noveltoon logo noveltoon
Wifely Duties

Chapter (19)

Ch. 20 / 32 Feb 05, 2022

Chapter (19)

CHAPTER NINETEEN

N

AUULIT na naman ang karaniwang bangungot ni Reeve—isang pangit na alaala.

He was eighteen years old again. Umuwi siya sa bahay galing ng campus at naabutan ang kanyang mama na paalis na ng kanilang bahay. Sasama na raw ito sa lalaking totoo nitong mahal. Lumuhod siya sa harap ng kanyang mama. Nagmakaawa na sila na lang ang piliin nito. Pero umalis pa rin ito sakay ng kotse. Hinabol niya ang kotse pero hindi na niya naabutan. Napalugmok siya sa gitna ng kalsada.

Ang sumunod na eksena ay nasa Amerika siya. Doon pumunta si Lana pagkatapos nitong basta na lang siya hiwalayan. Ipinagtabuyan siya ng kaisa-isang babae na minahal niya. Sinabi ni Lana nang harapan sa kanya na si Prince na ang mahal nito. Nandoon din si Prince sa Amerika. Magkasama na ang dalawa. Ang laki niyang tanga.

He was such a loser for losing a mother, a best friend and a girl he loved dearly.

Sa panaginip niya ay mag-isa na lang siya sa dilim.He was lost.

Napaluhod na lang siya at napayuko. Paano siya makakalabas sa kadilimang iyon? Makakalabas pa ba siya roon? May tutulong ba sa kanya? O siya lang mag-isa roon? Ayaw niya roon. Ayaw niyang manatili roon.

A moment later, he heard footsteps approaching him. Then a gentle hand touched his shoulder. Napatingala siya. Hindi na madilim ang paligid! Pero hindi pa rin niya alam kung saan siya naroon.

Nang makita ang magandang mukha ni Agatha ay parang mas lumiwanag ang buong paligid. Lumuhod din ito para maging kapantay niya. Ngumiti si Agatha—ngiting napakatamis, nakapagbibigay-init sa kanyang dibdib at… at ngiting nagpapahiwatig ng pag-asa.

“I’m here, Reeve. I’ll help you get out.”

Hindi niya alam kung bakit siya napangiti at hinalikan ang kamay ni Agatha.

“But you need to help yourself, too,” she added.

Saglit siyang natigilan. He stared at Agatha’s angelic face. Pagkatapos ay tumango siya.

“Just be by my side.”

Tumango rin si Agatha.

“I will always be.”

BIGLANG nagmulat ng mga mata si Reeve. Tumingin siya sa wall clock sa kuwarto nila ni Agatha. It was only four AM.

Pinuno niya ng hangin ang mga baga, saka marahang pinakawalan iyon. Mayamaya ay hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang gaan ng pakiramdam niya. Noon niya naalala ang bangungot na naging magandang panaginip.

Tumingin siya sa tabi niya at nakita si Agatha na mahimbing na natutulog. He lightly caressed his wife’s cheeks, then stared at her beautiful face.

Habang pinagmamasdan ang asawa ay bigla na lang siyang nakaramdam ng parang pagsipa sa kanyang puso. Sinundan iyon ng malalakas na pagtambol ng dibdib. Alam niya ang pakiramdam iyon. Ilang taon na pero alam niya kung ano ang eksaktong nararamdaman para kay Agatha ngayon.

Napangiti siya at masuyong hinila ang asawa para yakapin. Handa na siyang maramdaman uli ang damdaming iyon para sa kanyang asawa.

“TRISHA, you’re not telling me something,” naghihinalang sabi ni Agatha.

They were having lunch in one of the restaurants near the campus. Pag-aari ang restaurant ng pamilya nina Trisha. Mahigit isang oras pa bago ang susunod nilang klase kaya naisipan nilang kumain.

Nag-angat ng tingin si Trisha mula sa binabasang menu. “Like what?”

“About Prince.”

Nalukot ang mukha ni Trisha. “Hindi dapat pinag-uusapan ang mga manloloko,” mataray na sabi nito bago ibinalik ang atensiyon sa binabasang menu.

“So, siya `yong lalaki sa cruise?”

