noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter 16

Ch. 17 / 32 Feb 05, 2022

T HE FIRST week of class for Agatha was not that hectic. Pero iba sa kaso ng kanyang asawa. Marami talaga itong mga trabahong inaasikaso. Sinabi rin ni Reeve sa kanya na mas binibi-build up pa nito ang trust ng board members ng Anderson Auberge. Kung iisipin kasi, napakabata pa ni Reeve para sa napakataas na posisyon nito sa dalawang pinakamalaking hotels na iisa na lang ngayon. Pero alam niyang mapapatunayan din ng kanyang asawa na karapat-dapat ito sa posisyong hinahawakan.

Literal na hindi na talaga sila nagkikita ng kanyang asawa. Kapag umaga, bago siya pumasok ay natutulog pa si Reeve. Pagkatulog naman niya ay saka pa lang ito umuuwi. Gusto man niyang hintayin si Reeve sa gabi, hindi talaga niya kaya. Habang may oras pa siyang matulog ay natutulog na siya. Alam kasi niyang magkakaroon din siya ng kulang-kulang na tulog o wala sigurong tulog kapag nagsunod-sunod na ang school activities nila.

Good thing they still managed to keep their communication open. Tuwing lunchbreak ay naglalakas-loob si Agatha na tawagan si Reeve. Lagi naman nitong sinasagot ang mga tawag niya. Nagbabalitaan silang dalawa. Kinikilig siya palagi tuwing magbabahagi si Reeve ng naging araw nito. May mga free time din siya at minsan, sobrang saya ang nararamdaman niya tuwing tumatawag nang kusa sa kanya si Reeve dahil may meeting itong hindi natuloy o anuman.

Napakasimpleng gawain lang pero lalong minamahal ni Agatha si Reeve. Kaya nga nag-iisip na siya ng mga plano para naman mabuksan na uli ang puso nito sa lahat ng hang-ups nito sa buhay.

Kung tutuusin, sinimulan na niya iyon. She started with Prince.

Minsan, bago pa magsimula ang pasukan ay nakakuwentuhan niya ang daddy niya tungkol sa pagreretiro nito. Umabot ang kuwentuhan nila sa pagpapakitang-gilas ng daddy niya na kabisado raw nito ang lahat ng suppliers and company investors ng Anderson Auberge. Her father narrated each one until she heard “Aguilar Comforts.” Alam niyang “Aguilar” ang last name ni Prince. Alam din niyang maraming Aguilar sa mundo pero nang marinig ang kompanyang AC, ni-research agad niya iyon. At tama nga ang kutob niya. Aguilar Comforts was a fabric supplier company that was famous in Europe and Asia. May branch ito sa Pilipinas at kate-take over lang ni Prince Duke Aguilar bilang CEO ng kompanya.

Agatha knew how Reeve worked. Basta negosyo ay wala itong hinihindian. Kinausap niya ang ama at nag-suggest siya na sana pareho na lang ang fabric supplier ng Anderson Auberge at Monteverde Hotel para mas ma-emphasize pa ang pag-iisa ng dalawang hotels. Natuwa ang daddy niya sa ibinahagi niyang ideya. Sinabi nila iyon kay Papa Roman—her father-in-law. Mula roon, kinasabwat niya ang ama ni Reeve para makapag-usap si Reeve at si Prince kahit man lang tungkol sa negosyo.

Then she found a way to contact Prince...

“Hello, good morning,” bati ni Agatha sa sumagot sa kabilang linya.

“Good morning,” said a baritone voice. “Who is this?”

Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. “Prince, this is Agatha.”

“A-Agatha?” gulat na sabi nito. “Agatha Monteverde?”

“Yes, Prince. May ginagawa ka ba or something? I need to talk to you.”

“Wala naman. Ahm… I’m surprised that you called me. I mean, you’re Reeve’s wife and I guess, Reeve already told you what happened before and for sure, sinabihan ka na niyang umiwas sa `min. Siguro galit ka na rin sa `min. I just didn’t expect this call.”

“Prince, to tell you honestly, I was angry at you and Lana after Reeve told me about the past. Nakikita rin natin ngayon kung ano ang naging epekto ng ginawa n’yo kay Reeve. Hindi nga iyon madaling kalimutan. But who am I to judge if I don’t know your side of the story? Everything happens for a reason. Alam ko na may dahilan kayo,” malumanay na sabi niya.

