P AGTUNTONG sa twenty-first floor ay agad na bumukas ang elevator. Mabilis na lumabas doon si Agatha at hinanap ang two-door wooden entrance ng penthouse. Pagkalabas pa lang ng elevator ay hindi agad iyon agad makikita dahil kailangan pa niyang lumiko sa kanan, sabi sa reception desk kanina.
Nang makita ang nasabing pinto ay napansin niyang hindi iyon nakasara nang mabuti. Baka hindi naisara ni Reeve nang maayos. Maingat niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Agad na bumungad sa kanya ang magarang living room. May malaking crystal chandelier sa pinakagitna at ang buong sahig ay carpeted. Ganoon din ang estilo ng penthouse ng Anderson Auberge maliban sa medyo royalty ang dating ng Monteverde. Pati ang mga kagamitan ay parang sa mga palasyo talaga galing. Royal red na may gold lining ang kulay ng mga sofa. May artificial fireplace pa sa bandang dulo.
Pumasok si Agatha at maingat na isinara ang pinto. Sa bandang kanan ng malaking sala ay may tatlong malalaking pinto. Sa kaliwa ay may dalawa ring malaking pinto.
Kumanan siya at tiningnan kung ano ang nasa loob ng mga pinto. Ang unang pinto na nabuksan niya ay kitchen pala. Sa pangalawa, dining room na may connecting door papunta sa kitchen. Ang ikatlong pinto ay entertainment room. Kaya ang dalawang natitirang pinto sa kaliwa ang posibleng kuwarto ni Reeve. Inuna niya ang pinakamalaking pinto. Sa tingin niya ay nandoon ang kanyang asawa.
Marahan niyang pinihit ang doorknob. Hindi iyon naka-lock kaya maingat niyang binuksan. True enough, nandoon nga si Reeve. Payapa itong natutulog sa king-sized bed. Pumasok siya at lumapit sa higaan. Ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa kinahihigaan ng asawa nang mapahinto siya at napatitig dito. Cotton T-shirt at boxer shorts ang suot nito.
Halata sa mukha ni Reeve ang sobrang pagod sa mga nakalipas na araw. Kaya ba hindi ito tumatawag sa kanya ay dahil lagi na lang itong nagtatrabaho? Hindi na kaya ito nakakapagpahinga dahil doon? Pero kahit halata ang sobrang pagod, hindi pa rin nawawala ang kaguwapuhan nito. Sa lahat yata ng haggard ay si Reeve ang pinakaguwapo.
Napangiti si Agatha sa naisip.
Tuluyan na siyang lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Marahan niyang hinaplos ang buhok at pisngi ng asawa. Then she kissed his forehead and cheeks. Hindi man lang ito naalimpungatan sa ginawa niya.
Hindi sinasadyang napadako ang kamay niya sa malapad na dibdib ng asawa. Nag-blush na naman siya nang maalala ang pinanood kahapon. Mabilis niyang inalis ang kamay sa dibdib ng asawa at tumayo. Kinumutan niya si Reeve at saka hinalikan sa mga labi. She was just thinking of a swift kiss but it lingered for seconds. She really missed him.
Bahagya na siyang nakalayo nang maramdaman ni Agatha na hawak ni Reeve ang braso niya. Napasinghap siya sa pagkagulat.
Dahan-dahang dumilat si Reeve. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya.
“S-surprise!” out-of-nowhere ay nasabi niya.
“Agatha?” Binitawan ni Reeve ang braso niya at umupo. Kinusot-kusot pa nito ang mga mata.
“Hey, matulog ka pa. I know you’re tired,” sabi niya.
“What are you doing here? How did you get here?” nagtatakang tanong nito. Parang hindi ito makapaniwala na nandoon siya.
“Well, I’m here to see you,” she answered softly. “Umalis ka nang hindi tayo nakakapag-usap. And you haven’t called for two days. So I decided to come here in Cebu since it’s our h-honeymoon pa naman.” Napayuko siya. “Sana huwag kang magalit. I just m-missed you.”
“Come closer,” utos ni Reeve. Umisod naman siya palapit dito. “Look at me.”
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ng asawa.
“Overnight with your best friend, huh?” he teased. Hindi ito nakangiti pero halata sa mga mata ang pagkaaliw.
