noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter (22)

Ch. 23 / 32 Feb 05, 2022

Chapter (22)

CHAPTER TWENTY-TWO

“K

EEP calm,” paalala ni Agatha kay Reeve.

“I am calm,” sabi ni Reeve.

Ngumiti si Agatha. “Eh, di pumasok ka na,” sabi nito, sabay hila sa dalawa niyang kamay.

Kalmado naman si Reeve… siguro. Kaya naman na niyang harapin ang dating girlfriend. Ang problema, hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin pagkapasok sa opisina ni Lana.

Ngayong araw niya napagpasyahan na makipag-ayos kay Lana. Nang sabihin niya ang plano kay Agatha, natuwa ito at sinamahan siya sa Big Hopes kung saan naroon ang opisina ni Lana.

Kagagaling lang ni Agatha sa trangkaso tatlong araw pa lang ang nakalipas pero nang yayaing samahan siya ay hindi ito tumanggi. His wife was very supportive of him.

“Reeve?”

He sighed. “Papasok na. Hintayin mo `ko.”

Tumango si Agatha. “I will,” she replied and hastily kissed him on the lips. “God bless you.”

Binitiwan nito ang mga kamay niya at naglakad na siya papasok sa opisina ng dating girlfriend. And when he saw Lana, he felt a tiny pinch in his heart. Not because he still loved her but because of the thought of what Lana had been through all these years while all he did was hate her.

“Have a seat,” she offered, smiling. Hindi na nagulat si Lana sa pagdating niya dahil nasabihan na ito ni Agatha sa telepono kanina na pupunta sila.

Naupo si Reeve sa silya sa harap ng mesa ni Lana. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi niya alam kung paano magsisimula.

“Would you like to ask why it took me twelve years?” basag ni Lana sa katahimikan.

Napaangat si Reeve ng tingin sa ex-girlfriend. Tumango siya nang magtama ang kanilang mga mata.

Humugot ng malalim na hininga si Lana bago magsalita. “Sa unang anim na taon ko sa Amerika, pabalik-balik ako sa ospital. I had surgeries para matanggal ang tumor sa utak ko. Nagki-chemotherapy din ako. Palaging positive ang feedback ng mga test result. But you know cancer. Bumabalik. Pagkatapos ng isang taon na tests sa `kin, himalang hindi na bumalik ang tumor at pati ang cancer cells. Pero tuloy-tuloy pa rin ang pagmo-monitor sa kondisyon ko,” dahan-dahang pagsasalaysay ni Lana.

“Then six years ago, bumalik ako sa pag-aaral. Nang makatapos na `ko, Mom told me to take over Big Hopes. Magandang pagkakataon din iyon para makauwi na kami sa Pilipinas at… mabalikan kita.” Yumuko si Lana. “Pero huli na pala ako.”

“Pero kahit na ganoon…” Nag-angat ito ng tingin. “I-I still want your forgiveness, Reeve. I’m really, really sorry,” sinserong sabi nito. “Sorry for hurting you and ruining your friendship with Prince. Pinagsisisihan ko ang mga naging desisyon ko noon.”

Kinapa ni Reeve ang damdamin sa mga sinabi ni Lana. He took a deep breath. Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. “I understand it all now, Lana. I also want to say sorry for being hard on you. I could have spared us all the drama, kung nakinig lang ako agad.

“They say, what’s the use of sorry if the damage has been done? Then I came to realize that it’s just the alibi of people who bear anger and hatred in their hearts. Asking for forgiveness means a lot when it’s truly meant. Maraming magbabago kung matututo tayong ibaba ang pride natin at aminin ang mga kasalanan natin. You and Prince did your part already. Nasa akin na ngayon ang problema kung wala akong gagawing pagkilos.”

