N ILINGON ni Michelle ang pinagmulan ng tinig. Sa gilid ng bundok, sa dulo ng mga batong pinanhik niya ay naroon si Adrian. Ang suot ay kupas na maong, blue and white striped retro polo shirt na hapit sa matipunong dibdib at nakatupi ang maiiksing manggas, showing muscled forearms. His arms akimbo. Halos magdikit ang mga kilay nito.
Michelle felt the sudden lilting of her heart. How could this man have the power to take her breath away?
Tumayo siya at gilalas na pinanood ang walang kahirap-hirap nitong pagtawid sa mga bato papanhik sa kinatatayuan niya. Samantalang siya kanina ay halos gapangin ang pagpanhik sa mga batuhan.
“Ano ang ginagawa mo rito?” he asked without preamble, bahagya lang sinulyapan ang digicam at binoculars niya.
Ang may-kahabaan nitong buhok ay inililipad ng hangin, tulad din ng suot nitong polo shirt na halos magtanggalan ang mga butones sa lakas ng hangin. Sa pagkakatayo nito roon, his long and sinewy legs wide apart, ay tila ito diyoses ng karagatan.
“Shouldn’t I be the one asking that?” she countered.
“Hindi mo ba alam na mapanganib ang lugar na ito sa isang dayuhang tulad mo?” sunod-sunod nitong tanong. His nose flared in anger. And something crossed his eyes—fear?
Umangat ang mga kilay niya. “Ow? Sa bayan bang ito’y pinipili ni Mr. Panganib ang mga dayuhan?”
“Hindi mo kabisado ang bahaging ito ng—”
“Oh, for Pete’s sake!” she cut him off. “Why are you so angry? Para akong may ginawang krimen kung maningkit iyang mga mata mo!”
“Don’t be stupid, Michelle,” he said furiously. “Unti-unti nang tumataas ang tubig at mamaya lang, itong tinatayuan nating bato na lang ang matitirang nakalitaw. Hindi mo na matatanaw ang alinman sa mga batong tinawid mo patungo rito. At paano ka uuwi? Maghihintay ka nang magdamag?”
Nabitin sa lalamunan niya ang pagsinghap at luminga sa paligid at pagkatapos ay sa mga batong pinanggalingan niya. He was right!
Natitiyak niyang wala pa siyang kalahating oras na nakaupo roon pero malaki na ang itinaas ng tubig. Ilang sandali pa at aabutin na ng tubig ang mga batong tinulay niya patungo roon.
“B-but surely the rocks would still be there and—”
“Hindi mo kakayanin ang puwersa ng tubig. At lahat ng hindi nakakaalam sa takbo ng tubig sa bahaging ito ng karagatan ay gagawin ang nasa isip mo at tatawirin ang nakalubog na mga bato, thinking it would be safe. And unless you are a very good swimmer, you will not make it to the shore.”
Nanlaki ang mga mata ni Michelle sa pagkakatitig sa mga batuhan sa ibaba. At nararamdaman niyang tinatakasan ng kulay ang mukha niya sa sinabi nito. Hanggang swimming pool lang ang kaya niyang languyin at iyong abot pa ng mga paa niya ang tiles.
She paled as she gazed up at him, her lips parted in horror.
“Oh, shit!” Adrian muttered to himself. Tila nahuhulaan nito ang laman ng isip niya. “Hindi mo ba nakita ang babalang nakalagay sa may bukana nitong lugar na ito?”
She lowered her eyes guiltily. Again, Adrian muttered an oath. “Ni hindi ka marunong lumangoy pero matapang ang loob mong huwag sumunod sa mga babala! Tayo nang bumalik bago pa lumubog ang mga batong dadaanan natin.”
Tinalikuran siya nito at tinalon ang ibabang bato na humigit-kumulang ay isang metro ang lalim mula sa kinatatayuan niya. Napakurap siya at tinunghayan ang tinalon nito. Hindi siya makapaniwalang ganoon iyon kataas. Kaninang pumanhik siya’y ginamit niyang baitang ang mga nakausling maliliit na bato at ni hindi niya naisip na mas mahirap ang bumaba.