Napilitan si Trisha na tumango. “‘Duke’ ang alam kong pangalan niya. Iyon pala, ‘Prince Duke’ ang kumag! Pero bahala na siya sa buhay niya. Wala na `kong pakialam sa kanya.”

Hindi naniniwalang tumingin si Agatha sa kaibigan.

Inirapan lang siya ni Trisha. “Oh well, enough of me. So, how’s Reeve?” mabilis na pag-iiba nito sa topic ng usapan.

Hindi napigilan ni Agatha na mapangiti nang maalala ang asawa. “He’s doing fine. After that night, hindi na uli niya nabanggit ang nangyari. He’s back to normal.”

Pinakatitigan siya ni Trisha. “So, why the wide smile? Tell me.”

Naramdaman na naman ni Agatha ang mumunting kiliti sa kanyang puso. “Well… kanina, bago ako pumasok, Reeve prepared breakfast for me. Hindi siya pumasok nang maaga para daw magkasabay kaming mag-breakfast. Araw-araw na raw niya akong sasabayan kahit ma-late pa siya sa trabaho,” kinikilig na pagkukuwento niya.

Nahawa si Trisha sa kilig niya. “Aww! Really?”

“Yeah.” Sunod-sunod pa siyang tumango. “Reeve could really be so sweet. Na-overwhelm lang ako kasi I didn’t expect him to do that. At alam pala niya ang mga paborito kong kainin kapag breakfast. Like tuna sandwich and milk.” Sa totoo lang, hinding-hindi talaga niya makakalimutan ang ginawang iyon ni Reeve. Lalo tuloy tumindi pa ang pagmamahal niya sa asawa.

Biglang napasinghap si Trisha. “Hindi kaya… he’s falling—”

“No, don’t go there, Trish,” mabilis na pigil ni Agatha. “I don’t want to assume things. Hindi ko muna iisipin `yan until Reeve overcomes his monsters. Okay?”

“Okay. Pero baka talaga—”

“Hep!” pigil uli niya. “He just said earlier that was only a ‘thank you’ for understanding him and being with him. Lalo na sa nangyari last Saturday night. `Yon lang `yon.”

“Duh? It’s your wifely duty to be beside him. Na-over ka lang sa pagiging mabait.”

Nagkibit-balikat lang si Agatha.

“So, after breakfast, did you… quickly, you know?” makahulugang sabi ni Trisha.

“Trish!” saway ni Agatha, nag-init na agad ang mga pisngi.

“Uy, blushing! So, may nangyari nga?”

“Stop it, Trish.”

“So, wala?”

Napayuko siya. “M-meron…”

Napahaglapak ito ng tawa at napapitik sa ere. “I knew it! Puwede ba namang wala?”

Pinandilatan niya ito. “But you know what? Hindi mo na kasi kailangang itanong pa `yon.”

“Fine,” natatawa pa ring sabi ni Trisha. “Anyway, pupunta muna ako sa restroom. Pagbalik ko na lang tayo um-order. Mahaba pa naman ang oras natin.”

“Okay.”

Tumayo si Trisha at pumunta na sa restroom. Kinuha ni Agatha ang menu at tumingin ng puwede nilang kainin.

“Puwede pong maki-share ng table?”

Napaangat ng tingin si Agatha at nakita si Johann.

“Sure, Prof,” she said, smiling. “Lunch break din?”

Umupo si Johann sa upuan na binakante ni Trisha sa tabi niya. Hindi na lang niya sinaway ang lalaki dahil six-seater naman ang round table. Iyon na lang kasi ang available table kanina nang dumating sila. Puwede namang lumipat si Trisha sa kabilang tabi niya.

Tumango si Johann. “Yup! Pumunta ako dito kahit alam kong maraming tao rito ng ganitong oras kasi masarap ang mga pagkain dito. Wait, mag-isa ka lang?”

Umiling si Agatha. “I’m with Trisha. Nag-CR lang siya sandali.”

“Ah. Naka-order na ba kayo?”

“Hindi pa. Here.” Iniabot niya kay Johann ang menu. “You choose.”

