T HE WATERFALL was romantic. Ang kumikislap na daloy ng tubig na tila silver ribbons ay bumabagsak sa maliit na pond na napapaligiran ng makakapal na halamang-gubat. The air, fresh and green, at minsan ay malalanghap ang maalat-alat na hanging-dagat. At ang damo sa paligid ay basa dahil sa patuloy na ambon.
Gayunma’y walang dahilan upang hindi ilatag ni Adrian ang picnic blanket at ang laman ng basket sa lilim ng isang mayabong na puno. Pritong manok, vegetable salad, sandwiches, chocolate cake, at fresh buko juice.
“Inihanda ni Manang Selma ang mga iyan.”
“Sino si Manang Selma?”
“Siya ang housekeeper,” sagot ni Catherine na nakabihis na ng pampaligo, a tiny flowery two-piece swimsuit. “Mommy, do you like my bikini?” tulad ng karaniwan na sa babae mula pa nang lalangin ito, bata man o matanda, Catherine asked and smiled flirtatiously.
Inayos niya ang napilipit na strap. “Oh, yes. They’re pretty on you, sweetie.”
“Not pretty on me, Mommy. I am sexy on it.”
Pinigil niya ang mangiti at sumulyap kay Adrian na nasa tabi lang niya. “Definitely sexy, honey. Wrong choice of adjective. Anyway, malamig ang tubig sa pond, kaya mo ba?”
“The water’s warm. Subukan mo, Mommy. Magpalit ka ng pampaligo.”
Alanganin siyang ngumiti. “Wala akong dalang pampaligo, Catie. Hindi ko inaasahang maaaring maligo.”
Nilinga ni Catherine si Adrian na naaaliw na nakatingin sa kanila. Nakasandal ito sa puno, bukas lahat ang mga butones ng polo shirt at inililipad ng malakas na hangin. Sa kamay nito ay ang lata ng beer.
“Hindi n’yo ba sinabi, Daddy, na maaari siyang maligo sa pond?”
“No, hija. Nawaglit sa isip ko.”
“Kami ni Daddy, we always take a plunge. But it’s okay, Mommy. Next time, you bring swimsuits.” Pagkasabi niyon ay hinatak na ng bata ang plastic nitong salbabida at lumusong sa pond.
Nanatiling nakaluhod si Michelle sa blanket at pinagmasdan ang paglalaro ni Catherine sa tubig sa kabila ng mga ligaw na halaman.
“Magkakaroon ka ng stiff muscles sa ginagawa mong iyan,” Adrian teased.
Her face warmed as she turned. Maliit lang ang picnic blanket na ang kalahati ay okupado na ng basket at ng mga nakalatag na pagkain. Kung uusog siya nang kaunti ay magdidikit na ang katawan nila. But she refused to think about the kiss they shared last night and a while ago. Sa pagkain niya itinuon ang pansin. Naglagay siya ng chocolate cake sa platito, kumuha ng tinidor at nagsimulang kumain.
“Hmm... this is good.”
“Had I not known better, sasabihin ko sa iyong ngayon ka lang nakakain niyan.” He chuckled.
Michelle sighed nervously. Ibinaba niya ang platito. Napakislot pa siya nang lumapit si Adrian.
“Do I make you nervous?” His voice low and sexy.
Bago pa niya makuhang magsinungaling ay inalis nito ang distansiya sa pagitan ng mukha nila. His tongue was tracing the buttons of her blouse. Sinisikap nitong tanggalin sa pamamagitan ng ngipin ang ibabaw na butones. He succeeded unbuttoning one. And then the second button, all the while Michelle was holding her breath.
Then his teeth tried to tug down the cup of her bra. Walang kahirap-hirap nitong nagawa iyon. Then he nibbled one nipple, kissed, and licked it.
Michelle’s mind went blank. Tila mauubusan siya ng hangin sa ginagawang sunod-sunod na paghinga. “D-don’t do that...”
“Don’t you like it, Michelle?”
“No... Yes,” she stammered. “But...”
His laugh was tender and dangerous at the same time. Pagkatapos ay umangat ang mukha nito at hinagkan ang sulokng bibig niya kung saan may bahid pa ng icing. She made a faint sound low on her throat as Adrian swept his tongue into her mouth with a vengeance, revelling the taste and texture of her.
She raised her hands to his chest with the intention of pushing him. But when her fingers touched the velvety skin, all coherent thoughts escaped her. She moaned as her fingers did their own touching and exploring of his chest.