“What do you suggest should I do? Magpadausdos?” she said cheekily.
Adrian muttered something unintelligible. “Give me your hand.” Itinaas nito ang kamay sa kanya.
She quickly reached for his hand. Sandali siyang nag-atubili. How come going up had been easier?
“Hurry up, Michelle!” Adrian snapped at her. “We don’t have all day. Mabilis ang pagtaas ng tubig. Now, jump!”
She did. At dahil hindi naman patag ang bato at inokupa na ni Adrian ang kalahati niyon ay nawalan siya ng panimbang. Her one arm flailed, searching for something to hold on to. At walang iba iyon kundi ang leeg ni Adrian. She rammed right into his solid chest. Her thighs against his thighs.
Kung iyon man ay dahil sa kanya o dahil hinaklit siya ni Adrian kaya nakulong siya sa mga bisig nito ay hindi na mahalaga kay Michelle. What she was so aware of was the safe feeling of being in his arms. He exuded an aura of strength and pure masculine power unlike anything she had known.
Sa mga bisig ni Dexter, normal iyon. Wala siyang natatandaang binigyan niya ng atensiyon ang ano mang damdaming pinupukaw ng dating kasintahan. It was simply nice and pleasant.
At wala siyang naamoy na panlalaki at mamahaling cologne dito tulad ng naaamoy niya parati kay Dexter. Adrian’s scent was... was just him. So male. And heady. The urge to press her lips to his dark skin was too strong that she had to take her eyes off his chest but not before she felt the stirring of his loin.
She gasped softly as she lifted her eyes to him. And her heart all but stopped as she looked into Adrian’s dark eyes. For a heart-stopping moment his eyes held hers. Then destroyed the moment when he said, “Marami nang babae ang nagsabi sa aking gusto nilang damhin ang dibdib ko, Michelle. Pero hindi ngayon. May oras para diyan. And when the time comes, which I assure you it would, sooner than you realize, you can kiss my chest to your heart’s content.”
“Why, you arrogant—”
Bago niya matapos ang sinasabi ay mabilis siya nitong inilayo sa katawan nito at binigyang-distansiya ang sarili.
Michelle almost rolled her eyes. Kung hindi sa kapirasong batong kinatutuntungan nila ay malamang na itinulak na siya nito. And there she was, foolishly fantasizing the arrogant man’s chest.
Pero hindi lang niya imahinasyon ang nararamdaman kanina sa may tiyan niya. He was affected with her as she was with him. At ang sinabi nito... tila may sinindihang apoy ang mga salita nito sa katawan niya.
“Stop daydreaming, for Pete’s sake!” he snapped her to attention. “Follow me,” he commanded gruffly without looking at her and went down to the next rock. “Kung saan ako tumuntong ay doon ka rin umapak. Madulas na ang ibang bahagi ng bato dahil nabasa na ng tubig.” Muli ay inabot ni Adrian ang kamay niya pero iniwasan nitong magkasalubong ang mga mata nila.
Ilang sandali pa’y nasa dulo na sila at binabaybay na ang mabatong gilid haggang sa matanaw niya ang pickup nito na nakaparada sa basang buhanginan, ang gulong ay inaabot ng apyas ng mga alon.
“Paano mo nalaman kung nasaan ako?” tanong niya.
“Sinabi ng lifeguard na natanaw ka niyang patungo sa bahaging ito. May nahagip pa akong bakas ng mga paa sa buhangin bago ito burahin ng mga alon. I assumed they were yours.” Binuksan nito ang passenger door at pinapasok siya, isinara ang pinto at umikot sa bahagi nito.
May ilang sandali na nilang tinatakbo ang basa at matigas na buhanginan nang magsalita si Michelle.
“Salamat.”
He breathed harshly. “Magpasalamat ka kay Mr. de Alegre dahil kung hindi ka niya pinaiimbita sa akin sa hapunan ay malamang na sa ibabaw ng malaking bato ka matutulog. Iyon ay kung papalarin kang hindi aabutin ng tubig ang batong iyon.”
Michelle shivered. Ipinagsalikop niya ang mga braso sa dibdib. “I-I don’t know how to swim.”
