noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter (28)

Ch. 29 / 32 Feb 05, 2022

Chapter (28)

CHAPTER TWENTY-EIGHT

R

EEVE sat silently on a high stool at the bar counter of his father’s house while drinking whiskey. Sa bahay ng papa niya siya dumeretso pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Agatha sa party ni Ma’am Salvador.

He messed up that night. Agatha was angry with him because of his damn insecurities and doubts in life.

Pero paano ba kasing hindi siya magseselos kung makikita niya ang asawa na may kasamang ibang lalaki habang wala siya sa bansa? Paanong hindi siya magagalit nang malamang masaya ang asawa kasama ang ibang lalaki habang siya ay alalang-alala rito dahil ilang araw na niyang hindi makontak habang nasa Hong Kong siya? Pagkatapos ay makikita niya ang asawa sa labas na yakap-yakap ang isang lalaki? At malay ba niya na kapatid pala nito si Johann sa ama? She never told him about it.

Kung sinabi ba iyon ni Agatha ay magagalit ka nang ganoon? The issue was you doubted her, accused her. You didn’t let her explain everything to you. See how you hurt her?

bulong ng kanyang konsiyensiya.

Inisang lagok niya ang alak at sinalinan uli ang kanyang baso pagkatapos.

He was just so scared that Agatha might be happy with someone else and leave him. Inatake siya ng pagiging paranoid dahil sa pag-iwan sa kanya noon ng ina at ni Lana. Ngayon na lang siya nagmahal uli nang mas matindi pa noon kaya naman nag-iingat na siya nang sobra na hindi siya iwan ng asawa.

Pero ano ang ginawa niya? Pinairal niya ang galit at nasaktan ang babaeng mahal niya. Ngayon tuloy, nilayuan na siya nito.

Nagulat siya nang itanong ni Agatha kung minahal lang ba niya ito dahil nakikita niya si Lana rito. How could she think of that? Ganoon ba siya kababaw para maging rason iyon kung bakit nahulog ang loob niya rito? Ang mali pa sa kanya ay hindi niya nasabi ang mga iyon kay Agatha.

Damn himself!

Dinukot niya mula sa bulsa ang wedding ring ni Agatha. He grasped it in his hands tightly and fought back the tears.

He wanted Agatha back. But if they were together, he would just continue to hurt her because of his anxieties in life. Tuluyan nang naubusan ng pasensiya sa kanya ang asawa. Kung magpapatuloy siyang ganoon at balikan siya ni Agatha, lagi lang niyang mauubos ang pasensiya nito at talagang mapapagod ito sa kanya.

He wanted to fight his monsters. But, unlike with Lana’s and Prince’s, the monster he had to face was much bigger. Hindi pa rin siya handang makipag-usap sa kanyang mama.

Ano na ang gagawin niya?

Naibato niya ang hawak na baso dahil sa frustration na nararamdaman. Nagkapira-piraso ang baso nang bumagsak sa sahig.

“Damn it!” he hissed.

“Reeve.” Boses iyon ng kanyang papa.

“What?” sabi niya nang hindi nililingon ang ama.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang papa at ang pagtabi nito sa kanya.

“Won’t you go home to your wife?” tanong nito.

“My wife hates me,” mapait niyang sabi. Kumuha uli siya ng bagong baso sa ibabaw ng counter at nagsalin uli ng whiskey roon. Inisang lagok niya iyon at muling nagsalin. Bakit ba hindi siya malasing-lasing at nang makalimutan muna niya ang lahat?

“Why?”

“Because I did something that upset her.”

“And why did you do that?”

“Because of my darn ghost in life,” he said bitterly, then turned to his father. “Bakit napatawad mo na

siya

?”

Nakuha agad ng kanyang papa kung sino ang tinutukoy niya. “Sinabi ko naman na sa `yo ang dahilan kung bakit ayos na kami ni Leona, `di ba?”

“But I can’t understand, Papa…” Gulong-gulo siya. “Naiinis ako. Bakit okay na sa `yo samantalang sa `kin hindi pa rin? Bakit hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ako sa kanya?”

“Your mother loves you.”

“Oh? Really? Kaya pala napakaistrikta niya sa `kin noong bata pa ako pero malambing siya sa mga bata na tinutulungan niya sa mga charity event niya? Kaya pala pinili niyang sumama sa ibang lalaki? Kaya pala mas masaya siyang mag-alaga ng anak ng iba? Kaya pala iniwan niya tayo, iniwan niya ako. Oo nga, mahal nga niya ako,” sarkastiko pero nasasaktang sabi niya.

