M ICHELLE was driving toward the town of Donsol. Nanggaling na siya roon kaninang umaga at dinala ang mga negatives ng kinunan niya kahapon sa dagat. Kung hindi nasira ang laptop niya ay hindi niya iyon kailangang gawin. She could have just used the videos she took. Napatiim ang mga bagang niya sa pagkaalala sa nangyari sa cottage. Ano man ang motibo ng magnanakaw ay hindi na niya muna gustong alalahanin.
Apat na oras mahigit ang ginugol niya sa bahay ng ama. Pero kay daling lumipas ng oras kapag hindi gusto ng isa na natatapos iyon. At hapon na. Mabilis ang pagmamaneho niya dahil baka abutan niyang sarado na ang photo shop.
The lunch with her newfound father went on smoothly... and happily. Most specially because Adrian was flirting with her outrageously throughout the meal. Well, he did that to ease the tension that she felt. His hand squeezed her thighs under the table. Oh, well, that was another matter. Ang sexual tension ay nasa harap nilang dalawa at naghihintay lang na tawirin.
The meal was superb, like eating in one of those five-star hotels. Mainit ang pagtanggap sa kanya ni Grandma Celestina. Nagkaroon silang dalawa ng pagkakataong makapag-usap nang sarilinan kanina habang nasa drawing room sina Adrian at Virgilio.
Ipinakita sa kanya ni Celestina ang family pictures. Gayundin ang larawan nina Harriet at Virgilio sa nakalipas na mga taon.
“At magpapakasal kayo ni Adrian sa makatlo, hija?” nakangiting tanong nito.
Itiniklop niya ang album. “Iyon ang gusto ni Adrian, Mrs. de Alegre—”
“Mrs. de Alegre?” she cut her off, laughing. “Bakit hindi lola ang itawag mo sa akin?”
Gumanti siya ng tawa. “L-Lola... kung ganoon.”
Nasisiyahang tinapik nito ang braso niya. “Binabati ko kayong dalawa ni Adrian.” Nagpakawala ito ng nasisiyahang buntong-hininga. “Natitiyak kong magiging maligaya si Adrian sa piling mo kaysa sa ina ni Catherine. Si Beverly.”
“K-kilala ninyo ang mommy ni Catherine?”
Hindi niya gustong marinig iyon sa iba maliban kay Adrian pero hindi niya mapigil ang kuryosidad. Alam na niyang namatay ito dahil sa pagkalunod. But she wanted to know everything about the man she had learned to love in so short a time. And that included his past. And Beverly specifically since she would be soon Catherine’s mother.
“Malimit siya sa El Paraiso, paano ko ba namang hindi makikilala?” She was smiling without humour. “Nagkakilala sila ni Adrian nang ipasya niyang mag-aral muli sa Maynila at kumuha ng panibagong kurso—Agrikultura. Nakapagtapos na si Adrian ng kursong Arkitektura pero kailangan niyang magkaroon ng higit na kaalaman sa pagsasaka dahil sa lawak ng sakahan niya at ang negosyong pangingisda. Nagdalang-tao si Beverly na kung hindi tinakot ni Adrian ay baka ipinalaglag na nito ang bata.” Celestina shivered in horror.
“Nang malaman niyang masalapi si Adrian ay ginamit niya si Catherine upang pilitin si Adrian na pakasalan siya subalit matigas si Adrian. Sino ba ang gustong magpakasal sa isang babaeng kapag wala si Adrian ay pumapatol sa ibang lalaki?” She shook her head disgustingly. “Nagbanta si Beverly na hindi na niya muling makikita ang bata kung hindi niya ito pakakasalan. Pabalik-balik sa Maynila si Adrian para lang makapiling ang anak subalit mataktikang iniiwas ni Beverly si Catherine.
“At kapag nadadala naman ni Adrian ang bata dito sa El Paraiso ay kabuntot ang babaeng iyon. Nang araw na iyon ay naniniwala akong napahinuhod na ni Beverly si Adrian na magpakasal sila. Katunayan ay humingi ito ng pera kay Adrian para sa mga gagamitin nito sa kasal. Sinabi mismo sa akin ni Beverly ang bagay na iyan nang araw na umalis siya sa hotel at magtungo sa resort. Ayon sa kanya’y hihintayin niya ang abogado ni Adrian sa cottage.”
“Pero na-nalunod siya sa may batuhan.” Siya ang tumapos sa kuwento.