Prince sighed. “Thank you, Agatha. Salamat talaga. Actually, plano talaga namin ni Lana na kausapin ka. We need your help to make Reeve listen to us. Kung gusto mong malaman ang sasabihin namin kay Reeve, sasabihin namin sa `yo.”

“No, Prince. Mas maganda kung kay Reeve n’yo sasabihin `yan. I will help you. Para masabi ninyo ang mga kailangan ninyong sabihin sa kanya, dapat handa na rin siyang makinig. We have to earn it, Prince.”

“I know. Hindi ko lang alam kung saan magsisimula.”

Sinimulan niyang sabihin kay Prince ang tungkol sa pagpasok ng kompanya nito sa bagong merge na hotels at kung paano nito makakaharap si Reeve sa mga business meeting.

“That’s a great plan!” Prince agreed. “But can I ask you a question?”

“Yes?”

“Why are you trusting me? Why are you giving me the benefit of the doubt?” he asked.

“Because I can feel that you’re not a bad person, Prince,” sinserong sagot ni Agatha. “No’ng na-stuck tayo sa elevator, you never made me uncomfortable with your presence. You did not take advantage of our situation. I know in my heart that you’re nice because if you’re not, may ginawa ka na sanang hindi maganda sa loob ng madilim na elevator na `yon.”

“You’re such an angel, Agatha. I knew that, too, the first time I saw you. You know what? Your kindness shines all over you. Thank you for trusting me.”

Ngumiti siya. “This is for Reeve, for his heart to be free from the past. For him to accept love again.”

ARAW ng Sabado at walang klase si Agatha pero gumising pa rin siya nang maaga para ipagluto si Reeve ng almusal bago ito pumasok sa opisina.

Bago bumangon ay tinitigan muna niya ang mukha ng natutulog na asawa. Halatang pagod na pagod si Reeve pero hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nito. Ang alam niya ay madaling-araw na ito natulog dahil may tinapos pang trabaho.

Bago umalis ng kama ay hinalikan niya sa noo ang asawa.

Mabilis na nag-shower si Agatha, pagkatapos ay bumaba na para maghanda ng almusal. Wala pang isang oras ay nakahanda na sa isang tray ang dalawang chicken sandwich, sliced fresh fruits at isang mainit na tasa ng brewed coffee.

Maingat siyang umakyat sa kuwarto nilang mag-asawa dala-dala ang breakfast tray. Mahimbing pa ring natutulog si Reeve. Inilapag niya ang tray sa bedside table bago sumampa sa kama.

“Reeve…” bulong niya sa tainga ng asawa. Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa mga labi.

He groaned and lazily opened his eyes.“What time is it?”

“Good morning! Time for a delicious breakfast to start your day. `Di ba may meeting ka ng nine AM? You must get up now and eat, Reeve Leonardo.”

Umupo ito at sumandal sa headboard ng kama. Kinuha naman ni Agatha ang breakfast tray at ipinatong iyon sa kandungan ni Reeve.

Parang nasorpresa ito sa inihanda niyang almusal. Napatingin ito sa kanya. “You prepared all these?”

Tumango si Agatha. “For you,” she answered. “I know how tired you are. Kaninang madaling-araw nang kumuha ako ng water sa `baba, nakita pa kitang nagtatrabaho sa library. `Tapos, kailangan mo pang gumising nang maaga ngayon.”

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Reeve. “Then let’s eat.”

“Tapos na `ko. Kumain ako habang inihahanda `yan.”

Inabot ni Reeve ang tasa ng kape at humigop. “Thank you, sweetheart.”

Matamis na ngiti ang sagot niya. “So, kumusta pala ang first week mo bilang CEO?” tanong niya habang sinisimulan na nitong kainin ang chicken sandwich.

“Like I told you over the phone, masyadong maraming ginagawa since kate-take over ko pa lang. Sunod-sunod ang board meetings para sa mga plano ng Monteverde at Anderson. We must have uniformity to show everyone that we are united. I have a lot of important papers to read and sign. Many business people I need to meet and talk with.” Uminom uli ito ng kape.

Tumango-tango si Agatha. “So far, `yong mga nami-meet mo na businessmen, are they all fine with you?” nananantiyang tanong niya.

Natigilan saglit si Reeve at bumagal ang pagnguya. Parang may naalala ito sa tanong niya. “Alam mo bang major fabric supplier ng Anderson Auberge ang kompanya nina Prince?” parang naiinis na sabi nito.

