?” nagtatakang tanong niya.
“Sana hindi mo rin ako iiwan. That you will not betray me.”
“A-are you talking about Lana and Prince?” Sa wakas ba ay mag-o-open up na si Reeve sa kanya?
“And my mom.”
“Reeve…”
“They did this to me, sweetheart. They made me believe that love is just for fools. You’re right. I’m afraid to love again,” pag-amin nito. “It’s just so damn painful…” Pumikit ito at pinagdikit ang kanilang mga noo. Mas hinapit din siya ng asawa palapit sa katawan nito. “Don’t leave me, sweetheart.”
“I won’t,” pangako ni Agatha. Ayaw niyang umiyak pero katulad ng kahapon, nararamdaman niya ang hapdi sa puso ng asawa. Masakit pa rin kay Reeve ang nakaraan dahil hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ito roon.
“Don’t cry,” sabi nito at hinalikan siya sa mga labi.
“You’re too dramatic when you’re drunk,” biro niya. Ipinikit niya ang mga mata at lalo pang nagsumiksik dito.
He chuckled softly. “Sabi nga nila...”
Mayamaya pa ay nakatulog na uli ito.
Siya naman, kahit na nakapikit ay gising na gising pa rin ang diwa. Nakita na niya ang nasasaktan at nalulungkot na pagkatao ng asawa. Lumalabas pala iyon nang kusa kapag lasing ito. Naisip niya kung ilang taon nang pilit na nagpapakatatag si Reeve kahit na masakit pa rin dito ang lahat.
Oh, her poor husband! Sana lang makaya niyang paghilumin ang lahat ng sakit sa puso nito. Pero saan siya magsisimula?
MAS NAUNANG nagising si Agatha kaysa kay Reeve. She carefully got up from bed and kissed him on the forehead.
Nakita niya sa wall clock na alas-otso na. Mabilis siyang naghilamos at nagpalit ng simpleng damit. Lalabas siya para bumili ng breakfast. Gusto niya na siya mismo ang personal na mag-prepare ng almusal nila ni Reeve.
Dahil malayo ang private cottage nila, binilisan niya ang paglalakad papunta sa main resort. Agad siyang nakakita ng restaurant na nagse-serve ng almusal. Kaunti pa lang ang tao kaya mabilis siyang naka-order. She ordered a special tuna sandwich and fresh milk for her. Pinakiusapan niya ang isang staff kung puwede na siya mismo ang magtimpla ng kape para sa kanyang asawa. Agad namang pumayag ang manager. Inilabas ng mga ito ang kakailanganin niya katulad ng brewed coffee, sugar at creamer. Mabilis siyang nagtimpla para makabalik agad sa cottage nilang mag-asawa.
Katatapos lang niyang magtimpla ng kape nang may lumapit sa kanya na isang babae na hula niya ay nasa late fifties ang edad. Maganda ito at napakasopistikada ng dating.
“Excuse me, hija?” sabi nito.
“Yes, Ma’am?” tanong niya.
“Are you Agatha? Mrs. Agatha Monteverde?”
Tumango siya. “Ako nga po. May I help you?”
Nginitian siya ng babae na matanda lang siguro nang kaunti sa mommy niya. “You’re so beautiful,” sabi nito at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.
Pinakatitigan ni Agatha ang babae. Parang pamilyar ito sa kanya. “Ahm, Ma’am, magkakilala po ba tayo o kakilala n’yo po ang asawa ko?” magalang niyang tanong.
The woman’s eyes saddened. Pero nanatili itong nakangiti. “Gusto kong makilala ka, hija. I’m Leona Hernandez-Flores.”
Namilog ang mga mata ni Agatha. That’s why the older woman looked familiar! “L-Leona Flores? You are Reeve’s—”
“Agatha!”
Sabay silang napalingon ng ginang nang marinig ang malakas na boses.
Mabilis na lumapit sa kanya si Reeve at hinila siya palabas ng restaurant.
“Reeve!” tawag ng ginang at hinabol sila. “Anak!”
Huminto si Reeve at marahas na nilingon ang ina. “Anak? The last time I checked, you stopped being a mother to me twelve years ago!”
Nangilid ang mga luha sa mga mata ng ginang. Hindi na ito nakapagsalita. Hinila na uli siya ni Reeve pabalik sa cottage nila. Hindi na sumubok pa si Leona Hernandez-Flores na sundan sila.
Nanatili si Agatha na tahimik, nakasunod lang sa asawa. Tahimik lang din si Reeve. Nagtatagis ang mga bagang nito. Wala siya sa posisyon para pagsabihan ang asawa sa inasal nito dahil hindi niya alam kung gaano katinding sakit ang nararamdaman ni Reeve sa pag-abandona rito ng ina.
Nang nasa dalampasigan na sila malapit sa tinutuluyang cottage ay huminto sa paglalakad si Reeve at nilingon siya.