Suddenly, all the things Reeve wanted to say just flowed out of his mouth. “Hindi ko magawang patawarin kayo ni Prince dahil hindi ko magawang kalimutan ang akala kong rason kung bakit n’yo `ko niloko. I felt so betrayed. I just can’t let go and forget all about it. I don’t know myself anymore because of what happened. First, my mother. Then you?

“People come and go. But you and Prince are not just ordinary people to me,” pagpapatuloy niya. “I held on to our happy memories, wishing that they would happen again, and at the same time, grasped the heartbreaking moment when you told me you didn’t love me anymore and you’re better off with Prince.”

“Reeve…”

Napailing siya. “Ang babata pa natin noon. That’s really the time of our life when we make a lot of choices and mistakes. Ngayong alam ko na ang katotohanan, mas madali na para sa akin ang magpatawad.”

“I’m sorry that I’ve been weak,” sabi ni Lana.

“Knowing your condition and at the same time, accepting your real family, you just acted normally for someone your age.” He thought that Lana was the one who should comfort him pero ngayon lang na-realize ni Reeve na mas mabigat ang dinadala nitong bigat sa dibdib.

“We lied,” Lana cried. “We hurt you.”

Tinitigan niya si Lana. “You just made a choice that you thought would give me the lesser pain. Baka nga kung nalaman ko noon ang totoong kondisyon mo, mas hindi ko kayanin. The thought of you dying would probably kill me at the time.” Ganoon niya kamahal si Lana noon.

Hinawakan niya ang kamay nito na nasa ibabaw ng office desk at marahang pinisil iyon. “Lana, I forgive you.” Nginitian niya ito. “Tanggap ko na ang nangyari because I know it all happened for a reason.” Tumayo siya at lumapit dito.

Lana smiled amidst her tears. “Thank you, Reeve.” Tumayo rin ito at yumakap sa kanya.

Reeve hugged her back. “Now, forgive yourself, too,” bulong niya. “Move on and start to love again.”

Bumitiw na si Lana sa yakap at hinarap siya. Tumatango ito habang pinupunasan ang mga luha.

She looked at him. “I truly loved you, only you and no one else back then.”

“I know. And remember that you will always be special to me.”

“And you to me,” nakangiting sabi nito. “You’re right. Everything indeed happens for a reason.”

“And I think I know the reason why.”

“It’s Agatha, right?”

Ngumiti lang si Reeve bilang sagot.

“I’m happy for you,” Lana said sincerely. “Friends?” tanong nito, saka inilahad ang kanang kamay.

“Friends.”

They shook hands.

Finally, after twelve long years, Lana and Reeve had a closure.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid kayo ni Prince. Like, really? Loko-loko `yon, eh,” biro ni Reeve.

“Don’t worry, half siblings lang naman kami. So, I’m just half crazy as he.”

“Good point.”

Nagkatawanan sila ni Lana. Kumportableng tawa. Katulad ng dati.

NAPANGITI si Agatha nang marinig mula sa labas ng pinto ang masayang tawanan nina Reeve at Lana.

Naniniwala siyang mas magaan at malaya na ang pakiramdam ng asawa niya ngayon. About her being jealous of Lana, why should she? She trusted the both of them. What was far more important was Reeve had the courage to forgive the two people that had a very significant part in his life.

Two down, one more to go.

“NICE swing, Daddy!” Pumalakpak si Agatha nang matamaan ng kanyang ama ang golf ball at pumasok iyon sa target hole.

Ngumiti ang daddy niya. “It’s your turn now, darling.”

Kinuha ni Agatha ang kanyang golf club—a wooden stick with a clubhead on the end that was used to hit a golf ball. Pumuwesto siya at tinantiya kung gaano kalakas ang magiging swing niya. She held her golf club backward up, swung it, then she hit the ball.

Napangiti siya nang pumasok ang bola sa target hole.

Pumalakpak ang daddy niya. “You’re getting better at this, Agatha.”

“Because I learned from the best, Dad.”

Ang paglalaro ng golf ang bonding nila ng ama.