“Reeve, listen to me.” Humugot ng malalim na hininga ang kanyang papa. “Your mother didn’t want to leave you. Pero pinilit ko siyang gawin iyon.”

Nagsalubong ang kanyang mga kilay, naguluhan sa sinabi ng ama. Wala pang masyadong epekto ang alak sa kanya at malinaw pa ang isip niya kaya sigurado siyang tama ang narinig.

“Papa?”

Tumingin nang tuwid sa mga mata niya ang kanyang ama. “Once, your mother and I were the best of friends. Sa tagal na naming magkaibigan, lihim ko siyang minamahal at patuloy na minamahal kahit pa boyfriend na niya noon si Ed, ang asawa niya ngayon.”

Nagsalin ng alak sa baso ang kanyang papa. “One time, they had a big fight. Hindi naman sila naghiwalay. Pumunta sa `kin si Leona para magbuhos ng hinanakit. Nag-inuman kami. Lasing na lasing siya noon at hindi ko napigilan ang sarili ko…” Napayuko ang kanyang ama at humigpit ang pagkakahawak sa baso. “I took advantage of her. I have loved your mother since we were kids pero hindi ko iyon nagawang ipaalam sa kanya dahil sa takot na masira ang pagkakaibigan namin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko nang mga oras na iyon. Basta ang alam ko, mahal na mahal ko siya at gusto kong maramdaman niya iyon.

“But what happened was so wrong. Your mother hated me to the core afterwards. Our friendship was ruined because of that one night. Sinamantala ko nga naman ang kahinaan niya. I hated myself, too. Then one day, Leona went to me. Buntis siya. Nabuntis ko siya. Nakipaghiwalay na raw siya kay Ed. Hindi raw kaya ng konsiyensiya niya na ipaako kay Ed ang anak ng iba.

“Nagpakasal kami. At dahil kinamumuhian niya ako, she made sure that I would be living in hell with her. Our marriage was too civil. Hindi na nabalik ang pagkakaibigan namin kahit ilang beses ko siyang sinuyo. Napakaraming beses din akong humingi ng tawad pero hindi niya ako magawang patawarin dahil ako ang dahilan kaya hindi na niya makakasama ang lalaking mahal niya.

“Nang ipanganak ka, nakakapag-usap lang kami kapag tungkol sa `yo ang pag-uusapan. Nothing more. Nag-aaway lang kami palagi kung hihigit pa roon. Hanggang sa mapagod na ako. When you were eighteen, nabalitaan kong nagkita pala sina Leona at Ed sa isang charity work. Nang mga panahong iyon ay biyudo na si Ed. Naisipan kong ibigay na sa mama mo ang kalayaan na matagal na niyang gusto. I filed for an annulment. Pero ayaw niya iyong pirmahan kung hindi ka niya makukuha. Pero ipinagkait kita sa kanya. Ang sabi ko, kapag nawala na siya, ikaw na lang ang matitira sa `kin. Kahit masakit, kakayanin ko ang pag-alis niya. Pero ang isama ka…”

Umiling-iling ang papa niya habang nagbabantang tumulo ang luha sa mga mata. “Hindi ko na kakayanin `yon. Nagmakaawa ako sa kanya na pirmahan na niya ang annulment papers dahil mas nagkakasakitan lang kami kung mananatili kaming kasal. Mas mabuting sumama na lang siya kay Ed. Pero iiwan ka niya sa akin. Tumanggi pa rin siya. Ayaw ka niyang iwan.”

Si Reeve naman ang napailing. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. “What? Pero no’ng araw na umalis si Mama, sinabi niya sa akin na hindi niya ako kailangan sa buhay niya at mas sasaya siya sa piling ng lalaki niya. Hinabol ko pa siya noon. Lumuhod ako sa gitna ng kalsada. Kung talagang ayaw niya akong iwan, nagpapigil sana siya!” nanggigigil na sabi niya. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip niya ang araw na umalis ang kanyang mama at kung paano siya nagmakaawa at umiyak para lang huwag itong umalis.