Nag-init ang mga pisngi niya. “I’m sorry for lying. I just wanted to surprise you.”
Tumango-tango ito. “I’m surprised indeed.”
“Well, you better rest now.”
“Wala akong naka-schedule na gagawin bukas.”
“Talaga?” Ang ibig sabihin ba niyon ay mas maraming oras niya itong makakasama bukas? “But still, you need to rest. I take it that you’ve been so busy for the past two days.”
“I was. But it’s already okay. I just have few important meetings left the day after tomorrow.”
“Sorry I woke you up.”
Nagkibit-balikat lang si Reeve. Umisod ito. “I know you’re tired from your flight. Matulog na tayo.”
Hinubad ni Agatha ang sapatos at sumampa na sa kama. “Nasa Anderson Auberge pala ang mga gamit ko. Wala akong pantulog.”
“Just remove your cardigan and pants so you’ll be more comfortable.”
Kapag ginawa niya iyon, naka-shirt at underwear na lang siya. Namula na naman siya. But what was the matter, anyway? Mag-asawa naman sila at higit pa roon ang nakita ni Reeve sa kanya.
Mabilis na hinubad ni Agatha ang suot na cardigan at pantalon. Itinupi niya ang mga iyon nang maayos at ipinatong sa isang couch doon. Bumalik na siya sa higaan at hihiga na sana nang hapitin siya ni Reeve at binigyan ng mainit na halik. Wala siyang nagawa kundi ang pumikit at namnamin ang halik nito na hinahanap-hanap niya.
When his tongue plunged in her mouth, she mimicked what his tongue was doing. Naramdaman niya ang mainit na kamay ng asawa sa kanyang hita. Mayamaya pa ay nakahiga na siya at nasa ibabaw na ito. Hinimas nito ang kanyang hita. Somehow, he was making her feel turned on. But…
Itinigil niya ang halik. “Let’s stop, okay? You need to rest.” Hinawakan niya ang asawa sa magkabilang pisngi at hinalikan ang tungki ng ilong nito.
Huminto na ang kamay ni Reeve sa kanyang hita pero nanatili itong nasa ibabaw niya at nakatitig sa kanya.
“W-why?” tanong ni Agatha.
Marahan itong umiling. “I’m just wondering…”
“About what?” she asked.
Humiga na si Reeve sa tabi niya. Tumitig ito sa kisame na para bang may inaabangan na lumabas mula roon.
“Nothing. Never mind.” He sighed and closed his eyes. “I’m just so damn tired.” Tumagilid ito paharap sa kanya at kinabig ang kanyang baywang. He kissed her torridly once more before finally dozing off to sleep.
Parang tanga si Agatha na napangiti pa kahit tinulugan siya ng asawa habang hinahalikan siya. Ipinatong niya ang mga kamay sa dibdib nito. Mayamaya pa ay sumubsob siya roon at saka pumikit.
NAGISING si Reeve na mag-isa na lang sa kama. Nagpalinga-linga siya pero hindi niya nakita si Agatha. Alas-otso y medya na ng umaga ayon sa orasan na nakapatong sa bedside table.
Huminga siya nang malalim at nanatiling nakahiga. Wala naman siyang gagawin ngayon. Matutulog na lang siya hanggang hapon kung ganoon.
Pero nasaan na kaya ang asawa niya? He was so sure that last night wasn’t a dream. Nandito talaga si Agatha at nakatabi niya sa pagtulog. Nahalikan at nahaplos niya ito kaya sigurado siyang totoo ang lahat.
Dumapa si Reeve sa kama. He could smell Agatha’s sweet scent on the pillow. Patunay lang iyon na hindi nga panaginip na nakasama niya ito. Honestly speaking, he was surprised and thrilled that Agatha was here. Pagkakita sa asawa ay nakaramdam siya bigla ng kapayapaan sa dibdib. His wife was such an angel.
Mabuti na lang at hindi nito naabutan si Lana…
Agad niyang inalis sa isip ang dating girlfriend. Wala na dapat itong lugar kahit sa isip lang niya.
Hindi na siya makatulog kaya naman nagpaplano na siyang bumangon nang may dumagan sa likod niya.
“Good morning,” masuyong bati ni Agatha.