“Won’t you say anything?” sabi nito. “Katulad ng hindi ko dapat sinabi sa kanya ang sinabi ko at kailangan ko pa rin siyang respetuhin dahil ina ko pa rin siya?”
Umiling si Agatha. “I don’t need to because you know it already.”
Bumaling si Reeve sa dagat. “Damn it! Damn it!!” nanggigigil na sigaw nito. “Bakit kailangan nilang bumalik lahat?!”
Umupo si Agatha sa buhangin at hinayaan lang si Reeve sa ginagawa. He needed to vent his anger.
“They should all go to hell!” he burst. “Fuck them! Fuck those motherfucking sons of bitches!”
Napapangiwi si Agatha sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Reeve. Mayamaya ay tumigil na ito sa pagsigaw. Nakatingin lang ito sa dagat habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.
Tumingin din si Agatha sa payapang dagat. Nilanghap niya ang sariwang hangin ng umaga at marahang nagpakawala ng hininga. Then she started to hum and sing.
“Fallin’ out, fallin’ in. Nothing’s sure in this world, no no. Breakin’ out, breakin’ in. Never knowin’ what lies ahead. We can really never tell it all…” mahinang pagkanta niya. “Say goodbye, say hello to a lover or friend. Sometimes we never could understand why some things begin then just end. We can really never have it all… But oh, can’t you see? That no matter what happens, life goes on and on. So, baby, just smile coz I’m always around you. And I’ll make you see how beautiful life is for you and me…”
Nilingon siya ni Reeve. Nakakunot ang noo nito at parang takang-taka kung bakit bigla na lang siyang kumanta. Tumayo siya at nginitian ito.
“Take a little time, baby. See the butterflies’ colors. Listen to the birds that were sent to sing for me and you. Can you feel me?” madamdaming pagpapatuloy niya sa kanta. “This is such a wonderful place to be.”
Pumikit pa siya at sinamahan ng hand gestures ang pagkanta na para bang nagpe-perform siya sa stage. “Even if there is pain now, everything will be alright. For as long as the world still turns, there will be night and day. Can you hear me? There’s a rainbow always after the rain…”
Eksaktong nakalapit na siya kay Reeve. Inabot niya ang mga kamay nito at siya na mismo ang nagpulupot ng mga iyon sa baywang niya. Pumaikot naman ang mga braso niya sa leeg nito pagkatapos.
“Life’s full of challenges . N ot all the time we get what we want. But don’t despair, my dear…” She started swaying him slowly. Medyo lumambot ang ekspresyon ni Reeve at nagpakawala ito ng hininga.
Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang baywang. Pinagdikit nito ang mga noo nila. “Agatha…”
She gently touched his face. “You’ll take each trial and you’ll make it through the storm coz you’re strong. My faith in you is clear. So I’ll say once again, this world’s wonderful. And let us celebrate life that’s so beautiful, so beautiful…”
Gusto niyang maiparamdam kay Reeve na matatapos din ang lahat ng sakit na nararamdaman nito kung matututo lang itong tanggapin ang nakaraan at susubukan uli na magmahal. Ang corny man ng paraan na naisip niya para i-comfort ito, mukha namang epektibo iyon dahil kumalma na ito kahit paano.
Hinawakan ni Reeve ang kamay niyang nasa pisngi nito. Dinala nito iyon sa mga labi at saka hinalikan. Dumilat ito at tumingin nang tuwid sa kanyang mga mata. “Oh, sweetheart…” Mas hinapit siya nito at hinuli ang kanyang mga labi.
“Feeling better?” she asked after the kiss.
Matipid itong ngumiti. “You sang so well.”
“Thank you. I hope you’re feeling better now. Don’t say it’s your bad day today because of what happened earlier.”
Bumuntong-hininga ito. “Nagulat lang ako nang makita ko siya. I never expected that the day would come that I’d see her again,” tukoy nito sa ina.
“Ano’ng plano mo?”
“I don’t know. But I feel better now. Thank you, sweetheart.”
Napangiti si Agatha at niyakap si Reeve. “I’ll get you out of this storm. I’ll be your rainbow,” bulong niya.
Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng kanyang ulo.
NAKANGITING pumaibabaw si Agatha kay Reeve nang mauna siyang magising. Pinaulanan niya ng mumunting halik ang buong mukha ng asawa.
Huling araw na nila ngayon sa resort. Kaya naman kahapon ay sinulit na nila ang honeymoon vacation. Sinulit sa paraang halos magtalik na sila ni Reeve sa ilalim ng dagat nang maglunoy sila kahapon. Nakakabaliw iyon.
Nagkulong din sila sa cottage. Lumabas lang sila para maghapunan, pagkatapos ay bumalik din ng cottage at nagtalik buong magdamag.
