“C ATHERINE!” sigaw ng babaeng nakauniporme ng puti na malamang na yaya nito. Nilapitan nito ang batang babae. “Muntik ka nang makatama! Sabi nang huwag dito maglaro, eh. You say sorry.”
“Who cares!” padabog na sabi ng bata na lumapit kay Michelle at kinuha ang bola mula sa mga kamay niya.
Napapailing na tumingin kay Michelle ang yaya. “Sorry po, Ma’am—” Ang paghingi ng paumanhin nito ay nakulong sa lalamunan nito nang matitigan siya.
Ang bata ay tumingala kay Michelle matapos mabawi ang bola. Her face haughty. “You shouldn’t have come out of your—” she gasped aloud as she stared at Michelle with wide eyes. “A- a untie!”
Napaatras sa pinto ng silid niya si Michelle. Hindi malaman ang gagawin. Pinaglipat-lipat niya ang mga mata sa dalawa na parehong manghang nakatitig sa kanya. Nabitiwan ng bata ang bola at nanlalaki ang mga matang patuloy sa pagtitig sa kanya.
Unang naka-recover ang yaya at nilapitan ang bata at hinawakan sa braso habang pasulyap-sulyap sa kanya. “Hindi siya ang auntie mo, Catherine. K-kamukha lang. Guest... siya sa hotel.”
Michelle swallowed. Ni hindi siya makahagilap ng sasabihin. Haughtiness was gone in the girl’s eyes and was replaced with uncertainty. And a sudden longing.
“Y-you... look like... my aunt,” wika nito.
The little girl must be four years old. “I’m... flattered.” Michelle stammered.
“S-she’s pretty... like you.” Naipon ang mga luha sa mga mata nito.
“I’m sure she is.” Yumuko si Michelle at hinaplos sa ulo ang bata. “Just as you are pretty yourself.”
Suminghot ito, humikbi. “S-she left...” Tuluyan nang bumagsak sa mga pisngi nito ang mga luha.
Napatingkayad si Michelle, hindi malaman ang gagawin. “Oh, please don’t cry.” Pinahid niya ng palad niya ang mga luha nito at tumingala sa yaya na sinisikap hilahin ang bata na hindi matinag sa kinatatayuan.
“Wait until Daddy sees you. Sasabihin niya rin kamukha mo si Auntie!” the little girl said frantically. Hinawakan siya nito sa kamay. “Tara sa ibaba. I want you to meet Daddy.”
“Catherine, ano ba!” banayad na saway ng yaya. “Nakakahiya naman kay Ma’am.”
“Bakit kay tagal ninyong bumaba, Henny?” came the deep and masculine voice from behind Michelle.
“Naku, `ayan na ang daddy mo, Catherine.”
Napalingon ang bata sa may bukana ng hagdanan, kumislap ang mga mata at gumuhit ang ngiti sa mga labi. “Daddy! Look, I met a lady who looks like Auntie.”
Mula sa pagkakatingkayad ay tumayo si Michelle at hinarap ang bagong dating. Nakulong ang pagsinghap sa lalamunan niya nang makita ang “Daddy” na tinutukoy ng bata. Ang lalaking nakatagpo niya sa office building, sa Pasig, at sa daan kagabi. The world was getting smaller everyday, she thought drily.
So the man was married. The regret and disappointment she felt surprised her. Pinalis niya kaagad ang nararamdaman at tumingin sa bagong dating. His reaction mirrored her own. Subalit ang pagkamangha nito’y may kasamang animosity.
“It’s you!”
She rolled her eyes ceilingward. “Oh, please. Wala ka na bang ibang linyang magagamit? You’re getting to bore me.”
“Sino siya, Adrian?” gulat na tanong ng babaeng kasama nito. Noon lang napuna ni Michelle ang babaeng kasunod nitong pumanhik. Natuon dito ang paningin ni Michelle. A fairly attractive woman in her mid-forties. Ang pagkamangha nito sa pagkakatitig sa kanya ay katawa-tawa. She didn’t hide her shock very well.