“Really?” Kunwari ay nagulat si Agatha. “Then?”

Reeve finished the chicken sandwich before talking. “Papa wants me to consider AC as the new fabric supplier of Monteverde since iyon naman ang supplier ng Anderson. I considered it until I learned about the new president and CEO of AC Philippines. I had a meeting with Prince. We just talked about business and that’s all. Wait, why are we even talking about this?”

Nagkibit-balikat si Agatha at ngumuso para itago ang pagngiti. “Ikaw ang nagkukuwento diyan, eh. Anyway, you were civil naman siguro, right?”

“I had no choice. I had to be civil since it’s business and had nothing to do with our personal lives. I reviewed AC and it’s a great company based in Europe.” Blangko ang ekspresyon ni Reeve.

Lihim na napangiti si Agatha. Siya ang nagplano ng business meeting na iyon ng dating magkaibigan. At least, nag-uusap na sina Reeve at Prince kahit patungkol lang sa trabaho at negosyo. Magandang simula na iyon dahil nato-tolerate na ni Reeve ang presensiya ng dating kaibigan.

“How about you?” tanong naman ni Reeve sa kanya.

“My first week of class? Well, like I said over the phone, hindi pa naman gano’n ka-complicated since start pa lang ng klase. Mostly, nakatambay lang kami ni Trisha sa library o sa mga kainan sa university. Maluwag pa ang schedule namin,” pagkukuwento niya. “Oo nga pala, `yong guy na nakilala ko sa resort ni Kuya Zaire na kasama `yong friend niya, professor ko siya sa math subject namin.”

Kumunot ang noo ni Reeve. “The guy who was trying to help you with your cramps?”

“Yes. Si Johann. Nagkagulatan pa nga kami nang magkita kami sa class. I mean, what a coincidence, hindi ba?”

Hindi umimik si Reeve at itinuloy lang ang pagkain ng almusal.

“Reeve?” untag ni Agatha.

“Tuwing kailan ang math class n’yo?” tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya.

“Every Monday and Friday. First class. You know what? Trisha was even blaming me kasi pareho kaming hirap sa Math. Eh, kung ano’ng kinukuha kong klase, kinukuha rin niya,” natatawang sabi niya. “Tulungan mo `ko kapag may mga homework and exams ako, ha?”

Tumango lang si Reeve at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Nagtatakang tinitigan ni Agatha ang asawa. Ano na naman ang nangyari dito at biglang tumahimik?

Bigla siyang natawa nang may maalala.

Napatingin si Reeve sa kanya. “Why are you laughing?” nagtatakang tanong nito.

“You’re not jealous of Johann, are you?”

Lalong kumunot ang noo nito. “I. Am. Not. Jealous.”

She giggled. Hindi siya pinansin ni Reeve at ipinagpatuloy lang ang pagkain.

“Suplado,” bulong ni Agatha habang tumatabi sa asawa. Sumandal din siya sa headboard ng kama at ipinatong ang ulo sa balikat nito. “Hindi ka talaga nagseselos, ha?” pangungulit pa niya.

Hindi ito umimik at seryoso lang na kumain.

Para siyang weirdo na lalo pang napangiti. Nanatiling nakahilig lang ang ulo niya sa balikat ni Reeve hanggang sa matapos ito sa pagkain.

Nagpatuloy si Agatha sa pagkukuwento ng mga pinagkaabalahan niya at ang natutuhan niya sa pinuntahang Bible study noong Miyerkules ng gabi.

Hindi pa rin nagsasalita si Reeve kaya hindi na rin lang siya nagsalita. Nang matapos nang kumain ay inilapag nito ang tray sa bedside table.

Tumingin ito sa kanya at napakunot-noo uli nang makitang nakangiti siya.

“What?” parang naiiritang tanong nito.

“Ahm… hindi ka talaga nagseselos?”

Nag-iwas ito ng tingin at tumayo na. “Just don’t let him get on top of you.”

Mabilis na inabot ni Agatha ang kamay ni Reeve bago pa ito makalayo sa kama.

“Reeve—”

“Can’t we just not talk about that guy?” napikon nang sabi nito pagharap sa kanya.

“Okay. But again, Johann is nice. I believe he has no intention of getting on top of me.”

