A DRIAN smiled at the two who were gaping at him in astonishment. “Sa pinakamadaling panahon.”
“Aba’y napakagandang balita niyan, Adrian!” Kumislap ang mga mata ng matandang babae. “Paanong ni hindi man lang ako pinahihiwatigan nina Odette at Norien?”
“Siyanga naman, Adrian.”
“Hindi si Norien ang babaeng pakakasalan ko, Tiya Celestina, Virgilio.”
“Hindi si Norien?” Napatuwid ang katawan ni Celestina. Sandaling tumalim ang mga mata. “Bakit hindi si Norien? Matagal nang panahong inaasahan namin na kayo ni Norien ang magkakapangasawahan, hijo.”
“Dahil kailangan kong isaalang-alang ang damdamin ng anak ko sa bagay na iyan, Tiya Celestina. Hindi siya kailanman naging malapit kay Norien at—”
“Kung gayo’y sino?” Celestina dragged her chair to face him. “Paanong hindi namin alam na may napupusuan kang iba mula nang mamatay si Bev? Saan mo nakatagpo ang babaeng ito?”
“Nagkakilala na kami bago pa siya nagtungo rito, Tiya Celestina. Kahapon ng hapon ay ipinahayag ko sa kanya ang saloobin ko. At natitiyak kong tatanggapin ni Michelle ang alok kong magpakasal kami.”
“Si Michelle? Si Michelle ang gusto mong pakasalan?” Virgilio exclaimed.
Lumalim ang mga gatla sa noo ni Celestina. “Sinong Michelle? Nagkakilala na ba kami?”
“Matanda ka nang talaga, Mama. Napakadali mong makalimot,” natatawang sabi ni Virgilio. “Bisita lang natin si Michelle dito noong isang gabi.”
“Oh.” Napatutop ito sa noo. May ilang sandali nitong pinalipas ang pagkamangha. “Ang batang kahawig ni Harriet ang tinutukoy mo.”
“Hindi siya bata, Tiya Celestina. Kung tutuusin ay matanda siya ng isang taong mahigit kay Norien. At ang anak ko’y agad na napalapit sa kanya mula nang magkatagpo sila. Halos ayaw humiwalay ni Catherine sa kanya kahapon. Katunayan ay tinawag niya itong ‘mommy.’”
“S-sasaktan mo ang damdamin ni Norien, Adrian,” ani Celestina, nag-aalala.
Si Virgilio ang sumagot. “Duda ako roon, Mama. At kung ako si Odette ay hahayaan ko ang anak ko na pumili ng lalaking iibigin ni Norien.”
“At sino ang tinutukoy mo, ang bangkerong si Ansel?”
Napailing si Virgilio. “Kung hindi ko kayo kilala, Mama, ay iisipin kong nahahawa na rin kayo sa pagiging matapobre ni Odette. Graduate ng Mechanical Engineering si Ansel. Sideline lang niya ang pagpapalaot sa bangkang-pangisda ni Adrian.”
“Si Ansel ang nagmamantini ng mga fishing boats ko, Tiya Celestina. At mahusay si Ansel.”
Napakalalim ng hiningang pinakawalan ni Celestina bago isang banayad na ngiti ang ibinigay kay Adrian. “May pag-ibig ka ba sa... kay Michelle, hijo? Iniibig ka rin ba niya?”
Adrian smiled. “Hindi kami nag-uusap ng tungkol sa pag-ibig. May mga bagay na mas higit na kapaki-pakinabang para sa aming dalawa ang magiging pundasyon ng aming pagpapakasal. Pero hindi ko aalisin ang posibilidad na sa takdang-panahon ay matututuhan naming...” Tumikhim siya “...ibigin ang isa’t isa.”
“Hindi kataka-takang sang-ayunan niya kaagad ang alok mo. Isa kang masalaping tao, Adrian. Ilang dobleng higit kaysa sa mga de Alegre. Napaunlad mo ang kayamanang iniwan ng iyong mga magulang.”
