noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter (27)

Ch. 28 / 32 Feb 05, 2022

Chapter (27)

CHAPTER TWENTY-SEVEN

L

UMIPAS ang mga araw at naging masaya ang bawat araw para kina Agatha at Reeve. They enjoyed being with each other and even scheduled some dates in a restaurant or at a family park. They even got the chance to be kids again when they went to an amusement park together. Everything was going so well—huwag lang isama ang pagiging moody ni Agatha these past few days.

Minsan kasi ay may gusto siyang gawin, pagkatapos ay biglang ayaw na niya. Minsan ay may gusto siyang kainin, mayamaya ay ayaw na niya. Iniisip na lang niya na malapit na ang kanyang monthly period. Sometimes Reeve would get annoyed with her, pero agad naman siyang bumabawi rito.

May four-day business convention na kailangang puntahan si Reeve sa Hong Kong. Gusto siyang isama ng asawa pero tumanggi si Agatha at idinahilan na mag-aasikaso na lang siya ng reunion party ng drama club. Hihintayin na lang niya si Reeve na uuwi sa mismong araw ng reunion party.

Ang hindi alam ni Reeve, makakasama nito si Lana sa parehong business convention.

Two days later, nasa isang sikat na fast-food chain sina Agatha at Johann.

“O, bakit parang ang tamlay mo?” tanong ni Johann.

“I just miss Reeve.” Dalawang araw na mula nang lumipad ito papuntang Hong Kong.

“Eh, bakit kasi ayaw mong i-on ang phone mo? Sigurado namang tumatawag `yon sa `yo?”

Umiling si Agatha. “I want him to think things through. Kung mahal ba talaga niya ako bilang ako o…” mahinang sabi niya at saka sumubsob sa mesa.

“Ikaw talagang babae ka! Gumawa ka ng paraan para makasama si Reeve sa business convention sa Hong Kong nang malaman mong pupunta doon si Lana, `no? You put Reeve to the test? Hindi mo ba siya pinagkakatiwalaan?”

Gusto nang umiyak ni Agatha. Nagsisisi na siyang hindi siya nagtiwala sa pagmamahal sa kanya ng asawa. Iyan tuloy, para siyang baliw sa kakaisip kung ano ang ginagawa nito sa Hong Kong kasama si Lana.

Gusto lang naman niyang makasiguro na mahal siya ni Reeve bilang siya at hindi dahil nakikita nito si Lana sa kanya. She tried to recall all their sweet moments. She knew Reeve’s love for her was real. Pero hindi niya talaga maiwasang mangamba rin sa sinabi ng pinsan niya kay Lana.

Where was the positive side of her? Why couldn’t she be rational now?

“Buksan mo na ang phone mo para makausap mo na ang asawa mo.”

Umiling si Agatha. Sinimulan na rin lang niya, tatapusin na niya. Tutal, dalawang araw na lang naman bago bumalik ang asawa niya. Kung walang nagbago kay Reeve pagbalik nito, she would never ever doubt his love again kahit ano pa ang mangyari.

“Since nasimulan mo na iyang ‘test’ mo, be positive na lang na makakapasa ang asawa mo. Pero bilang lalaki, ayoko sa ginawa mo.”

“Alam ko, Kuya. And I’m really feeling guilty about it. I swear, I’ll never do this again. I’ll never doubt Reeve again. Kung mare-realize nga niyang hindi na si Lana ang mahal niya,” nanghihinang sabi niya.

Inabot ni Johann ang kanyang kamay at pinisil iyon. “Everything will be all right, Agatha. Sige na, kainin mo na `yang french fries mo. Ang dami-dami mong in-order, o. Dapat maubos mo ang mga `yan.”

She tried to smile and just ate her meal. When she started eating her fries, parang bigla na lang gumanda ang mood niya. Magana na siyang kumain at parang nabitin pa nang maubos ang french fries. Tumayo siya at um-order uli.

Pagbalik niya sa table kung saan sila nakaupo ng kapatid, napatingin ito sa kanya nang may pagtataka.

Um-order kasi siya ng tatlong large fries. Inilapag niya ang tray na naglalaman ng french fries at saka umupo. “Why are you looking at me like that?” tanong niya.

“Ang takaw mo pala sa fries. Paborito mo?”

“Actually, no. Ewan ko, basta nasarapan ako. Ang sarap pala kapag medyo maraming asin, saka idi-dip sa tomato ketchup,” nakangiting sabi niya. “Gusto mo?” alok niya.

“Huwag na. Baka kulang pa `yan sa `yo,” natatawang sabi ni Johann.

Natawa rin si Agatha. “Daan tayo sa grocery mamaya, ha? Bibili ako ng french fries na puwede kong lutuin mamaya kapag nagutom ako sa bahay.”