Hindi sumagot si Reeve at tumalikod na uli. But she didn’t let go of his hand kaya napatingin na naman ito sa kanya.

Mapanukso siyang ngumiti. “Pero baka ikaw… may intention?”

Parang nagningning ang mga mata ni Reeve. Nawala ang iritasyon at napalitan ng mapaglarong ngisi. “Well, I was thinking of doing something. Gabi-gabi kung tinatanong mo.”

“Why didn’t you do it then?” mapang-akit niyang tanong habang hinihila ito pabalik sa kama.

“Nah. You’re too peaceful when you sleep. Hindi ko kayang gisingin ka,” sagot ni Reeve habang dahan-dahan siyang inihihiga sa kama. Humawak ang isang kamay nito sa kanyang mga binti at pinaghiwalay ang mga iyon.

“How about now?”

“Well, I’m already on top of you,” nakangising sabi nito.

They chuckled before Reeve silenced her with a kiss and they shared a little “morning delight.”

“MAY KAKAIBA sa ngiti mo,” sabi ni Trisha kay Agatha habang nasa restaurant sila na pagmamay-ari ng pamilya ng kaibigan. Sabay silang nanananghalian.

“Anong kakaiba?” tanong ni Agatha.

“Hmm…” Trisha raised an eyebrow. “Morning sex?”

“Sshh!” saway niya. “Hinaan mo nga ang boses mo.”

Natawa ito. “Oh, well. You have a husband and that’s pretty normal.”

Napailing na lang si Agatha. “Anyway, may nakuha ka bang info tungkol sa Big Hopes Foundation?” tanong niya. Ang kailangan niyang information ang isa sa mga dahilan kaya lumabas sila ni Trisha.

“Yup. `Yong charity foundation nga na `yon ang isa sa mga tinutulungan ng company ni Papa. It’s a foundation for children who have cancer. May mahihirap na bata silang tinutulungan sa pagpapagamot.”

“Wow. That’s an awesome foundation.”

Tumango si Trisha. “Big Hopes will be celebrating its tenth year anniversary next month. The founder, Mrs Empress Aguilar, would be there.” Kumunot nang kaunti ang noo ng kaibigan niya. “Sobrang familiar n’ong name. Hmm…” sabi nito na hindi na pinansin ni Agatha.

“How about the head of the foundation?”

“It’s confirmed. Allana Rose dela Cruz is the new head of Big Hopes. Kasama sa celebration ng anniversary ng foundation next month ang official na pag-take over niya sa position.”

Napangiti si Agatha. “So that means hanggang next month ay hindi pa si Lana ang kikilalaning head?”

“Technically, yes.”

Kung ganoon, puwede niyang i-propose kay Reeve na mag-invest sa Big Hopes Foundation. In that way, she would be hitting two birds with one stone. Makakatulong na ang kompanya nila sa mga batang may cancer, magkakaroon pa ng pagkakataon na makapag-usap sina Lana at Reeve.

“I’ll call Lana later. Para mapag-usapan namin ang plano ko. Tutal, nasabi naman na sa `kin ni Prince na hinihintay ni Lana ang tawag ko,” sabi niya.

Bumuntong-hininga si Trisha. “I want to ask you something.”

Nasabi na niya kay Trisha ang tungkol sa mga hang-up ni Reeve sa buhay. Nabanggit din niya sina Lana, Prince at ang mama ni Reeve. Best friend niya si Trisha kaya alam niyang safe dito ang mga ikinuwento niya. Alam na rin nito ang plano niyang tulungan sina Prince at Lana na makausap nang matino ang asawa niya at masabi ng dalawa ang mga dapat sabihin na kahit siya ay hindi rin alam.

“Ano `yong itatanong mo?”

“Alam mo naman siguro na kaya hindi maka-move on ang asawa mo sa mga nangyari sa kanya sa nakaraan ay dahil may feelings pa siya sa first love niya, `di ba? `Tapos, ikaw na asawa, gumagawa pa ng paraan para magkrus ulit ang mga landas nila? Hindi ka ba natatakot sa puwedeng kalabasan ng plano mo? I mean, puwedeng maging malapit uli sina Reeve at Lana sa isa’t isa oras na malaman ni Reeve ang ‘katotohanan’ na kahit tayo, hindi natin alam. Paano ka matututuhang mahalin ng asawa mo kung pahara-hara si Lana?” sunod-sunod na tanong ni Trisha.