“Hindi ako naniniwalang iyon ang motibo ni Michelle, Tiya. Though I gave her a very tempting offer she can hardly refuse. Kapalit ng pagsang-ayon niyang pakasal sa akin para kay Catherine ay ang pangako kong magkakaroon siya ng gallery sa hotel. O sa Pasig, kahit saan niya naisin. At maipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya ng Fine Arts. May natitira pa siyang isang semestre bago magtapos.”
“Kung ang pagbabasehan mo ng pagpapakasal kay Michelle ay dahil lang malapit si Catherine sa kanya ay dapat mong isiping nasa trauma pa ang anak mo sa magkakasunod na trahedya, hijo,” paliwanag ni Celestina. “At nang makita ni Catherine si Michelle ay para na rin niyang nakita sa katauhan nito si Harriet. Paano kung hindi sila magkasundo?”
Isang nakatitiyak na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Naniniwala akong higit na may mahusay na pakiramdam ang isang bata kaysa sa mga matatanda pagdating sa pag-uri ng isang tao, Tiya Celestina.”
Hinawakan ni Celestina ang braso niya at marahang pinisil iyon. “Hindi kita pinangungunahan, hijo. May sarili kang isip. Kung sa palagay mo’y para sa ikabubuti ni Catherine ang pagpapakasal mo kay Michelle ay ikaw ang bahala.”
“Salamat, Tiya.”
Inubos ni Celestina ang kape sa tasa nito at pagkatapos ay tumayo na. Nang maiwan ang dalawang lalaki’y doon ipinakita ni Virgilio ang labis na pagkamangha sa desisyon niya.
“Paano kung anak ko nga si Michelle, Adrian?”
Umangat ang mga kilay niya. “We’re not blood related, Virgilio. If Michelle is your daughter, I suppose that is something to be happy about. Natagpuan mo ang nawawala mong anak at naging manugang mo pa ako. You couldn’t find a more suited son-in-law.”
“Arrogant, aren’t we?”
“Nangangahulugan ba iyan na tinatanggap mo akong manugang?”
Sa pagkakataong iyon ay nasisiyahang ngumiti si Virgilio. “Tulad nga ng sinabi mo, kung anak ko si Michelle, wala na akong makikitang karapat-dapat na mamanugangin.”
Adrian grinned.
THE CATHERINE consisted of thirty feet of high-tech beauty. Yari sa fiberglass na may Airex foam core. She was lightweight and she was strong. Sa ibaba ng bahay ni Adrian ay ang reef kung saan nakadaong ang yate nito. Kung sa laot manggagaling ang isa ay hindi nito mapupunang may pribadong daungan sa likod ng mga bundok. He skillfully guided the Catherine through the deep channel in the reef and out into the ocean.
Bagaman mahangin at patuloy ang manaka-nakang mahinang ambon ay tahimik ang dagat. At marami nang nakuhang shots sa mga whale sharks na nakita nito si Michelle. Para itong bata sa excitement habang pinanonood muna ang mga whale sharks bago kinuhanan ng larawan. She would have wanted to go closer, subalit hindi pumayag si Adrian. Hindi maaaring ligaligin ang mga whale sharks.
Pinagmamasdan niya si Michelle na nasa railings at nakatanaw sa karagatan. Her digicam ready for another interesting subject.
Kung nagkataong mamula-mula ang kulot-kulot nitong buhok na inililipad ng hangin ay ihahawig niya ito sa isang Titian painting. Subalit ang lampas-balikat nitong buhok ay dark brown at contrast sa maputi nitong balat. Her long legs were spaced apart for balance.
Kanina, nang pagbihisin niya ito ng pampaligo sa cabin ay inaasahan niyang magsusuot ng two-piece swimsuit si Michelle. But she came out of his cabin wearing a black Spandex white short shorts and an equally body-hugging bright yellow Adidas tube midriff. At pinaibabawan nito iyon ng isang maluwang na puting polo shirt na bukas lahat ang mga butones. On her feet were canvas shoes.
