B IG HOPES: Foundation for Children Warriors against Cancer, 10 th year celebration. Iyon ang pupuntahan nina Agatha at Reeve sa gabi ng Sabadong iyon.
Matagal nang nasabi ni Agatha kay Reeve ang tungkol sa Big Hopes at kung gaano kaganda na maging charity affiliate ng Anderson-Monteverde Hotel ang naturang foundation. Ngayon ay pupunta sila sa isang casual celebration ng Big Hopes. Naging interesado rin kasi si Reeve sa vision at mission ng Big Hopes.
Habang sakay ng kotse ay nagtatawanan sila ng kanyang asawa. Dasal ni Agatha na sana pagdating nila sa event ay manatili ang magandang mood ni Reeve—kahit na makita pa nito sina Prince at Lana. Sa pagkakaalam niya, mas okay naman na sina Reeve at Prince. Reeve was civil towards Prince pero ang sabi sa kanya ng huli, kahit may tensiyon pa rin sa pagitan nito at ni Reeve, nabawasan na raw iyon. Ilang beses na ring nagkasama sa meeting ang dalawa sa loob ng isang buwan kaya siguro nasanay na si Reeve sa presensiya ng dating kaibigan.
Sa tingin ni Agatha, magiging handa na si Reeve. Isa sa pinakadahilan ng pagpupumilit niya sa asawa na pumunta sa event ay para makaharap na nito si Lana. If Reeve could face Lana, then he could analyze if he was really ready to face his past. Iyon ang plano niya kasabwat si Lana. Plano na hindi alam ni Reeve.
Paulit-ulit ang dasal ni Agatha sa Diyos na sana ay maganda ang kalabasan ng gabing iyon.
Pagdating sa facility ng Big Hopes ay sinalubong agad sila ng mga kakilala nilang nandoon na. Sa sobrang dami ng mga tao ay nagkahiwalay sila ni Reeve.
Nagulat si Agatha nang makasalubong ang mga pinsan niya sa father’s side.
“Kuya Dylan? Kuya Bari?”
Agad na napatingin sa kanya ang dalawang nakatatandang pinsan.
“Nandito pala kayo?”
Biglang sumingit sina Kuya Charlie at Kuya Reynald na nandoon din pala!
“Agatha!” tuwang-tuwang sabi ni Kuya Charlie na agad siyang niyakap. “I missed you, baby princess.” Hinalikan pa siya nito sa pisngi. Ganoon din ang ginawa nina Kuya Reynald at Kuya Bari.
Huli siyang hinalikan ni Kuya Dylan sa pisngi, saka inakbayan. “Isa pala sa mga benefactor ng Big Hopes `tong si Kuya Bari. Niyaya lang niya kami.”
“Are you with your husband?” seryosong tanong ni Kuya Bari.
“Yes. Naharang na siya ng mga negosyante kaya nagkahiwalay na kami.”
“Okay lang `yan. Dito ka na lang sa `min.” Inagaw siya ni Kuya Reynald kay Kuya Dylan at niyakap siya. “Na-miss ka namin.”
Hinila siya ni Kuya Charlie at niyakap din. “Kapag inaway ka ni Reeve, isumbong mo, ha? Bubuhusan ko talaga siya ng kumukulong mantika.”
“Kuya,” saway niya sa overprotective na mga pinsan. Mas matatanda pa ang mga ito kay Reeve. Mga wala pang asawa. Girlfriend pa lang… yata? Hindi rin siya sigurado.
Napahagikgik si Agatha nang agawin na naman siya ni Kuya Dylan. Sanay na siya sa mga pinsan na pinag-aagawan siya. Mula nang magkaisip siya ay kasama na niya ang mga pinsan at lagi na siyang pinag-aagawan na parang laruan. Hindi pa nga sila kompleto ng lagay na iyon. “Sina Kuya Ramses at Kuya River?” Luminga-linga siya. “At si Kuya Gideon?
“Busy sila kaya hindi nakasama,” sagot ni Kuya Bari. Ito ang pinakapanganay sa kanilang magpipinsan. Mataktikang nahila siya nito palayo kay Kuya Dylan. “I saw your friend Trisha. Sumama ka muna sa kanya. May pag-uusapan lang kami.”
Napasimangot si Kuya Dylan at hinawakan ang kamay niya. “Gusto ko pang nandito si Agatha.”
Sa titig lang ni Kuya Bari ay binitawan na ni Kuya Dylan ang kamay niya. “Sabi ko nga. Mamaya na lang, Agatha.”
