M ICHELLE stiffened. She felt her lungs constrict, preventing her from breathing. She stared unblinkingly at Virgilio. Iba’t ibang emosyon ang nag-uunahang dumaloy sa dibdib niya.
“Virgilio’s your biological father, Michelle,” Adrian said.
She couldn’t even utter a word. Not if her life depended on it. Nananakit ang dibdib at lalamunan niya sa matinding damdamin. In stunned silence, she was staring at this man who was her father!
Virgilio’s eyes misted. Ang tinig nito ay gumagaralgal. “Bago pa man kami nagpakasal ay walang panahong hindi ka namin hinanap ni Harriet, Michelle. If you could only know your mother’s anguish. And the terror she felt when she learned of Emmaline’s betrayal. And my pain for not knowing you.
“All those years, Harriet blamed herself. Hindi ka niya dapat iniwan kay Emmaline. Dapat ay dinala ka niya sa Donsol pag-uwi. Wala namang nakatitiyak kung talagang mangangahulugan iyon ng kamatayan ng kanyang ama. Your name’s Anna Vida.” Pagkuwa’y kinapa nito ang bulsa ng pantalon. “I have here Emmaline’s letter to Harriet...”
Mula sa pantalon ay inilabas nito ang isang sulat. Ang papel ay naninilaw na halos. Iniabot nito iyon sa kanya sa nanginginig na kamay.
“Iyan ang kahuli-hulihang komunikasyon namin mula kay Emmaline. You couldn’t know what your mother had been through after reading that letter.”
Inabot niya ang sulat, tulad ni Virgilio ay nanginginig ang mga kamay niya habang binubuklat iyon. She recognized the handwriting. It was Emma’s.
Dear Harriet,
Alam kong nagkakasala ako sa iyo dahil tuluyan ko nang ilalayo sa iyo si Anna Vida. Isang taon na magmula nang ipagkatiwala mo siya sa akin. At hindi ko na kakayaning mawalay pa siya sa akin, Harriet.
Magugulat kang malamang nagpakasal ako sa isang lalaking mayaman kahit na wala akong pag-ibig sa kanya. Iyon ay dahil mahal na mahal niya ako. His kind of love was suffocating and obsessive. Pero ang mahalaga ay mahal niya ako at gagawin niya ang lahat para sa akin.
Pagkatapos ng paglapastangang ginawa sa akin ng kriminal na iyon at mahantad iyon sa publiko, sino pa sa palagay mo ang lalaking magtototoo sa akin?
He doesn’t care for the child. Ako lang ang mahalaga sa kanya. But it doesn’t matter. My love for Anna Vida was more than enough. At gagampanan ng lalaking ito ang tungkulin ng isang ama nang dahil sa akin. Tatamasahin ni Anna Vida ang buhay na hindi ko dinanas.
Dahil sa ginawa ng kriminal na iyon ay tiniyak ng mga doktor na hindi na ako magkakaanak, Harriet. Sinira ng kriminal na iyon ang pangarap kong magkaroon ng anak... ng maraming anak! Wala na akong magagawa roon. Ang mahalaga ay ang pagpuno ni Anna Vida sa kakulangan ko bilang babae.
I love her, Harriet, as if she were mine. Sa bawat araw na nagtatagal ang pagbabalik mo para bawiin siya ay lalo lamang nagpapatindi ng aking pagmamahal sa aking anak.
Yes, Harriet, she’s my daughter now. Patawarin mo sana ako. Alam kong hindi sapat ang mga salitang iyan. Pero hindi mo siya dapat iniwan. Pinangatawanan mo sanang harapin ang bunga ng pagkakamali ninyo ni Mac.
Dahil kung ako ang nasa katayuan mo, si Anna Vida ang magiging pinakamahalaga sa buhay ko. All else are secondary. Tulad ng kung paanong iginiit ko sa lalaking pakakasalan ko na ampunin at pag-aralin si Anna Vida.
Pangakong hindi ko pababayaan ang anak mo... natin.
Muli ay humihingi ako ng tawad.
Emmaline
MICHELLE was sobbing now. Napuno ng mga luha ang papel na tapos na niyang basahin ay nakatitig pa rin siya roon sa nanlalabong paningin. Kung wala ang mga kamay ni Adrian na nakahawak sa mga balikat niya ay malamang na naupos siya sa lupa.
Would she hate Emma? Hinanap niya sa puso sa mga sandaling iyon ang pagkasuklam dito. Subalit wala siyang makapa sa dibdib. Regret and sadness, yes. But hatred for Emma, no. In her own way Emma had loved her, had sent her to good school and provided for her.
And she couldn’t undo the past.