KINABUKASAN, maagang gumising si Agatha dahil may usapan sila ni Johann na magkikita. Alam niyang wala siyang gagawin ngayon kaya niyaya niya ang kapatid na mamasyal buong araw. Mabuti na lang at wala rin itong gagawin nang araw na iyon.

Si Trisha ang una niyang niyaya dahil sila naman lagi ang lumalabas. Kaso, abala ang kaibigan niya para sa huling rehearsal ng play na gaganapin sa reunion party. Kaya naman ang kapatid na lang ang niyaya niya para makapag-bonding pa sila.

After two hours, narinig ni Agatha ang busina ng kotse ni Johann. Bumaba siya at pinapasok muna ang kapatid sa bahay para sabay silang mag-almusal. After that, they went out and spent some siblings time.

They went to a family park and flew a kite. Actually, si Johann lang ang nagpapalipad at tawa lang siya nang tawa tuwing bumabagsak ang saranggola dahil hindi nito mapalipad nang maayos.

Pagkagaling sa park ay nanood sila ng sine. Nagkasundo pa nga sila na isang Disney animated movie ang panoorin. They also went to an arcade and ate a lot of french fries! Masayang kasama si Johann dahil marami itong kuwento at kuwela pa. Kaya naman sumakit yata ang panga niya sa kakatawa nang makauwi siya kinagabihan pagkatapos nilang mag-dinner.

“I had a great time, Kuya. Thank you!” pasasalamat niya kay Johann pagkahatid nito sa kanya.

“No problem, Agatha. Pa’no, alis na `ko, ha? Tatawagan kita kapag hawak ko na ang resulta ng DNA test.”

Tumango si Agatha at humalik sa pisngi ni Johann. Bumaba siya ng kotse at kumaway sa kapatid nang patakbuhin na nito ang kotse.

Pagpasok sa bahay ay dumeretso si Agatha sa kuwarto. Naghanda na siya sa pagtulog.

Nang nasa kama na siya ay binuksan niya ang kanyang cell phone. Mabilis na nagpasukan ang text messages na galing kay Reeve mula pa nang umalis ito papuntang Hong Kong. Pero ngayong araw ay wala siyang na-receive ni isang text message mula sa asawa.

Bumangon siya at lumabas sa terrace. Idinayal niya ang numero ni Reeve pero walang sumasagot. Nag-dial siya nang nag-dial hanggang siya na rin mismo ang sumuko.

She missed Reeve so much. Babawi talaga siya pag-uwi nito.

MAAGANG nagising si Agatha kinabukasan dahil susunduin niya ang asawa sa airport. Pero nakatanggap siya ng text message mula kay Reeve na nagsasabing huwag na niya itong sunduin dahil dederetso ito sa opisina. Sinubukan niyang tawagan ang asawa pero hindi nito sinasagot ang telepono.

Agatha replied, “Okay” and “I miss you.” Wala na siyang natanggap na text message pagkatapos niyon. Later on, she called Reeve’s office. Nalaman niya mula kay Elisa na nakabalik na nga si Reeve mula Hong Kong pero masyado itong busy para kausapin siya. Nagtaka siya dahil dati naman, kahit busy ang asawa sa trabaho ay sinasagot nito ang mga tawag niya—sa opisina man o sa cell phone nito.

Marami sigurong kailangang tapusin si Reeve. Sigurado naman na uuwi ito bago sila umalis mamayang gabi papunta sa party.

Dumating ang hapon at sa wakas ay umuwi rin ang asawa niya. Pagpasok pa lang sa pintuan ay sinalubong agad niya ito ng mahigpit na yakap.

“I’ve missed you!”

“I-I’ve missed you, too,” sabi naman ni Reeve pero lumayo rin agad sa kanya pagkatapos. Pumasok ito sa bahay hila-hila ang maleta.

“Sorry I wasn’t able to answer your calls and messages. I just—”

“It’s fine. Hindi ko rin naman nasagot ang mga tawag mo kanina. I’m busy,” sabi nito, tuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa hagdan.

“Reeve?” Agatha followed him but he didn’t face her. “Reeve, are you hungry? Gusto mong ipaghanda kita ng merienda?” tanong niya nang makapasok na sila sa kuwarto.

Umiling lang ito at saka iniwan ang maleta sa isang tabi.

“Magpahinga ka na lang para mamayang gabi. I also want to take a rest first,” sabi nito, saka nagpunta sa banyo.

Napabuntong-hininga si Agatha. Halata sa tono ng kanyang asawa na pagod na pagod ito. Dapat pala pinilit na lang niya ito kanina na huwag na munang pumasok sa opisina.