Ngumiti ito. “Thanks, Agatha. Alam mo, masarap ang kare-kare nila dito. You want to try it?”

“Sure! Trisha would love it. Paborito niya `yon.”

Mas lumapad ang ngiti ni Johann. “That’s nice. Alam mo ba, akala ko ako lang kakain mag-isa. `Buti na lang nakita kita dito. Mas mae-enjoy ko ang kare-kare kapag may kasalo.”

Napatitig si Agatha kay Johann. Ngayon lang niya mas napansin na parang nakapamilyar ng mga ngiti nito.

“Okay ka lang?” tanong nito.

“Yeah. Don’t mind me. May naalala lang ako.”

“Uy, Prof!” bati ni Trisha kay Johann nang makabalik na sa mesa nila.

“Pa-share ng table, ha?” sabi ni Johann. “O-order ako ng kare-kare. Paborito mo raw `yon?”

Pagkatapos nilang um-order ay nag-usap-usap muna sila ng kung ano-ano habang naghihintay.

“Excuse me, Miss. Puwedeng maki-share ng table?”

Sabay-sabay silang napalingon.

“Lana!” Agatha exclaimed.

“Agatha?” gulat ding sabi ni Lana.

Ngumiti siya. “Sit with us. It’s okay. Ay, oo nga pala. She’s Trisha and he’s Johann,” pagpapakilala niya sa dalawang kasama.

Binati naman agad si Lana ng dalawa.

“Ahm… may kasama kasi ako. Okay lang ba?” sabi ni Lana.

“Sure, no problem,” Trisha said. “Three seats pa naman ang bakante.”

“Sino’ng kasama mo?” tanong ni Agatha.

Lana smiled. “Si Prince.”

Pasimple siyang sumulyap kay Trisha. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya pero agad ding itinago ang pagkagulat.

“Lana, nakahanap ka na ng table?” Prince asked as he approached their way. Napatingin ito sa kanya. “Agatha! It’s nice to see you here.”

“Likewise, Prince. Sa `min na lang kayo maki-share ni Lana ng table. By the way, Johann, si Prince. Prince, Johann,” pakilala niya sa dalawang lalaki na nagbatian naman agad.

“And she’s Trisha,” sabi ni Johann, sabay turo kay Trisha na “busy” sa pagtingin sa menu.

“Oh. I know her,” nakangising sabi ni Prince. “Hello, Trisha.”

Poker-faced, Trisha looked at Prince. “Hi.” Pagkatapos ay ibinalik din agad ang tingin sa menu.

Lalo tuloy na-curious si Agatha sa kaibigan at kay Prince. Ayaw talagang magkuwento ni Trisha. Hindi naman niya gustong mangulit masyado.

“Ahm, upo na kayo,” yaya niya kina Lana at Prince.

Umupo naman na ang dalawa. Mabilis ding naka-order ang mga ito.

While waiting for their orders, Johann started a conversation. Mabilis itong maka-adapt sa bagong kakilala dahil kung makapag-usap kina Lana at Prince ay para bang matagal na nitong kakilala ang dalawa. Naalala tuloy ni Agatha kay Johann ang daddy niya. Ganoon din kasi makipag-usap ang daddy niya kapag may bagong kakilala. Mabilis itong maging kumportable.

Prince and Johann were talking about something while Trisha remained silent and looked so annoyed.

“Agatha,” tawag ni Lana.

“Yes?”

“How’s Reeve?” Nahimigan niya ang pag-aalala sa boses ni Lana.

“Reeve is okay. Na-shock lang talaga siya sa sinabi mo last Saturday. I think pina-process pa ng utak niya ang nalaman. But he’s really okay now. He’s back to normal. Sunod-sunod ang business meetings niya ngayong araw and he’s doing well. He texted me.”

Nakauunawang tumango si Lana. “I’m sorry, Agatha. But he really needed to know that. I owe it to him.”

“I understand. Everything will be all right, Lana.”

Dumating na ang order nina Agatha na agad namang sinundan ng order nina Lana.

“`Ayan, kompleto na,” sabi ni Johann. “Let’s pray first?”