Iginiya siya ni Adrian sa upuang kawayan sa balkon at iniupo roon. Mula sa bulsa nito’y ibinigay sa kanya ang panyo. Tinanggap niya iyon at pinahiran ang mga mata. Subalit tila ayaw huminto ng mga luha sa pagdaloy, tila dam na nabuksan at tuloy-tuloy ang agos.
Sa mahabang sandali ay hinayaan siya ni Adrian na umiyak nang umiyak. Pagkatapos ay naupo ito sa tabi niya at kinabig siya sa balikat nito.
“Hush, now,” he whispered. “You’ll make yourself ill.”
“I... I have Harriet’s letters to my... to Emma when I was four years old,” she told Virgilio. “The letters... were a month apart.” Nilinga niya si Adrian na tumango.
“Na kay Virgilio ang mga sulat, Michelle. I gave it to him last night.”
Si Virgilio ay pinahiran ng panyo ang sariling mga mata at humarap sa kanya. “G-gusto kitang yakapin, Michelle. Harriet’s maybe gone but I have you now.”
Tumayo siya at lumapit sa ama at yumakap dito.
Lumabas sandali sa balkon si Adrian at tumanaw sa karagatan upang ibigay sa mag-ama ang privacy ng dalamhati at kaligayahan.
Minutes later, when emotions were calmer, ikinuwento ni Virgilio sa kanya kung paanong hindi nito nalaman ang pagdadalang-tao ni Harriet at ang sirkumstansiya kung bakit iniwan siya nito kay Emmaline.
“Dating tagarito ang ama ni Harriet, Michelle, si Lucio Palermo. Dati siyang nagtatrabaho bilang katiwala sa asyenda de Alegre subalit nagbitiw nang pakasalan ni Papa ang dating kasintahan ni Lucio Palermo na nakipagkalas sa kanya, which my father believed had started the feud between them.
“Nagkaasawa rin naman si Lucio ng isang taga-Donsol. Nang kumandidato si Papa bilang mayor sa bayang ito ay kumandidato rin siya. My father won the mayoral race...” Niyuko siya ni Virgilio subalit nanatili siyang nakikinig.
“Marahil dahil noong mga panahong iyon ay mas malimit sa Donsol si Lucio sa bahay ng napangasawa. Iyon ay sa kabila ng may bahay at lupain siya rito. At nakita iyon ng mga tao sa El Paraiso. Hindi tinanggap ni Lucio ang pagkatalo, pinagbintangan niya si Papa na ginamit ang kayamanan ng mga de Alegre upang bumili ng boto...
“Iyon ang simula ng hantarang pagpapakita ni Lucio ng galit sa aking ama. Hindi iyon nagmaliw sa paglipas ng mga taon. Nang malaman ni Lucio ang tungkol sa amin ni Harriet ay ipinaharang niya ako sa tumana at ipinabugbog sa ilang sanggano sa Donsol na binayaran niya.”
He looked at her, gauging her expressions. Pero hindi siya nakikinig para humatol. “Doon lamang nagsimulang magalit si Papa. Hindi ko ipinagtatanggol ang ama ko, Michelle, laban sa lolo mo rin naman. Kung hindi dahil sa ginawang pananakit sa akin na ikinatigil ko sa ospital nang dalawang linggo ay hindi magagalit si Papa at tanggihan na rin ang relasyon namin ni Harriet...
“Patago ang pagtatagpo namin ni Harriet nang mga panahong iyon. Hindi gusto ni Harriet na suwayin ang ama niya na noon ay natuklasan nang may sakit sa puso at inatake nang minsan. Maliban pa roon, labas-masok na sa ospital sa Donsol ang inay ni Harriet. Naniniwala akong hindi gusto ni Papa na malagay sa mga balikat niya ang kamatayan ng alinman sa mga magulang ni Harriet kung magkakatuluyan kami...”
“Napasaakin na ang mama mo, Virgilio. And I have never loved any woman as I have loved your mother. Believe me, hijo. Your mother didn’t love me at first. Inaamin kong ginamit ko ang pera ko sa pagsuyo sa kanya at sinamantala ko ang pagkakagalit nila ni Lucio. I regretted that,” Fred de Alegre paused.
“But I didn’t regret loving and marrying your mother. Naging mabuti siyang asawa at totoong natutuhan niya akong mahalin. Higit sa naging pagmamahal niya kay Lucio na noong magkasintahan sila ay totoong may karahasan na. Kaya tama na ang alitang ito...”
“Bakit kailangang kami ni Harriet ang magdusa sa mga nangyari sa inyo ng ama niya, Papa?”