Mukha ngang importante ang pag-uusapan ng mga pinsan niya. Kahit gusto niyang sumali sa usapan, parang hindi naman yata siya kailangan.
Nagpaalam na siya sa mga pinsan.
Kasama na niya si Trisha pagkatapos lumayo sa mga pinsan. Hinanap ng mga mata niya si Reeve at nakita itong nakikipag-usap sa mga magulang ni Prince. Reeve looked cool and calm while talking to them. She smiled in contentment and faced her friend.
“So, ito na `to? Talagang pagkikitain mo na uli ang past lovers?” sarkastikong sabi nito.
“Trisha…” mahinahong saway niya.
“I really think this is not a good idea, Agatha,” nakasimangot na sabi ni Trisha bago sumimsim sa hawak na champagne glass.
“But we can hope that this will turn out well,” positibong sabi niya. “Anong oras magsisimula ang program?”
“Sabi ni Mama, in five minutes daw.”
Tumango-tango si Agatha. “I’ll just go to the comfort room. Samahan mo `ko?”
“Susunod na lang ako. Kukunin ko muna ang purse ko.”
“Okay,” sagot ni Agatha at nauna nang hinanap ang comfort rooms sa loob ng facility.
Simple lang ang facility ng Big Hopes but it was really clean and organized. Homey at friendly ang ambiance, tamang-tama lang para sa mga batang naka-confine doon. Malaki ang building ng Big Hopes. Sa pagkakaalam pa niya, soundproof ang malaking function hall na paggaganapan ng event kaya kahit anong ingay roon ay hindi mabubulabog ang mga batang nagpapahinga sa iba pang floors ng facility.
Naglakad-lakad si Agatha hanggang sa matagpuan ang restroom. Natapos na siya sa paggamit niyon ay hindi pa rin dumarating si Trisha. Naisip niya na baka natagalan din ito sa paghahanap katulad ng nangyari sa kanya kanina. Kaya naman lumabas na siya dahil baka may chance na magkasalubong sila ng kaibigan.
Palakad-lakad siya pero hindi niya nakasalubong ang kaibigan at hindi na yata tama ang tinatahak niyang daanan. Natagpuan niya ang sarili na nasa playground garden ng facility sa labas.
Nakaramdam siya ng kapayapaan kaya nanatili siya roon. Tahimik ang buong lugar kaya puwede siyang makapag-isip-isip. Umupo siya sa bakanteng swing at bumuntong-hininga. Parang mas gusto niyang mag-stay na lang doon kaysa bumalik pa sa loob ng facility. Dahil sa totoo lang… natatakot siya.
Natatakot siyang makita ang reaksiyon ni Reeve kapag muli nitong nakita si Lana. Natural lang na galit ang naging reaksiyon ni Reeve nang makita nito si Lana sa Cebu, but his eyes also showed the longing he felt towards his ex-girlfriend.
Alam ni Agatha na masasaktan lang siya kapag nakita sa mga mata ni Reeve ang tunay nitong damdamin. She had been avoiding the thoughts of jealousy. Alam kasi niyang kikitid lang ang kanyang utak kung hahayaang lamunin siya ng selos. Ayaw niyang mangyari iyon at hindi niya hahayaang mangyari. She needed to be open-minded and understanding. Para kay Reeve…
She sighed deeply and started swinging. The cold night wind embraced her as she swung back and forth. Doon na lang kaya siya hanggang sa matapos ang event? Siguro naman kapag nakita na ni Reeve si Lana at nagkausap ang mga ito—ayon sa plano—ay hindi na siya hahanapin ng asawa.
“Hey!”
Inihinto ni Agatha ang pag-swing at napatingala. “Prince!”
Ngumiti ito sa kanya. “The program is starting. Hindi ka pa ba papasok?”
Gumanti siya ng ngiti. “I feel more comfortable here. Nandoon naman si Reeve sa loob kaya maririnig niya ang mga kailangang sabihin ni Lana.”
“Ayaw mo pa rin bang ikuwento ko sa `yo ang dapat naming sabihin kay Reeve?” tanong ni Prince.
Agatha was pretty curious about it, too. Pero gusto niyang si Reeve ang unang makaalam. “Basta kapag alam na ni Reeve, I know he will tell it to me. Anyway, why are you here?”
Nagkibit-balikat si Prince. “Nagpapahangin. Naghahanap ng peacefulness. Ikaw? Bakit nandito ka?”
She just smiled and started swinging again.
Umupo si Prince sa kabilang swing na katabi lang ng sa kanya. “You know what? Reeve has a picture of you in his office.”