Napaungol pa siya nang marahan siyang pakawalan ni Adrian. “We can make love here and now, darling, under the earth and sky, with the birds and the trees to witness,” he murmured huskily, “pero umaahon na ang anak ko. Let’s reserve making love in the open air another time.”
Tumayo ito, hinubad ang polo shirt at lumakad patungo sa pond at lumusong. Nang makitang nasa tubig ang ama ay nagtitili sa tuwa si Catherine at muling bumalik sa tubig.
Embarrassed, ibinagsak ni Michelle ang sarili sa picnic blanket habang ibinubutones ang blusa. Tumitig siya sa kalangitan na halos hindi niya matanaw dahil sa makapal na mga sanga ng kahoy. He had been busy making love to her, kasabay niyon ay nakabantay ito sa pag-ahon ng anak.
Paanong napakadaling tumugon ng katawan niya? Kung wala si Catherine, ay malamang na sa mismong sandaling iyon ay mangyayari ang hindi dapat mangyari. Sa dalawang pagkakataon, si Adrian ang may kontrol.
Ang matinding sexual attraction ba sa bahagi niya’y sapat na dahilan upang pakasal siya sa isang taong hindi naman niya gaanong kilala?
What did she know about him? Kung si Dexter nga na isang taon silang magkasintahan at walang sandaling hindi ito nagdeklara ng pag-ibig sa kanya ay hindi niya nakilala nang husto ang tunay na pag-uugali. Di lalo na si Adrian na lantaran ang pagpapahiwatig ng pagnanasa.
Pero saan siya patungo? Ano ang babalikan niya sa Maynila? She was attracted to Adrian, dangerously. And he was offering her marriage, kahit na nga ba para dito ay “trabaho” iyong matatawag. Still, she would be his wife and Catherine’s mother. And she could paint.
Napaungol siya. Hindi niya alam kung tama ang gagawin. She wished Emma was alive. But then she wouldn’t have known Adrian had Emma still lived and she wouldn’t be having this problem.
ALAS-SINGKO ng hapon nang ipasya nilang umuwi. Sa backseat nakaupo si Michelle dahil gusto ni Catherine na mahiga sa kandungan niya. Alam niyang tinititigan siya ni Adrian mula sa rearview mirror at hindi miminsang nagtatagpo ang mga mata nila. Sexual tension permeated inside the vehicle and Michelle thought her bones were melting. It was as if his eyes were making love to her.
He got her hotter and wondered why this one man could get to her so fast and so deep. Napabuntong-hininga siya at itinuon ang pansin sa natutulog na bata.
Ilang sandali pa’y papasok na sila sa resort. Ang mahinang ambon ay bahagya nang lumalakas subalit hindi sapat upang mawalan ng naliligo sa beach. May mangilan-ngilang local tourists siyang natatanaw mula sa bintana ng sasakyan.
Ipinarada ni Adrian ang Hi-Lux sa likuran ng kotse niya, pinatay ang ignition at lumabas at binuksan ang pinto sa bahagi nila. Nang maramdamang huminto ang sasakyan ay nagising na rin ang bata at bumangon.
“`Andito na tayo?” Catherine asked as she looked around her. Then she pouted. “Sama ka na lang sa amin, Mommy. Ba’t `yong mommy ni Bethany kasama nila sa bahay?”
“Bethany’s her classmate at the prep school,” Adrian told her. “Huwag kang mainip, Catherine. Sa susunod na mga araw ay sa atin na matutulog si Michelle.” Muli ay inihinang nito ang mga mata sa kanya.
Umiwas siya ng tingin at inabot ang malaking bag at bumaba. “Bye, Catherine,” she said, inabot ang bata na yumakap sa leeg niya. Hinagkan niya ito sa pisngi at bumaba na. “Thanks,” aniya kay Adrian na bumaba rin at binilinan ang anak na maghintay.
Kinuha nito ang susi sa cottage mula sa kanya at ito na mismo ang nagbukas ng pinto. “I’ll see you tomorrow afternoon. Dadalhin kita sa lugar kung saan maaari kang makakita ng whale shark,” he promised.
She smiled. “Thank you again, Adrian.”
Idinampi nito ang likod ng kamao sa pisngi niya at pagkatapos ay bumalik na sa Hi-Lux. Ilang sandali pa’y wala na ang pickup nito. Napasandal siya sa pinto ng cottage at napahugot ng hininga sa kasiyahan.