“I am sure you wouldn’t want Lucio’s death on your conscience, too, hijo. Anyway, there’s Odette. She’s in love with you. Tama si Celestina, siya ang pakasalan mo at natitiyak kong matitigil na si Lucio sa mga ginagawa niya. At kung tatanggi ka ay mapipilitan akong alisan ka ng mana!”
“Kinatakutan mong mawalan ka ng mana?” There was no accusation in her voice. Isang simpleng tanong lang iyon.
Umiling si Virgilio. “Wala akong pakialam sa pananakot ni Papa, Michelle. Natitiyak kong dahil lang iyon sa sulsol ni Mama Celestina. She wanted me to marry Odette. Nabanggit ni Adrian na nakilala mo na si Odette, ang mama ni Norien.”
Tumango siya pero hindi nagbigay ng komento. Nagpatuloy si Virgilio. “Hindi pumayag si Harriet na iwan ko ang pamilya ko dahil hindi rin naman niya magawang iwan ang mga magulang na parehong may sakit. Alam naming pareho na sa sandaling sumama siya sa akin ay mangangahulugan iyon ng kamatayan ng ama niya dahil sa sakit nito...
“Sinunod ko si Papa at nagtungo sa Amerika. A week later, ipinadala si Harriet ng ama niya sa Maynila upang doon mag-aral. Hindi ko iyon nalaman. Ang mga sulat ko’y hinaharang na rin sa munisipyo at hindi na nakarating pa kay Harriet...” Pinuno nito ng hangin ang dibdib bago nagpatuloy.
“Naitago ni Harriet sa lahat ang pagdadalang-tao dahil hindi naman lumuluwas ng Maynila ang mga magulang niya. Malimit ka na niyang iwan kay Emma at sa isang upahang batang nag-aalaga sa iyo kung umuuwi siya sa Donsol. Subalit nang magkasakit at maratay ang inay niya ay hindi agad nakabalik ng Maynila si Harriet...”
Michelle saw the bitterness in Virgilio’s eyes. At natitiyak niyang inisip nitong sana’y si Lucio ang naunang namatay kaysa sa asawa nito.
His smile was without humor. “Patawarin ako ng Diyos, Michelle, pero totoong naisip kong sana’y si Lucio ang unang namatay at hindi ang asawa niya. I am human, can’t help to think of myself and Harriet’s. Nanatili ako sa Amerika nang matagal na panahon dahil hindi ko maipangangako kay Harriet kung ano ang gagawin ko kung narito ako. But life is ironic. Tumagal pa ang buhay ni Lucio.
“Your grandfather Lucio died more than five years ago. Hindi ko hinintay na matuyo man lang ang mga buto niya sa pinaglibingan niya. I married Harriet in a civil rights two months later. At pareho kaming walang pakialam sa sasabihin ng mga tao. We’ve waited a lifetime to prepare for a grand wedding. She never wanted that, too.”
“Ang... ang papa ninyo, tumanggi ba siya?” she asked softly. Marami na siyang narinig mula kay Adrian tungkol kay Fred de Alegre.
Umiling si Virgilio. “Bagaman hindi siya sumang-ayon ay hindi rin naman siya tumanggi. Siguro’y nakita ni Papa na tatanda ako subalit si Harriet lang ang mamahalin ko. He died almost two years ago. You would have loved him, Michelle. Your grandfather Fred...”
Muling nag-init ang sulok ng mga mata niya pero hindi niya hinayaang bumagsak ang mga iyon. Tumango siya. “I know I would,” she said hoarsely. “How did Harriet disappear?”
The pain and anguish in his father’s eyes were more than Michelle could bear. She wanted to cry for him. For his pain. For the love that had waited a lifetime only to be taken away from him.
“God, I have no idea!” he said, tears in his voice. “It was our fifth anniversary. We didn’t celebrate anniversaries before that because Harriet said she cannot afford to be that happy. Na wala kaming karapatang lubusang magsaya dahil wala ka sa piling namin.”
Oh, God! Fresh tears filled her eyes.
Lumapit sa kanya si Virgilio at naupo sa tabi niya at ikinulong ang kamay niya sa mga palad nito. “Ang sabi ng mga katulong ay umalis si Harriet sakay ng kabayo. Nakita namin ang kabayong nakatali sa puno sa di-kalayuan sa tulay patungong Donsol. We believed she left El Paraiso. Naisip kong nagtungo siya sa Maynila upang muli ay kausapin ang mga imbestigador na naghahanap kay Emmaline... at sa iyo. She never came back.”
“No!” Biglang napatayo si Michelle. “Harriet never left El Paraiso. She is here!”
THE CONVICTION in her voice made Adrian turn and walk toward her. Si Virgilio man ay napatayo rin at manghang nakatitig sa kanya.