Ibinalik niya ang paningin sa lalaki. She blatantly studied the gorgeous man. Goodness, up close and in the light of day, and when she wasn’t feeling faint, the man was delicious. He carried himself with an air of restrained power. Mamahalin lahat ang suot nito mula sa white designer sport shirt, leather belt, a pair of denims that looked like a second skin and hugged his thighs like a lover, and Nike rubber shoes.
But the power didn’t emanate from his wealth, as Michelle presumed this man must be wealthy. Kung ang pagbabasehan niya ay ang penthouse na pinasukan nila. The power emanated from the man himself. He was also lean, muscled at the right places, and agile.
He reminded Michelle of a predator ready to crush his enemy threatening his pride. The only thing that gave him softness was his jet-black shaggy hair, a stray curl hung on his forehead that made him look boyish.
She continued her perusal of the man, briefly mesmerized as he gave her the same blatant perusal. Ni hindi niya magawang iiwas ang mga mata. At sa isang sandali ay may kakaibang damdaming namayani sa dibdib niya.
Hindi niya mawari. It had been there when they first met. Hindi lang nabigyan ng puwang dahil sa uri ng mga pagtatagpo nila. Ngayon ay malayang dumaloy ang kakaibang damdamin.
It was indescribable.
Na tila ba magmula sa mga sandaling iyon ay hindi na magiging katulad at tama ang lahat.
It was as if time was suspended.
Then he cleared his throat. Michelle blinked and she realized her heart was racing wildly.
“Ano ang ginagawa mo rito?” he asked in a condescending voice.
“Last time I checked, this is a hotel. So I checked in this morning and...” Nilinga niya ang likuran bago ibinalik dito ang mga mata, gave him a saccharine smile “...this happens to be my room.”
“So, dito ang tungo mo nang ma-flat ang gulong mo kahapon.” It was more of a statement than a question. “Why this place? Sinundan mo ba ako rito?”
Michelle blinked. “Why, talk about walking and talking arrogance!” Sumimangot siya. “Don’t flatter yourself.”
“Magkakilala kayo?” asked his companion. Puno ng interes ang mga matang itinuon nito sa kanya.
The older woman’s question was ignored. Nanatili itong nakatitig sa kanya. Nakita ni Michelle ang paggalawan ng mga muscles sa mga bagang nito. Pagkuwa’y niyuko ng lalaki ang batang babae. Nakita niya ang biglang pagbabago ng anyo nito. His face suddenly softened.
“Let’s go, honey. Susunduin pa natin si Uncle Vir sa airport.”
“Look, Daddy, hindi ba kamukha siya ni Auntie? Hindi ba, Tiya Odette?” Binalingan nito ang nakatatandang babae na alanganing tumango na ang mga mata ay hindi humihiwalay kay Michelle.
“Totoong maraming taong magkakahawig, Catie,” said the man. “But your aunt’s sweet and a lady...” Binigyan nito ng emphasis ang huling sinabi. Pagkatapos ay kinarga na nito ang bata at tinanguan ang kasamang babae na nagpaunang bumaba.
Nang kawayan siya ni Catie ay napilitang kumaway pabalik si Michelle. “Susunduin namin si Uncle Vir, huwag kang aalis!” sigaw nito bago tuluyang nawala sa paningin niya.
Ang nakatatandang babae ay muntik pang mabangga sa punong balustre sa paglingon sa kanya. Pero nahagip ni Michelle ang pagtalim ng mga mata nito bago ito tuluyang sumunod sa mag-ama.
“Nagbago ang isip ko, Adrian,” narinig ni Michelle na sabi ng babae mula sa hagdan. “Hindi na muna ako tutungo sa Tabaco.”
Bahagya nang naulinigan ni Michelle ang sagot ng lalaki. Nalilitong humakbang siya patungo sa sofa at naupo roon. Ang paghangang hindi niya inaasahang maramdaman para sa lalaki ay iglap niyang sinikil. Paanong naaakit siya sa isang estranghero gayong hindi pa man lang naaalis sa dibdib niya ang sakit ng ginawa ni Dexter?