Michelle couldn’t believe that it was possible to feel this happy. Hindi ganito ang naramdaman niya nang sagutin ang pag-ibig ni Dexter. Nang maging magkasintahan sila’y totoong masaya rin naman siya. Katunayan ay inaasam niya ang sandaling makasal sila.
But with Adrian, it was different. Mas higit na malalim ang kasiyahang nadarama niya. Maliban pa sa sexual tension sa pagitan nilang dalawa. It was as if they could not get enough of each other. Na kung wala si Catherine ay malamang na may nangyari na sa kanila.
She sighed happily. She would take a shower and retire early. At bukas ng umaga ay ipagpapatuloy niya ang pagpipinta sa sinimulan niya kaninang madaling-araw.
NAPAKADILIM at wala siyang maaninag. Pero naririnig niya ang hampas ng mga alon sa batuhan. Nalalanghap niya ang maalat na amoy ng dagat.
Saan siya naroroon? Paano siya napunta roon? Ang mga kamay niya’y dumadama sa batuhan at maingat ang ginagawa niyang paghakbang upang hindi siya matapilok. She realized she was descending a stairs. Isang batong hagdan. Maraming baitang na siyang binababa subalit tila walang katapusan ang hagdanang batong iyon. Gayunman, tila palapit siya nang palapit sa dagat dahil lumalakas ang hampas ng along naririnig niya.
Nang bigla’y mapahinto siya sa paghakbang nang may mahinang ungol siyang naririnig. She strained her ear to hear the sound. Nang matanto niyang iyak at daing ang naririnig niya. Daing ng isang nahihirapan.
“N-nasaan ka?” tanong niya. Naghintay siya ng sagot mula rito subalit wala. “Saan ka naroroon? Magsalita ka at susundan ko ang tinig mo.”
Subalit tila hindi siya naririnig ng kung sino man ang kasama niya sa dilim. Patuloy ito sa pagdaing at pag-iyak na tila nahihirapan. At nararamdaman niyang tila dinadaklot ng malaking kamay ang puso niya sa pag-aalala at habag.
She’d been here before. She had heard the voice before. And every time it was getting weaker and weaker and weaker.
“Sino ka?” she shouted this time. “Saan ka naroroon? Tutulungan kita pero igiya mo ako patungo sa iyo!”
Subalit ilang sandali na ang lumipas ay hindi na niya muli narinig pa ang pagdaing. Kinabahang muli siyang sumigaw.
“Nasaan ka?! Ituro mo sa akin ang kinaroroonan mo!”
MULI ay nagising si Michelle na humihingal. Nilinga niya ang paligid, maliban sa malamlam na ilaw na nanggagaling sa labas ng cottage ay madilim sa silid niya. At ang paghinga niya’y tila galing siya sa marathon.
Bakit paulit-ulit ang panaginip niyang iyon? Sino ang dumadaing at umiiyak sa panaginip niya?
Kinapa niya ang bag sa tabi niya at dinukot ang cellphone doon. Alas-kuwatro pasado na ng madaling-araw. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at may ilang sandali siyang nanatiling nakatitig sa kadiliman bago ipinasyang bumangon. She had actually slept early. Marahil ay alas-siyete pagkatapos niyang maligo. Mahaba na ang itinulog niya at malamang na hindi na siya aantukin kung magpipinta siya sa natitirang oras hanggang sa sumikat ang araw. At marahil ay matatapos niya iyon ngayon.
She went outside of her room and turned the lights on. Sa mga ganoong sandali ay umaasa siyang sana’y may kape. Twenty-four hours naman ang reception sa may bukana ng resort. Pero hindi niya gustong maglakad sa dilim para lang sa isang mainit na kape.
Itinali niya ang buhok at muling hinarap ang canvas.
“KAY AGA mong narito, Adrian? May sagot na ba ang mga imbestigador?” tanong ni Virgilio nang umagang iyon habang nasa harap sila ng breakfast table.
“Wala pa, Vir. Hapon na nang ibigay ko ang plate number ng kotse ni Michelle kahapon. Nangako naman sa akin si Mr. Fresco na kung hindi bukas ay sa makalawa. Pero hindi iyan ang dahilan kung bakit narito ako ngayon.”
“May problema ba sa hotel? O sa mga fishing boats mo?” Itinaas nito ang tasa ng kape at humigop.