Hapon pa ang flight nila pero kailangan na nilang umalis ng umaga dahil kailangan pa nilang magbiyahe ng apat na oras pabalik sa Cebu City. Dadaan pa sila sa Monteverde Hotel bago dumeretso sa airport pauwi sa Maynila.
“Wake up, Reeve,” malambing na paggising ni Agatha sa asawa, sabay halik sa noo, mga mata, mga pisngi, ilong, mga labi at baba nito.
He just groaned and refused to wake up.
“Reeve, we have a plane to catch later. Kailangan na nating mag-ayos. Mayamaya ay dadating na si Mang Jim,” pilit na panggigising niya sa asawa. She touched the stubble on his cheeks and chin. Hindi niya alam kung kailan huling nag-shave ang asawa pero bagay naman dito ang kaunting facial hair. He looked hotter and more appealing actually.
“Reeve…” patuloy niyang panggigising sa asawa sa pamamagitan ng mumunting halik.
Iminulat nito ang isang mata. Kumurap-kurap pa ito bago tuluyang naimulat ang mga mata.
Her lips curved into a smile. “Good morning, husband.” Hinalikan niya ito sa mga labi.
“What are you doing?” tanong nito sa namamaos na boses.
“Waking you up.”
Matagal itong tumitig sa kanya, para bang kinakabisa ang hitsura niya. Then he smiled lazily. “Good morning,” he greeted back.
Agatha’s heart pounded fast. Marahan siyang umalis sa ibabaw ni Reeve. Siniguro lang niya na hindi nito mahalata ang mas bumilis na pagtibok ng kanyang puso.
Bumangon na rin si Reeve mayamaya.
“Mauna ka nang maligo,” sabi niya. “Aayusin ko lang ang mga gamit natin.”
“Okay,” matipid nitong sagot, saka isinuot ang bathrobe na nakasampay sa headboard ng kama. Tumayo na ito at nagpunta sa banyo.
Pagkalipas ng isang oras ay pareho na silang handang umalis. Dumating na rin ang dalawang lalaking staff ng resort para tulungan sila sa kanilang mga gamit.
Nasa lobby na sila ng resort at nandoon ang pinsan ni Agatha para magpaalam sa kanila. Tinukso-tukso na naman siya ng magaling niyang pinsan. Her cousin and her husband were talking about business when a female staff member approached her.
“Excuse me, Ma’am?”
“Yes?” baling niya sa babae.
“Mrs. Agatha Monteverde?”
Nakangiti siyang tumango.
“May nagpapabigay po nito.” May iniabot itong nakatuping papel sa kanya.
Kinuha niya iyon nang hindi nagtatanong kung kanino galing ang papel. “Salamat.”
Agad na umalis ang babaeng staff.
Binuklat ni Agatha ang papel at binasa ang nakasulat doon.
Agatha,
You probably know about how your husband hates me. But I know you’re a kind young lady and you’re giving me the benefit of the doubt. Alam ko ang mga pagkukulang ko kay Reeve but believe me, I love my son, so much.
Love him truly. Help him open his heart again, my dear. Maghihintay ako hanggang sa mapatawad niya ako. I know he will leave once he knows that I’m here. I just wanted to see him again after twelve long years. Take care, Agatha. Take care of my son.
Leona Flores
Agatha sighed after reading the letter from Reeve’s mother. Maingat niya iyong itinupi at itinago sa wallet niya.
Nilingon niya ang asawa na patuloy na nakikipag-usap sa pinsan niya. Naipon sa puso nito ang lahat ng galit at sakit na naranasan mula kina Lana, Prince at sa sariling ina. Looking at him, standing so dignified and talking with so much confidence, walang mag-aakala na nakakulong ang puso nito sa nakaraan.
Then she remembered his smile again… ang pinakatotoong ngiti na unang beses niyang nakita mula kay Reeve nang gabing malasing ito. Gusto niyang makita uli iyon lagi… araw-araw, oras-oras, o kahit minu-minuto pa.
“Agatha, the car is here,” sabi ni Reeve.
Tumango siya at muling nagpaalam sa pinsan. Niyakap siya nang mahigpit ni Kuya Zaire. “I’ll miss you, baby girl. Balik kayo, ha? Pakikumusta na rin ako kina Uncle Philip at Auntie Ria. Saka kunin n’yo `kong ninong ng first baby n’yo ni Reeve,” bilin pa nito na tinawanan lang niya.
She smiled and waved good-bye to her cousin. Paglabas niya ay naroon na nga ang kotse ni Reeve. Binati siya ni Mang Jim at ipinagbukas ng pinto. Tumabi siya kay Reeve na kasalukuyang may kausap sa telepono.
Habang papalayo sa beach resort, alam na ni Agatha ang dapat gawin para matulungan si Reeve.
He needed to free himself from anger and pain, learn to open his heart, and make him learn to trust and love again.
Nasa isang totoong misyon na siya ngayon. It was time to fulfill her true wifely duties to him.