Not to mention he was a very much married man with a kid! Oh, for crying out loud!
Anyway, may-asawa man o wala, hindi niya maunawaan ang animosity ng lalaking iyon sa kanya. Kahit pa sabihing inakala nitong magkasama sila ni Dexter sa motel. That was definitely none of his business.
She dismissed the irritating man from her mind. Itinuon niya ang isip sa pagkakaroon niya ng kahawig. At malamang na talagang malaki ang pagkakahawig nila. Kung hindi ba naman ay hindi magiging ganoon ang reaksiyon ng gasoline boy, ng clerk sa ibaba, ng yaya, at ng bata.
Who are these people?
At sino ang kahawig niya?
May ilang sandaling nanatili siyang nakaupo roon bago ipinasyang bumaba sa restaurant. May ilang tao sa lobby at marahil ay mga bagong dating at kumukuha ng silid. Iba na rin ang clerk na nasa reception at abalang-abala sa mga bagong dating.
Ipinasya niyang hanapin na lang ang restaurant. Ilang hakbang lang ang hotel restaurant mula sa reception. Pumasok siya at pinili ang mesang nasa sulok. Walang gaanong tao sa loob ng restaurant. Tanghali na halos at tapos na ang almusal. Isang waitress ang lumapit sa kanya upang hingin ang order niya.
Ang reaksiyon nito’y inaasahan na ni Michelle. Ibinigay niya ang order sa namamalik-matang waitress na marahil ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. Pagbalik nito’y napuna niyang nagbubulong-bulungan ang mga nasa loob ng counter at ilang pares ng mga mata ang mataktikang nakatutok sa kanya.
She almost rolled her eyes. Well, gusto niyang tapusin ang misteryo ng pagkakaroon niya ng kahawig.
Ilang sandali pa’y inihain na ng waitress ang order niya, ham and egg sandwich at mainit na kape. Patalikod na ang waitress nang hawakan niya ito sa kamay.
“Kanino mo ako ipinagkakamali?” she asked bluntly.
“Ma’am?” gulat na usal ng waitress.
“I don’t want to gossip with you. Pero gusto ko lang linawin ang isang bagay na nagpapailang sa akin. Lahat ng makatagpo ko sa hotel na ito ay nanlalaki ang mga mata. At kanina’y napagkamalan ako ng isang batang babae na tiyahin niya. So, sino ang kahawig ko?”
“Si Catherine po ang tinutukoy ninyo. Anak po siya ng may-ari nitong hotel, si Sir Adrian.”
Adrian. She kept the name somewhere in the corner of her mind. “Fine. Pero gusto kong malaman kung sino ang inihahawig ni Catherine sa akin?” she asked in a no-nonsense voice she’d learned from her three years stint as a Law student.
May ilang beses lumunok ang waitress bago sumagot. “Si... si Mrs. Harriet de Alegre po.”
Michelle frowned. Harriet?
“H-Harriet... de Alegre?”
“Opo, Ma’am.”
She was ninety-five percent certain that a woman named Harriet Palermo from Donsol was her biological mother. The five percent was for the benefits of the doubt. Pero sino ang Harriet de Alegre na iyon na kahawig niya? Surely there could be no two Harriets.
Tumingala siya sa waitress. “K-kamukha ko ba talaga ang Harriet de Alegre na ito?” Halos mabasag ang dibdib niya sa matinding kaba.
Tumango ang waitress. “Sa biglang tingin po, Ma’am, ay parang kayo si m a’am Harriet. Pero kapag natitigan na kayo nang husto ay makikita na ang ilang pagkakaiba. Bata pa po kayo, mas maputi, at mas matangkad. Si Mrs. de Alegre po ay nasa kuwarenta nang mahigit ang edad.”
“So, saan ko matatagpuan ang Mrs. Harriet de Alegre na ito?”
The waitress shook her head, almost in a frantic way. “H-hindi ko po masasagot ang bagay na iyan, Ma’am.” Pagkuwa’y nagmamadaling tumalikod na ito.
