noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter 12

Ch. 13 / 32 Feb 05, 2022

T AHIMIK pa rin sina Agatha at Reeve sa loob ng kotse habang bumibiyahe. Parang nagpapakiramdaman silang mag-asawa.

Hanggang sa naramdaman ni Agatha na inabot ni Reeve ang kanyang kamay. Napatingin siya rito. Maingat nitong itinaas ang kanyang kamay at nakita ang pulsuhan niya. Dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito kanina roon ay pulang-pula iyon at posibleng magkapasa.

Napa-“ouch” siya nang idampi ni Reeve ang daliri sa kanyang pulsuhan.

“Shit,” he cursed. “Mang Jim.”

“Yes, Sir?”

“Medicine kit, please.”

Mula sa glove compartment ay may inalabas ang driver na maliit na kahon. Iniabot nito iyon kay Reeve. Binuksan ni Reeve ang kahon at naglabas ng maliit na tube ng ointment. Naglagay ito ng kaunti sa daliri at maingat na ipinahid sa kanyang pulsuhan.

“I’m really sorry,” sabi nito.

Nginitian niya ang asawa. “It’s okay. You were mad. I’m okay, Reeve. I understand.”

Kumunot ang noo nito. “Hindi ka nagagalit?”

Umiling si Agatha.

He sighed. Inilapag nito ang medicine kit sa front seat, pagkatapos ay marahang hinila ang braso niya. Tinapik nito ng kabilang kamay ang hita. Patagilid siyang naupo sa mga hita nito. Napatingin siya kay Mang Jim na deretsong nakatingin lang sa kalsada.

Reeve’s hand was slowly crawling on her thigh. “Four hours travel? That’s boring,” bulong nito, sabay halik sa kanyang tainga. Wala nang mababakas na galit dito. He was back to being playful.

“Reeve…” saway ni Agatha.

“You know the first thing I’d do when we get there?” bulong nito.

“What?”

“Get you out of that lovely dress and kiss your every curve. When I’m finished, I’ll take off your bra and suck—”

“Stop!” pigil niya rito, sabay layo nang bahagya. She could imagine him doing what he just said. At may kakaibang reaksiyon agad ang katawan niya. Nakadagdag pa ang marahang paghaplos ng kamay nito sa hita niya habang sinasabi iyon.

“Sabi mo, nasa pinaka-private na part ng resort ang cottage natin, hindi ba?”

Tumango si Agatha.

“Kung gano’n, solo natin ang part na `yon?”

“Oo.”

“Then we’ll do it on the sand. I’ll lay you on the sand… Undress you. Touch you, suck you, kiss you down there…” Pahina nang pahina ang boses ni Reeve.

Pakiramdam ni Agatha ay unti-unti siyang natutunaw. Napapahagikgik din siya at mainit na mainit ang buong mukha sa kapilyuhan ng asawa.

“Agatha…”

Nang tumingin siya kay Reeve ay kinabig nito ang batok niya at binigyan siya ng mainit na halik.

Tinugon niya ang halik ng asawa.

NANG makarating sa beach resort ay sinalubong si Agatha ng Kuya Zaire niya. Mahigpit na niyakap siya ng pinsan.

“Naunahan mo pa akong magpakasal,” sabi nito. “Sandali lang. Haharapin ko lang ang asawa mo. Kilala ko siya.”

Iniwan siya ng pinsan at nilapitan si Reeve na busy sa pagtingin-tingin sa paligid.

“Monteverde!” tawag dito ng pinsan niya.

Napabaling ang pansin ni Reeve sa pinsan niya. Kumunot ang noo ng kanyang asawa pero makalipas lang ang ilang segundo ay gumuhit ang recognition sa mga mata nito.

“Dela Cuesta?” tanong ni Reeve sa pinsan niya. “Dela Cuesta” ang apelyido ng pamilya ng kanyang ina.

“`Langhiya! Ikaw ang pinakasalan ng pinsan ko? Hindi pala ako namalikmata nang makita ko ang pangalan mo sa invitation. Akalain mo `yon?” sabi ng pinsan niya.

Magkakilala ang mga ito?

Nagsalubong ang mga kilay ni Reeve. “Ewan ko sa `yo. By the way, you have a nice beach resort.”

“Wait till you see the whole resort. Lalo na ang tutuluyan n’yo ng pinsan ko. Baka makapag-invest ka dito nang wala sa oras,” pagmamalaki ng pinsan niya. Alam niyang nagpaparinig ito. Pagdating sa trabaho ay magkapareho ang pinsan niya at si Reeve.