Si Prince pa ang nag-volunteer na magdasal bago sila kumain. Nang nagsisimula na silang kumain ay tumunog ang cell phone ni Agatha. “Excuse me.” Tumayo siya at lumabas ng restaurant.

“Hello?” she answered.

“So, are you having lunch?”

Napangiti siya. “Yes. Ikaw? Kumain ka na ba? May meeting ka ngayon, right?”

“Supposedly. But it was canceled. Hindi pa `ko kumakain.”

“Ha? Hey, kain ka na. May meeting ka pa later this afternoon.”

“Yeah. Can I join you?”

Napakunot-noo si Agatha. “What?”

Impit siyang napatili nang may humapit sa baywang niya at hinalikan siya sa pisngi.

When she faced the culprit, Reeve was smiling at her. “Surprised?”

“R-Reeve!” bulalas niya. Kailan pa ito nasa labas ng restaurant? “You’re here.”

“Dapat kanina pa. But I had a hard time finding this restaurant. My meeting that’s supposed to be happening right now was canceled an hour ago. Naisipan kong pumunta rito dahil nai-text mo naman kanina kung saan kayo naroon ni Trisha. So, can I join you?” nakangiting sabi nito.

“A-actually, kasabay rin namin si Johann.” Iniisip ni Agatha ang magiging reaksiyon ng asawa kapag sinabi niyang pati sina Lana at Prince ay kasama rin nila sa table.

Masaya siya dahil sa sorpresang pagsunod ni Reeve sa restaurant. But at the same time, she felt nervous for him. Lalo na kapag nakita na naman nito sina Prince at Lana. Baka biglang sumama ang mood nito. Napansin pa naman niya na mula kaninang umaga ay masaya ang aura ng kanyang asawa.

“Oh, the math professor,” Reeve said. Sumeryoso ang mukha nito. “Hindi mo yata nabanggit na kasama n’yo siya?”

“Naki-share lang siya ng table since six-seater ang table namin ni Trisha and, as you can see, punong-puno ang restaurant.” Itinuro niya ang loob ng restaurant. “Kaya huwag ka nang magselos,” biro niya.

“Hindi ako nagseselos.” Pero nalukot ang ilong ni Reeve.

Napangiti na lang si Agatha.

“So, there are three of you on the table. May tatlo pa. I can fit in.”

“Of course. But… the two seats are also occupied.”

Nagkibit-balikat lang si Reeve. “It’s fine with me.”

Deretsang sinalubong niya ang mga mata nito. “It’s Lana and Prince. Is it still okay with you?”

Gumuhit ang pagkagulat sa mga mata ni Reeve pero agad din naman iyong nawala. Sandali itong hindi nagsalita. Mayamaya, “It’s fine with me, sweetheart,” kalmado nitong sagot.

“Really?” paniniguro niya.

“Really.” Bumalik ang ngiti ni Reeve nang mapatingin sa mga labi niya at mabilis siyang hinalikan.

Hindi maitago ni Agatha ang ngiti dahil sa kilig. Ibang-iba talaga ngayon ang aura ni Reeve. He didn’t let his good mood be ruined. And she was so glad about it.

Inabot ni Reeve ang kanyang kamay at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. “Besides, bakit naman hindi ako magiging maayos? Nasa tabi kita.”

Saglit na napahinto si Agatha at naramdaman ang mas mabilis pang pagtibok ng puso.

“I know that everything will be all right because you’re with me.” Reeve lightly kissed the back of her hand. “What can go wrong?”

Nginitian pa siya ni Reeve. Iyong ngiti na gustong-gusto niyang nakikita rito. A smile that was tender and full of life. Lalo tuloy itong gumuwapo sa paningin niya. Hindi niya alam kung may puso pa ba siya dahil natunaw na yata iyon sa mga sinabi ng asawa kanina at sa pagngiti nito ngayon.

She was speechless. Nakatingin lang siya kay Reeve habang nakangiti rin.

“Why are you staring at me like that? Hindi pa ba tayo papasok?”

Napakurap si Agatha. “Ah, okay. Sorry. Come on.”

Sabay silang pumasok sa loob ng restaurant. And as they approached the table she was in, everybody was happily having a conversation. Nakikitawa na rin si Trisha pero hindi niya alam kung kinakausap na nito si Prince.