“Michelle?” Adrian said behind her.
Ikinulong niya sandali ang mukha sa mga palad. “I-I am sorry. You may both think of me crazy. But I believe it was Harriet’s voice calling me in my dreams. Mula nang dumating ako rito’y sunod-sunod ang mga panaginip ko ng isang babaeng tumatawag. Humihingi ng tulong!”
“Sshh.” Hinaplos-haplos ni Adrian ang likod niya. “Lagi mong naiisip si Harriet kaya kahit sa panaginip ay tangay mo iyon.”
“W-what are you saying, Michelle?”
Umiling siya. Hindi siya nakatitiyak na paniniwalaan siya nito. Gamit ang panyo ni Adrian ay pinahiran niya ang mga luha. Ngayon lang sila nagkakilalang mag-ama at hindi niya gustong isipin nitong may diperensiya ang pag-iisip niya dahil pati panaginip ay binibigyan niya ng kahulugan.
She heaved a sigh and shook her head. “N-nothing really. Tama si Adrian. Labis kong pinanabikan ang pagkikita namin ni Harriet kaya kahit sa panaginip ay naiisip ko siya. She must be the one in my dreams.”
“On the brighter side,” Adrian said, smiling to lighten the atmosphere. “Now that the two of you have met, hinihingi ko sa iyo ang kamay ng anak mo, Virgilio. Ibigay mo man o hindi ay magpapakasal pa rin kami.”
“Adrian, ano ba?” Siniko niya ito sa sikmura.
He chuckled. “Don’t worry, Mitch, wala tayong aalalahaning amang may sakit sa puso. Imagined or otherwise. Maliban sa pamimighati niya sa mama mo, your father’s healthy as a bull.”
“Mamanhikan ka nang tama, Adrian,” ani Virgilio, but there’s something in his eyes Michelle could not fathom and was just trying to hide it. “Iuuwi ko si Michelle sa bahay at doon mo sabihin ang honorable mong intensiyon sa harap na rin ng lola niya. I am sure Celestina would be too glad to know that I have found my long-lost daughter.”
“Naipangako ko kay Catherine na sa amin uuwi si Michelle, Virgilio. I am sorry about that. Naipaalam ko na sa iyo ang honorable kong intensiyon. We will be married three days fom now, sa munisipyo.”
“Hey, boys!” Michelle snapped. Hindi matiyak kung matatawa o magagalit. “Baka gusto naman ninyong pagpasyahin ako sa bagay na iyan? Ako ang may katawan, hindi ba?”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki, and both laughed to Michelle’s irritation. Damn these overbearing men!
“I will stay here tonight,” she said firmly, pinaglipat-lipat ang mga mata sa dalawang lalaki. “May kailangan akong ayusin at tatapusin. Then next day, kung plano mong iyon na ang araw ng pagpapakasal natin, then so it will be. Until then, dito muna ako sa cottage.”
“Pero, hija,” protesta ni Virgilio. “Hindi ba dapat na nasa bahay ka sa asyenda?”
She smiled at her father lovingly. “Pagkatapos ng kasal ay parati akong naroroon, Pa... Papa, pangako iyan. Now, why don’t you invite us both to lunch?”
Virgilio grinned. “Definitely. Bago ako umalis ng bahay ay inaasahan ko na ito, Michelle. Nagpahanda ako.”
Inilahad ni Adrian ang kamay at itinuro ang Hi-Lux, kasabay ng curtsy. “Naghihintay ang limo, my princess.”
Marahan siyang natawa, sandaling nabawasan ang bigat ng dibdib. “No, Adrian, I will bring my own car para hindi mo na ako ihatid pagkatapos ng tanghalian.”
“But that’s ridiculous, Michelle. Bakit hindi kita ihahatid? Gusto kitang ihatid!”
Ikinapit niya ang mga braso sa braso nito. Then she smiled at him. “I know,” she mouthed, no sound. “Pero may aayusin akong mahalagang bagay sa Donsol pagkagaling sa bahay-asyenda. Please...”
“I don’t like this...” wika ni Adrian, pero sa nakitang determinasyon sa mukha niya ay napilitan na ring sumang-ayon. Si Virgilio man ay nagulat nang magsarili ng sasakyan si Michelle at sumunod sa kanila.
She was driving smoothly. Umaapaw sa kaligayahan ang puso niya. Kaligayahang nababantuan ng isang bagay na gumugulo sa puso at isip niya. Her mother. And then there was Adrian’s love. But that could wait. Nasa kanya ang lahat ng panahon sa sandaling makasal sila. At ayon dito ay tatlong araw mula ngayon ang kasal nila.
Perhaps she could make him love her. She felt he already did.