“Oh, at alam mo pala ang nangyari sa kanya.”
“Ikinuwento po ni Adrian sa akin.”
She sighed sadly. “Hindi ko gusto si Beverly para kay Adrian pero wala akong karapatang pigilan si Adrian sa gusto niya. Ganoon man ang uri ng pagkababae ni Beverly ay hindi ko pa rin nanaisin sa kanya ang sinapit niya.” Tumayo ito at lumapit sa malaki at maluwang na bintana na nakatanaw sa bulubundukin sa paligid.
“Ang lupaing natatanaw mo ay pag-aari ni Adrian, Michelle. Ikatlong bahagi ng mga ari-arian ng mga de Alegre ay naipagbili na sa kanya ng papa ni Virgilio dahil sa walang katapusang pagpapagamot sa sakit nito—prostate cancer.” May kapaitang nakabahid sa tinig nito.
“Huli na nang matanto ni Fred na hindi siya gagaling pa ubusin man niya ang salapi niya. Gayunma’y hindi siya sa sakit niya namatay kundi sa pagkahulog sa hagdan. O, marahil kaya ganoon ay dahil mabuway na ang mga buto niya sanhi ng kanser.”
“I am sorry,” mahinang usal ni Michelle.
Tumango ito at ngumiti. “Nakabawi na ako. Kung buhay si Fred ay natitiyak kong magugustuhan mo siya.”
“Iyon din ang sinabi ni... Papa.”
Iwinasiwas ni Celestina ang kamay na ang dalawang daliri ay may singsing at kumikislap ang mga brilyante sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana.
“Kalimutan natin ang malulungkot na paksa. Ano-ano ang mga magagandang lugar ang nakita mo na rito sa El Paraiso, hija?”
She smiled. “Marami na po. Pero kahapon ay nagtungo kami sa dagat at natanaw ko ang guho. Gusto kong puntahan ang lugar na iyon.”
Napahawak sa dibdib nito ang matandang babae at nagsalubong ang mga kilay. “Ang guho? Pero walang nagtutungo roon, Michelle. Bakit naman ang lugar na iyon pa ang gusto mong mapuntahan?”
Nagkibit siya ng mga balikat. “Gusto kong ipinta ang lugar na iyon. Isa akong pleinairist. Gusto kong ipinta ang lugar na iyon sa gitna ng kasikatan ng araw.”
“Ipagpaumanhin mo pero hindi ko naiintindihan ang sinabi mo tungkol sa uri ng pagpipinta. Pero hayaan mo at sasabihin ko kay Virgilio na patagin ang lugar na iyon. Bakit ba ngayon ko lang naisip? Kaysa naman nga nanatili na lang iyong nakatayo roon, eh, di pakinabangan na. Malay nating maging isang magandang tanawin iyon para sa mga turista tulad ng simbahan ng Cagsawa.”
Nasisiyahang niyakap niya ang matandang babae. “Maraming salamat, Lola Celestina.”
Banayad siyang tinapik nito sa likod. “Natitiyak kong ikaliligaya ni Virgilio ang ano mang bagay na makaliligaya sa iyo, Michelle. Isang malaking sorpresa sa akin ang malamang may anak sila ni Harriet; na ikaw ang dahilan kung bakit paroo’t parito sa Maynila ang manugang ko. Gayunma’y ikinagagalak ko ang pagdating mo sa asyenda.”
Michelle smiled while driving. That had been this afternoon before she left the hacienda. She had found her father and he loved her. Gayundin si Celestina na napakalaki ng kaibahan kay Digna Verano. But that was understandable. Hindi niya kadugo ang mga Verano.
Sa bayan ng Donsol ay ipinarada niya ang kotse sa gilid ng daan sa harap ng isang photo shop. Lumabas at pumasok sa loob. Pagkatapos niyang bayaran ang mga na-develop na mga pictures ay lumabas siya at bumalik na uli sa sasakyan.
Inilagay niya sa glove compartment ang photo envelope at muling pinaandar ang sasakyan. Ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa bayan ng Donsol upang makabili ng gamit sa pagpipinta. Nakakita naman siya at nang makabili ay nagmaneho na pabalik sa El Paraiso.
Alas-siyete pasado na nang makarating si Michelle sa cottage. Pagkatapos niyang i-lock ang pinto ng kotse ay pumanhik na siya sa itaas. Naligo siya at nagbihis ng pajama at ipinasyang mahiga na. Wala rin naman siyang mood para magpinta. She was tired from driving aside from being in a state of euphoria. Habang pauwi siya ay dalawang beses tumawag si Adrian at tiniyak kung hindi magbabago ang pasya niyang sa bahay nito matulog.