Palihim na sinulyapan uli ni Agatha si Reeve para makita ang reaksiyon nito kapag nakita si Prince at lalo na si Lana.

Reeve still looked calm and composed. Napangiti siya. Was the change in him already starting?

“Guys…”

Napaangat ng tingin ang apat na nasa mesa sa kanya at napahinto sa pag-uusap nang makita ang kasama niya. As expected, they were all surprised, lalo na sila Lana at Prince.

“Hi, Reeve!” bati ni Trisha.

“Hello, Trisha.”

Ipinaghila siya ni Reeve ng upuan na katabi ng kay Lana. Pagkatapos ay umupo ito sa kabilang tabi niya—kaya nakatabi nito si Johann.

Nagtanguan lang sina Johann at Reeve.

Pagkatapos ay binalingan ni Reeve sina Lana at Prince. “Hi,” he greeted them.

Okay, Reeve was really different now! Although civil ang tono nito sa pagbati kina Lana at Prince, ito pa rin ang unang bumati.

Sandaling nagkatinginan sina Lana at Prince. “H-hi…” sabay na ganting-bati ng dalawa.

Pagkatapos ay pasimpleng tumingin sa kanya sina Lana at Prince. Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti. She didn’t exactly know what was up with Reeve. Pero isa lang ang sigurado siya.

Nag-uumpisa na itong buksan ang puso.

AFTER that a bit “awkward” but peaceful lunch, naunang umalis sina Lana at Prince. Sumunod si Johann na may klase pa raw. Si Trisha naman ay nauna na para daw mapagsolo sila ni Reeve.

“You’re amazing earlier, Reeve,” sabi ni Agatha habang mabagal silang naglalakad papunta sa building ng susunod niyang klase.

Reeve suggested that they walked instead of using his car—para matunaw ang mga kinain nila. Kaya heto, magkahawak-kamay silang naglalakad malapit sa Sunken Garden.

“What do you mean?” tanong ni Reeve.

“Oh, you know what I mean. During lunch with Lana and Prince.”

“Ah… Well, I’ll tell you something.”

“Yes?”

“When I saw them a while ago, I clearly remembered the things from the past. I know I should be angry whenever I see them, but I felt no anger. Don’t ask me why. Kahit ako, hindi ko alam,” paliwanag ni Reeve. “Basta paggising ko kaninang umaga, I felt so light. Na parang may mabigat na batong naalis sa dibdib ko.”

“That’s good. Can you still feel the pain?”

“I do. But when I think about Lana’s true condition at the time, I’m considerate about it. Parang mas naintindihan ko siya…” He shrugged.

“You’re starting to learn to accept the truth.”

He smiled. “Maybe.”

Huminto si Reeve sa paglalakad kaya huminto rin si Agatha. He looked straight into her eyes. “You’ll help me through all these, right? You’ll be by my side?”

She nodded and touched his right cheek. “Always.”

He gasped softly.

“Why?” Para kasing nagulat ito sa sinabi niya.

Umiling si Reeve, saka mas lumapit sa kanya. Pinagdikit nito ang mga noo nila at marahan pang pinagkiskis ang tungki ng kanilang mga ilong. Agatha giggled. Nakakakiliti kasi.

“Gano’ng-gano’n ang sinabi mo sa panaginip ko,” sabi ni Reeve.

“Ang alin?” Ano ang nasabi niya na nasabi na niya sa panaginip nito?

“Never mind.”

“Ang daya naman.” Lumayo na siya kay Reeve dahil nakakakuha na sila ng atensiyon ng ibang tao. Nasa daanan pa naman sila. Nagpatuloy na sila sa paglalakad.

“Agatha…”

“Hmm?”

“After I learn to overcome all these…”

“Yes?”

Tiningnan siya ni Reeve nang tuwid sa mga mata. Again, the unexplainable chaos in Agatha’s heart was back. Kailan ba hindi pabibilisin ni Reeve ang tibok ng kanyang puso?

“After fixing myself…”

“What?”

Walang kasinsuyo ang ngiti ni Reeve. “Can I love you?”