Humiga siya sa kama at sinubukang matulog. Pero hindi siya makatulog dahil sa pagkabagabag. She felt like something was different.

Narinig niya ang paglabas ni Reeve ng banyo. Mayamaya ay naramdaman niya ang paglundo ng kama. Hinintay niya ang pagyakap ng asawa sa kanya katulad ng ginagawa nito lagi tuwing magkatabi sila sa higaan.

Pero hindi iyon nangyari.

Dahan-dahan siyang lumingon at nakitang nakahiga si Reeve patalikod sa kanya. Parang may pumiga sa puso ni Agatha. Reeve was being cold.

Agad na pumasok sa isip niya ang nangyari sa Hong Kong. Did he realize his true feelings after being with Lana? Did she just lose her husband because of her stupid test?

Don’t be paranoid, Agatha. Keep calm. Pagod lang si Reeve. Paggising niya, everything will be all right,

pagkumbinsi niya sa sarili. She would stay positive. She trusted Reeve.

KATULAD ng inaasahan ni Agatha, napakaraming taong dumalo sa reunion-slash-birthday party ng ina-inahan at mentor nila sa drama club noong high school. Nakita niya ang mga ka-batch niya at ganoon din si Reeve. Nagkahiwalay sila at sa sobrang laki ng lugar at sa dami ng tao ay hindi niya na ito makita.

Kanina, habang naghahanda sila papunta sa party ay tahimik lang si Reeve. Sinubukan niyang magbukas ng usapan pero napakatipid ng mga sagot nito. Hanggang sa party ay pormal ito sa kanya na parang hindi sila mag-asawa. Gayunman, ipinakilala naman siya ni Reeve sa mga ka-batch nito bilang asawa. Pagkatapos ay nagkahiwalay na nga sila.

Ganoon pa man, pinilit ni Agatha na ngumiti at nilapitan pa si Ma’am Salvador para batiin. Nag-usap sila at ang iba pa niyang ka-batch hanggang sa magsimula na ang programa.

Isang malaking stage ang nasa harap ng maraming pabilog na mesa at mga upuan. Everybody took their seat as the program started. Ang pinaka-highlight ng programa ay ang play na si Ma’am Salvador mismo ang nagsulat.

Habang nagbibigay ang guro ng opening speech ay panay ang linga ni Agatha. Nahanap niya ang parte ng venue kung saan nag-umpukan ang batch nina Reeve. Nakita niya si Reeve, katabi si Lana.

Ngumiti ang asawa niya nang may ibulong dito si Lana.

Parang may kumurot at may tumusok pang matalim na bagay sa puso ni Agatha sa nakita. Nag-iwas na lang siya ng tingin at itinutok ang atensiyon sa stage.

When the play started, tuwang-tuwa siya pati ang ibang mga tao sa pag-arte nina Trisha at Prince. The story was supposed to be a drama dahil tungkol iyon sa pagkikitang muli ng dating magkasintahan. Pero naging comedy rin iyon dahil sa kakulitan nina Trisha at Prince sa stage. Naramdaman siguro ng mga tao na totoo ang chemistry na namamagitan sa dalawang bida.

Patapos na ang play at mapapansin na ang ibang audience ay napapaiyak pa. The last scene was about the confession of the guy and the girl why they still loved each other after all that happened. The play ended with the audience happily clapping and smiling. Nang maglabasan ang cast para sa final bow ay napatayo pa silang mga manonood.

Agatha was very proud for her best friend.

Nagsasalita ang emcee nang maramdaman niya ang pagba-vibrate ng kanyang cell phone. Agad niya iyong sinagot.

“Hello?”

“Hello, sis. Nasa reunion party ka ngayon?”

“Yes, Kuya. Why?”

“Puwedeng lumabas ka sandali? Nandito ako. May sasabihin ako sa `yo.” Mahihimigan sa boses ni Johann ang katuwaan at excitement.

“Okay. Palabas na `ko,” sagot niya. Nag-excuse siya sa mga kasama.

Paglabas ni Agatha ng venue hall ay agad niyang nakita ang kapatid sa garden.

“Kuya!” Nakangiting nilapitan niya si Johann. “Ano ba’ng sasabihin mo at napasugod ka pa dito?” curious na tanong niya.

May hinugot ito mula sa backpocket ng pantalon. Isang nakatuping papel. Nakangiting iniabot iyon ng kapatid sa kanya.

Kinuha niya iyon at binuklat. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa iyon. It was the DNA test result!

“It’s positive!” natutuwang sabi niya.

Tumango si Johann. “O, `di ba, mas nakakatuwa kung may documentary proof?”

Masayang napayakap siya sa kapatid. Mahigpit din naman siyang niyakap nito.