Napabuntong-hininga si Agatha at nginitian ang kaibigan. “Trisha, kung paiiralin ko ang takot ko na baka maagaw ni Lana si Reeve at hayaan na lang na hindi na malaman ni Reeve ang gusto nilang sabihin, tuluyan lang na mapupuno ng galit ang puso ni Reeve para sa dalawang taong naging sobrang mahalaga sa kanya. Anong klaseng asawa ako n’on? I’m not thinking about the past that Reeve and Lana shared. I’m only thinking about Reeve. I love him.

“Gusto kong makalaya na siya sa mga angst niya sa buhay. He needs to forgive and let go. He deserves to be happy. I want him to be happy. Freely. All the way. Mas uunahin kong mabuo uli si Reeve. Saka ko na lang iisipin kung mamahalin ba niya ako o hindi. Iiwan ba niya ako o hindi? Ang pinakamahalaga ay makakawala siya sa cage of hatred na pinagkukulungan niya,” she patiently explained.

“Kahit masaktan ka?”

“Kasama naman talaga ang masaktan kapag nagmamahal, `di ba? It’s just a matter of acceptance. There is always joy after every pain.”

Para kay Agatha, gagawin niya ang lahat para muling makita ang mga ngiti ng asawa na puno ng buhay. Alam niyang mas may isasaya pa ang mga ngiti ni Reeve. Naniniwala siyang marami pang kasiyahan si Reeve sa puso na puwede nitong mailabas. Naniniwala siyang gagaling ito mula sa mga sugat ng kahapon.

Trisha made a face. “Agatha, why are you like that? Kung mahalin mo naman ang asawa mo, wagas.”

“Because love should be like that. Unconditional. Lalo na at mag-asawa kami. For better and for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health until—”

“Until Lana do you part?” Trisha said sarcastically.

Natawa na lang siya sa kaibigan at napailing-iling. “Ano ka ba? Don’t say something like that to Lana. Hindi natin kilala `yong tao para i-judge siya. I met her once and I have a feeling that she’s a good person. We don’t know her side of the story.”

“`Yon na nga, eh. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Malay mo, gusto pala niyang agawin ang asawa mo?”

“Trisha…” saway niya. Hindi siya magpapadala sa pagiging negative ng kaibigan. She was trying to avoid such thoughts because it would not help her at all.

Trisha held up her hands in surrender. “Fine, fine. I’m just worried about you. Sobrang bait mo lang talaga. Anyway, whatever your plan is, I’m always here to support you, girl.” Ngumiti ito at nangalumbaba. “So, tell me about the morning sex.”

“No!” natatawang sabi niya bago nila ipinagpatuloy ang pagkain.

AGATHA took a deep breath before dialing Lana’s number that evening. Sinamantala niya ang pagkakataong hindi pa nakakauwi si Reeve mula sa trabaho.

“Hi, Lana. This is Agatha,” bati niya nang sagutin ng babae ang telepono.

“Agatha! I’ve been waiting for your call. Prince already told me about your help. Thank you, thank you so much!”

“Katulad nga ng sinabi ko kay Prince, lahat ng bagay na nangyayari, may rason. You have your own side of the story that you want Reeve to know. Sa tingin ko rin, makakatulong iyon sa kanya. We all knew what the past had caused him.”

“I’m sorry, Agatha. Believe it or not, I never wanted to hurt him…” malungkot ang tono na sabi ni Lana.

“Hindi naman talaga natin gustong makasakit,” nakauunawang sabi niya. “Wala namang taong gustong makasakit ng iba. May mga bagay at sitwasyon lang talaga na nagtutulak sa `tin para gawin iyon. I’ve got a feeling that you and Prince are good people. Kasi kung hindi, wala naman na kayong magiging pakialam kay Reeve pagkatapos ng twelve years, `di ba?” malumanay niyang sabi.

Agatha heard Lana sigh. “You’re really an angel like Prince said. Bakit ganyan ka kabait?”

She chuckled. “I just know how to view things from a wider perspective. Sarado ang puso ni Reeve para makinig pa sa inyo ni Prince. So maybe, I could be the one to understand things for him,” paliwanag niya. “Lana?”

“Still here.”

“Can I trust you?” she asked softly.

There was a noticeable pause before Lana answered. “You can trust me, Agatha.”

Sapat na para kay Agatha ang narinig. Napangiti siya at sinabi kay Lana ang naisip na plano.