Ito ang kauna-unahang babaeng niyaya niya sa laot na hindi nagsuot ng pampaligong wala nang itinatago at ang intensiyon ay upang akitin siya. Not that he had something against two-piece scanty bikinis. But he realized now that Michelle’s swimming outfit was even more effected than if she wore a thong.
The polo shirt effectively hid her small breasts. Gumana ang imahinasyon niya nang liparin ng hangin ang polo shirt nito at matanaw niya ang dibdib nito. He knew her nipples were sensitive and quick to puck when he sucked one into his mouth.
“May sinasabi ka ba?” Nilingon siya nito.
Lihim siyang napaungol. Adrian must have made a sound while fantasizing her. Tinalo pa niya ang isang teenager. “Just concentrating as I navigate this beauty.”
She smiled at him. Ngiting tila nagpahawi sa ulap sa kalangitan upang bigyang-daan ang sikat ng araw. Muli siyang lihim na napaungol. Dapat marahil ay iuntog niya ang ulo sa barandilya.
“No wonder this place is called El Paraiso. Hindi siguro orihinal ang pangalan pero akma. The place is breathtaking. I wonder why you didn’t allow me to bring my paint materials.” She pouted prettily, not knowing the havoc she caused.
“Dahil ang intensiyon ko kaya tayo pumalaot ay para ipasyal ka at hindi magpinta. Isa pa, ang dahilan kaya narito tayo sa laot ay dahil sa mga whale sharks. Anyway, you’ve taken videos so you can paint later.”
“Yeah.” Muli itong humarap sa laot at pinaikot ang binoculars. He joined her on the railings and snaked his arm around her waist from the back and pulled her closer.
“I’m glad Catherine has her tutor class today,” he whispered above her head. “I’ll have you to myself.”
She made this soft moaning sound as he pushed his rock-hard sex against her behind. “You make me crazy, Mitch...”
“Hmm. Mitch, huh?” she murmured, hindi malaman kung itutuloy ang pagsilip sa binoculars o ibababa iyon.
“It fits you... it’s sexier,” aniya at hinawi ang polo shirt nito at hinagkan niya sa balikat habang ang isang kamay niya ay unti-unting pumapaloob sa spandex nito.
“Adrian,” ani Michelle sa kakaibang tinig na iniisip niyang naapektuhan sa ginagawa niyang pagdama sa may bahagi ng tiyan nito.
“Adrian, stop please!” awat nito, at bagaman walang kamay na pumipigil sa kanya ay nahinto siya sa ginagawa. Nararamdaman niya ang kakaibang tensiyon mula rito. “W-what is that?” Tumaas ang kamay nito at itinuro ang nakita at pagkatapos ay muling ibinalik sa mga mata ang binoculars.
“I am making love to you and there you are, ginagalugad ng tingin ang karagatan. Dapat ba akong mainsulto?”
“Don’t be silly. Ano ang lugar na iyon?” Muli itong may itinuro.
Patamad na hinayon niya ng tingin ang itinuro nito. “Ang tinutukoy mo ba ay ang guho?” Hindi siya makapaniwalang ang guho lang ang aagaw sa atensiyon nito mula sa ginagawa niya.
Kumawala ito at sinipat nang husto sa binoculars ang nakita. “Guho?”
“It’s an old lighthouse ruins. Ayon sa mga magulang ko ay itinayo iyon noong panahon ng mga k astila. Tinamaan iyon ng kidlat at mula noon ay hindi na ginamit. May bago na namang parola sa silangang bahagi ng dagat.”
“C-can you navigate closer to... to that place?”
He frowned at her. Kung may posibilidad mang mapag-iinit niyang muli ang damdamin nito ay tuluyang naglaho iyon.