“I’m so happy! Puwede ko na bang sabihin `to sa lahat?” natutuwang sabi niya habang nakayakap pa rin sa kapatid.

“Of course! Ipagsigawan mo pa kung gusto mo.”

Laking gulat ni Agatha nang may humila sa kanya palayo kay Johann. Mabilis ang mga pangyayari at nakita na lang niya na sinuntok ni Reeve nang malakas si Johann sa mukha. Bumalandra ang kapatid niya sa lupa.

Napasinghap siya. “Reeve!” sigaw niya.

Pero hindi siya pinansin ng kanyang asawa.

“I told you, stay away from my wife!” nanggigigil na sigaw ni Reeve.

Akmang susuntukin na naman nito si Johann nang mabilis niyang pinigilan ang braso ng asawa.

“Reeve! Stop! Ano’ng ginagawa mo?!” sigaw niya.

Pumiksi ito sa hawak niya at galit na galit na hinarap siya.

“Ipagtatanggol mo na naman siya? You’ll stand by his side? Bakit?” Nagtatagis ang mga bagang nito. “Kasi mas gusto mo siya? Kasi mas masaya ka sa kanya?”

“Reeve?” naguguluhang sabi niya.

Nawala ang galit sa mga mata nito at napalitan iyon ng… kalungkutan. “Katulad ka rin ba ni Mama? Iiwan mo rin ba ako kasi hindi kita napapasaya? Kasi kulang pa ako para sa `yo? Kasi hindi mo na ako mahal?”

“W-what are you saying?”

“I was so damn worried when I couldn’t reach your phone. I texted you so many times and waited for your reply pero wala! Alalang-alala ako sa `yo. Iniisip ko kung ano ang nangyayari sa `yo dito. Hindi na rin ako makapag-focus sa conference no’ng third day na at wala pa rin akong natatanggap na tawag galing sa `yo at hindi pa rin kita makontak. I couldn’t focus kaya umuwi na `ko kaagad kahapon. Umaga pa lang nakauwi na `ko. `Tapos makikita kita na palabas ng bahay kasama ang gagong `to.” Itinuro nito si Johann na sapo ang panga. “Nang sobrang aga! Ano’ng ginagawa niya sa bahay nang sobrang aga? Magkasama pa kayong umalis. Sinundan ko kayo kasi naisip ko, baka mali lang ako ng hinala. I called you once more pero hindi ka pa rin sumagot. You spent the whole day with this math professor of yours! I was going crazy thinking why I couldn’t contact you and why you weren’t calling me back. Iyon pala, kasama mo lang lagi ang lalaking `to!”

Umiling-iling si Agatha. “No, Reeve. I can explain. Just—”

“No! Malinaw na sa `kin, Agatha. Kaya ba ayaw mong sumama sa `kin sa Hong Kong? Kasi mas magkakaroon ka ng oras kay Johann? Mas may oras ka na makita siya kasi wala naman ako? Kasi walang pipigil sa `yo kapag nakipaglandian ka sa kanya? Bakit ka ganyan, Agatha? Akala ko iba ka. Bakit sinasaktan mo `ko nang ganito? Damn you!”

Mabilis at malakas na dumapo ang kamay niya sa pisngi ni Reeve.

“Mahal mo ba talaga ako, Reeve? Nasasaktan ka ba talaga?” umiiyak na sabi niya. “Mahal mo ba talaga ako bilang ako? O nakikita mo lang sa `kin si Lana?”

Halatang natigilan ito, hindi nakasagot.

Lalo siyang napaiyak. “N-nakikita mo lang sa `kin si Lana, `di ba? Kasi k-kamukha ko siya? P-pumayag ka sa arranged marriage hindi lang dahil sa business deal kundi dahil nakikita mo si Lana sa `kin. And when everything’s fine, you cannot be with Lana because you’re married to me. So you just settled for the second best, right? Tutal, magkamukha naman kami.”

“Agatha…” sabi ni Reeve habang nakatitig sa kanya. He had that confused looked in his eyes. Hinintay niyang dugtungan nito ang sinasabi pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

Napahagulhol na si Agatha. Akmang hahawakan siya ni Reeve pero pumiksi siya at lumayo rito. Without thinking, she pulled out her wedding ring from her finger and throw it at Reeve.

Gulat na napatingin ito sa kanya. “Agatha?”

She wiped her tears away. “Ayoko na, Reeve.”

“No!” sigaw nito. “Agatha, I—”

Hinampas niya sa dibdib nito ang hawak na papel. “By the way, Johann is my half brother.”

Tumalikod na siya at tumakbo palayo roon nang hilam sa luha ang mga mata.

Loving someone deeply was never easy.