Workaholic.

“Napag-uusapan naman `yan,” makuhulugang sabi ni Reeve.

“`Yon, o!” sabi ng pinsan niya at nakipag-high-five pa kay Reeve.

“Bakit nga pala kayo magkakilala?” sabad ni Agatha.

“Teammates kami sa soccer no’ng high school at college,” sagot ng pinsan niya.

Bumaling si Agatha kay Reeve. “Hindi mo naikuwento sa akin na magkakilala kayo ni Kuya Zaire.”

“I have no idea that your middle name is closely related to his.”

“Expect the unexpected,” sabi ng madaldal niyang pinsan. “Oh, wait. Nasaan nga pala ang mga gamit ninyo para maipadala na natin sa cottage ninyo?”

“Kuya, isusunod na lang ang mga gamit namin. Biglaan kasi ang pag-alis namin,” sabi niya.

“Gano’n ba? Masyado yata kayong excited? `Nga pala, bakit n’yo nga naman kailangan ng damit, eh—”

“Kuya!” saway niya.

“Ano ka ba, `insan? Ganyan talaga kapag bagong kasal. Sabik sa—”

“Zip it, Zaire,” saway ni Reeve. “You and your talkative mouth.”

Tumawa pa ang pinsan niya bago sila sinamahan sa private part ng beach resort. Malayo-layo rin ang nilakad nila bago nakarating sa parteng iyon ng resort. Isang simpleng cottage lang ang nandoon at napakalayo sa iba pang cottage.

“This side of the resort is intended for honeymooners only,” pagkukuwento ng pinsan niya. “Naisip `to ni Papa nang minsang maistorbo ang lahat ng guests dahil may guests na bagong kasal at alam n’yo na... sobrang ingay nila.”

Napapailing-iling na lang sila ni Reeve sa kalokohan ng pinsan.

“What? Ayaw n’yong maniwala? Well, be comfortable here, guys. Scream all you want, Agatha. Wala namang makakarinig sa—”

“You’re so annoying, Kuya,” naiinis na sabi niya. Pulang-pula na yata siya sa kakatukso nito habang si Reeve naman ay pangisi-ngisi lang.

“Sige na, aalis na `ko. Enjoy! Ang pampitong langit, Reeve. Ang pampitong langit, ipakita mo!”

Pabirong sinuntok ito ni Reeve sa braso. “Damn you.”

Tatawa-tawang naglakad paalis ang pinsan niya.

Pumasok sila ni Reeve sa loob ng cottage. The cottage was really neat, cozy, and romantic. Isang malaking kama ang nasa dulo niyon. May wooden closet sa tabi. Sa kaliwang bahagi ng kuwarto ay may maliit na kusina at may maliit na ref din. May dining table na pandalawahang tao. May isang 32-inch flat screen TV na naka-setup sa dingding na nasa tapat ng dining table. May nakita siyang saradong pinto. It must be the bathroom.

“Magsi-CR lang ako,” paalam ni Agatha.

Tumango si Reeve.

Sobrang linis ng banyo na gawa sa marmol ang sahig at dingding. Puting shower curtain ang naghihiwalay sa shower area na may bathtub at toilet. May full-length body mirror na nakasabit sa dingding. May dalawang malinis na tuwalyang nakasampay sa towel rack.

Paglabas ni Agatha ng banyo ay nakita niya si Reeve na naka-slacks pa rin pero nakabukas na ang tatlong butones ng long-sleeved polo. May kausap ito sa telepono habang binubuksan ang aircon.

Umupo siya sa gilid ng kama at naghubad ng sapatos. Inirolyo niya hanggang siko ang sleeves ng bestida. Inalis niya ang suot na headband bago humiga sa kama. Ipinikit niya ang mga mata. Pagod na pagod siya sa biyahe. Wala siyang planong umidlip pero tinalo siya ng antok.

Hindi alam ni Agatha kung ilang oras siyang nakatulog. Naalimpungatan na lang siya dahil sa mumunting halik na nararamdaman. Hindi na niya kailangang imulat pa ang mga mata para makilala kung sino ang humahalik sa kanya.

Kumapit ang isa niyang kamay sa balikat ni Reeve at ang isa naman ay humawak sa pisngi nito. She responded to his hot, wet kisses. When his tongue thrust inside her mouth, she mimicked his every stroke. Pumulupot ang isa nitong braso sa kanyang baywang at hinapit siya hanggang sa halos mapaupo na siya. Pumalibot naman ang mga braso niya sa batok ni Reeve nang mas lumalim ang halik.