Hearing his voice made her heart leap. And she couldn’t wait to be with him as his wife. Gayunma’y determinado siyang sa cottage gugulin ang ilang araw na natitira bago sila pakasal.
Inilagay niya ang malaking bag niya sa may bahagi ng dingding sa kama at pagkatapos ay pinatay na ang ilaw. Adrian was her last thought when sleep claimed her.
MAINIT na mainit ang pakiramdam niya. Tila siya sinisigaan. Pabiling-biling sa higaan si Michelle subalit tila ayaw mapawi ng init na nararamdaman niya at sa halip ay lalo pa iyong naglalagablab. Nararamdaman niya ang paggiti ng pawis sa noo sa matinding init.
This was another dream. Kakaiba sa dati na niyang napapanaginipan. Sinikap niyang iahon ang sarili mula sa pagkakatulog.
Marahas ang ginawa niyang pagmulat ng mga mata upang matanto lamang na napakaliwanag ng buong paligid niya. Ang init na nararamdaman niya ay galing sa totoong apoy na lumiliyab sa mga dingding ng silid niya.
She blinked many times, wanting to be certain if this was still part of her dream. Subalit hindi siya nananaginip.
Nasusunog ang cottage!
Mabilis siyang bumangon at lumabas ng silid subalit ang mga dingding man doon ay nagliliyab din. Natutupok ang buong cottage. Ang tanging natitirang hindi pa nilalamon ng apoy ay ang bubong at ang malaking bahagi ng sahig. But it would be soon.
Michelle started to panic. Then she screamed. She ran for the main door but it was so hot. Nakikita niyang kalahati na ng pinto ay natutupok.
Oh, God! Oh, God!
Hindi ba nakikita sa labas na nagliliyab ang cottage niya? Sa reception? Hindi ba nila nakikita? Pero malalayo ang distansiya ng malalaking cottage. Napapagitnaan ng malalaking palm trees at ng mga malalagong halamanan. Isa pa, sa ganitong oras ay malamang na nagnanakaw ng tulog ang tatlong empleyado.
And this was off-season, walang tao ang ibang malalaking cottages. Ang kaisa-isang umupa sa kasunod na cottage sa kabila ng swimming pool ay nag-check out kahapon. At kung mayroon mang mga tao sa maliliit na cottage sa ibaba ay tiyak na himbing na himbing.
Michelle stood there in horror. Kung hindi siya gagawa ng paraan ay mamamatay siya roon. Bumalik siya sa loob ng silid na unti-unti na ring naaabot ng apoy ang beam ng bubong.
There was no way out! She would die here. Tears burned in her eyes. Kung kailan nakatagpo siya ng kaligayahan. Kung kailan natagpuan niya ang ama. At si Adrian.
Oh, Adrian. I haven’t even told you that I love you...
And Catherine. What would happen to Catherine if she would die here?
Nanlulumong napaupo siya sa sahig. Hindi niya inaasahan ang ganitong uri ng kamatayan. Nang bigla’y manlaki ang mga mata niya. Mula sa liwanag ng naglalagablab na apoy ay natanaw niya ang buhanginan sa ibaba sa pagitan ng mga siwang ng sahig na kawayan.
Michelle turned and looked around her. Naghahanap ng bagay na maipantutuklap sa sahig na kawayan. Finishing nails lang ang mga nakabaon sa maninipis na kawayan. Madali iyong tuklapin ng kahit na anong kutsilyo.
Pero wala siya kahit na anong maipantutuklap doon. Not even spoon or fork. Hindi siya roon kumakain. Then her eyes focused on her Prada bag. Ang Swiss knife niya! Patakbong dinakma niya ang bag sa kama at dinukot mula roon ang malaking Swiss knife.
Nahagip din ng kamay niya ang cottage key. Ang key chain niyon ay tulad sa isang shoehorn. Yari iyon sa stainless steel and almost a foot long!
Inilabas niya ang patalim mula sa kaluban kasama ng kung ano-anong survival kit. Inukit niya ang isang bahagi ng sahig at pilit itinataas ang manipis na kawayan. Nararamdaman na ni Michelle sa likod niya ang init ng apoy subalit hindi siya humihinto. Sa kaliwang kamay ay ginagamit niya ang tila shoehorn upang tungkabin ang sahig na naiangat sa pamamagitan ng Swiss knife.