“Why the interest? Mula sa malapitan ay hindi mo naman makikita ang paanan ng guho dahil mataas ang bangin. You can hardly take pictures of the ruins from the sea. At kung sa malayuan naman ay baka hindi makuha nang malinaw ng digicam mo. Hindi tayo makakalapit nang husto dahil napakarami nang malalaking bato sa bahaging iyon ng dagat.”
Hindi agad sumagot si Michelle at nanatiling nakatitig sa guho na ang layo ay halos kalahating milya mula sa yate. Namumutla ito at nang hawakan niya sa braso ay nanlalamig ito.
“Hey, baby, what’s wrong? Seasick?”
“W-who owns the place?” Ibinaba na nitong muli ang binoculars subalit nakatitig pa rin doon. “Nahagip ko iyan ng tanaw doon sa mga batuhan di-kalayuan sa resort.”
“Dahil paikot ang beach,” aniya, itinukod ang mga braso sa barandilya. Then he looked at her over his shoulders. “Pag-aari ng mga de Alegre ang bahaging tinatayuan ng parola. Subalit nang mangailangan si Virgilio ng perang pantustos sa paghahanap kay Harriet ay ipinagbili niya ang bahagi ng lupaing kinatatayuan ng parola.” He didn’t have to tell her that he now owned that part of the land.
“P-paano ang pagtungo sa lugar na iyon?”
“Darling...” Inakbayan niya ito at hinapit. “Walang nagtutungo sa lugar na iyan dahil magubat nang husto at kinatatakutan ng mga tao ang guho.” He chuckled. “Nagmumulto daw ang mga kontrabandistang pirata na nangamatay sa guhong iyan daang taon na ang nakalipas.”
“Adrian, I’ve seen that place before.”
“Sinabi mo lang, `di ba?” He smiled at her. “Nakita mo mula sa mga batuhan.”
She shook her head frantically. “No. Hindi ko siya sa batuhan nakita. I’ve seen that place in my dreams many times.”
Lumapad ang ngiti niya. Subalit nang tumingala si Michelle sa kanya ay nakita niya ang kaseryosohan sa mukha nito.
“Don’t laugh and look at me as if I’m a loony. Hindi ako nagbibiro, Adrian. I actually started painting that place from my dreams.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. He remembered now the painting on the easel. Bahagi lang ng guho ang nakapinta kaya hindi niya gaanong natukoy. Pero ang ipinta ang guho mula sa panaginip nito ay hindi niya mapaniwalaan. Michelle had seen part of the place from the rocks before she had it painted.
“C-can you navigate closer?”
“It’s dangerous, Michelle. Napakaraming matatalim na bato na nagsasalimbayan at nakatago sa tubig na hindi makikita kung itong yate ang gamit natin. Mga bangkang maliliit lang o di kaya’y speedboat ang maaaring makalapit.”
“Just a little closer, Adrian, please,” pakiusap nito. He could hear the tears in her voice that surprised and confused him. “Iyong sapat na lapit para makuhanan ko ng larawan ang ibabang batuhan.”
“There’s nothing below the ravine but rocks, Mitch,” he said softly. Kinabig niya ito palapit sa kanya. He could feel her trembling, na lalo lang nagpalito sa kanya. “But if it is what you want then I’ll navigate closer.” Hinagkan niya ito sa noo at nagtungo sa wheel house.
Minutes later, they were more than a hundred yards away from the bottom of the ravine. Lumabas si Adrian at nilapitan si Michelle na manghang sinuyod ng tingin ang kabuuan ng matayog at malawak na batong bundok. Marahil ay limampung talampakan ang lalim ng bangin magmula sa itaas pababa sa mga batuhan. Naririnig nila ang malalakas na hampas ng alon sa mga batong nakapaligid.
“I grew up in this place and appreciated the beauty of El Paraiso, Michelle. But this is actually the first time I’ve been this close to these rocks,” he said while walking towards her. She was busy taking pictures.