Napaungol siya ng protesta nang lumayo ito.

Unti-unting iminulat ni Agatha ang mga mata. Bumungad sa kanya ang napakaguwapong mukha ng kanyang asawa.

“It’s really true that Sleeping Beauty would be awakened by a kiss,” he said, smiling.

A true love’s kiss, Reeve. She smiled lazily. “What time is it?”

“Ten PM. We should eat our dinner. Nagpa-room service ako ng pagkain.”

Apat na oras din pala siyang nakatulog. “Hindi ka pa kumakain?”

“Hinihintay kitang magising. Come on. I’m hungry.”

Inalalayan siya ni Reeve sa pagtayo. Inipon ni Agatha ang buhok sa isang gilid at sinuklay na lang iyon gamit ang mga daliri.

Pagkakita sa dining table ay wala namang pagkain doon. “Nasaan ang mga pagkain?”

Hinawakan ni Reeve ang kanyang kamay at iginiya siya palabas ng cottage. Napasinghap siya sa pagkasorpresa sa nakita sa labas.

Tanging ilaw mula sa loob ng cottage, sa campfire, at ang buwan ang nagbibigay-liwanag sa gabing iyon. Sa tabi ng campfire ay may nakalatag na puting picnic blanket. Nakalagay sa blanket ang mga pagkain at isang bucket ng wine. Mayroon pang nagkalat na red and white rose petals sa paligid ng blanket sa buhangin. It was a candlelit dinner, beach version.

Napangiti si Agatha sa kiliting nararamdaman sa kanyang puso.

Inalalayan siya ni Reeve sa pag-upo sa blanket, pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya. Nakaharap sila sa payapang dagat at sa madilim na kalangitan na puno ng nagkikislapang bituin.

“I’m really sorry about earlier, Agatha. I was very mad. Pero hindi sapat na dahilan iyon para halos mabali ko na ang kamay mo. What added more to my guilt was… hindi ka nagalit sa `kin. You understood me. I mean, why the hell are you that nice?” sabi ni Reeve habang nakatitig sa kanyang mga mata. “So, I prepared all these to make it up to you. You’re such a sweetheart. I promise I’ll never do that again.”

Napangiti siya at hinawakan si Reeve sa pisngi. “Kung magsalita ka naman, parang binugbog mo `ko.” They both chuckled. “I’m your wife. It’s my duty to understand you more. Hindi mo naman gagawin `yong kanina kung hindi ka talaga galit. Let’s just forget it, okay? Tingnan mo,” Itinaas niya ang kamay. “My wrist is fine. Mabisa `yong ipinahid mong ointment.”

Tumango si Reeve at nagsimula na silang kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay naisip ni Agatha na biruin ang asawa. “Alam mo, para sa lalaking ayaw ma-fall in love, may pagka-romantic ka.”

Ngumisi ito at nagkibit-balikat. “Every night, before we go to sleep, I always give you romance,” makahulugang sabi nito.

Agatha blushed. Idinaan na lang niya iyon sa pagtawa at pag-inom ng red wine. Habang umiinom ay napansin niya ang suot ni Reeve. Naka-boardshorts na ito at puting polo na bukas ang lahat ng butones.

“Dumating na ba ang mga gamit natin?” tanong niya.

Umiling ito. “Bumili lang ako ng damit kanina sa souvenir shop dito. Pero parating na rin siguro ang mga gamit natin.”

Tumango si Agatha.

After twenty minutes ay tapos na silang kumain at nailigpit na sa isang tabi ang mga pinagkainan. Nanatili sila sa labas, tahimik na sumisimsim ng red wine.

“Hey, Reeve. Let’s play a game,” yaya ni Agatha. May gusto siyang malaman.

“What game?”

“Jack en poy. Pero may twist ng Truth or Dare.”

Kumunot ang noo nito. “Huh?”

“Ganito. Kung sino ang mananalo sa jack en poy, siya ang magtatanong o mag-uutos sa matatalo. Ang twist, hindi `yong matatalo ang pipili kung ‘truth’ or ‘dare’ ba ang gusto niya. Ang winner ang mamimili kung ‘truth’ or ‘dare’ ang ipapagawa niya sa natalo.”

“Okay. I get it.”

“Okay, game!”

Humarap siya kay Reeve. Pinagtama nila ang mga kamao at nagsimulang maglaro. Sa una at pangalawang tira ay tabla sila. Pagdating sa pangatlo…

“Oh, yes!” Agatha beamed. Nanalo siya. “Okay. I want a dare!”