Magkasama na ang pawis at luha sa mukha niya. Nahihilam na ang mga mata niya sa pawis subalit patuloy siya sa pagtungkab sa sahig. May palagay siyang dinidilaan na ng apoy ang likod niya pero hindi iyon nagpanghina sa ginagawa niya.
Dalawang kawayan na ang natuklap ni Michelle at sapat iyon upang lumusot ang dalawang kamay niya upang angatin na ang kasunod pang manipis na sahig. Binali niya sa pamamagitan ng paa ang natutungkab na mga kawayan.
Tumigil lang siya nang makitang kakasya siya sa butas na nagawa niya. Akma na siyang tatalon sa butas nang masulyapan ang bag. Naroon ang mga litratong tinubos niya sa photo shop. She couldn’t leave those! Hinablot niya iyon kasabay ng paglusot ng katawan sa butas patungo sa buhanginan sa ibaba. Isang dipa lang ang taas niyon mula sa sahig.
Umaapoy ang bawat kanto ng cottage. Aabutan siya ng apoy kapag sumuong siya roon. But that wouldn’t kill her. That would only singe her. At the most, lalapnusin ang buhok niya o di kaya’y ang braso niya.
But she would live!
At iyon ang pinakamahalaga.
Michelle covered her face with the bag. Inihiga ang sarili sa buhangin malapit sa labasan sa ilalim ng cottage. Hindi na siya makahinga sa tindi ng init at kapag nagtagal pa roon ay mawawalan na ng silbi ang ginawa niyang pagtuklap sa mga sahig. She would die of asphyxiation before she’d burn.
She counted from one to three and then she rolled herself out and kept on rolling. She stopped three yards away. Pagkatapos ay mabilis siyang tumayo at buong panghihilakbot na tinitigan ang pagbagsak ng dingding sa silid na pinanggalingan niya.
May mga tao na siyang naririnig sa paligid. Marahil ay mula sa reception area. Wala sa sariling napaatras si Michelle nang malingunan sa kabilang bahagi ng cottage ang Nissan X-Trail.
Oh, my God! She ran to her car. Ang susi ng kotse ay dinukot niya sa loob ng bag niya. Itataob na niya ang bag nang makapa iyon. Sinusian niya ang pinto ng sasakyan sa nanginginig na mga kamay. She went into the driver’s seat and turned the ignition on and stepped on the accelerator like crazy.
She was hysterical. Nagmamaneho siya sa buhanginan na naiilawan ng apoy mula sa cottage niya. Nang makalabas siya ng resort ay nakita niyang one hundred ang nasa speedometer at tumatakbo siya sa gitna ng mabatong daan. And if she didn’t slow down and calm herself, sa ibaba ng bangin siya pupulutin.
She would still end up dead. Pinatagal lang niya.
Michelle slowed down a little. Nakuha niya ng kinse minutos ang dapat sana’y kalahating oras na pagtungo sa lugar na gusto niyang puntahan. Marahas ang pag-apak niya sa preno na umingit ang mga gulong. Pagkatapos ay naghihisteryang diniinan niya ang busina at umalingawngaw iyon sa dilim ng gabi.
NAPABALIKWAS si Adrian sa ingay na iyon. Hindi hinihintuan na parang nasirang busina. Sumilip siya sa bintana subalit hindi niya maaninag ang sasakyang pinagmumulan ng ingay maliban sa nakasisilaw na bright front lights nito na nakatutok sa bahay niya.
“Damn!” he hissed. Dinampot niya ang pantalong maong na nakasabit sa likuran ng sandalan ng settee at isinuot nang walang briefs at lumabas ng bahay. Sa veranda ay binuksan niya ang ilaw at pagkatapos ay halos takbuhin niya ang hagdan pababa.
Naaninag niya sa dilim ang X-Trail. Bumilis ang takbo niya habang patuloy sa pahisteryang pagbusina ang sakay niyon.
“Michelle!”
Ito mismo ang nakasubsob sa manibela at nadiinan ang busina. Halos matanggal sa mga hinges nito ang pinto ng sasakyan sa paraan ng pagbukas niya.
“Oh, God, Michelle! What happened?” Hindi niya hinintay na sumagot ito at sa halip ay binuhat ito palabas ng sasakyan.
Kumapit sa leeg niya si Michelle at sumubsob sa dibdib niya at pahisteryang umiyak nang umiyak.