May palagay si Adrian na hindi siya naririnig nito. Nakita niya ang kaseryosohan sa mukha ni Michelle habang kumukuha ito ng mga larawan at ginagamit ang focus lens upang mapalapit ang kinukuhanan. And then she took videos, too.
“I never thought it was this breathtaking!” Adrian said appreciatively. Napakalinaw ng tubig sa ibaba nila, ang mga isda na may iba’t ibang kulay ay natatanaw na naglalangoy sa tubig. Ang ravine ay puno ng vegetations, iba’t iba. Sa gilid ng bundok ay may mga sari-sariling kulay siyang natatanaw na marahil ay mga ligaw na bulaklak.
Sa ibaba ay coral reefs, which could only be seen through closer look. Ang mga bato, ilang yarda mula sa yate ay kay tatalim patungo sa mismong paanan ng bangin.
“Sabi nila, smugglers/pirates used to come here. Ayon din sa matandang sabi-sabi ay dito nila ibinababa ang mga kargamento. Walang naniniwala sa mga henerasyon ngayon. Saan ibababa ng mga pirata ang mga kontrabando sa lugar na ito? At kung mayroon mang naniniwala ay hindi na pinapansin dahil pribado ang bahaging ito ng dagat.”
“Mula rito sa yate ay nalalangoy ang patungo sa paanan ng bundok, Adrian,” she said, at last. “At nakikita ko sa ibaba ng dalampasigan sa resort ang maliliit na klase ng bangka. Ayon sa batang nagpagtanungan ko’y bangkang de sagwan ang tawag doon. I am sorry for my ignorance but I’ve never seen those before in my life. Pero may nakita rin ako sa dalampasigan na ganoon kalaking bangka pero de motor. `Yong ganoong uri ng mga bangka ay natitiyak kong makakalapit.”
Tinanaw niya ang tubig. Michelle was right. Ang distansiya sa pagitan ng mga bato ay kasya ang isang katamtamang laking bangkang de motor.
“What is so important about this place, Michelle?” Tumingala ito sa kanya. Her eyes sparkled with unshed tears. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Honey, why?”
Idinikit ni Michelle ang ulo sa dibdib niya at humikbi. “Believe me that if I can explain, I would, Adrian. I don’t even know myself. All I know is there’s something in those rocks that affected me so much. And that lighthouse ruins, too. I want to go there.”
“Michelle, please. There’s nothing to see there. Wala kahit isa sa mga tagarito o tauhan man ng asyenda ang nagtutungo sa itaas. Marahil ay pinamumugaran na iyon ng mga makamandag na ahas...”
Humikbi ito at sa desperadong tinig ay, “I have to go there, Adrian. Kailangan kong malaman kung ano ang mayroon sa lugar na iyon bago maging huli ang lahat.”
Itinaas niya ang mukha nito. “Hey, ano ba ang pinagsasabi mo?” But her tears and the sadness in her eyes and the way she trembled in her arms made him promise. “Okay, I’ll take you there, one of these days.”
“Make it soon, Adrian,” she said in frantic voice. Pagkuwa’y kumawala ito mula sa pagkakayakap niya at muling lumapit sa barandilya at tinanaw ang paanan ng bangin. Sa nakikita niya sa anyo nito ay tila gusto nitong talunin ang tubig at languyin ang patungo roon. She might have if she knew how to swim.
Pero ano ba ang mayroon sa paanan ng bundok?
Nagsimulang lumakas ang hangin at pumatak ang mahinang ambon. Ang mga alon ay lalo pang naging marahas sa paghampas sa mga batuhan.
“Let’s go back, darling. Nagsisimula nang sumama ang panahon. Nangangailangan ng matinding bagyo bago maitumba ang yateng ito. But I don’t want to take the risk that the wind might ram her to the rocks.”
Reluctantly, tumango ito.