Napangiti si Agatha nang maalalang dahil sa golf ay nakilala nila ang papa ni Reeve. Nagkasundo agad ang daddy niya at si Papa Roman. Then Reeve and she were arranged to be married and everything, as they said, was history.

Napatingin si Agatha sa di-kalayuang parte ng golf course. Nandoon si Reeve kasama ang papa nito, naglalaro din ng golf. Hindi lang sila nagkasabay na apat dahil mas nauna silang nag-umpisa ng daddy niya sa paglalaro kanina. Kaya naman ahead sila nang dalawang laro kina Reeve at Papa Roman.

She watched her husband as he gracefully swung his golf club back then forward, hitting the golf ball perfectly. Pumalakpak siya nang malakas nang pumasok din ang golf ball sa butas. Kahit malayo ay narinig yata siya ni Reeve dahil napatingin ito sa gawi nila.

Nag-thumbs-up siya rito.

Gumanti ng ngiti si Reeve.

“Oh, lovebirds,” narinig niyang komento ng daddy niya. “Let’s move on to the next game.” Inakbayan siya ng kanyang ama at sabay silang naglakad papunta sa isa pang side ng golf course.

Napalingon muna uli si Agatha kay Reeve. Pagkakita sa asawa ay nakatingin din pala ito sa kanila. She waved and he waved back.

“I’ll tell you a secret later,” her father said.

“What secret?”

“Later. But…”

“But?”

“Tell me first what do you want to ask from me.”

Agatha bit her lower lip. Her father really knew when she had something to ask him. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa gustong itanong dito.

“Daddy…”

“Yes?”

“B-before you and Mom got married… S-surely you had girlfriends before Mom, right?” pagsisimula niya. Iyon ang itinanong niya dahil kung kapatid nga talaga niya si Johann, malaki ang agwat ng mga edad nila. Posibleng hindi pa magkakilala ang parents niya nang ipanganak si Johann. So, baka nagkaanak ang daddy niya sa naging dating girlfriend.

Napansin niyang parang natigilan ang daddy niya at bumagal ang paglakad.

“Well, yes, of course. Three years before I met your mother, I had a steady girlfriend. Her name is Valerie Velasquez,” he said after a few seconds.

“Steady?”

“We’ve been together for four years.”

“How come na hindi kayo ang nagkatuluyan?” nagtatakang tanong niya.

Nagbuga ng hangin ang daddy niya. “She went to Canada.”

“Why didn’t you go after her?” Madali lang para sa kanyang ama ang sumunod sa ibang bansa.

“Oh, I did, hija. Believe me, I did. Pero si Valerie na rin mismo ang hindi nagpakita sa `kin.” Lumungkot bigla ang mga mata ng daddy niya. “You see, she’s pregnant when she left.”

Napalunok si Agatha. Mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib. Heto na siguro ang hinihintay niyang sagot. “Y-you have another child?”

Bumuntong-hininga ang daddy niya. “I don’t know.”

Napakunot-noo si Agatha. “Huh?” naguguluhang sabi niya. “But you said your relationship was steady and Valerie got pregnant. So most probably, the child is yours.”

“Most probably. Dapat. But before she left…” Nagbuga ng hangin ang daddy niya. “Valerie admitted to me that she had an affair with another man.”

Namilog ang mga mata ni Agatha. “What do you mean, Dad?”

“That maybe, the child is not mine. Kahit si Valerie, inamin sa `kin na hindi siya sigurado kung kanino ang bata.”

“W-what did you do then?”

“I got angry, of course. She cheated on me. I loved her but she had another man. Galit na galit ako sa kanya noon. Pero pa’no kung sa `kin nga ang bata? I told her that after she delivered the baby, magpapa-DNA test kami. If it’s mine, pananagutan ko siya. Kakalimutan ko ang kasalanan niya sa `kin. Because at the end of the day, I realized that I still loved her and I’d accept the baby no matter what. Pero umalis pa rin siya. She felt guilty at the time. I didn’t give up though. I used all my connections. But I really couldn’t find her after that day that she told me she was pregnant,” pagsasalaysay ng daddy niya. “After three years, I met your mom. She knows all about this.”