Napatingin siya kay Prince. “Ha?”
He smiled at her. “Ilang beses na kaming nakakapag-meeting sa opisina niya kasama ang iba pang investors. Nakita ko doon ang picture mo. Nasa ibabaw ng mesa niya.”
Bakit hindi niya alam iyon? Hindi nasabi ni Reeve sa kanya na may picture siya sa opisina nito. Kailan ba siya huling nakapunta sa opisina ng asawa? Bago pa yata sila magpakasal.
“Alam mo ba ang ibig sabihin n’on?” tanong ni Prince.
“Tell me,” she said, stopping the swing.
“`Yong mga nag-oopisina, naglalagay ng picture sa ibabaw ng mesa nila para kapag hirap na hirap na sila sa trabaho, makita lang nila `yong picture ng pamilya, girlfriend, boyfriend, asawa, anak, o kahit sino pa, namo-motivate sila na ipagpatuloy ang pagtatrabaho. Sa madaling salita, inspiration,” paliwanag ni Prince.
Napangiti si Agatha at napatango-tango.
“You inspire Reeve.”
She smiled wider. “Really?”
“O baka wala lang siyang choice kundi ilagay doon ang picture.”
Nabura ang ngiti ni Agatha at pabirong hinampas niya si Prince sa braso na ikinatawa nito.
“Kidding!” tatawa-tawang sabi nito. “Siyempre, nai-inspire mo si Reeve. I don’t know how you did it, Agatha. Katulad nga ng ni-‘report’ ko sa `yo noon, he’s a bit nicer to me now. Civil pa rin siya pero mas nakakausap ko na. I think we’re getting closer to our goal.”
Napangiti uli si Agatha. If Lana could speak to Reeve now, mas lalapit pa sila sa hangarin niya para sa asawa.
Inabot ni Prince ang kamay niya. “Thank you, Agatha. I know that sooner or later, Reeve will fall in love with you.”
Gulat na napatingin siya kay Prince. “How did you know about our…”
He smiled a bit. “Kilala ko si Reeve. We’ve been friends since we were kids. Don’t worry, malapit na, Agatha…”
“I’m being positive about that, Prince.”
“Agatha? Agatha!”
Napalingon si Agatha nang marinig ang boses ni Trisha. Napatayo siya nang makita itong humahangos palapit sa kanya.
“I’ve been searching for you! Kanina pa kita tinatawagan!” sabi nito.
“Low batt na pala kasi ang phone ko. I forgot to charge it before we left the house. Bakit mo `ko hinahanap?”
“You missed Lana’s speech! She was a cancer survivor! Sa tingin ko, iyon ang rason kaya iniwan niya si Reeve noon. Sinabi niya iyon sa speech— Well, hindi naman niya sinabi na si Reeve `yong iniwan niya pero… Ah, basta! Halata naman.”
Her eyes widened. “What?” Napalingon siya kay Prince. Itatanong sana niya kung iyon nga ang katotohanang gustong sabihin ng mga ito. But Prince was staring at Trisha.
Bumalik ang tingin niya kay Trisha na nakatingin na rin kay Prince. Kulang ang salitang nasorpresa sa hitsura ngayon ng kaibigan.
Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa.
“You!” duro ni Trisha kay Prince. Humarap sa kanya ang kaibigan. “Y-you know him?” tanong nito, sabay turo kay Prince.
“He’s Prince. Siya `yong ikinukuwento ko sa `yo na best friend ni Reeve noon.”
“You know h-her?” tanong naman ni Prince sa kanya, sabay turo din kay Trisha.
“Yes,” sagot naman ni Agatha. “She’s Trisha. She’s my best friend.”
“Ano’ng ginagawa mo rito, ha?! Walanghiya ka!” singhal ni Trisha kay Prince at pinaghahampas ito.
“Hey— Ouch! Sandali lang! Aray!”
Gulong-gulo at takang-taka na inawat ni Agatha ang kaibigan. “Wait!” sabi niya. Obviously, magkakilala sina Trisha at Prince pero hindi iyon ang oras para magtanong siya tungkol sa mga ito. “Trish, si Reeve?”
Nagpaawat naman ang kaibigan niya at bumaling sa kanya. “Ha? Ano… hindi ko alam. Umalis kasi agad siya bago pa yata matapos ang speech ni Lana. Nakita kong nagulat din siya at mukhang hindi makapaniwala. Lana followed him. I think you need to find them.”
Bumaling siya kay Prince. “So, Lana had cancer?”