“Figure.”
“I’ve never been to places like this,” she admitted in a small voice. Siguro dahil kung hindi ito dumating ay baka napahamak siya at gusto niyang bigyang-katwiran ang sarili. “I got so excited. This... this is sort of an experience. And I thought I could take photos of the whale sharks.”
Nagsasalubong ang mga kilay na nilinga siya ni Adrian. “Ano ang ibig mong sabihing hindi ka pa nakakarating sa mga ganitong lugar?”
She shrugged. “Wala pa akong narating na mga beach resorts dito sa atin, malayo man o malapit. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakarating ako sa ganitong probinsiya. I am always a city girl all my life.”
“I am sorry for you,” he said mockingly.
“Yeah. Me, too,” she whispered, ignoring the sarcasm. Nilinga niya ang dinadaanan nila at napuna niya sa unang pagkakataon na wala na sila sa tabing-dagat at binabaybay na nila ang kalsada palabas ng resort.
“H-hey, hindi ito ang daan patungo sa cottage.” Subalit hindi sumagot si Adrian at ipinagpatuloy ang kalmanteng pagmamaneho. “Saan mo ako dadalhin?” Nasa labas na sila ng resort.
“Hindi mo ba ako narinig na pinaiimbita ka ni Mr. de Alegre?”
Umangat ang likod niya mula sa sandalan. “And I haven’t said yes! Or no, for that matter!”
“Sa unang pagkakataon makalipas ang tatlong buwan ay ngayon pa lang uli naging excited si Mr. de Alegre na imbitahin ang isang panauhin. At tiniyak ko sa kanyang dadalhin kita roon ngayong gabi.”
Kinakabahan siyang hindi niya mawari. “Dapat ay inawat mo siya. Hindi ba at hindi mo gustong maligalig si Mr. de Alegre?”
“Gusto ka niyang makilala. At dadalhin kita roon.”
“Why, yes, Your Arrogantness!” she said, feigning terror in her voice. Then she looked around her. “Are we in a time warp? Nasa fifteenth century ba tayo at tingin mo sa sarili mo ay duke o hari kaya?”
Bigla itong nagpreno na napahawak siya sa dashboard. He glanced at her without any expression. “Tatanggapin mo ba ang imbitasyon?”
“Kung sasabihin ko bang hindi ay ibabalik mo ako sa cottage?”
“No.”
Michelle rolled her eyes. Inilapat niya ang likod sa sandalan ng sasakyan. “I could have changed clothes, at least,” aniya makalipas ang mahabang sandali sa padabog na tinig. She was wearing neon yellow pedal pushers and black spandex top.
“You look all right,” wika nito, giving her a leering once-over. “Wala tayo sa fifteenth century kung saan nagsusuot ng gown ang mga babae sa hapunan.”
She gritted her teeth and counted one to ten. “Alam mo, you are so hateful! Promise!”
“Then the feeling is mutual.”
“Liar,” she taunted. “If I didn’t feel you a while ago, lalo ka na.”
“Lust is to the body as dislike is to the mind and heart. My body has nothing to do with what my mind and heart say. I dislike you, period. Sleeping with you though, is another matter.”
Michelle was speechless. She hid her shock. Sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ng buhay niya ay wala siyang natatandaang may nakatagpo siyang ganitong uri ng lalaki. Normally, men liked her.
Hindi naman sa pagmamayabang ay maganda rin naman siya. Well, she didn’t like her curly hair though. At kung ikokompara kay Norien, who was really a beauty and voluptuous, hindi naman siya pahuhuli kahit paano. Hindi nga lang niya taglay ang malaking dibdib at malapad na balakang ni Norien.
But she had her share of admirers. At si Dexter na marami sa mga babae sa campus ang lantarang nagpapakita ng paghanga ay siya ang pinili.
“ Kahit ano ang isuot mo’y nagmumukha kang prinsesa... ”
Iyon ang huling papuring sinabi ni Dexter sa kanya bago siya nito... Agad niyang pinigil ang daloy ng mga alaala. Thinking of Dexter brought fresh pain in her chest. Ilang araw pa lang ang lumipas. Kahit paano ay minahal naman niya ito at nangarap sila. Kung hindi dahil sa malisyosong pagtatapat ni Digna Verano ay maligaya silang tiyak na nagpaplano ng kasal nila ngayon.