Napangisi siya. “`Morning. Where have you been?”
“I prepared your breakfast,” bulong nito, pagkatapos ay hinalikan siya sa tainga. Hinalikan nito pati ang batok niya bago umalis sa pagkakadagan sa kanya. Damn it! Gusto pa niyang maramdaman ang malalambot nitong dibdib sa likod niya.
“C’mon, Reeve. Let’s eat.”
Bakit ganoon? Bakit napakasimple lang ng mga sinasabi ni Agatha pero iba ang dating sa kanya? Parang may pang-aakit sa tono at bawat salita nito kahit hindi naman.
Umalis siya sa pagkakadapa at humarap kay Agatha. He caught his breath when he saw her. She was still wearing what she was wearing last night. Her underwear and shirt. But this time, it was pretty obvious that she was not wearing a bra! Her nipples were…
Lalo siyang napangisi. Sadyang nanunukso ang kanyang asawa.
Umupo siya. Agatha smiled back. Pero hindi iyong matamis na ngiti na lagi niyang nakikita. Kumandong ito sa kanya. Nasa magkabilang gilid niya ang mga binti ng asawa. He could feel her softness right on his manhood.
“Are you my breakfast?” bulong niya. Tumaas ang kamay niya sa dibdib ng asawa at pinisil ang nakabakat na nipple doon.
He felt her shiver.
“No, sweetheart,” bulong ni Agatha. She leaned down and her breasts touched his chest.
Sa simpleng gesture lang na iyon ay may naramdaman agad siyang…
Napaungol siya nang pabirong kagatin ni Agatha ang kanyang tainga. Lahat ng bigat nito ay nasa kanya kaya naman napatukod ang dalawang kamay niya sa higaan. He honestly liked their position right now.
“Halika na?” bulong na naman nito.
“Why don’t we skip breakfast?”
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “No. We can’t. I prepared it. Gumising ako nang maaga para maipagluto ka.”
“You cooked breakfast? You could have called for a room service.”
Gumalaw si Agatha sa ibabaw niya nang isang beses.
“I want to cook for you, eh,” she said sweetly. Umalis ito mula sa pagkakandong sa kanya.
Parang gusto niyang kabigin pabalik ang asawa at kumandong uli sa kanya. Gusto niya ang posisyon nila. He could imagine being inside her in that position.
“C’mon, Reeve.”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Damn it! He was already turned on. Pero baka nagugutom na nga ang asawa niya. Mamaya na lang siguro pagkatapos ng almusal. Mas magtatagal, mas panggigigilan niya ang asawa.
“Okay then. I’ll just use the bathroom first,” sabi niya.
Ngumiti si Agatha at nauna nang naglakad palabas ng kuwarto. Habang naglalakad ang asawa palabas ng pinto, napansin ni Reeve ang simple at marahang pag-indayog ng mga balakang nito. She was in her underwear and he could see her sexy back.
Mabilis na siyang tumayo at pumunta sa banyo. He needed to control himself because he definitely wanted to ravish her. Right here, right now. But that wouldn’t be proper. Baka may tampo pa rin ito sa kanya dahil sa pag-alis niya nang hindi nagpapaalam.
After doing his morning routine, lumabas na siya ng kuwarto at nagpunta sa dining room. Nandoon na si Agatha, nakaupo at hinihintay siya.
Naka-set na ang table, may mga pagkain nang nakahain. Umupo siya sa katapat ni Agatha.
“Okay! Let’s eat. I know you’ve been very busy these past few days. You have to regain your strength. So, kain na,” sabi nito.
Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila. Nagkuwento si Agatha ng mga nangyari dito mula nang pumunta siya sa Cebu. He tried to listen but he got distracted because of her nipples that were obvious under the thin fabric of her shirt.
Nagsisimula nang hindi magpantay ang paghinga niya kaya pilit niyang inalis ang palihim na pagtitig sa mga dibdib ng asawa. He focused on Agatha’s face instead. But that was a wrong move. Tumusok kasi ito ng hot dog at isinawsaw iyon sa mayonnaise. Kumagat ito at may naiwang stain sa mga labi nito.