Napatango-tango si Agatha. “So, are you still looking for Valerie until now?”

“I’ve already found her, Agatha. Matagal na siyang patay.”

Napasinghap siya “Oh.”

“She ran away from Canada when she was still pregnant. Bumalik daw siya dito sa Pilipinas. Dito siya nanganak at nagkaasawa. She died of cervical cancer. Nalaman lang iyon ng pamilya niya nang kinontak sila ng napangasawa ni Valerie.”

“Where’s the child?”

“That’s the problem. Tinangay raw ng napangasawa ni Valerie ang bata. They had no trace since then.”

“H-hinanap mo ba ang bata, Daddy?”

“Yes. Pero sumuko na `ko dahil wala na `kong makuhang positive feedback tungkol sa anak ni Valerie.”

“Daddy, what if one day may magpakilala sa `yong anak mo kay Valerie. Will you demand a DNA test?”

“No. I’ll accept him because I’ll know right away if he or she is mine. I know I’ll feel it here,” sabi nito, sabay lagay ng kamay sa tapat ng kaliwang dibdib.

“How about Mom?”

“Believe it or not, pinaghahandaan din ng Mommy mo ang araw na `yon. Kung darating nga iyon.”

“But why didn’t you tell me?” kunwari ay nagtatampong sabi niya.

“Alam namin kung gaano mo kagustong magkaroon ng kapatid. Hindi namin sinabi sa `yo dahil baka umasa ka lang. Dahil kahit kami, hindi namin alam kung darating ba ang araw na lilitaw ang anak ni Valerie para magpakilala sa `kin, kung anak ko talaga siya.”

Ngayon ay naiintindihan na ni Agatha. “Daddy, gaano katanda sa `kin ang anak ni Valerie?”

Sandali itong nag-isip. “Well, I met your mother three years after Valerie. Then we had a relationship for four years before we decided to get married. A year after, you were born. So, seven years. More or less.”

She was twenty-five and Johann was already thirty-two.

“Agatha.”

“Yes, Daddy?”

“Why are you suddenly asking these questions?”

Huminto na sila sa paglalakad nang makaabot na sila sa susunod na target hole.

“I’ll answer that but you tell me your secret first,” nakangiting sabi niya.

“Hmm. Fair enough.” Her father started positioning the golf ball. Tuwid itong tumayo pagkatapos. “Alam mo ba kung bakit napagkasunduan namin ng mommy mo na ipakasal ka kay Reeve?”

“For the merging of our hotels, right?”

“Yes. But that’s not the main purpose. Besides, hindi ka namin ipapakasal kung dahil lang sa negosyo. Hindi ka isang business deal.”

“Why then?” curious na tanong niya.

Her father hit the ball before turning to face her. “Because we know how you much you like Reeve.”

“Huh?”

“Akala mo hindi namin napapansin ng mommy mo kung sino lang ang tanging lalaking pinag-uukulan mo ng pansin? For example, the business magazines when Reeve was on the cover. Hindi isang beses ka lang na bumibili. Napakadami! You don’t like reading business magazines. Mas gusto mo pang buong araw na magbasa ng sheet music. But still, bili ka nang bili ng magazine kapag si Reeve ang naka-feature.”

Nahihiyang napangiti si Agatha. “Daddy!”

Natawa ito. “How about the business section of the newspapers? Akala mo hindi ko napapansin na kapag tungkol kay Reeve ang balita, bigla na lang nagkukulang ang pages ng diyaryo ko? You keep clippings of him, right?”

Napatakip na si Agatha ng mukha dahil sa hiya. She was just eighteen when she started to do that.