When she needed him most, he dropped her like a hot potato.
“Are you in pain?”
She started at the sound of his voice. Nagsasalubong ang mga kilay na nilinga niya ito. “W-what?”
“Tinatanong ko kung may masakit sa iyo,” wika nito, naglaho ang kalamigan sa mga mata. It was replaced by a touch of concern. “Hindi ko matiyak kung humihikbi ka o umuungol.”
“Neither.” Inalis niya ang mga mata rito at itinuon ang mga iyon sa dinadaanan nila.
Dahan-dahan ang ginawang paghinga ni Michelle. Hindi niya namalayang nailabas niya ang matinding sama ng loob at sakit ng damdamin. Kasabay ng alaala ni Dexter ay ang alaala sa mga magulang. Emma might have lied to her. Gayunman ay ito ang nakilala niyang ina at masakit sa kanya ang pagkawala nito. The same with Amador. Sa kabila ng lahat ay ito ang nakilala niyang ama. And in her own way, she had loved him.
Adrian glanced her way. He swore he heard her sob. Nang lumingon si Michelle sa kanya ay nakita niya ang matinding kalungkutan sa mga mata nito. In fact, her eyes were too bright. Must be tears.
He was a bastard. Why couldn’t he be just polite and civil if he couldn’t be friendly enough? At isiping inamin niya ritong pinagnanasaan niya ito? How stupid could he get!
What was wrong with him? Bakit pagdating sa babaeng ito ay lumalabas ang mga hindi kasiya-siyang pag-uugali niya?
FROM the beach resort it took them twenty minutes to reach the Hacienda de Alegre. Walang usapang namagitan sa kanilang dalawa. Isa iyong banayad na pagmamaneho sa pagitan ng samyo ng iba’t ibang uri ng mga ligaw na bulaklak sa paligid ng mga bulubundukin at kapatagan.
Pinagsawa ni Michelle ang sarili sa pagsamyo sa mabango at sariwang hangin sa paligid. Kung may nagsabi sa kanya three weeks earlier na makakarating siya sa ganitong uri ng lugar ay hindi siya maniniwala.
Then Adrian drove up the long gravel road that opened unto the two-storey house. Nahagip niya ng tingin ang mga kamalig, kuwadra, at ang kural ng mga baka at kabayo na pawang mga nakatayo hindi kalayuan sa bahay-asyenda.
This was her mother’s home, Michelle thought with excitement and edginess. Sa open garage ay nakaparada ang dalawang mamahaling four-wheel drives, a tan Jeep Cherokee and a jet black Land Cruiser, and an old battered pickup, na marahil ay ginagamit sa paligid ng asyenda.
“You are only coming here for dinner, Michelle,” ani Adrian nang ipinaparada na nito ang sasakyan sa likod ng Land Cruiser. “Hindi ka dadalhin sa slaughterhouse. So, relax.”
“Am I that obvious?”
“Baka kahit sa loob ng kabahayan ay naririnig nila ang sunod-sunod mong buntong-hininga.” His lips twitched, sa isang kapirasong pahiwatig ng ngiti na ikinataas niya ng kilay. Napakamahal ng ngiti para sa lalaking ito.
Nang buksan ni Adrian ang pinto ng pickup sa bahagi nito ay hindi niya hinintay na makaikot ito at bumaba na rin siya. It earned her a glare from him.
She shrugged. What else was new?
Alas-sais pasado na at halos pawala na ang araw. But for a moment its silver glow lit the huge house and the thick old narra trees behind it. Binigyang-liwanag din niyon ang mukha ng isang may-edad nang lalaki na lumabas sa malaking pinto at sadyang hinihintay sila.
An overwhelming flood of emotions surged through Michelle. Could Virgilio de Alegre guess that she was his wife’s daughter? May lakas ba siya ng loob na magpakilala rito? At kung sakaling maipakilala niya ang sariling anak ni Harriet, ano ang gagawin nito?