Tumingin sa kanya ang papa niya. “No’ng nagdidiskusyon pa kami, sinabi ko sa kanya na kung papapiliin ka namin, paniguradong hindi ka naman sasama sa kanya. Naging mahigpit at istrikta siyang ina kaya mas malapit ka sa `kin. Sasabihin ko sa `yo na pinagtaksilan niya ako kahit hindi para sa akin ka sumama. Umiyak siya sa akin. Hanggang sa magalit na siya dahil sa mga akusasyon ko. Sinadya kong saktan at galitin siya. That forced her to sign the annulment papers and leave.

“I’m so sorry, son,” madamdaming paghingi ng tawad ng kanyang papa. “Naging makasarili kami. We never thought that it would have a huge impact on you. We never wanted to hurt you, pero nagawa namin. I became wasted at the time, not because your mother left but because I saw how severely hurt you are. Pagkalipas ng mahigit dalawang buwan, na-annul ang kasal namin at nagplano nang umalis ang mama mo habang wala ka. Saka na lang kami magpapaliwanag kapag nakaalis na siya. Pero hindi namin inaasahan ang maaga mong pag-uwi. Pilit mong pinipigilan ang mama mo. So, she had no choice but to say those mean things to you. But, son, she never meant anything she said. She loves you. Ayaw na nga niyang umalis nang habulin mo siya pero pinagbantaan ko siya na kapag tumalikod siya sa usapan namin, sisiraan ko ang buhay niya at ni Ed.” His father started to cry. “Ako ang may kasalanan ng lahat at hindi ang mama mo.”

Nanatiling walang imik si Reeve sa mga nalaman. Higit pa sa nagimbal ang nararamdaman niya.

“You probably hate me now for keeping these things from you. Reeve, anak, kung sa tingin mo nagdesisyon kami nang mga panahong iyon na parang laruan ka na pilit naming pinag-aagawan, patawarin mo kami. Makasarili na kung makasarili pero ayokong malayo ka sa akin.”

He wanted to be angry at his father for letting him hate his mother like that. But he couldn’t. Somehow, he understood his father. And after all, kahit kailan ay hindi nagkulang ang kanyang ama na iparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal.

Hinawakan siya nito sa kanang balikat. “Honestly, I still love your mother until now. Hindi ako tumigil. Pero matagal ko na ring natanggap na hindi talaga kami para sa isa’t isa. But you know what? Kahit gaano kalaki ang kasalanan ko kay Leona, tuwing nakikita kita, ipinapaalala mo lagi sa `kin na kahit kailan,” ngumiti ito sa kanya, “ay hindi maling magmahal. Maybe you were made by mistake. But when you were born, you made everything so right. You’re the most wonderful thing that happened to us, Reeve.”

No, he couldn’t really hate his father.

“Please forgive me, son,” his father said, full of repentance and sincerity.

Niyakap niya ang ama katulad ng pagyakap niya rito noong bata pa siya.“I forgive you, Papa. I forgive you. Thank you for letting me know all this.”

Nagkahiwalay ang mga magulang niya dahil nanatili ang kanyang ina sa isang mapait na kahapon dahil sa pagkakamali ng kanyang ama. Nang magpakasal ang mga ito, hindi na rin tuluyan pang naibalik kahit man lang pagkakaibigan ng dalawa dahil doon. Hanggang sa nasaktan na ang kanyang papa at nagtuloy-tuloy na ang pagsasakitan ng dalawa. Kaya minabuti na ng mga magulang niya na maghiwalay para matigil na ang sakit na parehong nararamdaman ng mga ito.

At ngayon ay siya naman. Dahil sa pagpili niyang makulong sa mga insecurity na dala ng kahapon, tuluyan na niyang nasaktan ang babaeng pinakamamahal niya ngayon. Pero hindi siya papayag na tuluyan silang magkahiwalay ni Agatha.

He needed to fully fix himself first. Oras na para kausapin niya nang harapan ang ina.

THE NEXT day, Reeve went to his mother’s house. Sa pagkakaalam niya, ang magarbong bahay na iyon ay pag-aari ng kasalukuyang asawa ng ina. Kasama ng mama niya roon ang asawa at ang nag-iisang anak na babae ng asawa nito.

“I’m Clara Flores but people call me ‘Czarina,’” pagpapakilala ng stepdaughter ng kanyang mama. Mas bata lang siguro ito nang dalawa o tatlong taon sa kanya. Ito ang nagpapasok sa kanya sa mansiyon. “Mommy Leona has a lot of stories about you. Lagi ka niyang ikinukuwento sa `min ni Daddy. It’s nice to finally meet you,” nakangiting sabi ni Czarina.