“Moreover, sa mga business news. Kapag tungkol kay Reeve at sa Monteverde Hotel ang balita, tutok na tutok ka sa panonood. Gusto ko ngang isipin noon na mas interesado ka sa hotels nila kaysa sa sarili nating hotels,” natatawa pang sabi ng daddy niya. “You’re like a stalker then.”

Napasinghap si Agatha. “Daddy! I wasn’t a stalker. I… I just really liked him,” mabilis na pagtatanggol niya sa sarili. “And I know at the time na iyon lang ang paraan para malaman ko ang mga bagay tungkol sa kanya. You could say that I was a fan.”

“Bakit mo naman naisip na iyon lang ang paraan para makilala mo siya?”

“Because he’s just so hard to reach,” pag-amin niya.

Ngumiti ang daddy niya. “That’s exactly what we thought you were thinking. Paano magiging hard to reach si Reeve? You belonged in the same circle! So, your mom and I thought of a plan. Hindi naman puwede na ang unica hija namin ay hanggang sa magazines at newspapers lang maabot ang Prince Charming niya.”

Nanlaki ang mga mata ni Agatha nang may ma-realize. “Are you saying that…?”

“Remember the golf game we had when we personally met Reeve’s father?”

“Yes.”

“It was not coincidence na nagkasabay kaming maglaro ng golf, Agatha. Sinadya kong alamin ang schedule ni Roman ng paglalaro nang malaman kong member din siya ng golf club na `to. So that we could talk some things out. It turned out na naghahanap na rin pala siya ng mapapangasawa ng anak niya.”

Hindi makapaniwala si Agatha sa mga naririnig. “You, Mommy, and Papa Roman played Cupid!”

“You could say that.”

“I thought it was all about the business.”

“Nasama na lang din iyon since Roman and I are both businessmen. Saka alam naman namin na mas makabubuti ang pagsasama ng dalawang hotel. Another—”

“Meron pa?” hindi makapaniwalang sabi ni Agatha. Oh, surprises!

“Roman told me that his son was a broken man and when he first saw you, he knew that you could be the one for Reeve. Nag-alinlangan ako nang sabihin niya iyon. What if you get hurt in the end? Pero naisip din namin ng mommy mo na sumugal, na ituloy ang naunang plano namin na ipakasal kayo. You love Reeve, don’t you? So, is there anything love can’t conquer?”

Napangiti si Agatha at napayakap sa ama. “Thank you, Daddy.”

Her father embraced her tenderly like he used to do when she was still a child. “Anything for you.” Tinapik-tapik nito ang kanyang likod. “Now, can you tell me why are we having this conversation?”

Nginitian niya ang ama. “Because I think I’ve found Valerie’s child.”

“What?”

“No, let me correct that. Valerie’s child found me. He found us.”

NANG makapasok na uli sa school si Agatha ay agad niyang pinuntahan si Johann pagkatapos ng mga klase niya. Inilihim muna niya kay Trisha ang tungkol sa mga nalaman. Mabuti at hindi na ito nagtanong nang nagpaalam siyang maagang uuwi.

Nang maghiwalay na sila ng kaibigan ay pumunta siya sa math building kung saan naroon ang faculty room ng mga math professor and instructors.

Humugot muna si Agatha ng malalim na hininga bago kumatok at pumasok sa loob ng faculty room. Dalawa hanggang tatlong instructors lang ang nasa loob. Agad siyang dumeretso sa table ni Johann. He was busy checking some papers.

Tumikhim siya na agad namang nagpaangat ng tingin dito.

“Agatha!” gulat na sabi ni Johann.

She smiled. “Hi.”

“Upo ka.”

Umupo siya sa upuan na nasa harap ng table nito.

“Nakapasok ka na pala. Hindi kasi ako nakapagklase kanina sa inyo kaya hindi ko alam. Kumusta ka na nga pala?”

“I’m fine now. Nakapagpahinga na ako nang mabuti.” Tumingin siya kay Johann. “Gusto ko nga palang magpasalamat sa regalo mo sa `kin.”