Tumango ito. “Yes. And she had her reasons why she left Reeve at the time that she also needed Reeve the most.”
Mabilis na nagbalik si Agatha sa loob ng venue at hinanap si Reeve. Sa nabunyag na katotohanan, alam niyang mas nasasaktan si Reeve ngayon.
GULONG-GULO. Litong-lito. Hindi makapaniwala si Reeve sa mga narinig. Si Lana pala ang bagong directress ng Big Hopes at nag-speech ito kanina patungkol sa pagiging cancer survivor.
Bakit? Paano?
Patuloy siya sa paglalakad at paghahanap ng daan palabas pero hindi niya makita ang daan palabas.
“Reeve! Reeve!” narinig niyang tawag sa kanya ni Lana.
Where’s the fucking way out?! Damn it!
Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Hindi na niya alam ang iisipin. Hindi na niya alam kung ano pa ang mararamdaman.
“Reeve, please! Listen to me…”
Iyon ba ang gustong sabihin ni Lana kaya bumalik ito? Iyon na ba ang pakikinig na kailangan niyang ibigay rito? Ano pa ba ang kailangan niyang isipin? Ano pa ang kailangan niyang maramdaman? Bakit kailangan nitong magsinungaling noon? Bakit kailangan pa niyang malaman ang totoo ngayon?
Lana grabbed his arm. With her touch, he lost control of his feelings.
“Why didn’t you tell me?” sigaw niya nang humarap kay Lana.
Nagulat ito at hindi nakapagsalita.
“Why the hell didn’t you tell me before?” sigaw uli niya.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Lana. “I’m sorry. I’m so sorry…”
Tumingala si Reeve at pinigilan ang pagtulo ng luha. He trained himself to control his emotions. Pero bakit tuwing kaharap niya si Lana, lumalabas pati ang lahat ng pinakatatago-tago niyang emosyon?
“You should have told me back then.”
“R-Reeve… I’m so sorry. Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisihan ang ginawa ko. When we celebrated my eighteenth birthday, I was so happy. Wala na `kong mahihiling pa. Pero… Natatandaan mo ba ang madalas na pagsakit ng ulo ko noon? Hirap akong maglakad, magsulat and sometimes, I can’t even read a single word. I thought it was just migraine. But when I consulted the doctor, meron na pala akong brain cancer. I thought I was fine but I was really not. Traidor ang cancer, Reeve. I felt so cheated at that time. Bakit sa dinami-rami ng tao, ako pa ang kailangang magka-brain cancer? Why was I suffering at the time you needed me the most? I know how devastated you were, Reeve, nang iwan ka ng mama mo. Kailangan mo ng malalakas na tao para masuportahan ka. Pero p-paano ko gagawin `yon kung ako mismo ay walang lakas na suportahan ang sarili ko sa nalaman ko?” umiiyak na sabi ni Lana.
“So, you chose to leave me?” naghihinakit na sabi niya.
“I was y-young then, Reeve. I thought if you knew about my condition, kaaawaan mo `ko. Mas masasaktan ka pa lalo. Alam mo ba na kaya hindi mo `ko makita nang madalas noon kasi naka-confine na `ko sa ospital? Nanghihina na ako. A month after my birthday, hinang-hina na `ko. Galit na galit na ako sa mundo. Takot na takot. Bakit gano’n? I was so healthy last month but I was dying the next?” Lumapit si Lana sa kanya. “I admit that I was so selfish. Mas pinili kong sabihin na ayoko na sa `yo, na sawang-sawa na `ko sa `yo, na hindi na kita mahal kasi gusto kong layuan mo na ako kahit ayoko. Gusto kong mawala ka na kahit kailangang-kailangan kita. Dahil ayokong sabihin sa `yo n-na puwede akong mamatay kahit anong oras. Kasi hindi ko rin matanggap ang katotohanang iyon.”
Mahigpit na hinawakan niya si Lana sa magkabilang balikat. “Then what? Naisip mong sumama na lang kay Prince dahil sa ating tatlo ay siya ang pinaka-emotionally stable? Mas pinili mong siya ang makasama kasi mas masusuportahan ka niya emotionally kaysa sa `kin na lugmok din nang mga panahong iyon?” tanong niya, sabay yugyog sa mga balikat ni Lana. “Or is it another lie?”
Lana cried harder. “R-Reeve…”
“Tell me!” he demanded.
“I-I don’t want to hurt you even more at that time, Reeve… B-believe me…”
“Reeve!” he heard Agatha call.