“What’s your dare?”

Pilya siyang ngumiti. “Remove your clothes!”

Napailing-iling si Reeve pero hinubad din ang suot na white polo at boardshorts. Gazing at his whole body with just his boxers on, his body would surely pass for a demigod.

Reeve picked up his shorts and tossed it gracefully at her. Natawa siya at nagpatuloy sa paglalaro.

“I believe scissors defeat papers,” nakangising sabi ni Reeve.

“So, truth or dare?”

“Dare. I want you to take off your dress.”

Nanlaki ang mga mata ni Agatha. “What?! But…” Nagpalinga-linga siya. Baka may makakita kung huhubarin niya ang suot.

“Zaire assured me that no one will enter this part of the beach. Tatawag sila kapag papasok sila o may gustong pumasok. No one will see you. Isa pa, pinahubad mo ang damit ko. Quits lang tayo.”

Agatha sighed. Mali yata ang laro na pinili niya. But a dare was a dare. Uminom muna siya ng wine bago tumayo at sinimulang hubarin ang damit. Inabot niya ang zipper ng bestida at binuksan iyon. Nalaglag ang bestida sa buhangin. Mga panloob na lang ang suot niya. Umupo na uli siya sa blanket at nakipag-jack en poy kay Reeve.

Napasinghap siya nang matalo na naman. Uminom siya ng wine para ihanda ang sarili sa iuutos o itatanong ni Reeve.

“Dare,” sabi nito. “Kiss the sexiest part of my body.”

Tinamaan na yata siya ng alak dahil napangiti pa siya sa iniutos ni Reeve. Lumapit siya sa kanyang asawa at inilapit ang mga labi sa mga labi nito. Pero hindi niya itinuloy ang balak na paghalik dito. Instead, she sexily smiled at him then lowered her head to his neck, chest, abs and then between his thighs.

Biglang nanigas si Reeve.

Mas inilapit pa ni Agatha ang mukha roon at…

Nag-angat uli siya ng ulo at sa abs ito hinalikan.

“Done!”

Napabuga si Reeve ng hangin. “Tease.”

They positioned their hands again and played.

“Argh! Bakit talo uli ako?” angal niya.

“Dare, Agatha. Sit on my lap.”

Kumandong nga siya kay Reeve, nasa magkabilang hita nito ang mga binti niya.Tumatama ang kahandaan ng asawa sa pagitan ng mga hita niya. She could feel her body’s temperature rising. Her desire for him intensified.

“Let’s play like this,” nakangising sabi ni Reeve. “Game.”

Naglaro uli sila. Again, Agatha lost.

“Dare na naman, `no?” sabi niya.

“Truth, this time.”

“Ano’ng tanong mo?”

Tumingin si Reeve nang deretso sa kanyang mga mata at ngumisi. “What part of your body do you like me touching? The part where you feel the most pleasure?”

Umakyat na yata lahat ng dugo sa ulo ni Agatha dahil sa tanong na iyon ng asawa. Oh, my! Nakakahiyang sagutin ang tanong nito. Naisubsob tuloy niya ang ulo sa balikat ni Reeve para maiwasan ang mainit nitong titig.

“Reeve naman, eh.”

“What? Again, what part of your body do you like me to touch the most?”

Nanatili lang siyang nakasubsob sa balikat nito. “D-down there…”

“Down where?” he teased.

“You know it already.”

“No, I don’t. Sa paa ba?” He chuckled.

Napaungol si Agatha sa patuloy na panunukso ng asawa. “No. B-between… between m-my legs…”

“What’s between your legs?”

“Reeve, stop it.”

“I’m waiting for an answer.”

“There. Down there. Between my legs.”

“Oh, here?”

Napasinghap si Agatha nang dumampi ang daliri ni Reeve sa tinutukoy niya. Napapikit siya at tumango. She moaned softly when his fingers found a way to get inside her underwear. Nanginig siya. Pero hindi ito nagtagal doon. Pagkatapos ng isang mariing haplos ay binawi na nito ang kamay.

Napaangat siya ng tingin dito. “Why?”

“Tsinek ko lang kung nagsasabi ka ng totoo.”

“You—”

“Okay, let’s play again,” ngingisi-ngising sabi nito.

Sa wakas, natalo niya ito!

“I want ‘truth’,” mabilis niyang sabi. Humugot siya ng malalim na hininga. Muntik na niyang makalimutan ang rason kung bakit ang larong iyon ang gusto niyang laruin nila. “Bakit galit na galit ka kina Lana at Prince?”