Sa nanginginig na kamay ay dinampot ni Michelle ang tasa ng kape at wala sa loob na humigop na muntik pang ikapaso ng dila niya. Naroon sa mismong hotel na iyon ang kasagutan sa lahat ng tanong niya. Hindi niya kailangang bumalik sa Donsol. Ang kailangan lang niyang gawin ay maghintay at kumuha ng tiyempo.
Maliban sa apelyido, nararamdaman at natitiyak niyang ang Harriet na iyon ay ang Harriet Palermo. Otherwise, bakit sila magkahawig? She might have gotten married after all. At ano naman ang kaugnayan ng masungit na lalaking iyon sa Harriet de Alegre na iyon? A sister, or a sister-in-law?
“ She left...” Iyon ang sinabi ng bata.
Did that mean that her biological mother wasn’t around anymore? Had she died? Ang sakit na gumuhit sa dibdib niya sa naisip ay bigla at ikinamangha niya. Had she arrived too late?
At bakit ganoon na lang ang pag-iwas ng waitress na sagutin ang tanong niya kung nasaan si Harriet de Alegre? Had she left her husband for another man?
Michelle groaned silently. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya. Huwag nang idagdag ang iba’t ibang damdaming nasa dibdib niya kasabay ang matinding kaba.
Kailangan niya ng malinaw na impormasyon. Kailangan niyang malaman ang mga katotohanan sa likod ng pagkatao niya. But she couldn’t rush things. Marami na ang nabigla sa pagdating niya sa El Paraiso. Maaaring nag-asawa si Harriet Palermo ng tagarito, sa isang de Alegre. That was the most logical explanation.
Niyuko niya ang sandwich. Nawalan na siya ng gana pero kailangan niyang lagyan ng laman ang tiyan. At pagkatapos ay mag-iikot siya sa bayang iyon. Marahil ay makakakuha siya ng mga kasagutan sa pali-paligid.
MULA pa sa pag-alis niya sa hotel ay hindi binuhay ni Michelle ang aircon ng sasakyan. Gusto niyang langhapin ang malamig at sariwang hangin habang nagmamaneho. Nagsasanib ang sariwang hangin mula sa mga bundok at ang hanging-dagat.
El Paraiso was a picture-perfect town. Tulad sa kahulugan ng pangalan nito, ang bayan ay malaparaiso. There were exotic flowers everywhere. Sa ibaba, isang daang metro ang layo mula sa itaas ay natatanaw niya ang asul na karagatan sa siwang ng nagtataasang mga puno ng niyog at ng kung ano-anong vegetation.
She saw some cottages, too, along the shore. Sa kanang bahagi niya ay ang walang katapusang kagubatan at kabundukan.
May mangilan-ngilang bahay siyang natatanaw. Ang iba ay luma na at ang iba naman ay moderno ang pagkakayari. Pero ang mga namumulaklak na halaman sa harap ng bahay ng mga ito ay nagpapaligsahan sa ganda. The santans for one were like red flames. Ni hindi matanaw ang dahon sa dami ng mga bulaklak.
Ang mga bougainvillea na iba’t ibang kulay ang mga bulaklak ay tila mga punong-kahoy sa taas. Ang mga cosmos at marigolds ay nagra-riot ang mga bulaklak. At kahit ang mga ligaw na halaman na may maliliit at asul na mga bulaklak ay nagkalat sa gilid ng daan na lalong nagbibigay-impresyon sa kagandahan ng lugar.
Sa tantiya niya ay iilan lang ang populasyon sa bayang iyon. Less than a thousand perhaps. But this town was a tourist spot because of the famous whale sharks. Natitiyak niyang higit na maganda ang El Paraiso kaysa sa Donsol kung ang pagbabasehan ay ang hotel na itinayo sa gitna ng gubat.
Tourist must have flocked this town during the season.
Bigla siyang nagpreno nang sa kanang unahan ay natanaw niya ang arkong kahoy. To Hacienda de Alegre.