Agatha hurriedly approached him. Kasunod nito si Prince na mabilis na inilayo sa kanya si Lana na patuloy sa pag-iyak.
“What did you do to her?” sigaw ni Prince.
Tumawa si Reeve nang sarkastiko. “No, Prince. The question should be, what have you done to me?”
“I’m so sorry…” umiiyak na sabi ni Lana.
“Ano pa ang sasabihin n’yo? Sabihin n’yo na lahat! Ano pa?!”
“Reeve…” Hinawakan ni Agatha ang kamay niya. “Please calm down.”
Napatingin siya kay Agatha. Seeing her pleading eyes made him somehow compose himself. Nagawa niyang pakalmahin ang sarili.
Kumapit siya sa kamay nito. “Let’s just go.” Mabilis siyang naglakad palayo habang hawak ang kamay ng asawa.
TAHIMIK sina Agatha at Reeve habang sakay ng kotse. Hindi na muna kinausap ni Agatha si Reeve dahil alam niyang gusto nito ng katahimikan. Hanggang sa makarating sa bahay ay tahimik lang ito.
Pagpasok sa bahay ay nagtuloy-tuloy si Reeve sa pag-akyat sa hagdan.
“Reeve?”
Nilingon siya nito.
“We haven’t eaten dinner yet. Nagugutom ka ba? Would you like me to prepare something?”
Umiling ito. “I’m not hungry,” sabi nito, saka ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan.
Napabuntong-hininga si Agatha. She just prepared herself an instant cup noodles and ate it. After a few minutes, umakyat na rin siya sa kuwarto nilang mag-asawa.
She saw Reeve at the balcony. Nakatayo ito roon at parang nakatingin sa malayo. Nakapagpalit na ang asawa ng pantulog kaya hinayaan na muna niya ito roon at nagpalit na rin ng damit. She took a quick shower and brushed her teeth. Nakalabas na siya ng banyo at nakapagbihis ay nakatayo pa rin si Reeve sa balcony.
“Reeve…” tawag niya.
He let out a tired sigh. “I never knew that finding the truth could be this tough. Lahat ng alam ko noon, puro kasinungalingan pala. Gusto kong magalit kay Lana dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo niyang kalagayan. Kailangan pa niyang mag-imbento ng mga kuwento para lang layuan ko siya dahil akala niya, iyon ang mas mabuti sa aming dalawa. Ang daming tanong sa isip ko. Gulong-gulo ako…” Nagtaas-baba ang dibdib ni Reeve. “Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan ng pakikinig ko, I shouldn’t have tried.”
Niyakap ni Agatha ang asawa mula sa likuran. “No, Reeve. You did just fine. `Yong matagal mong pinaniniwalaan na mababago na lang sa isang iglap, it’s never easy. I understand you.”
Humarap si Reeve sa kanya. Hinapit siya nito sa baywang at siniil ng mainit na halik sa mga labi. The kiss became deeper that Agatha encircled her arms around Reeve’s neck. He carried her inside their room and lay her on the bed.
Pinutol ni Agatha ang halik. Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa headboard ng kama. Tumingin si Reeve sa kanya. He looked like a lost boy in the middle of nowhere.
Ibinuka ni Agatha ang mga braso at bumigay ang asawa sa loob ng mga bisig niya. Isinubsob nito ang ulo sa kanyang dibdib at pumalibot ang mga braso sa kanyang baywang.
“Everything will be all right, Reeve,” bulong niya, sabay halik sa noo nito.
Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “It hurts more than before.”
“I’m here.”
“Don’t leave me.”
“I won’t.” Mas humigpit din ang pagyakap niya sa asawa.
Agatha started humming, then softly sang to calm him. “Take a little time, baby. See the butterflies’ colors. Listen to the birds that were sent to sing for me and you. Can you feel me? This is such a wonderful place to be…”
Lalo pang isinubsob ni Reeve ang ulo nito sa kanyang dibdib at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kanya na para bang ayaw nitong mawala siya. Parang hindi na makahinga si Agatha dahil sa higpit niyon. But if her presence beside him was the only way that would make Reeve feel secure, then it was okay with her.
Ipinagpatuloy niya ang nakakakalmang pagkanta. “Even if there is pain now, everything will be alright. For as long as the world still turns there will be night and day. Can you hear me? There’s a rainbow always after the rain…”
Nanatiling nakayakap sa kanya si Reeve hanggang sa makatulog ito. She kissed his forehead and silently prayed for him.
“You’ll be all right, Reeve. Kaunti na lang…”