Ngumiti ito. “Sa `yo naman talaga `yon. Ibinalik ko lang.”

Humugot si Agatha ng malalim na hininga. Kahit hindi niya sabihin, alam na ni Johann ang sadya niya. “W-what’s the name of your mother?”

“Valerie,” mabilis na sagot nito. “Valeria Marie Velasquez-Asuncion. Nagpakasal ang nanay ko sa ibang lalaki bago ako ipinanganak.”

“Alam mong hindi ka anak ng napangasawa ng mother mo?”

“Ten years old ako nang ipaalam sa `kin ng kinilala kong tatay na hindi ko siya totoong ama.” Sandaling natigilan si Johann, parang pinipili ang mga sasabihin. “He left me in front of the house of Eduardo Flores—the man he thought was my real father. Mahabang istorya. Nagkaroon kasi ng affair si Mama kay Tito Ed nang sila pa ng daddy mo.”

Tumango si Agatha. “My father told me about Valerie. Daddy is still looking for you. Kapatid kita, `di ba?” matapang na tanong niya.

“DNA test na lang ang kulang.”

“Pero hindi mo na kailangan `yon. Daddy will accept you right away. Naniniwala siya sa lukso ng dugo.”

Tumango-tango si Johann. “I know, Agatha. I know. Naramdaman ko rin iyon no’ng nakita kita no’ng seventh birthday mo. Pero iba pa rin ang may ebidensiya at kumpirmasyon talaga. Kaya sana matulungan mo akong makakuha ng kailangang sample para sa DNA testing. Ikatatahimik iyon ng loob ko.” Nagbaba ito ng tingin. “Pagkatapos n’on ay mababalikan ko na siya.”

“Sinong siya?” tanong niya.

“Mahabang istorya. Next year pa tayo matatapos kapag ikinuwento ko sa `yo ngayon. Pero dahil ‘kapatid’ kita, si ‘siya” ay ang babaeng akala ko hindi ko dapat mahalin.”

“Si Xan?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Johann. “Huh? Si Xan? Pa’no napasok si Xan sa usapan?”

“Hindi ba siya ang babaeng gusto mo?”

Tumawa si Johann. “Best friend ko siya. Seryoso ka ba?”

“So, hindi siya ang girl na gusto mo?”

“Hindi.”

“Okay. So, sino `yong girl?”

“Si Czarina. Anak siya ni Eduardo Flores. Kung si Tito Ed ang totoo kong ama, eh, di magkapatid kami? Hindi puwede `yon. Iba ang naramdaman ko para kay Czarina nang makita ko siya. Iba iyon sa naramdaman ko nang makita kita. Alam ko na agad na kapatid kita. Pero kailangan ko pa rin ng DNA test o kahit paternity test na lang para tuluyan na `kong matahimik. Para may happily ever after din kami ni Czarina. Klaro?”

“Yes! Magpakita ka na kay Daddy. He’s excited to see you.”

“Kalma lang. Hindi pa ito ang tamang panahon. Pakisabi kay Daddy na kailangan ko muna ng DNA test. Naks! Nakiki-‘Daddy’ na `ko, `no. At ako pa ang nagde-demand ng DNA test.”

Agatha laughed. “Can I call you ‘Kuya’?” excited na tanong niya.

“Oo naman. Pero kapag magkasama lang tayo.”

“Puwede ko `tong sabihin kay Trisha?”

“Huwag muna. Sa `tin munang dalawa, kapatid.”

“How about Reeve? Asawa ko siya. Saka dapat niyang malaman `to para hindi na mainit ang dugo niya sa `yo,” pangungumbinsi niya.

Nag-isip muna nang matagal si Johann, pagkatapos ay ngumisi. “Hindi. Huwag mong sasabihin.”

Napalabi si Agatha. “Bakit naman?”

Kinindatan siya nito. “Malalaman mo kung bakit.”