Napangiti si Reeve sa kaalamang iyon. “Nice meeting you, too, Czarina.”

They shook hands.

“You know, matagal na kitang gustong makilala. Technically, you’re my stepbrother, right?” sabi nito.

Tumango siya.

Niyaya siya ni Czarina na maupo sa malaking sofa sa sala. “Can I offer you anything? Coffee, juice, or water?”

“No, thank you,” magalang na pagtanggi niya. “Ahm… nandito ba siya?” tukoy niya sa kanyang ina.

“Yup,” sagot ni Czarina. “I’ll call Mom. Nasa `taas kasi siya. Will you be okay here?”

“I’ll be fine,” sagot ni Reeve kahit nakakaramdam na uli siya ng kaba sa magiging paghaharap nila ng ina. “Thank you.”

Tumango si Czarina at umalis na para tawagin ang kanyang mama.

Napahugot na naman si Reeve ng malalim na hininga. Bakit parang biglang nawala ang lahat ng gusto niyang sabihin sa ina?

“Mr. Monteverde?”

Napaangat si Reeve ng tingin at nakita ang asawa ng kanyang ina.

Tumayo siya at binati ang matandang lalaki. “Good afternoon, Mr. Flores.”

Ngumiti ito. “Call me ‘Tito Ed,’” sabi nito habang nagkikipagkamay. “I’m so glad I finally met Leona’s only son. Can I call you ‘Reeve’?”

“Certainly, T-Tito Ed.” Kung dati ay kinumumuhian din niya ang kaharap sa pag-aakalang ito ang dahilan kaya iniwan sila ng kanyang mama, ngayon ay parang wala na siyang kahit anong galit na nararamdaman.

“Leona would be so delighted to see you here. Matagal na niyang hinihintay na kausapin mo siya.” Lumamlam ang mga mata ng matandang lalaki. “Reeve, gusto kong humingi ng tawad sa `yo dahil sa nangyari noon. I know you probably hate me and—”

Mabilis siyang umiling. “Hindi na po ngayon. Alam ko na po ang lahat. Natutuhan ko nang tanggapin ang lahat. My mother is happy with you. That’s what matters most,”

Nakauunawang tumango si Tito Ed. “Tama nga si Leona. You’ve grown into a very fine man.”

“Reeve? Anak?”

Mabilis na napatingin si Reeve sa kanyang mama. Hindi maipaliwanag ang sayang nakita niya sa mukha ng ina habang nakatingin sa kanya.

Sa ngiti at sayang nakikita niya sa ina ay napangiti na rin siya. Matagal niyang hiniling na makita uli ang ngiti ng kanyang mama habang nakatingin sa kanya. At ngayon ay nagkatotoo na iyon. Mahal naman talaga siya ng kanyang mama mula pa noon, sabi nga ng kanyang papa. Naniniwala siya roon.

Walang sali-salitang sinugod ni Reeve ng yakap ang ina. “I just want to say that I’m so sorry…” he whispered ardently.

“Wala kang kasalanan, anak. Ako ang nakasakit sa `yo. I failed as your mother. I’m sorry…”

“Papa told me everything. It’s okay now, `Ma.”

Narinig niya ang impit na pag-iyak ng ina at lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “Hindi ako naging mabuting ina. Masyado akong naghigpit sa `yo no’ng bata ka pa. Nang magbinata ka naman, mas pinagtuunan ko pa ng pansin ang charity works. Pero hindi ibig sabihin n’on na hindi na kita sinusubaybayan. Nanatili akong mahigpit. I’ve gone too far. Maliban sa pagkamuhi ko noon kay Roman, parang sinisisi rin kita dahil kung hindi ako nabuntis sa `yo ay si Ed sana ang nakatuluyan ko. Pero maling-mali ako doon at pinagsisisihan ko iyon nang matindi, Reeve,” humahagulhol na sabi nito. “Mahal kita, anak. I love you. Always remember that.”

He smiled as tears began to mist his eyes. “I love you, too, Mama.”

Lalong napaiyak ang kanyang ina dahil sa muling pagtawag niya rito ng “Mama” makalipas ang labindalawang taon. Matagal din niyang hindi nagawa iyon at sobrang saya niya na matawag uli ito ng “Mama.”

Reeve knew at that very moment that his heart had fully recovered from the pains of the past.