He smiled at that. Siya man ay sandaling hinigop ang brewed coffee. Pagkatapos ay tinitigan ang kaharap. “Alam mong higit pa sa nakatatandang kapatid ang turing ko sa iyo, Vir. At ikaw na lang ang maituturing kong kamag-anak. Kaya naman gusto kong una kang makaalam sa plano ko...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Virgilio at ibinaba ang tasa ng kape. “Hindi ko gusto ang tono ng boses mo, Adrian. Aalis ka ba? Itutuloy mo ba ang planong pagtungo sa Amerika?”
“I would have. Iyon ay kung wala akong nakitang solusyon sa suliranin ko sa aking anak.” Since Harriet’s disappearance ay lagi nang sumisigaw sa pagtulog si Catherine at hindi minsang binalak ni Adrian na dalhin sa Amerika ang bata upang patingnan sa mahusay na child psychologist.
Nakahinga nang maluwag si Virgilio at muling ibinalik ang likod sa pagkakasandal. “Alam mong hindi kita pipigilan sa binalak mo, Adrian, dahil para sa bata iyon. Pero hindi mo maialis sa akin na mag-alala. You may think of me pathetic but I can’t function since Harriet’s disappearance,” he said agonizingly. “At maiwawala kong lahat ang mga naipundar ni Papa dahil sa kapabayaan ko. Ang tanging konsolasyon ko’y sa iyo ko naipagbili ang mga iyon.”
“Bakit hindi ka tumulad sa papa mo, Virgilio,” ani Celestina mula sa entrada ng breakfast room na nagpabaling sa paningin ng dalawang lalaki dito. “Naniniwala siyang ang gamot sa sugat sa puso na ang sanhi ay babae ay babae rin ang gamot.”
“Good morning, Tita Celestina,” bati ni Adrian at tumayo. Hinila ang isang bakanteng upuan para sa matandang babae.
“Hindi ako si Papa, Mama. Para sa akin ay si Harriet lang ang babae sa buhay ko,” wika ni Virgilio sa mariin subalit mapait na tinig. “Napakarami na naming dinanas na dagok sa pag-iibigan namin. At nang inaakala kong sa kabila ng lahat ay magiging maligaya kami’y nangyari ito.”
Itinihaya ni Adrian ang isang tasa at sinalinan ng kape ang nakatatandang babae na naupo. The old woman smiled at him with fondness.
“Isa kang tunay na maginoo, Adrian. Tulad ng iyong papa. Mapalad ang babaeng kakasamahin mo sa buhay.” Then abrubtly, she turned to Virgilio. “Tatlong buwan ka nang ganyan, hijo. Kung hindi dahil kay Adrian ay malamang na, tulad ng sinabi mo, ay mauuwi sa wala ang kabuhayang ipinundar ng iyong ama.” Mariin at may galit ang paraan ng pagkakasabi nito na binantuan ng buntong-hininga at paghawak sa braso ni Virgilio.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Virgilio’s eyes showed sadness and regret. “Kailangan kong malaman kung ano talaga ang nangyari kay Harriet, Mama!”
“Naiintindihan kita, Virgilio. Ako ma’y gustong malaman kung ano na ang nangyari sa asawa mo. Pero hindi maaaring ganito ka na lang. Paroo’t parito sa iba’t ibang lugar para lang hanapin si Harriet. Kailangan mo namang asikasuhin ang asyenda. May sarili rin namang negosyo si Adrian. At paano kung itutuloy niya ang pagtungo sa Amerika para kay Catherine?”
Tumikhim si Adrian. “Nawala na naman ako sa talagang pakay ko kaya ako narito nang maaga. At hindi na ako matutuloy sa Amerika, Tiya Celestina...”
“Ah, yes. Ano na nga iyon, Adrian?” tanong ni Virgilio. “Nauwi na naman sa akin ang usapan. Ipagpaumanhin mo.”
“Kayo ang gusto kong unang makaalam sa gagawin ko bilang halos pamilya ko na rin. Tulad nga ng nasabi ko na, kung wala akong nakitang solusyon sa suliranin ko kay Catherine ay baka mapagpasyahan kong dalhin siya sa Amerika...”
“At may nakita kang solusyon, hijo?” Celestina said curiously.
“Tama kayo, Tiya Celestina. At iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakasal ko at ibigay kay Catherine ang isang ina na siya niyang kailangan.”
“You are getting married?”
“Magpapakasal ka na, hijo?”
Halos magkapanabay na bulalas nina Celestina at Virgilio.