Pinahid nito iyon gamit ang hinlalaki at saka dinilaan ang mga labi. She also sucked the finger she used to remove the stain. While she was doing all of that, she looked absolutely sensual. Muli, napakasimple lang ng kilos na iyon pero gusto na niyang angkinin agad ang asawa.
Tumingin na lang siya sa pagkain niya at sinubukang kumain nang maayos.
Sa wakas, natapos din sila sa pagkain. Tumayo si Agatha at niligpit ang mga pinagkainan nila.
“I just noticed, you happen to know a lot about household chores. Ang balita ko, bago tayo nagpakasal ay prinsesa ka ng pamilya ninyo,” sabi niya.
“Why do you all keep on saying I’m a princess? Para kang mga pinsan ko. Bata pa lang ako, tinuruan na `ko ni Mommy ng mga household chores. I somehow enjoy doing them. Huwag lang akong tatamarin.” Pagkasabi niyon ay binitbit na ni Agatha ang mga hugasin para dalhin sa kusina. Tinulungan niya ito. Inilagay nila sa dishwasher ang mga hugasin at saka sila naghugas ng mga kamay.
“`Buti na lang may dishwasher na ngayon. I got this skin allergy sa dishwashing and detergent soaps. Tolerable ang dishwashing soap. Ang detergent powder ang pinakamatindi. Nagkakasugat-sugat ang mga kamay ko. Kaya nga hindi na `ko natutong maglaba kasi hindi na rin ako pinayagan ni Daddy after he saw what happened to my hands nang tinuruan ako ni Mommy na maglaba,” pagkukuwento pa ni Agatha habang nakatayo at nakasandal sa counter.
Lumapit si Reeve at tumayo sa harap ni Agatha. He leaned forward and kissed her on the lips. She groaned when his hands got into her shirt and softly pinched her nipple. Napakapit ito sa mga balikat niya. Mas pinalalim pa niya ang paghalik sa asawa. Her soft groans made him really hard down there. He cupped her breast while his other hand roamed around her back and down to her lovely butt. Pabirong pinalo niya iyon, saka hinapit para maramdaman ni Agatha ang nangyayari sa kanyang katawan. He started to rain wet kisses on her neck.
“Reeve…” she moaned.
“Hmm?”
“What time is it?”
“Time for your wifely duties,” he answered. Huhubarin na sana niya ang shirt ng asawa nang pigilan siya nito.
Napatingin siya kay Agatha. Nagtataka.
“Seriously, Reeve. Sa tingin ko, magte-ten o’clock na. I’m actually waiting for a TV show. I can’t miss it, you know.”
He groaned in protest. “C’mon, Agatha. You can’t be serious. We’re… we’re almost making out here. Bibitinin mo pa?”
She giggled. “Sorry, Reeve. But I really want to watch the show. Naghanda na nga ako ng chips para may snacks habang nanonood tayo.”
Hindi niya alam kung paano ito mabilis na nakakawala sa kanya at may kinuha sa cupboard. Isang malaking bowl ng potato chips at dip. Talaga ngang pinaghandaan nito ang panonood ng TV.
But what the hell! He was really in heat. Naramdaman niyang ganoon na rin ang asawa. So, why the hell did she leave him hanging like that?
“Halika na sa entertainment room, Reeve. Kung ayaw mong manood, okay lang. Basta ako manonood,” sabi ni Agatha bago lumabas ng kusina dala-dala ang bowl na may lamang chips at dip.
Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ang asawa. Pumasok sila sa entertainment room. Si Agatha mismo ang nagbukas ng TV at inilipat iyon sa gusto nitong channel. Nang maupo sa couch ay pinagkrus nito ang mga binti kaya na-expose ang mga hita nito sa paningin niya.
Bumuntong-hininga si Reeve bago tumabi sa asawa. Nang tingnan niya ang pinapanood nito ay nagsalubong ang mga kilay niya.
“Cartoons? You’re watching cartoons?” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Spongebob Squarepants. Don’t you watch it? It’s nice and funny. Marathon ngayon. No commercial break kaya masayang manood,” natutuwang sabi nito. Itinutok nito ang mga mata sa TV screen at nagsimulang kumain ng chips.
Nahampas ni Reeve ang kamay sa mukha. Pinigilan niya ang mapangiti. His wife was just… just too tempting and adorable.